Chapter 4

2146 Words
Weekend Medyo naalimpungatan ako nang mayroong narinig na nag-uusap. "She'll be fine. Ipainom mo na lang 'to sa kaniya after she ate her meal this evening. By the way, I'll be going, Jonas. Send my regards to your mother." Nagbeso pa siya kay Jonas bago umalis. Base sa mga sinabi niya, naisip ko agad na Doctor ang kausap ni Jonas. I think, the Doctor's in her mid-50s. Siguro ay OB. Bumaling ang tingin sa akin ni Jonas. Tumaas ang kilay niya bago pumunta sa'kin dala-dala ang gamot. "I talked to Sir Rico. Meron ka pala ngayon tapos nagpumilit ka pang pumasok." Ismid niya. Parang siya ata ang meron ngayon. Ang sungit niya. Akala mo talaga siya 'yung babae. "Okay lang naman ako. 'Di ka na sana nagtawag ng Doctor." "Hindi ka nga okay. Mabuti na iyong may nag-check sa'yo, 'di ba?" Dahil meron nga ako, mabilis akong mairita. Kahit na wala naman siyang ginagawang masama ay naiinis ako sa kaniya. Para hindi na ako mainis pa ay tumahimik na lang ako. Tatayo na sana ako pero tinulak niya lang ang noo ko gamit ang index finger niya saka ay umiling. Umamba ulit ako na bumangon pero ganon ulit ang ginawa niya. Nairita na ako kaya hinawi ko na ang kamay niya pero 'yung isang kamay niya naman ang ginamit niya at hindi na index finger ang ginamit, kundi ang buong palad niya na sa balikat ko at dahan dahan na akong pinahiga. "Magpahinga ka." Utos niya. "Okay lang nga ako! Naiinis na ako sa'yo. Isa pa." Sigaw ko sa kaniya kaya nalaglag ang panga niya. Ngumiwi pa ako dahil sa inis sa kaniya. "Is that how you say thank you for bringing you here, huh?" panunuya niya saka ngumisi pa. "Kung iinisin mo lang rin ako ngayon, sana hinayaan mo na lang akong lumapiga roon, Jonas." Naiirita kong tugon saka binuksan ang ref para magluto. "With your dress on? No way. Sino kaya ang nag-attend sa P.E. class ng naka-dress? Unbelievable." Tiningnan niya pa kung gaano kaikli ang dress ko saka umiling. "It's because, magtuturo lang naman si Sir!" "Tsk. What to you want to eat?" Doon lang ako napangiti. Sakto, nagugutom na ako. "I want sinigang na baboy. Gusto ko 'yung maasim na maasim." Naglaway pa ako nang maimagine kong hinihigop ko ang maasim na sabaw ng sinigang. "E 'di magluto ka." Sabi niya kaya tiningnan ko siya ng masama. Mas lalong uminit ang ulo ko kaya imbes na mainis ako sa kaniya ay hindi ko na lang siya pinansin. Magtatanong-tanong tapos ako din pala papalutuin! Bwisit talaga! Dapat talaga hinayaan niya na lang ako sa harap ng restroom eh. "Just kidding. Higa ka ron. I'll cook." Tumatawa pa siya habang sinasabi iyon. "Ngayon mo pa talaga naisipang magbiro, ano? 'Dun ka na nga! Ako na lang magluluto. 'Wag mo akong kakausapin. Nag-iinit ang dugo ko sa'yo." Halos pumutok na ang ugat sa brains ko dahil sa pagkainit ng ulo ko. Nakita kong napa-o ang bibig niya saka mahinang tumawa. Humalukipkip siya habang pinagmamasdan ako. Hindi ko na lang siya pinansin habang nagluluto ako. Bahala siya sa buhay niya. Siya naman, magdamag lang ata akong tititigan hanggang matapos ko 'tong niluluto ko. Ayaw ko naman siyang lingunin pero naaawkward talaga ako sa titig niya. Hindi rin siya gumagalaw sa kinatatayuan niya. Is he tripping on me again? Pagalit akong tumingin ulit sa kaniya pero nawala iyon dahil nakita kong seryoso ang mata niyang nakatitig sa'kin habang nakahalukipkip. Ang noo 'din ay nakasalubong na para bang may malalim na iniisip. Ang bibig ay parang linyang nakapirmi lang. Kahit nakaputing shirt lang siya, I find him so attractive with his messy hair. "Hindi ka ba gagalaw d'yan at panonoorin na lang ako hanggang matapos?" tanong ko, dumiretso na lang rin sa pagluto. Hindi pa rin siya sumagot. Parang wala lang sa kaniya ang tanong ko at hindi pa rin ako pinapansin. So, siya ngayon ang galit? Tiningnan ko na siya. There! Here we go again with his stare! Nakaka-awkward. Parang pinapatay ka niya sa titig. Nakakapanglambot ng tuhod. "Hindi ka ba talaga sasagot, Jonas?" tanong ko. "You told me to shut up, right? I'm just being obedient." He said innocently. Umirap ako. "Pero hindi ko sinabing 'wag kang sumagot kapag tinatanong kita." Tumango lamang siya sa sinabi ko. "I will help you if you will allow me to." Sabi niya at nakatingin sa ginagawa ko. "Rinse the meat. Ako na ang bahala sa ingredients." Sabi ko. "Okay." Ilang minuto lang, nang nalaga na ang karne ay nilagay ko na ang mga ingredients. Hindi lang basta pangpaasim na maraming preservatives kundi totoong sampaloc kaya masarap ito. After nitong maluto, tinikman ko na ito. Halos mapamura ako dahil sa init. "Ihipan mo kasi, Anna." Aniya saka kinuha sa'kin ang sandok at kumuha ulit ng sabaw. Inihipan niya muna ito. Nang titikman ko na sana ito, bigla niyang nilapit ang mukha niya at siya lang ang nakaubos ng pinalamig niyang sabaw. Kinagat ko ang labi ko at tiningnan siya ng masama. "You are really epic when you get annoyed. All the more I want it." Then he laughed again. "Ako na nga!" pinilit kong kunin ang sandok pero hindi niya naman binigay. Kumuha ulit siya ng sabaw at inihipan 'yon. Seryoso na siya ngayon at ganon na lang rin ang pagbilis ng t***k ng puso ko. Nakagat ko ang dila ko dahil sa gulat. Hindi niya naman siguro dinig diba? What's wrong with this heart? Ang aga ko namang nagka-crush sa kaniya. "Nangangalay na ang kamay ko Anna." He said kaya nagulat ako na malapit na ang kaniyang mukha sa'kin. Sakto, nasa gilid namin ang mainit na sabaw at napasandal ako don. "Aray!" halos maiyak ako sa sakit. Ang tanga, Anna! Ang hapdi! "Akin na." Hinayaan ko na lang na kunin ni Jonas ang kamay ko. "Ouch." Utas ko. "Bakit kasi..." napabuntong hininga na lang siya saka pinaupo ako sa couch. "Aray ko naman..." Bulong ko sa sarili ko. "D'yan ka lang. I'll get first aid." Aniya. Bumalik siya dala ang first aid box. Doon niya kinuha iyong pinahid niya sa paso ko. Hindi naman ganoon kalaki pero mahapdi talaga iyon. Si Papa nga, colgate lang ang nilalagay kapag napapaso kami noong bata pa kami. Tapos etong si Jonas, parang mamahalin pa at imported ang gamot. "Does it hurt?" tanong niya. Tumango lang ako, hindi ko na alam kung anong isasagot ko sa kaniya. Medyo kinakabahan ako. Siguro ay dala lang 'to ng period ko. Ganito naman talaga ako, mixed emotions kapag mayroong dalaw. Busog na busog ako nang umalis si Jonas. Pinabili ko siya ng sanitary napkins. Nung una, ayaw pa pumayag dahil nahihiya daw siya kaya sabi ko ay sa iba na lang ako magpapabili. Nang mayroon na akong ibang tatawagan, siya na lang daw pala dahil may bibilhin lang rin naman siya. Wala naman akong magawa kaya nilinis ko na lang ang condo bago nagcode sa laptop. Tingin ako nang tingin sa cellphone ko kung may text o chat siya pero wala. Siguro namimili pa rin. Ano bang bibilhin 'non? Magdadalawang oras na pero wala pa rin siya. Alas-diyes na ng gabi. Nasan na kaya iyon? Tatawagan ko na sana siya pero may nagdoorbell kaya alam kong siya na 'yon. Nang binuksan ko ang pinto, nakita kong duguan ang braso niya. Nanlaki ang mata ko nang nakita ko ito. Hindi agad ako nakapagreact dahil sa takot. Ang mata niya ay antok na antok na at ang buhok ay magulong magulo. Punong-puno rin ng pasa at sugat ang pisngi niya. Who did this? "J-Jonas..." iyan lang ang nasambit ko habang pinapasok siya sa loob. "Lock the door." Utos niya kaya agad ko iyong sinunod. "W-What happened to you? Asan ang cellphone mo? Tatawag ako ng doctor." Nang ngumisi siya ay mas lalo akong nairita. "Jonas!" Nasigawan ko pa siya dahil sa inis. "Pocket. Right side." Goodness gracious. Ako pa ang papakunin. Kapag iba ang nakapa ko dito, papatayin ko talaga ang lalaking 'to! Pero, wala naman pala. Cellphone lang talaga ang naroon. "Sinong doctor? Ang daming doctor naman dito!" nagpapanic na rin ako dahil sa dugo niya sa braso. Nasaksak ba siya? Anong nangyari? Gusto ko pa sanang magtanong pero pagod na pagod na ang mata niya. Sana kasi hindi ko na siya pinalabas ngayong gabi. Kasalanan mo 'to, Anna. Kapag namatay 'yan sa harap mo, habang buhay kang mabubuhay na parang patay. Halos maiyak ako sa naisip ko. "Doctor Kim. Call Mom, too." His husky voice echoed in the room. "O-Okay." Nang sumagot ang doctor ay napahinga ako ng malalim. Tiningnan ko si Jonas. Inabot ko sa kaniya ang phone pero hindi