Chapter 7

1897 Words
Messy Bukas ang punta namin ni Jonas sa Catanduanes. Naghahanda na ako ngayon dahil friday na ng gabi. Siguro pagkatapos ng Christmas break ay finals at ang huling sem, kung saan pagkatapos 'non ay maghihiwalay na kami ni Jonas at babalik ulit sa normal ang buhay ko. That's what I want, after all. Living a normal life. Inisip ko na lang na makikita ko nanaman ang dalawa kong kapatid. Miss na miss ko na talaga 'yon. Ayaw ko mang bumalik-balik ulit sa hospital ay kailangan dahil andon si Mama. I really hate hospitals pero anong magagawa ko, andon ang nanay ko. Tumingin ako kay Jonas ngayon na pangiti-ngiti. Parang timang. Akala mo walang problema sa mundo. "Anong nginingiti-ngiti mo d'yan?" tanong ko sa kaniya habang inaayos ang mga damit ko sa maleta. "This is my first time going to Catanduanes. This is even my first time to meet your family." Nanliit ang mata ko sa sinabi niya. "Eh ba't ka nga pangiti-ngiti d'yan?" tanong ko ulit. "I have a person to spend with some of my first times." He smiled at me. Hindi ako ngumiti. Tingnan mo 'tong mokong na 'to. Ang yaman yaman tapos hindi man lang magtravel. "Wala ka ba talagang naging jowa?" curious kong tanong sa kaniya. "Just flings. I couldn't find the right person." He laughed. "Yuck. Flings? Ano ba 'yan, 'yung one night stand ganon? Akala ko pa naman ikaw na ang pinaka-matino kong nakikilala na mayaman. 'Yun pala, parereho lang kayo." Diring-diri kong sinabi. Natawa naman siya sa reaksyon ko. Inayos niya ang kaniyang magulong buhok. Napasimangot ako. I want it that way. Gusto ko 'yung magulo! "So? I'm a man and I'm twenty-one. Ayos lang namang ma-experience ko ang mga bagay na 'yan, Anna." Look at this, man! Kaya niyang sabihin 'yon sa harap ng isang babae? For real? Saka, anong dapat ma-experience? Hindi totoo 'yan. Sabihin mo, manyak ka lang talaga! Tss. "Hindi pala ako dapat sasama sa'yo. I need to protect myself." Sabi ko kaya humagalpak siya ng tawa. Mas lalong uminit ang dugo ko dahil sa tawa niya. Tiningnan niya pa ako mula ulo hanggang paa like he's checking the hell out of me! Bastos! Tapos tumawa nanaman siya. Seriously? Is he checking me out or insulting me? Hindi ko alam pero kahit ano roon ay maiinsulto pa rin ako. "Why would I be interested with that bo—" "Shut up, Jonas Steve Ocampo!" sabi ko saka sinarhan ang tenga kaya tawa siya nang tawa. Ang saya-saya talaga niya kapag napipikon ako. Nakakainis talaga siya minsan. Saka okay naman ang katawan ko ah? Pareho kami ng katawan ni Mama na may shape. Hindi ba siya marunong tumingin? Hindi lang ako nagsusuot ng mga daring na damit pero maganda ang katawan ko. Pero ano naman ngayon? As if I care that he doesn't see me that way. Wala naman akong pake. Masama kong tiningnan si Jonas habang tumatawa pa rin. "Dapat talaga hindi na kita isasama. Aasarin mo lang 'din naman ako 'don. 'Di ba?" Nagkibit balikat siya. "Kung palagi lang maiinis sa'kin, mas lalo kitang aasarin. You look great when you're mad. It's addicting!" tapos tumawa nanaman siya. Hindi ako nag-react agad. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa sinabi niya pero 'yung lintek na puso ko ay hindi nanaman tumitibok ng tama. I can't deny that he's the one who's making me feel this way. "I'll try not to get mad then. Ayan tatawa ka nanaman! Nakakainis ka talaga!" kinamot ko ang ulo ko saka binato siya ng unan na katabi ko. Wala nanaman siyang tigil katatawa. Maaasar din kita. Humanda ka sa'kin. "See? Look!" pinicturan niya pa ako habang inis na nakatingin sa kaniya. "I will make this my wallpaper so I could laugh every time I see it." Umiiling-iling pa