The Hidden Flaws

1361 Words
Prologue  Pinaghalo-halong kaba, lungkot at saya ang nararamdaman ko ngayon. Kaba dahil pinagmamadali ako ni Marta dahil mahuhuli na kami sa klase. Napamura ako sa isip nang tingnan ang relo bago kong relo na bigay sa'kin ni Papa noong birthday ko. Miss ko na ang taong iyon. Gusto ko mang umuwi ng probinsya ay 'di ko magawa. Andito kasi ang scholarship ko sa syudad. "Anna! Ano na? Malelate na tayo!" ani Marta, friend, classmate and may-ari ng bahay na inuupahan ko. "Wait! Sapatos na lang!" Napabuntong hininga ako saka tiningnan ulit ang relo. Ilang weeks na lang, sembreak na namin. Makakauwi na rin ako. Konting tiis na lang talaga, Anna at makikita mo rin ulit ang pamilya mo. Naalala ko noon na gustong-gusto kong mag-isa. Sabi ko pa noong bata ako na hihiwalay ako kina Papa at Mama kapag college na ako dahil gusto kong maging independent. At ngayon, mag-isa na pero na-mi-miss ko naman ang pamilya ko. Napailing na lang ako sa naisip saka naglagay ng lip balm bago umalis. "Leche naman, Anna! Three minutes na, oh!" sigaw nanaman ni Marta sa labas ng kwarto ko. "Oo eto na! Mauna ka na kasi sa labas. Ilabas mo na 'yung motor!" sigaw ko pabalik para magkarinigan kami. Hindi na siya umimik kaya alam kong ginawa niya na yung sinabi ko. "Bwisit. Ang tagal. Pagnalate talaga tayo, ililibre mo akong lunch." She said with a little bit of excitement. Napangiwi naman ako. "Kapag hindi tayo late, ako ang ililibre mo. Sakto, 'yung budget ko pang-isang meal na lang. I'll drive." Suggest ko saka nag-wink. "Deal." Tumawa lang siya saka nagsuot ng helmet. Sumakay kaming dalawa sa motor. Angkas ko na siya kaya pinaharurot ko na agad ang motor pagkasuot ko ng helmet. I have a license. Twenty years old na rin naman ako kaya pwedeng-pwede na mag-drive. Natuto akong mag-motor noong high school dahil tinuruan ni Papa. Ngayon, I'm already a third year college student of Bachelor of Science in Information Technology in Saint Joseph School. "Five minutes and I'll win!" sigaw ni Marta sa likod ko. Mas lalo ko pang pinaharurot ng mabilis ang motor. Malapit lang naman ang school namin, but it's better if I drive since meron namang motor. Hindi sa'kin 'to pero pinapahiram sa'kin palagi ni Marta. Kahit maingay siya sa bahay, mabait at mayaman siyang kaibigan. Nanlaki ang mata ko nang may pasalubong sa'ming kotse. Nakakasilaw pa ang napakalakas na headlight nito. Hindi naman gabi pero kung makapailaw, wagas? Napamura na lang ako sa utak ko dahil alam kong babangga kami. Am I gonna die? Mamamatay na siguro ako. "Anna!" rinig kong sigaw ni Marta bago siya tumalon mula sa likod ko. Habang ako naman, tulayan nang bumangga sa itim na kotse. Hindi ako makagaw. Lumalabo ang paningin ko. Ang alam ko lang, sobrang sakit ng katawan ko. Tapos... ang labi ko! Narinig ko nang mayroong mga taong nag-ingay. Napasubsob ang braso ko sa kalsada, pero hindi naman tumama ang ulo ko ng malakas. Ramdam ko rin ang pagsakit ng labi ko at may nalasahang parang kalawang. Gusto kong mapamura nang ma-realize na may dugo ako sa labi. "May nabangga!" "Tumawag na kayo ng ambulansya!" Naramdaman kong mayroong lumapit sa'kin. Pinahinga ko muna ang mata ko at hinintay na lang ang tutulong. "Miss! Miss! Gising! s**t! Miss!" may lalaking umangat ng kaunti sa balikat ko. This man is trash. Hindi niya ba alam na masakit na masakit na ang katawan ko tapos aalugin niya pa ang balikat ko? Can't he wait for an ambulance? Hindi ba dapat hindi niya ako ginagalaw? What if I have a spinal injury? E 'di forever na akong hindi nakalad? This guy! "Ah-" 'yan lang ang nasabi ko. Daing. "Thank God, you're alive. Call 911, for pete's sake, Rene!" Sigaw niya pa. I couldn't open my eyes. Anong nangyari kay Marta? Hinang-hina na ang katawan ko kaya I decided to rest my mind hanggang sa mawalan na ako ng malay. Pakagising ko, nasa puting kwarto na ako. Sinuyod ko ang tingin ko pero hindi ko pa ganoong magalaw ang leeg ko. "Jusko po, gising ka na!" nanlaki lalo ang mata ko nang marinig ko ang boses ni Papa. "P-Pa!" nanginig pa ang boses ko dahil tuyong-tuyo ito. Ilang oras na ba ako tulog? Tinawag niya lang ang nurse na mayroon nang kasamang doctor. May tinurok lang sa'kin ang doctor at may tinanong na kung anu-ano saka sinabing magpahinga muna ako. Sino ba kasing nagsabi na bilisan ko ang maneho ko? Pero bakit kasi ang bilis rin magpatakbo ang lalaking 'yon? Saka bukas ang headlight ng kotse niya. Hindi ba siya informed na umaga ngayon? "Anong masakit sa'yo?" tanong ni Papa. "Ba't ka nandito, Pa? Sinong bantay sa mga bata?" "Ano bang nangyari? Bakit ganito? Buti hindi ka natuluyan! Sabi naman kasi sa'yo na 'wag mabilis ang patakbo. Kwinento na sa'kin ni Marta ang pangyayari. Kahit sana malelate na kayo ay wag pa ring ganon ang patakbo. Hindi talaga kita maintindihang bata ka! Kapag ganyan pa ang ginawa mo next time, mapipilitan akong sumama dito sa Manila kasama ang mga kapatid mo." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Papa. Napapikit ako nang mariin nang maramdaman ang sakit ng labi ko. Hindi pwedeng sumama rito ang mga bata, lalong lalo na si Mama. "Pero si Mama po?" "Ililipat rin natin!" banayad niyang sigaw, nanlalaki pa ang mga mata. "Wala tayong pera, Papa..." sagot ko. "Gagawa ako ng paraan!" Bumuntong hininga ako saka marahang umiling. Hindi pwedeng ilipat si Mama rito sa Manila. Wala naman kaming sapat na pera. "Pa, hindi ko naman na uulitin. Sorry na po. Saka po, hindi lang naman po ako 'yung may kasalanan. Sinalubong po kami ng kotse. Kung hindi naman po, hindi naman kami babangga." Paliwanag ko kay Papa. Nakita ko ang pagdilim ng paningin niya. "Alam mo ba kung sinong nakabangga sa'yo, anak?" "Hindi po." "Nakausap ko siya kanina. Sinuntok ko pa nga dahil sa sobrang galit ko. Pero alam mo ba kung sino talaga siya?" "Hindi nga po." Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil halos maiyak na si Papa. Ang sakit talaga ng labi ko. Lechugas. "Anak siya ng boss ko. 'Yong kinwento ko sa'yong mabait kong boss. Pero, kahit mawalan pa ako ng trabaho, tarantado pa rin ang anak niya." Napanganga ako ng kaunti dahil sa nalaman. "Anong sabi ng nakabangga sa'kin, Pa?" "Siya raw ang babayad ng hospital fees ninyo ni Marta." Nakahing ako ng maluwag. Buti naman. "Nakausap ko rin ang Mama ni Marta. Gusto niya na kayong paghiwalaying dalawa. Wala naman akong magagawa kung iyon ang gusto ng nanay niya, anak. Mabuti kung maghiwalay na kayo, hindi mangyayari ang ganitong insedente. Hindi naman ito ang unang beses na nadisgrasya kayong dalawa dahil sa kapasawayan ninyo." Napapikit na lang ako sa sinabi ni Papa. Inisip ko agad ang mga adjustments ko kapag naghiwalay kami ni Marta. Pano na ang libreng breakfast ko araw-araw? Pano na ang libreng kuryente ang tubig ko? Saan ako makakakuha ng roommate na siya ang may-ari ng bahay at one-fourth lang ang pinapabayad sa'kin? Saan ako makakakuha ng roommate na palaging nagpapahiram sa'kin ng motor? Ng mga damit? Ng laptop? Hard drive? Siya pa pati ng internet connection. Kung mayroong sugar daddy, ako si Marta ang sugar mommy ko. "Asan si Marta ngayon, Pa?" "Nasa bahay nila. Hindi naman ganon kadami ang tama niya dahil tumalon siya sa motor diba? Kanina pa dumalaw iyon dito. Pero sa bahay na lang daw siya magpapagaling. Sinabi rin niya na pipilitin niya raw ang nanay niya na wag kayong paghiwalayin. Ipagdasal na lang natin." Nalulungkot talaga ako. Una, hindi ako nakapasok dahil sa nangyari. Pangalawa, maghihiwalay na kami ni Marta. Panghuli ay ang sakit ng katawan at labi ko. "Ama namin, sumasalangit Ka—" biro ko kay Papa. "Anong ginagawa mo, Anna?" tanong ni Papa, nakatingin sa'kin nang seryoso. "Nagdarasal. Kailangan ko to, Papa!" Naiinis akong pinitik ni Papa sa noo ko kahit na may sakit pa ako. "Kahit kailan talaga ay puro ka kalokohan!"  Ngumuso naman ako at bumuntong hininga na lang, iniisip pa rin ang lalaking nakasagasa sa'kin kanina. I twisted my lips, but groaned because of the pain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD