Service
Kumalat agad sa iba't-ibang department ang sinabi ni Jonas. Just wow. Nakakapanibago na ang buhay ko. Hindi na tahimik lang at puro pa-cute. Gusto kong sumikat pagnagtatrabaho na ako kasi dagdag opportunity 'yon sa trabaho. Pero sumikat ng ganitong paraan? Never.
"Siya ba 'yung binuhat ni Jonas galing sa harap ng restroom? OMG! Ang swerte niya."
"Yes she's beautiful but duh, she's so simple. Look, walang jewelries and make up! Look at her lip balm, parang mumurahin."
Unang-una hindi ako naglipbalm ngayon. Tiningnan ko ng masama ang nagsabi 'non. Ang mata-pobre. Akala mo naman, siya na ang pinakamayamang tao sa mundo.
Saka, pano niya nalaman kung mura o mahal ang lipbalm? She's weird.
Si Jonas ay hawak-hawak pa rin ang kamay ko at hindi ko alam kung saan ako dadalhin. Kinuha ba naman ako bigla kay Marta. Siguradong magagalit sa'kin 'yon. Una, sinikreto ko. Pangalawa, hindi 'to totoo.
"Wait! Saan ba tayo pupunta, Jonas?" tanong ko pero hawak hawak niya pa rin ang kamay ko.
Ang ibang estudyante ay nakatingin sa'ming dalawa. May ibang nakangiti, may iba na masama ang tingin sa'kin. Nakakainis talaga si Jonas. Hindi nag-iisip.
"What do you think she'll think of you if you told her the truth?" nasabi niya ito nang wala nang estudyanteng nakakakita sa'min.
Ang hilig-hilig niya talaga akong sermunan para namang wala akong isip.
"Hindi siya ganon, okay? She's my friend." He just chuckled sarcastically with what I said.
"Then try it, Anna. Hindi mo ba alam kung sino ang boyfriend niya? Seriously, magkaibigan ba talaga kayo?" bigla akong natigilan sa sinabi ni Jonas.
Hindi ko kilala kung sino ang boyfriend ni Marta? May boyfriend siya? At hindi niya sinasabi sa'kin? What? Pero bakit ba ako magtatampo, e nagsisikreto rin naman ako sa kaniya. Pero iba kasi 'yung sa'kin. Gusto kong protektahan siya. E, siya? Anong rason niya? Bakit siya naglilihim?
"Who?" tumingin ako kay Jonas na ngayon ay inis na inis na rin sa pa pangyayari.
"It's Clyde. Her boyfriend is my stepbrother. He's probably using her. Now tell me, what do you think she'll think of you if you told her the truth? Clyde will manipulate her. That's his skill. Magaling siya magmanipula." Hindi agad ako makapaniwala sa sinabi ni Jonas.
Boyfriend niya si Sir Clyde? Magkakilala sila? Pano nangyari 'yon? Hindi pa rin nag-si-sink in sa'kin na silang dalawa na nga.
"P-Paanong..."
"I don't know. Does Marta knows about the accident?" tanong niya.
"Hindi naman na siguro pero alam ni Papa. Bakit ka kasi nagpakita kay Papa?"
"I was sorry, okay? Gusto ko lang humingi ng sorry sa'yo. Kaso andoon ang Papa mo. Sinabi ko naman sa kaniya na 'wag munang ipagkalat na ako ang nakabangga sa'yo. Kaya ayun, nasuntok niya ako. I don't blame him. I'll do the same if I have a daughter." Natawa na lang ako sa sinabi niya dahil na-imagine ko ang ginawa ni Papa.
Hindi pa rin ako makapaniwala na boyfriend ni Marta si Sir Clyde. Kailangan kong malaman kung paano. Hindi dapat madamay si Marta sa kasinungalingan ng lalaking 'yon. Masasaktan si Marta. Hindi dapat ganon ang mangyari. Sinusubukan ko namang ilayo sa gulo si Marta, si Sir Clyde naman, sinasali pa siya.
This life!
"Let's go. Pupuntahan ko si Marta. 8pm ang tapos ng klase ko. Ikaw, anong oras ang tapos ng OJT?" tanong ko sa kaniya habang papunta na kami sa school.
Agad niya akong hinigit kaya medyo napanganga ako.
"Seven. I'll wait for you at the parking lot. There's no reason to hide. I'm your boyfriend."
Umiling ulit ako dahil naramdaman ko nanamang bumilis ang t***k ng puso ko. Inalis ko agad kung anong iniisip ko kahit na alam ko naman kung bakit. My love language is quality time. Ngayong palagi kaming magkasama at magkausap ay hindi ko alam...
"I'll be waiting. Go in." Aniya.
Tumango na lang ako at pumasok sa room. Nakita kong nakanganga si Marta habang pinagmamasdan ako.
"Mart-"
"Like o-m-g! Boyfriend mo na talaga si Jonas?!" napatili pa siya dahil sa kilig.
Akala ko magagalit siya pero hindi.
"Uhmm..." I couldn't think straight.
"Ang haba ng hair mo!" hinawakan niya pa ang buhok ko saka ginulo ito.
"Congrats, Anna!" sigaw ng lalaki kong kaklase.
Karamihan ng kaklase ko ay mga lalaki dahil BSIT ito. Hindi ko alam kung bakit konti lang ang babae pero lima lang kami sa kursong ito.
"May laber na si sungit!" natatawang sabi naman ng isa kong classmate na lalaki rin, si Kobe.
Umiling na lang ako habang tunatawa. Palagi ko kasi siyang nasusungitan.
"Lord, ako rin please!" sigaw ni Pio saka niyakap si Kurt.
"Anna, may sasabihin din ako." Ngumuso si Marta.
Yes, I know. Buti naman sasabihin mo na sa'kin 'yan. Kung hindi, magtatampo talaga ako sa'yo.
"I have a boyfriend." Aniya.
Kunware ay nanlaki ang mata ko at tuwang-tuwa ako pero hindi. Sino ba namang matutuwa na ang boyfriend niya ay ginagamit lang siya for himself?
And you think, hindi ka ginagamit ni Jonas? He's just using you too. He's kind to you because he's using you. Bakit naman siya magkakaroon ng interes sa katulad mo, Anna? You're just simple. Wala kang make up. Walang jewelries. Oo maganda ka, pero hindi ka mayaman. Sa tingin mo magugustuhan ka niya? No.
Ngumiti ulit ako kay Marta kahit nasaktan ako sa mga naisip ko.
"Talaga? Anong name?"
"Clyde Echari, general manager of C-Campo na ang may-ari ay ang tatay ni Jonas. Small world, right?" hindi siya makapaniwala sa sinabi niya.
"Kailan lang kayo nagkakilala?"
"Matagal na. Pero ngayon lang siya umamin. E, crush na crush ko na siya simula pa noon. 'Di ba ang sweet?"
She looks so in love. Napayuko ako. This shouldn't be happening. Hindi dapat ganito.
"Y-Yeah."
"He told me nga e, na 'wag ko daw muna sabihin sa kahit kanino but you're my friend naman and I can trust you, right? Hindi mo naman ipagkakalat 'di ba?" she smiled at me.
Tumingin ako sa kaniya at tumango. "O-Of course, Marta." I smiled.
Wala na ako sa mood nang umuwi ako sa condo. Humiga na lang ako sa kama at chineck kung anong oras na. 9pm na rin at wala akong ganang kumain at maligo. Gusto ko na lang matulog dahil na-drain ang energy ko ngayon. It's just Monday pero feeling ko Friday na.
Pinikit ko ang mata ko at naka-idlip ako saglit. Bumangon ako dahil ginugutom ako. Nang tumingin ako sa cellphone ko, alas doce na. Nalaglag ang panga ko sa dami ng missed calls at text ni Jonas.
7pm
Jonas:
I'm just here.
8pm
Jonas:
I'm still here. You done?
9pm
Jonas:
Where are you? I'll fetch you.
10pm
Jonas:
Why can't you answer my calls? Where are you?
11pm
Jonas:
You should've text me when you got home. Sleep well. You look tired.
Nanliit ang mata ko sa konsensya. Bakit niya ba ako hinintay hanggang alas onse? Hay, Jonas. Buti na lang naisipan niyang pumunta sa condo para i-check ako.
I look tired? Hinawakan ko ang pisngi ko kung naglaway ba ako habang natutulog. Wala namang basa so baka hindi naman. Nakakahiya kaya iyon. Ano kayang itsura ko kanina? Nakanganga? Oh s**t. Sana talaga hindi. Pero bakit ko ba iniisip 'yon? Ugh, Anna!
I checked my phone again. Gusto ko sana siyang tawagan pero parang natutulog na siya. Tiningnan ko lang ang number niya pero hindi ko pa ito, pinipindot para tawagan.
Halos mabitawan ko ang cellphone ko nang makita kong nag-ring ang cellphone ko at nandon ang pangalan niya sa screen.
Sasagutin ko ba? O magtutulog tulugan na lang ako?
Magsosorry ka, Anna, okay? Mahiya ka naman! Pinahintay mo 'yung tao tapos 'di mo sasagutin?
Napapikit na lang ako nang sinagot ko 'yung call niya.
"Did you sleep well?" tanong niya.
Naalala kong may mga sugat pa pala siya tapos naghintay siya sa'kin ng matagal. Nakokonsensya talaga ako.
"Jonas... S-Sorry. Nakalimutan kong hihintayin mo pala ako. Babawi na lang ako, okay? Hehe." Napakamot ako sa ulo ko.
Ang bobo mo kasi, Anna! Bakit mo naman kinalimutan 'yon? Kawawa naman 'yung tao!
"Did you sleep well?" tanong niya ulit kaya kumunot na ang noo ko.
Galit ba siya?
"Y-Yes. Sorry talaga, Jonas! Promise, babawi talaga ako. Uhm, are you mad?"
Ang lakas naman ng loob kong tanungin pa 'yon sa kaniya. Dahil kung ako 'non, galit na galit talaga ako. Pinaka-ayoko sa lahat, 'yung pinaghihintay ako kaya hindi ko siya masisisi kung magagalit siya sa'kin.
Hindi siya sumagot kaya naisip kong galit nga siya.
"Sorry... Babawi ako."
"Hmm... Pano ka babawi?" mas interesado pa siya 'don.
"I don't know. I'll serve you? Wala ka naman nang kailangan, e. You have a lot of things. You can have anything in just a snap." Ani ko.
Medyo natahimik siya bago ulit sumagot. Akala ko ay pinatay niya na ang call pero hindi pa pala.
"Serve? What kind of service?" he chuckled over the phone.
Ang gwapo ng tawa niya sa call. Is this him? Nanlalaki ang mata ko nang ma-realize ko kung anong naisip ko. Am I one of his admirers now? No, Anna, you deserve more than that. Kadiri! Kadiri! Clear your thoughts!
"I-I'll cook for you." Sabi ko.
"That's it?" aniya.
Ano pa ba? Iyon lang naman ang maooffer ko sa kaniya. Wala na akong maisip na iba.
"Uhmm..."
"Where will you go this sem break?" tanong niya, pag-iiba ng topic dahil wala na akong maisip.
"Sa bahay. Miss ko na pamilya ko. 'Di ba nakikinig ka noong kausap ko si Papa sa phone? Why are you even asking?"
"Yeah, I know. That's it. I want to come with you." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Gusto mo bang suntukin ka ulit ni Papa?" inis kong tugon sa kaniya.
"I can take a hit." He chuckled. "Gusto mo bang maglihim sa Papa mo? You have to tell him that I'm your boyfriend, Anna."
Nabigla ako sa sinabi niya pero alam ko naman ang ibig niyang sabihin 'don. He's my fake boyfriend and I'm his fake girlfriend.
"I don't have to tell him that. Hindi naman totoo." Bumuntong hininga ako.
"I just want to apologize as well kay Tito. One more thing, we already announced that we are boyfriend and girlfriend. Lagot ako kapag nalaman pa 'to sa iba ni Tito, right?"
Mas lagot ako. May point naman talaga siya. Kahit ako ay iyon din ang iniisip ko.
"O-Okay fine! Kesa naman na malaman niya pa sa iba. Pero matapos lang 'tong sem na 'to at makagraduate ka, we will forget about this deal, okay?"
Hindi siya sumagot sa kabilang linya. Tiningnan ko ulit kung pinatay niya na ba 'yung call pero hindi pa naman.
"Jonas, we'll forget the deal after this sem, okay ba?" I asked once again.
"Sure. If that's what you want." Umiling ako sa sinabi niya at in-end ko na rin ang call.
Ayokong magtagal pa sa buhay niya. Wala kaming pagkakapareho. I don't even think that after this, we can be friends.
I don't think I'll fit in his world. Hindi ko nga rin alam kung bakit siya pinayagan ng Tatay niya na maging boyfriend ko. Ayaw niya ngang mapunta ang posisyon niya kay Jonas because he thinks that Clyde has more potential to rule the company.
Nakakalungkot lang isipin na walang tiwala ang tatay ni Jonas sa kaniya. Hindi ko man iyon nararaman kay Papa, nalulungkot pa rin ako para sa kaniya.