siya habang sinasabi 'to. Habang ginagawa niya itong wallpaper ay tinry ko ring kunan siya ng picture pero ang pogi niya pa rin. Lalo na kapag nakangiti. Medyo namumula nga rin dahil kanina pa tumatawa. "Jonas!" he looked at me, smiling. Napanguso ako dahil ang cute niya pa rin. "Make that your wallpaper too." "Wow, porke cute ka dito? Ang lakas talaga ng loob mo." Tumawa siya. "Cute ka rin naman dito, ah? You look cuter when you're mad." Sambit niya saka pinakita sa'kin ang picture ko na inis na nakatingin sa kaniya. "Anong cute d'yan? Mukha akong mamamatay tao?" "And that's cute!" mas lalo siyang natawa. Nagjojoke lang naman ako sa mukha akong mamamatay tao tapos nag-agree talaga siya. "Ayokong mukha mo ang nakikita ko every time na gigising ako 'no. Nakakapang-init ng dugo." Agad siyang natawa sa sinabi ko kaya naglakad siya papalapit sa'kin para kunin ang cellphone ko pero hindi ko iyon binigay. Tinaas ko ang kamay kong hawak ang cellphone ko at pilit na inilalayo sa kaniya pero mas lalo siyang lumalapit. "Jonas, ayoko nga!" untag ko at hawak hawak pa rin ang cellphone ko. Amoy na amoy ko na ang pabango niya at dahil nakaupo ako, at nakahilig siya sa'kin, nasa mukha ko na ang dibdib niya. May naririnig akong t***k. Medyo bumibilis nanaman ang t***k ng puso ko. Hindi ko nga alam kung normal pa ba 'to. "Gotcha." There, nakuha niya ang gustong kunin. Hindi na lang ako umimik. Napahawak ako sa dibdib ko na agad ring binitawan. I'm right. Ang t***k na 'yun ang galing sa'kin. It was loud. Parang gustong kumawala sa pinaglalagyan. Tumingin ako sa kaniya na hindi ko alam ay nakatitig na pala siya ngayon sa'kin. May multo pa rin ng ngiti sa labi. Ngumuso ako dahil nakuha niya na ako cellphone ko. "Look, do I look cute here?" natatawa niyang sinabi. "Asa, Jonas. Asa." Sinabi ko na lang. Tumango-tango siya. "Aasa talaga." Saka siya tumawa. "Malapit lang naman pala. Bakit ayaw mong puntahan palagi? One hour and you get there!" kanina pa kwento nang kwento si Jonas. Hindi ko nga alam kung anong nakain neto basta excited na daw siyang pumunta ng Catanduanes. "Una, mahal ang ticket plane. Pangalawa, kung van naman, mura nga pero sampung oras naman." Sinagot ko ang tanong niya. Buhat-buhat niya ngayon ang mga gamit ko na para bang alipin ko siya. Bahala siya 'dyan. Siya ang may gusto na sumama sa'kin. "Should we rent a private plane?" nanlaki ang mata ko sa tanong niya. Alam ko namang mayaman sila pero sobra-sobra naman siya. Sayang naman siya sa pera. Kung ako siguro ganyan kayaman, titipirin ko tapos hindi na ako magtatrabaho pagmatanda na ako tapos lahat na ng natitira kong pera, sapat na 'yon hanggang mamatay ako. Syempre joke lang. Pero, ayoko pa rin talaga ng magastos. Gusto ko naka-budget lahat. Lalo na last year, nang naaksidente si Mama, kailangan kong maging mindful sa in and out na pera namin dahil ayokong masayang ito. "Wag ka ngang richkid d'yan. Magtyaga na tayo dito. Pag-ikaw naghirap, di ka makaka-survive. Extinction, 'yun ang kapupuntahan mo." Sabi ko sa kaniya kaya tumawa siya. Nilagay niya ang mga gamit namin sa compartment ng kotse niya. Papunta kami ngayon sa airport papuntang Catanduanes. Siya na daw magbabayad ng plane ticket namin dahil siya naman daw ang gustong sumama. Basta daw, pagsilbihan ko siya, but it turns out dahil sa pagiging gentleman niya ay siya pa ang nagsisilbi sa'kin. Hinintay ko siyang malagay ang mga gamit. Gusto ko sanang tulungan pero pinitik niya ang kamay ko. Tiningnan ko na lang siya ng masama at nanatili na lang na tumingin sa kaniya. Malamig ngayon kaya naka-denim jacket siya. Sa loob nito ay white shirt lang at ang pangbaba ay fitted ripped jeans na itim. Ang sapatos niya naman ay rubber shoes na white. Ang jeans niya ay kapit na kapit sa kaniyang hita. In fairness, napaka-firm ng muscles niya. Both arms and thighs. Siguro dahil sa pagbabasketball niya. May ballcap rin siya na black na nakasabit sa backpack niyang army green ang color na ngayon ay suot niya. For me, I'm just wearing baby pink shirt and with jeans with peach rubber shoes. Bagay daw sa'kin ang mga light colors dahil maputi ako. Ang mahaba kong buhok ay naka-pony tail at suot ko lang ang relo na bigay sa'kin ni Papa. "Let's go?" tanong niya saka ako tiningnan head to toe. "Hmmm... Not bad." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at agad na nag-sink in sa'kin ang usapan namin noong nakaraang araw. Agad kong tinakpan ang katawan ko gamit ang braso ko kaya natawa siya. "Bastos!" I exclaimed. Mas lumakas pa ang tawa niya dahil sa sinabi ko. "I-I was talking about your outfit, silly. Anong bastos don? Ano bang iniisip mo?" his head tilted. Lumiit pa ang mata niya na parang nanunuya. Hindi ko alam kung pulang-pula na ang mukha ko dahil sa kahihiyan pero feeling ko oo! Dahil ang init na ng buong mukha ko. Ganito ako lagi kapag nahihiya. Agad na nagbablush. Kaya hindi ko na kailangan pang mag-blush dahil baka magmukha na akong sinampal dahil sa kapulahan ng mukha ko. "B-Bakit kasi ganon ka makatingin, ha?" umirap ako sa kaniya. "Because I was looking at your outfit. Nothing more, nothing less. Unless, you want—" "Just shut up, Jonas Steve! Just shut up. Will you?" hinawakan ko ang mukha ko dahil alam kong pulang-pula na ito. Tawa lang ang ginanti niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto pero hindi ko pa rin maialis ang galit na tingin sa kaniya. Palagi niya na lang akong iniinis at palagi rin akong naiinis sa kaniya. Kaunti na lang siguro ay magiging number one hater niya na ako. Nang makapasok na siya sa kotse ay aayusin niya na sana ang seatbelt niya pero nang nakita niyang hindi pa rin ayos ang sa'kin ay iyon muna ang inuna niya. There goes my heart beating and you are the reason~ Timing naman talaga ang music ng kotseng ito. Alam na alam niya ang lagay ng puso ko ngayon. Ngumuso ako nang makita kong nakaayos ang buhok niya kahit hindi ito basa. "Why are you always pouting when looking at my hair? Ayaw mo ba?" tanong niya saka tumingin sa salamin ng kotse na nakadikit sa gilid ng airbag. Tiningnan ko ang buhok niya at ginulo ito ng konti. Ngumuso ako nang makita kong hindi pa ako satisfied sa pagkagulo niya kaya medyo ginulo ko pa ito. Nang aalisin ko na ang kamay ko sa buhok niya ay hinawakan niya ito. Inilipat ko ang tingin ko sa mata niya. He looked so serious looking at me. Mapungay at seryoso. Nakakatakot at mapanganib. Nakakatunaw. Hindi ko dapat iyon titigan pero matigas ang ulo ng sistema ko. Gusto talaga atang matunaw ako ngayon. Kung hindi ako nakaupo, kanina pa ako natumba dahil nanlalambot na ang tuhod ko. Hindi naman ngayon na una kaming nagkatitigan o una kaming nagkalapit ng ganito, but every time that this happens, my heart always wants to explode. "You really want it messy?" tanong niya, nakakatitig pa rin. I cleared my throat. I tried to pull my hands but he didn't let it go. Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko nang hinila niya pa ako palapit sa kaniya. Kumunot ang noo niya saka ginulo rin ang buhok ko saka tumawa. "I like it messy too. But I like your mad face more. Like this." Aniya saka kinurot ang chin ko. Naghaharumentado nanaman ang puso ko. Ayoko na. Hindi ito pwede.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD