Chapter 1
Girlfriend
"What can I offer, then? Anything. Say as you please."
He's so annoying! Pupunta rito sa room ko at guguluhin lang ako. Pasalamat siya, anak siya ng boss ni Papa dahil kung hindi, kanina ko pa siya pinaalis dito! But, of course joke lang. Hindi ko kaya.
"Hindi mo ba naiintindihan? Masakit po ng buong katawan ko. Sa tingin mo po ba, hindi kita kakasuhan? Paano kung mangyari din 'to sa ibang tao dahil sa'yo? Kuya—"
"I'm sorry... I'm Jonas."
"Jonas, mabuti pa, umalis ka na lang. Hindi na mababago ang desisyon ko."
Pumungay ang mata niya. Oo, pogi ka pero kakasuhan pa rin kita. Nakita kong pumula ang gilid ng mga mata niya.
Nagpapaawa ba siya?
Alam ko namang kasalanan ko rin ang nangyari. Saka ano nga ba ang ikakaso ko sa kaniya? Gagastos pa ako ng abogado. Ugh! Wala akong alam sa mga ganyan!
"I know that it was my fault. I apologize." He said sincerely.
"Bigyan mo nga ako ng rason para pagbigyan kita?"
Nakita kong napabuntong hininga siya.
"Last night, nahuli ko ang tatay ko... paalis siya ng bahay. Dahil nga palaging umiiyak ang nanay ko dahil naghihinalang may ibang babae siya ay sinundan ko siya at ayun, narinig kong may kausap sa phone. He even talked about the love of his life." Nang sinabi niya iyon ay nandiri siya agad.
"Palaging umiiyak si Mommy sa'kin pero hindi niya nasasabi sa tatay ko. Ganoon siya nakadepende kay Daddy because he has money and power. I want to end Mom's pain... at hindi ko magagawa iyon kung kakasuhan mo ako, because Daddy can surely take everything from me just with that, so please, kahit ano, ibibigay ko sa'yo. Just don't sue me. Please." I looked at him.
Naaawa agad ako sa kaniya. Hindi ba siya nag-jo-joke lang para hindi ko ituloy ang pag-kaso sa kaniya? Hindi ko man nga alam kung anong gagawin ko o kung may kasalanan ako sa mata ng batas.
Bumuntong hininga ako.
Pumasok sa'kin lahat ng sinabi ni Papa. Wala na akong mauuwian dahil hindi na ako papayagan ni Tita Miah, ang Mama ni Marta, na tumira kasama ang anak niya. Kailangan ko ng libreng matitirahan. Nanliit ang mata ko. I know this is wrong. Pero, okay, go na 'to. Ayoko nang pahirapan si Papa.
"Do you have a house or dorm or whatever near in Saint Joseph?" tanong ko.
Agad na lumiwanag ang mukha niya.
"Yes, I have a condo unit near at school. 'Dun ka rin pumapasok? I am, too!" he chuckled. "So you need a condo unit? You can take mine."
"Pansamantala lang 'to. Hindi ko ugaling magtake advantage sa tao. Isang sem na lang, matatapos na din naman ako ng third year. At dahil mabait akong tao, hindi na kita kakasuhan." Sabi ko sa kaniya.
Hindi siya agad nagsalita kaya napatingin ulit ako sa kaniya. He looked grateful. Ngumiti pa siya sa'kin.
"I won't take anything from the unit. Just my clothes. I'll provide you anything you need, too. And if you want something, just call me. Give me your phone." Nanlaki ang mata ko sa mga sinabi niya.
Is this for real?
"I won't take too much. Okay na ang condo unit. I mean, that's more than enough."
Nakakahiya ka, Anna!
"Your life isn't worth just a condo unit and my provision. Just take it as my sorry. Kung iniisip mo rin na maghihirap ako, no. It's nothing. Now give me your phone."
"No."
"Okay. Here's my calling card." Inabot niya nga sa'kin.
Mayaman ba talaga siya kaya ayos lang sa kaniya na doon ako tumira sa condo niya?
Iniisip ko pa lang ay sobrang nahihiya na ako! Pero kailangan ko... so... sorry.
Ibigsabihin, mayaman ang pinagtatrabahuhan ni Papa? Kaya pala nakakaya niyangbayaran ang hospital fee ni Mama kahit na mag-iisang taon na siya sa hospital.
Ayaw ni Papa na tanggalan ng buhay si Mama kahit na sabi ng mga doctor ay malayo nang mabuhay si Mama. Comatose siya dahil sa car accident. Kaso 'yung sa kaniya, hit and run. Hindi pa alam kung sino ang nakabangga. Sinarado na rin ang kaso dahil matagal na ito. Wala rin kaming ganoon kalaking pera para buksan ulit ang kaso at hanapin kung sino ang nakabangga kay Mama.
Umalis na si Jonas. Kaya ganon na lang ang inis ni Papa sa'kin kanina lalo na sa nakabangga sa'kin dahil ayaw niyang mangyari sa'min ang nangyari kay Mama.
"Nagdala ako ng makakain mo, anak. Tungkol pala doon sa nakabangga sa'yo, kakausapin ka ng mga pulis mamaya, ha?"
"Pa, 'wag na po."
"Ha? Anong 'wag?" naguguluhang na tanong ni Papa sa'kin.
"Hindi ko na po itutuloy. Kasalanan ko 'din naman. Kung itutuloy ko, baka pareho lang kaming makulong. Pa, gusto ko pang mag-aral."
Napalunok ako.
Si Papa naman ang napahilamos ng mukha.
Hindi siya umimik at nilagay ang pagkain sa plato. Hinanda niya na rin ang iba pang pagkain at nilagay sa table.
"Kumain ka. Lalabas lang ako saglit para bumili ng mga gamot mo. Mag-isip ka ulit. Mamaya mo ako kausapin kapag buo na talaga ang desisyon mo. Anak, alam mo naman ang tama at mali diba? Mag-isip kang mabuti."
Halos napaluha ako sa sinabi ni Papa. Kapag tinuloy ko ang kaso, mawawalan rin siya ng trabaho dahil ama ng nakabangga sa'kin ang boss niya.
Alam kong mali talaga pero wala rin naman akong nakikitang mas magandang gawin para hindi nanaman kami bumaon sa kahirapan. I need to be more practical.
Edi magtabaho ka, Anna?
I'm considering that.
"Sigurado ba kayong walang CCTV sa street na 'yon? May overpass diba? Bakit wala?" si Papa na ngayon ay kausap ang mga pulis.
"Sir, sinigurado na po namin. Wala po talagang CCTV dahil sa bagyo nitong nakaraang araw lang. Kasisira lang po at hindi agad napalitan." Sabi naman ng pulis.
Kumawala ang hininga sa bibig ko. Buti naman. Pagkakataon nga naman, nakalinya pa sa nangyari sa'kin.
"Ah ganon po ba?"
"Kakausapin ko po muna ang anak niyo."
Tumango na lamang si Papa sa sinabi ng Pulis. Ako ay umupo na lang sa higaan.
"Pwede mo ba sa'king ikwento ang nangyari? Gusto ng Papa mo na kasuhan mo ang lalaking nakabannga sayo."
"Upo ho muna kayo, Sir." Sabi ko naman muna kaya ginawa niya 'yon.
"Ah, salamat."
"Wala po akong matandaan. Basta papunta po kami ng kaibigan ko sa school. Wala naman pong may kasalanan. Hindi ko po itutuloy ang kaso ko. P-Pwede po muna ba akong magpahinga?" hinawakan ko ang sintido ko para maniwala siyang masakit talaga ang ulo ko.
"Sure. Pahinga ka muna." Sabi ng pulis.
Napapikit ako ng mata at humiga na lang sa kama. Bahala na. Nasimulan ko naman na kaya tatapusin ko na 'to. Isang sem lang naman. Saka, kawawa naman 'yung lalaking nakabangga sa'kin.
Pumayag ako para sa sarili at pamilya ko. Pero, simula ng araw na 'to, sigurado akong magbabago ang buhay ko.
Inayos ko pa ang bandage sa gilid ng labi ko, dahil masakit na ito
Napakamot ako ng noo dahil kay Marta.
"Hindi ka na nga pinapakausap sa'kin ni Mom tapos ngayon, sasabihin mo pa na layuan na kita? Hello no, girl!" si Marta.
Ginagawa ko lang naman 'to para malayo na siya sa gulo ng buhay ko. Pumayag-payag kasi ako sa lalaking iyon—si Jonas, tapos hindi ko naman pala alam na ang gulo-gulo ng buhay ng lalaking iyon.
"Exactly! Magtext o chat na lang tayo. Hindi na tayo pwedeng makita ng iba na magkasama, Marta. Thankful ako sa lahat ng tulong mo sa'kin pero gusto mo bang magalit sa'yo si Tita Miah? We can even video call, right?" I smiled at her.
Bumuntong hininga siya saka umiling. Nasa school cafeteria kami ngayon. Hindi pa break time kaya wala masyadong tao. Early dismissal kasi kami ngayon dahil may emergency daw iyong professor namin.
"Sinong kakaibiganin ko dito? Eh, ayoko sa plastic! Wala pa akong nakikilala na kasing gaga at totoo mo. Oo nga, we can chat or text or whatsoever pero diba, it'll always be better kung mag-uusap tayo in person? Like, hello, we're classmates." Hinawi niya ang kaniyang bangs saka nagroll eyes pa.
"Marts naman. Basta, sundin na lang natin si Tita Miah. Ayoko naman na masira relationship niyong mag-ina dahil sa'kin. Mag-uusap naman tayo eh, 'di na nga lang katulad ng dati." I tried to persuade her pero parang hindi effective.
"Fine! Basta ha, you'll always be my one call away friend. I don't wanna lose you, bwiset! Ang cheesy!" pareho kaming tumawa dahil sa sinabi niya.
"Go na. Andyan na ata driver mo." Sabi ko kaya wala na rin siyang nagawa kundi umalis na lang.
"Okay! Bye! Chat ha, Annalistica Mariachi S. Palmares!" nanlaki ang mata ko nang sinabi niya ang full name ko.
I don't really like my name. Si Lolo daw ang nagpangalan sa'kin n'yan kaya pangmatanda. Ang Mariachi ay kinuha sa pangalan ni Mama. Sabi nila kamukhang-kamukha ko daw si Mama. Kulay porselana ang kulay, bilog ang mata, maliit at matangos ang ilong at itim na itim ang kulay na buhok.
"Ang tagal n'yang umalis." Nagulat ako nang narinig ko ang boses ni Jonas sa likod ko.
"A-anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kaniya, gulat na gulat.
"Eating? Bored ako sa office. Anyway, you sent me a message earlier today. Why?"
"Alam mo bang may lalaking pumasok sa condo unit mo? Ha? Hinahanap ka! Tinanong ba naman kung girlfriend mo ako at may kinukuhang—"
"Did you remember his face?" halatang iritado siya dahil sa reaksyon niya ngayon.
Somebody explain to me what the hell is happening? Mamamatay tao ba sila?
"I-Is he a criminal?"
"Pinapasok mo ba?"
"No!"
"Nice. Kapag may kumatok ulit, kapag hindi mo kilala o hindi ako, 'wag mong bubuksan. Get it?"
Nagtaas ang kaliwang kilay ko. Now, he's bossy. Akala ko ba siya ang may atraso sa'kin? Bakit ako susunod sa kaniya?
"Why would I?" matigas kong sinabi.
He just shook his head in disbelief. Hindi niya na muna ako sinagot saka kinain ang sandwich na dala-dala niya. Sa nakikita ko, halatang galing siya sa mayamang pamilya. He even looks like a Korean.
Nang tumingin siya sa'kin ay agad akong nabilaukan sa kinakain ko.
"It's for you. Sumunod ka na lang."
"Are you dangerous? Dapat na ba akong lumayo sa'yo? Marami pa akong pangarap, Jonas. Pag-aaralin ko pa ang mga kapatid ko kapag nakakuha na ako ng trabaho. Ah, basta! Lilipat na ako—"
"I'm not dangerous." He looked at me, without ang expression.
"Eh sino 'yung lalaki na pumunta sa condo mo?"
"I think he's my older step-brother. He is greedy, but I don't think he can hurt his family. Saka, Marchi—"
"What? It's Anna!" singhal ko.
"Anna, diba you need a condo unit? You're safe there if you'll just do what I'll tell you."
Umiling na lang ako sa sinabi niya. Bakit ba ako kasi pumayag sa gusto niya? Ako na ata pinaka-gagang babae sa balat ng lupa. I just hope that I won't die.
By the way, his story is familiar. Same issue with my mom and her step sister.
Nang nagring na ang cellphone ko ay umalis na rin ako. Iniwan ko siya 'don sa upuan. Mukha namang maraming gustong tumabi sa kaniya. He's a famous human being for pete's sake! Hindi lang siya mayaman, pogi, at matangkad, sikat na sikat pa siya. Hindi sa pagcocompliment pero basically, I'm just telling the truth.
Sikat siya sa Saint Jo. pero hindi ko siya kilala. It means, hindi siya ganoon kasikat. Or wala lang talaga akong pake sa mga lalaki dito sa school?
He's fourth year pala ng Software Engineering at nagtatrabaho na sa C-Campo, at may-ari. Tss, kaya pala 'doon pumasok dahil pagmamay-ari nila.
Nakita ko sa BIO niya sa f*******:. Hindi ko siya inistalk. Napindot ko lang 'yung profile niya.
Kailangan ko ng umuwi ngayon. Sinabi ko kay Papa na nagrerenta ako sa kakilala ko pero hindi niya alam na iyon ang anak ng boss niya at hindi talaga ako nagrerenta. Sinabi ko lang din na mura kaya ako na ang bahala sa pagbayad.
May nag-ring sa bulsa ko. Someone's calling. Pagtingin ko sa phone ay si Rafael. Pinsan ko rin dito sa Manila. He's I think, 4 years older than me at nagtatrabaho siya sa del Real Resort as an HR. Dito rin sa Manila nakatira ang iba kong pinsan pero ayoko namang makitira sa kanila dahil gusto kong maging independent ako.
Wow, Anna. Kaya pala pumayag ka na maki-tira sa condo unit ng lalaking 'yon.
There's this pride na ayokong umasa sa pamilya ko. I want it my own, as much as possible. Pero, if not, anong magagawa ko?
"What took you so long? By the way, Anna, our client's looking for you. Available ka ba today? Missed you, by the way." He said.
Napataas ang kilay ko. Client? Sino namang client ang maghahanap sa'kin? Feeling ko tuloy importanteng tao na ako ngayon.
"Miss mo lang naman ako kapag kailangan mo ako. Anong name daw, Raf?" tanong ko.
Yes, he's older than me but I don't address him Kuya kasi sabay lang naman kami lumaki sa Catanduanes. Sa side siya ni Mom which is ang hometown ay dito sa Manila pero pinalaki siya sa Catanduanes for some personal reasons.
"He's really big time. I wonder why he's looking for you." He chuckled.
Napa-irap naman ako ng mata.
"He told me that you are his brother's girlfriend. Congrats, lil couz, dalaga ka na pala. I wanna meet him soon. By the way, text me if you're free today. See you..."
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Girlfriend... Brother... I'm his brother's girlfriend?
Is he the greedy older brother that he is talking about? Nabitawan ko ang phone ko kaya nalaglag ito sa sahig. Just, damn, Anna! Ano bang pinasok mo?