niya mahawakan. Isa lang naman ang damage niya, ah? Pero hinayaan ko na lang. Nilagay ko ang phone niya sa tenga niya. "Doc, I was stabbed. Just minor... Yes... Aight..." Next kong tinawagan ay ang Mommy niya. Nako, kapag nalaman 'non kung bakit umalis si Jonas, magagalit 'yon sa'kin at baka palayasin ako sa condo. Nanginginig akong nilagay ang phone niya sa tenga nang madial ko ang number ng nanay niya. "M-Mom... I got stabbed but it's not deep... Probably, kalaban ni Dad... I will. Yes, mom. Love you too." Inend ko na 'yung phone call. "What will I do now?" tanong ko sa kaniya. Wala rin siyang imik kaya kumuha na lang ako ng basang towel at pinunas iyon sa dugo na dumadaloy pa rin sa sugat niya. Hindi niya naman mahubad ang t-shirt niya kaya ginupit ko iyon. Hindi ganoon kalalim pero mahaba ang sugat niya at kailangan ata itong matahi. Papunta na rin naman ata ang doctor kaya pinunasan ko muna ang paligid nito pati na rin ang pisngi niya. Here we go with this heart again. Ang dami na ngang problema sa mundo, dumadagdag ka pa. Bakit ka ba bigla bigla na lang bumibilis? Hindi man lang nang-iinform? Kelangan spontaneous? "I'll ask you once you're fine." Sabi ko sa kaniya. He looked at me kaya napatigil ang pagpunas ko ng sugat niya sa noo niya. "I'm fine now. What is it?" he asked me. "Nangyari na ba 'to dati?" tumango siya sa tanong ko. "This isn't the first time. This isn't even the worst." Tumawa siya. "Dahil?" "Maraming kalaban si Daddy sa industriya. It's a long story..." Kinabahan ako. Paano kung dumating ang time na mapuruhan siya? Paano kung patayin siya? Hindi ba siya maghahire ng body guard? Bakit kasi wala siyang body guard eh ang yaman yaman niya! Alam niya na palang ganyan palagi ang nangyayari tapos hindi pa siya naghahire ng body guard? Minsan talaga hindi nag-iisip 'tong si Jonas. "I won't get mad if you leave right now because you're scared. You can leave." He looked at my eyes. "Magpahinga ka na muna, Jonas. You have to rest. And remember what you told me before? I'm safe as long as I'll do what you say. Ginagawa ko naman, so I'm safe." I smiled at him. Seriously, nagdadrama kami ngayon dito? Buti na lang dumating na 'yung doctor at ginamot na siya. Dapat siya ang nag-aalaga sa'kin ngayon pero ako pa tuloy ang nag-aalaga sa kaniya. Kung hindi talaga siya maghahire ng body guard, ako na lang ang i-hire niya tutal magaling naman ako sa taekwondo dahil kay Papa. Coach si Papa noon ng taekwondo at tinuruan niya kaming magkakapatid. Nung bata pa ako, hanggang mag-highschool iyon talaga ang sports ko pero ngayong college, tinatamad na ako. Pero konting training lang naman, kayang-kaya na ulit 'yan. Siguro 'tong si Jonas hindi marunong magself-defense kaya palaging nagaganito. Mga ilang minutes lang, may mga nurses na dumating at tumulong sa paggamot kay Jonas. Ang yaman naman neto. Doctor at nurse pa ang pumupunta para gamutin siya. Ilang oras pa, sumilip na ako kung ano nang nangyayari sa kaniya pero tulog pa rin siya at dinadamitan na ng hospital gown. Mayroon din siyang dextrose na nakaturok sa right hand niya. Buti na lang Saturday bukas at wala kami parehong schedule na papasukan. Dahil nandito nanaman ang Doctor na nakita ko kanina, na-realize kong hindi siya sa OB. "Kanina lang, ikaw ang may sakit. Ngayon, eto nanamang boyfriend mo." Natawa si Doc sa pangyayari. "May iiwan akong nurse dito, okay? Siya ng bahala kay Jonas. 'Wag mo munang palabasin ngayong weekend. Kailangan niyang magpahinga. Gawin mo lahat para lang hindi makalabas ng condo. Matigas pa naman ang ulo ng batang 'yan." Ano? Ako ang mag-aalaga sa kaniya ngayong weekend? Paano naman ang nga plano ko na kakain sa labas mag-isa? Wala na? Magdamag nanaman akong nasa condo? At kasama ang lalaking 'to? Gusto kong sumigaw. Napatingin ako sa kaniya habang siya ay mahimbing na natutulog. Ang amo talaga ng mukha niya lalo na kapag tulog. Napasimangot ako kinalaunan. Hindi na lang ako tutuloy sa mga plano ko sa sarili ko dahil nanaman sa isang ito. Napabuntong hininga ako habang tinitingnan ang kalagayan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD