Third Person's POV
Mabilis na kumilos si Cypher para hanapin ang kaniyang pakay. Hindi man niya maintindihan ang nangyayari sa kaniyang paligid ay ipinagsawalang bahala na lamang niya iyon. Ang mga mafia na nagtatangkang humarang sa kaniya ay walang pagda-dalawang-isip niyang pinapatamaan sa noo, walang mintis at walang labis.
When she suddenly found a door, she immediately fired the mafia that tried to open it. Mabilis niyang nahawakan ang braso ng isang mafia nang tangkain nito na siya ay barilin, she immediately twisted the mafia’s arm tand kicked the gun that the mafia was holding. Tumalsik ang baril sa kung saan at bago pa makawala ang mafia sa pagkakapilipit ay binaril niya ito kaagad sa likod ng dalawang beses.
Diretso niyang tinahak ang daan papunta sa nasabing pintuan at binuksan ito. Mabilis niyang nasipa pataas ang isang baril na hawak ng isa pang mafia, tinadyakan niya ito sa sikmura dahilan ng pag-atras nito. She was about to fire the mafia, but her gun does not have enough bullets. Napansin niya ang bahagyang pagngisi ng lalaki. Itinapon ng dalaga ang baril bago pa siya sugurin nito. Yumuko siya nang tangkain siya nitong suntukin sa mukha, she grabbed that opportunity to grabb the mafia's arm before she easily broke it. Isang malakas na sigaw ang pumailanlang sa buong silid.
Hindi pa nakuntento ang dalaga dahil matapos niyang baliin ang braso nito ay tinuhod naman niya ang dibdib nito dahilan nang pagsuka nito ng dugo. Yumuko siya at gumapang nang biglang may nagpaputok sa kaniyang direksyon, nang nakakita siya ng baril sa sahig ay maagap niya iyong kinuha at pinaputukan ang taong nagtangkang bumaril sa kaniya. She turned at her right side as her eyes widened when she noticed a man that’s wearing a black mask who’s trying to get the suitcase. Mabilis siyang tumayo at nagmadaling tumakbo sa direksyon na iyon.
“What the hell!” sigaw ng lalaki nang bigla niya itong itinulak palayo sa suitcase. She didn’t bother to look at the man at kukuhanin na niya sana ang suitcase nang magsabay ang kamay nila sa pagdampot dito. “f**k! This is mine!” sigaw ng lalaki sa kaniya.
“Dream on, this is mine,” wika niya sa lalaki bago niya ito hinarap.
Nanlaki bigla ang mata ng lalaki pagkakita sa kaniya. It was like the man didn’t expect to see her in this kind of place. Kinuhang pagkakataon iyon ni Cypher para hablutin ang suitcase mula rito. Dahil sa gulat ng lalaki ay hindi nito namalayan na mabilis nang nakaalis ang dalaga.
“Damn.”
Tumakbo ang dalaga palabas ng silid. Medyo naaninag niya na rin ang paligid dahil sa medyo nabawasan na ang usok na nakapaloob dito. Kinapa ni Cypher ang bulsa ng kaniyang pantalon bago kinuha ang kaniyang cellphone. She dialed someone’s number at nakailang ring lang ay sinagot na ito ng kabilang linya.
“I already got—”
“Cypher, umalis ka na riyan! May mga pulis na paparating. Avery and the others are here. Bumaba ka na riyan, bilisan mo!”
“What—” Bago pa siya makapagtanong sa kausap niya sa kabilang linya ay kaagad na itong namatay. Napamura na lang ang dalaga sa kaniyang sarili.
She immediatelty ran to the elevator, ngunit napahinto siya nang nalamang may nakasakay roon. Nagmadali siyang tumakbo sa may hagdanan at mabilis na tumakbo pababa habang bitbit niya ang suitcase. When she reached the 6th floor, ay halos mapaurong siya nang nakita ang maraming pulis na papa-akyat din ng hagdanan. Tumakbo ang dalaga paalis doon.
