Boyfriend
"Asan ka na ba? Leche, kanina pa ako tumatawag, ah. Ano na?" sigaw ni Marta nang masagot ko ang call niya.
Tumingin ako ngayon kay Jonas na ngayon ay tinitingnan din ako. Ayun na nga, hindi ako makaalis dahil sa'yo, Jonas. Nakahiga pa rin siya sa kama niya at nakabandana ang sugat. Ang mga sugat sa mukha ay medyo namumula dahil sa maga. Napalunok ako sa mga nakita ko. Kawawa naman siya.
Tumalikod na lang ako sa kaniya dahil hindi ako makapag-isip ng maayos.
"Uhm, bakit?" iyon lang ang nasabi ko.
Naiimagine ko ang pag-irap niya sa tanong ko.
"Seriously, Anna? E, 'di ba sasamahan kita ngayon, sabi mo kakain ka sa labas—"
"Mag-isa. Sinabi ko talaga na isasama kita?"
Ang plano ko lang naman talaga ay mag-isa kaso hindi nga ako makakaalis ngayon.
"Hindi! Pero sasama pa rin ako. Asan ka ba?" bigla akong kinabahan sa tanong niya.
"Ano ka ba, i-enjoy mo na lang muna sarili mo, ha? Date kayo ni Tita. Next week, babawi ako." Sabi ko sa kaniya over the phone.
"Promise me." Aniya.
"Yes. I promise. Good bye!" binaba ko na ang phone saka tiningnan si Jonas na nakakunot ang noo habang nakatingin pa rin sa'kin.
Hinihintay niya ata na sabihin ko sa kaniya kung sino 'yon. Hindi naman 'yon related sa kaniya, ah? Hindi naman lahat related sa kaniya. Hindi naman iyon 'yung kapatid niyang weirdo. Ngumuso ako dahil hindi talaga niya inaalis ang tingin sa akin. Dapat na siguro akong masanay sa mga titig niyang 'yan.
"Just a friend." Kibit-balikat ko.
Pumunta na rin akong kusina para ihanda siya ng pagkain. Hay nako, this is my first time na mayroong inalagaang lalaki except sa pamilya ko.
Speaking of my family, tatawagan ko si Papa!
Agad kong dinial ang number ni Papa na ngayon ata ay nasa trabaho. 8am kasi ang pasok non.
"Annalistica! Salamat naman at tumawag ka na!" napapikit ako nang marinig ko ang malakas na boses ni Papa dahil halos mabingi ako.
Habang nag-aasikaso ako para magluto ng fried egg, bacon at brown rice, ni-loud speaker ko na lang ang phone ko.
"Opo, Pa. Medyo busy lang these past few days. Kamusta si Mama at ang mga bata? Miss ko na sila!" ngumuso ako.
Miss ko na talaga ang dalawa kong kapatid. Sana makabisita talaga ako sa kanila next week, dahil sem break namin.
"Si Mama mo, ganon pa rin. Ang mga kapatid mo, si Nadine, pasaway! Nahuli kong umiinom kasama ang mga kaibigan. Ayun, pagdating sa bahay pinalo ko. Sinabi kong nagtatrabaho ako ng ayos tapos magbibisyo lang siya. Eto namang si Jarred, ayos naman. Nakakakuha ng matataas ng scores sa exam. At, kasama pa siya sa paglaban para sa Dance Competition."
Napa-oh ang bibig ko sa mga narinig ko.
"Lechugas na Nadine! Asan ba 'yan Papa? Baka naman kasi nasspoil mo na 'yang batang 'yan ha?" inis na tugon ko.
"Aba! Hindi ko nga alam kung san ako nagkulang d'yan. Eto kausapin mo. Nasa bahay ako ngayon dahil day off ko."
"Nadine Mariachi! Anong pinaggagagawa mo sa buhay mo ha? Pag ako talaga nakarating d'yan, malilintikan ka sa'king bata ka!" galit na galit ako habang kausap si Nadine sa cellphone.
"Ate wait! Lalabas ako." Aniya.
"Ano na, Nadine!?" tanong ko.
"Ate, kasi, diba kilala mo si Bob? Naging kami tapos nahuli ko siya na may kasamang iba tapos ayun nakipag-break siya sa'kin. Masyado ko na daw siyang nasasakal!"
"Ano?! Anong break break? Ano ba— Sinong Bob? 'Yung mukhang palaka na sinama mo dati nung birthday mo?"
"Grabe ka naman sa mukhang palaka ate! Pero oo, 'yung sinama ko."
"Ikaw pa ang brineakan ng kupal na 'yon? Sabihin mo sa kaniya ha, Nadine, na hindi lang siya ang nag-iisang lalaki sa mundo at buti nga na naghiwalay na kayo dahil mukha siyang palaka. At ikaw naman, kung pipili ka naman, 'yung hindi naman tambay sa kanto. Alam mo bang jerk 'yon? Kikilalanin mo muna ang lalaki bago ka papatol. Saka ang bata-bata mo pa, Nadine! Marami ka pang makikilala. Saka, diba sabi ko, pag-eighteen mo na? Sixteen ka pa lang, utang na loob. Sixteen! Kung hindi ka susunod kay Ate, kalimutan mo nang may Ate ka!"
"Ateeee! Sorry na." Napabuntong hininga ako dahil umiiyak na ang kapatid ko sa kabilang linya. "Promise hindi na muna ako magboboyfriend at hindi na rin ako iinom. Gusto ko lang naman matry pero opo, mali nga ako. Promise ate, 'di na ako uulit."
"Nako Nadine, mag-uusap pa tayo pagbalik ko d'yan." Pakasabi ko 'non ay may natawang lalaki sa likod ko na ngayon ay nakahilig at nakahalukipkip nanaman sa dati n'yang pwesto.
"Nadine, sabihin mo kay Papa, tatawag ako mamaya. Babye na. Love you. Sabihin mo kay Jarred, bibilhan ko siya ng reward dahil very good siya."
"Ako ate?"
"Kapag matino ka na." Saka ko inend ang call.
"Bakit mo agad tinapos 'yung call? I'm enjoying listening to your advices." Agad akong napangiwi dahil mukhang hindi pa siya okay tapos kung makaasta siya, parang wala siyang sugat.
"Hoy, Jonas. Tingnan mo ang sarili mo. Magkakasakit ka lalo n'yan. Saka, bakit mo inalis ang dextrose mo? Tatawagan ko ulit ang nurse mo at ipapalagay natin 'yan!" umamba na nasa akong tawagan ang nurse pero hindi ko alam kung pano niya nalipat ang phone ko sa kamay niya at malapit na malapit na rin ang sarili niya sa'kin.
"I'm completely fine, Anna. Don't call anyone. Okay na ako na ikaw ang nurse ko." He smiled. "Continue cooking. I'll watch." Aniya, saka bumalik sa dating pwesto niya habang hawak-hawak ang phone ko.
Ako, nurse? Ano daw? Pakatalikod ko ay agad ako napangisi.
Pinagpatuloy ko na lang ang pagluto kahit na alam kong nakatingin siya sa'kin. Agad akong natauhan at naging seryoso ang mukha. Ba't ba ako natutuwa? Eh dapat nasa labas ako ngayon, ineenjoy ang sarili ko.
Inayos ko na ang sarili ko dahil papasok nanaman ng school. Pagod na pagod ako mag-alaga sa kumag na 'to tapos ngayon papasok nanaman? Parang walang katapusan ang gawain. 'Di ko naman ginusto na maging Yaya habang nag-aaral.
"Fix your face." Ani Jonas kaya mas lalo pa akong bumusangot.
Hindi ko na lang siya pinansin habang nag-aayos pa rin sa harap ng salamin. Siya naman ay nagsasapatos na lang rin.
Hindi siya dito naligo ang nagbihis, okay? Kakarating niya lang ulit dahil andito daw ang mga sapatos niya pang-trabaho. Ewan ko nga rito. Ang yaman-yaman kaya imposibleng wala siyang sapatos sa bahay nila o kung saan man siya nakatira ngayon.
Ako naman, naka-uniform kapag Monday, Tuesday at Thursday. Kapag Wednesday ay washday, Friday ay PE uniform lang.
Nang kinuha ko ang bag ko ay agad niya itong hinila at dumiretso na ng nakapamulsa.
"Ho-oy! Akin na 'yan. Kung gusto mo ng ganyang bag, aba bumili ka rin. Hindi 'yung kukunin mo 'yang sa'kin." Pagbibiro ko dahil naakward ako sa bigla niyang pagkuha 'non sa'kin.
Dire-diretso lang siyang pumunta ng elevator. Wala rin naman akong nagawa kundi sundan siya.
"Jonas! Akin na 'yan. Ground floor na. Kelangan ko nang maghintay ng jeep sa kanto." Sabi ko, naiirita nanaman sa kaniya.
"Sumabay ka na. Pareho lang naman tayo ng dadaanan, diba? Conserve energy." Aniya.
"Conserve na ano? Pano kung may makakita sa'tin na magkasama tayo? Anong iisipin nila, huh? Na jowa kita? No way." Inis na sambit ko.
Nang bumukas ang elevator ay nakataas ang kilay niya habang nakatingin sa'kin. Hinila ko na lang siya dahil basement na at wala pang planong lumabas ng elevator.
"Just hop in. Akong bahala." Sabi niya kaya wala akong nagawa kundi sumakay na lang rin sa kotse niya.
Guess what? Pinagbuksan niya ako ng pinto. Kahit pala para siyang jerk, eh, gentleman naman pala.
Pano kung may makakita sa'min? Pano kung isipin nila na mag-jowa kami? Pero ano naman ngayon eh alam naman ng family niya? Pero sila Papa, hindi! Okay kay Papa pero pano kung nalaman niya'ng ang boyfriend ko ay ang taong nakabangga sa'kin at anak ng boss niya? Lagot ako kay Papa!
"Ibaba mo ako!" nabigla siya sa sinabi ko. "Basta, ibaba mo na ako. Hahanap na lang ako ng jeep d'yan."
"Nasa main road tayo, Anna. Ibababa kita, don't worry. They won't see you." Halos umirap na siya nang sinabi ang mga iyon.
Napanguso naman ako. Ayoko lang naman na makita kami ng mga tao dahil baka kung anong isipin nila. Huminga na lang ako ng malalim at hinayaan siyang magdrive.
Ilang minuto lang ay tinigil niya sa gilid ang sasakyan. Tumango lamang siya ng isang beses kaya alam kong pinapababa niya na ako. Umamba ako na tumayo pero naka-suot pa pala sa'kin ang seatbelt. Dinig ko ang buntong hininga niya na parang stress na stress na siya sa'kin. Aba for his information, mas nasstress ako sa kaniya, no!
Nabigla ako nang humilig siya sa'kin kaya napaatras ako. Siya ang nagtanggal ng seatbelt ko at ang t***k ng puso ko nanaman ay naghaharumentado. Ang bilis at dinig na dinig ko ito kaya tumukhim ako para hindi niya marinig.
Nagkape ba ako kagabi?
"Go now. Here's your bag." Sabi niya at inabot sa'kin ang bag ko.
Hindi na ako nakapag-thank you dahil kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit pero bumibilis ang t***k ng puso ko pero baka nga dahil sa kape. Hindi ko lang talaga matandaan kung nag-kape ba ako o hindi. Baka nga nakalimutan ko lang na nag-kape ako kahapon.
Tumango-tango ako. Nagpapalpitate lang talaga.
Napabuntong hininga ulit ako at dumiretso na sa loob ng St. Jo, ang school namin.
"Ba't parang nakakita ka ng multo? Saka pawisan ka?" tanong ni Marta sa'kin ng nakita ako.
"Ha? Ano lang... Naglakad kasi ako dahil bumili pa ako ng inumin d'yan sa labas."
Bumili naman talaga ako ng inumin dahil nga kabado ako dahil sa kapeng ininom. Pero nakokonsensya na talaga ako sa paglilihim ko sa kaniya. Alam ko namang kahit kailangan ay mali pa rin ang pagiging sinungaling. Pero anong magagawa ko, diba? Ayoko namang madamay siya.
Siya pa naman ang sabi nang sabi na ako daw ang pinaka-genuine na taong nakilala niya tapos ngayon, ako pa ang nagsisinungaling sa kaniya. I'm really sorry, Marta.
Napabuntong hininga na lang ulit ako saka nakinig sa lesson ng isa naming professor.
Nang matapos ito, dumiretso na kami sa school cafeteria para kumain dahil mamaya ay may papasukan pa kaming isang subject.
"Alam mo, Anna. Hindi ikaw 'to, e. Feeling ko may secret ka talaga tapos hindi mo sinasabi sa'kin. Ano ba 'yon? Sabihin mo na kasi. Hindi naman ako magagalit kung ipapaintindi mo naman eh. Open naman ako, diba Anna?" nanlaki ang mata ko sa pinagsasabi niya.
Umiling ako dahil kailangan ko talagang itago na nakatira ako sa condo ng Jonas na 'yon at siya ang nagpapaaral sa'kin dahil alam kong magagalit talaga sa'kin si Marta. Iisipin niyang nagpapatulong ako sa iba tapos siya, na kaibigan ko ay ayaw kong bigyan ng pagkakataon para tumulong sa'kin. That's it. Iyon ang maiisip niya.
O kaya naman iisipin niya na may sugar daddy ako kahit hindi naman mukhang daddy si Jonas. Mukhang baby pa nga.
Huminga ako ng malalim. Sasabihin ko na ba? Bahala na. Dapat malaman niya na 'to kahit pa magalit siya sa'kin.
"Ang totoo kasi n'yan, Marta. Ah-eh..."
"Ano?! Sabihin mo na! Pabitin ka naman."
"Wait lang! Eto na nga diba? Ang totoo kasi n'yan. Wag kang magagalit ha? Promise me."
"Sige, I promise." Aniya saka tinaas pa ang kanang kamay sa ere na nangangako talaga. "Basta ipaintindi mo sa'kin, Anna."
"Marta kasi—"
"I'm his boyfriend." Nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang boses ni Jonas sa gilid ko.
Si Marta naman ay napa-o ang bibig at halatang gulat na gulat din.
"J-Jonas?" tumingin sa'kin ulit si Marta na gulat na gulat.
Same. Gulat rin ako. Ano bang iniisip nitong lalaking 'to? Kapag 'to nalaman ni Papa, patay talaga ako! Jonas Steve Ocampo!