She tried to open some doors to hide, pero wala siyang mabuksan dahil may mga password ang mga ito.
Cypher’s POV
This is... hell. Crap! I tried to put some passwords in some of the doors but it didn’t open. f**k! Now where am I going to hide?
Bahagya akong nataranta nang narinig ko ang mabibilis na yabag ng sapatos ng mga papaakyat na pulis. Nagpalinga-linga ako sa paligid hanggang sa may natanaw ako na isa pang pintuan sa may bandang dulo. I was about to run to go there when someone suddenly grabbed my wrist at ipinasok ako sa isang madilim na silid.
Inalis ko ang suot kong surgical mask dahil pakiramdam ko ay sobrang sikip ng kinalalagyan ko. I was about to kick the person who grabbed me when I felt his forefinger touched my lips telling me to shut up.
“Shh.” Hindi ako nakagalaw sa puwesto ko nang narinig ko ang iilang mga boses sa labas.
Halos itulak ko na ang taong nasa harapan ko dahil sa sobrang lapit niya sa akin. From the small lights came from the small window in our right side, I can freely sees his black mask. Napamura na lang ako sa aking isip nang naalala kong siya ang lalaki kanina na kaagaw ko sa pagkuha ng suitcase. Damn! Why is that his presence is very familiar?
We stayed in that position for about ten minutes, until the noise were gone. Mabilis ko siyang tinuhod sa sikmura nang hindi pa siya gumagalaw sa kaniyang puwesto.
“s**t! Is that how you say thank you?” iritang tanong niya sa akin habang hawak-hawak niya ang kaniyang tiyan.
“Last time I checked, you wanted this suitcase.”
Kumunot ang noo ko nang isang mapang-asar na ngisi ang gumuhit sa kaniyang labi.
“Yeah, and you should give it to me right now.”
I smirked at him. “Dream on,” wika ko sa kaniya bago ako nagbalak na buksan ang pintuan.
“Don’t you remember anything?”
Bumalik ang tingin ko sa kaniya at tinaasan ko siya kilay. “About what?”
Napatawa siya nang pagak matapos kong magtanong. Tsk. Psycho.
“Let me tell you this, this isn’t our first encounter together.”
Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. What does he mean? That we’ve already met before? How could I know if I’ve seen him before when he’s wearing a mask? Sinubukan kong tantyahin ang hitsura niya, ngunit sa tingin pa lang niya ay alam kong hindi siya nagbibiro.
“By the way, you really smell nice.” And with that he left.
Wait, this like a dèja vu.
Nakalabas ako nang matiwasay sa building at mabilis na nakapunta sa sasakyan nina Amethyst. She gave me a thumbs up when they finally noticed the suitcase that I’m holding. Napansin kong mga nag-aabang din sa labas sina Avery, Winz, Deltran at Demetry.
“Ano’ng nangyari at mukhang natagalan ka?” Winz asked.
“Just bumped with some strangers,” nasabi ko na lang sa kanila. Natawa naman sila nang bahagya dahil doon.
“Good job, Cy. Wala ka talagang kupas,” wika ni Amethyst na ikinaikot ng dalawa kong mata.
Tumahimik ang aming paligid matapos niyon. Dahil sa mukhang wala silang balak na magsalita ay ako na ang bumasag ng isang minutong katahimikan, “So what’s your plan with the suitcase?”
Nakuha ko ang atensyon nilang lahat. Amethyst took a deep sigh before she answered my question, “Si Head Master na ang bahala rito.” Napatango ako sa kaniya.
Matapos niyon ay nagpaalam na ako sa kanila na kailangan ko nang bumalik sa sasakyan kung saan iniwan kong tulog si Seike. Medyo mga limang minuto pa ang nilakad ko papunta roon dahil sa malayo ko ipinarada ang sasakyan.
The noise of the place started to get blur when I finally reached the car. Napailing-iling na lang ako pagkapasok ko sa driver seat dahil sa ganoon pa rin ang ayos ng higa ni Seike simula nang iwanan ko siya rito kanina. Bahagya siyang nakadapa habang nakabaling ang ulo sa kasalungat kong direksyon. Ginawa niya pang unan ang dalawa niyang braso. Tsk.
The whole car filled with silence when I started to drive. That time I remembered what just happened earlier. Hindi ko naiwasang mapaisip tungkol sa nangyari kanina. It’s too weird. I wonder who’s that woman in red, at kung bakit niya ako tinulungan kanina sa mga mafia.
She’s not a mafia, I’m pretty sure she's an assassin. Hindi ko alam kung ano’ng pakay niya sa lugar na iyon, maybe the suitcase... but why did she helped me? O baka naman plano lang talaga niyang paslangin ang mga mafia kaya naisip ko na tinulungan niya ako? But it doesn’t make sense.
She attacked me in the first place, pero matapos niyon ay parang laro na lang sa kaniya ang mga sumunod na nangyari.
“As expected from you.” I remembered the last words that she said to me. She expected that move from me, she expected me to dodge her attack...does it mean she knows me?
That man in black mask, though I don’t know him. Pero pamilyar sa akin nang kaunti ang presensya niya. The scenario...when he pulled me on a dark place...it was like a dèja vu...and that, "You really smell nice."
Parang may nagliwanag na bombilya na umilaw sa aking ulunan nang may naalala akong bigla.
“Let me tell you this, this isn't our first encounter together.”
Posible kayang siya ang lalaking 'yon? I am not sure if that’s really him, dahil noong una akong hinigit ng lalaking iyon patago sa isang masikip na eskinita ay kalahati lang ng mukha niya ang nakita ko. That time, he’s been chasing by some men in black, and he’s wearing a mask when I saw him earlier, so I can’t conclude if that’s him.
“Urgh! Masakit ang ulo ko.” Napatigil ako sa pag-iisip nang napansin ko si Seike na bumangon mula sa may likuran. Sapo niya ang kaniyang noo habang nakatukod ang siko niya sa kaniyang tuhod.
“Glad you’re awake.” Pinarada ko ang sasakyan sa parking lot pagkarating namin. I opened the driver seat bago ako nagtungo sa pintuan ng backseat kung nasaan si Seike. “Come on. Get up,” wika ko sa kaniya.
Napatingin siya sa akin at bahagya kaming nagkatinginan. Mapupungay ang mga mata niya at mahahalata na galing siya sa pagtulog. Napasimangot siya sakin na ikinakunot ng aking noo.
“Help me,” tila bata na saad niya sa akin. I can’t help but to rolled my eyes. Hell! I really want to punch this man. He’s giving me a headache.
“Kaya mo na iyan. Bumaba ka na kasi,” utos ko sa kaniya, pero tiningnan niya lang ako bago siya sumandal sa headboard ng upuan.
“No.” Napahugot ako nang malalim na hininga. Damn! This man. Wala na akong nagawa kun’di ang higitin ang braso niya palabas ng sasakyan, dahil doon ay bigla siyang nauntog sa bubong. “f**k! Easy okay?”
Hindi ko na lang pinansin ang pagrereklamo niya. Tsk. Iyan kasi ang napapala ng mga matatangkad.
Inalalayan ko siya hanggang sa nakarating kami sa kaniyang unit. Kung puwede sanang ibalibag siya dahil halos pasan ko na siya. Damn! He’s so heavy. I swear, hindi na ako sasama sa kaniya sa pagpunta sa bar. Bahala siya sa buhay niya na malasing.
Matapos ko siyang maihatid ay umalis na rin kaagad ako. Napatingin ako sa aking wrist watch at halos ala una na pala ng madaling araw. Napahawak ako sa aking tiyan nang marinig ko na tumunog ito.
Okay.
I’m hungry.
Again.