Nervous
"Welcome to Marilima, Ma'am, Sir." Pag-welcome sa'min ng isang staff na babae.
She's wearing white shirt and floral skirt with just black flip-flops. Ang sahig ay puro buhangin na rin kaya't ayos na ayos ang suot niya. Ganon talaga ang uniform ng mga babaeng staff dito. Sa t-shirt ay may nakaimprintang Marilima with an image, na kinuha din dito sa Marilima Beach.
Jonas smiled at her then looked at me. His head tilted.
Ngumiti rin ako sa Ate saka pumasok na sa beach. Si Jonas ay may kinausap muna kaya hinayaan ko na. Pumikit ako at inamoy ang simoy ng hangin. Nakakamiss pumunta dito. Noong bata pa kami, dito kami palagi nagcecelebrate nila Papa at Mama. Kapag may Birthday or graduation and recognition or kahit anong event pa 'yan, suki kami dito. Pero 'nung nag-high school ako ay hindi na kami ulit pumupunta dito. Naging busy na rin kasi sila Papa at Mama 'non.
"Ate, Ate! Boypren mo 'yun?" napayuko ako nang kalabitin ako ng isang batang babae.
I smiled at her. Nakatingala siya sa'kin dahil nakatayo ako so naghalf kneel ako para magkalevel ang mata namin at hindi na rin siya mahirapang tumingala.
Seryoso siyang nagtatanong sa'kin kaya sinundan ko ang tingin niya na ngayon ay nakatingin kay Jonas na nakahalukipkip habang pinagmamasdan kami.
"Hmm... Ba't mo natanong? Ano bang name mo?" nilipat ko ang tingin sa kaniya.
"Kanina pa po siya nakatingin sa'yo, e. Magkaaway po ba kayo?" tanong niya kaya natawa ako.
"Hindi. Hindi kami magkaaway." Ginulo ko ang buhok niya.
Lumapit siya sa'kin saka ay may binulong.
"Bagay po kayo." Bulong niya saka ako ngumiti. She's adorable and cute!
I looked at Jonas. Nagsalubong mga kilay niya at nagtaas pa ang isa.
"Anong name mo?" tanong ko na lang sa kaniya.
Lumapit sa'min si Jonas habang ang kamay ay nasa bulsa.
"Mikaela Habana po. Anak po ako ng may-ari nito. Gusto niyo po ba ililibre na lang namin kayo ng cottage? Mabait po si Daddy! Ang name niya rin, Mika! Pereho po kami." she excitedly said.
"Sadly, we won't stay here, baby girl. You're so kind, Mikaela. Dahil d'yan, here's a candy for you." Nakangiting sabi ni Jonas na naghalf kneel din.
Tuwang-tuwa si Mikaela at tumatalon-talon pang umalis. Tiningnan ko si Jonas at nagtaka kung saan niya nakuha ang candy.
"Hindi pa ba tayo magchecheck in?" tanong niya.
Ngumisi ako sa tanong niya. Hindi kaming dalawa magchecheck in. Siya lang.
"Sa bahay ako matutulog. Malapit lang 'yon dito. Pupuntahan na lang kita bukas ng umaga. Kakausapin ko muna si Papa." Sabi ko.
Halatang hindi niya nagustuhan ang narinig dahil napasimangot siya at hindi niya na rin nginingitian ang mga staffs na bumabati sa kaniya.
Dala-dala na ng isang bellboy ang gamit niya. May kakilala pala siya rito. Isang mayamang pamilya rin. Hindi niya nga daw alam na dito iyon nakatira. Pinahiram pa siya nito ng Mercedes Benz. Diba? Ang yaman yaman talaga ng isang 'to. Parang sa buong bansa ata, may connection siya.
Kahit maghirap siya, ayos lang pala dahil maraming kukupkop sa kaniya. Mabait naman ata ito sa ibang tao. Mahilig lang talagang manira ng araw.
"Kapag may kailangan pa po kayo, Boss, Madam, tawagin ninyo lang po ako." Aniya saka ngumiti.
"Thank you, Kuya." Sabi ko.
"King na lang po."
"Thank you, King." Pag-uulit ko.
"Welcome, Madam..." Tinaas niya ang dalawang kilay na parang hinihintay ata sabihin ko ang pangalan ko.
"Anna." I awkwardly chuckle.
"Ang ganda ng pangalan mo, Madam. Kasing ganda mo!" he laughed.
Ngumiti na lang ako saka tumingin ulit kay Jonas na nakasimangot pa rin ngayon. Gusto niya bang matulog sa bahay namin? 'Di naman papayag si Papa. Baka magalit lang 'yon dahil nga alam niya na si Jonas ang nakabangga sa'kin.
"It's so hot in here. Hindi ba gumagana 'yung air con, Anna?" pag-iinarte niya.
"Yes sir. Wait po. Bubuksan ko lang po." Ngumiwi ako dahil sa kaartehan niya.
Kasalanan niya naman kung bakit naiinitan siya ngayon. Sino bang nagsabi na sumama siya sa'kin diba? Edi magtiis siya ngayon. Bahala siya sa buhay niya 'dyan.
Ngumuso na lang ako habang nilalaksan ang aircon. He's murmuring something pero hindi ko na iyon narinig dahil bigla siyang tumigil at tumungo na lang sa cellphone niya habang nakaupo sa kama.
"Gutom ka na ba? Anong gusto mong kainin?" tanong ko sa kaniya nang may makita akong menu sa ibabaw ng table at naghanap na rin ng pagkain.
Hindi siya sumagot kaya tiningnan ko siya. Nakatingin lang siya sa'kin saka tumayo para kunin ang menu. Hala, anong kaartehan 'to, Jonas? Ngumiwi ako dahil hindi niya pa rin ako pinapansin. Well, pinansin niya naman ako pero cold 'yung pansin niya sa'kin.
"Ikaw, anong gusto mo rito?" tanong niya saka tumingin ulit sa'kin.
Kinuha ko ang isa pang menu nakapatong sa table saka namili na rin.
"Etong alimango, promise, masarap 'to, tikman nat-"
"I'm allergic, all sea foods except fishes pero pili lang." Pagputol niya sa suggestion ko.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. All sea foods? My gosh! He missed half of his life. Kawawa naman siya. Hindi niya malalasap ang masasarap na sea foods dito? Weak.
"Let's settle on meat, then." Disappointed kong sinabi.
Alangan naman kasing ako lang ang kakain ng sea foods diba? Edi same na lang kami ng kakainin dahil baka mainggit pa siya sa'kin at lalo siyang maging cold.
"I thought it's delicious? 'Wag mo akong isipin. Just pick what you want. I'll pick what I want." Aniya saka tumalikod para kunin 'yung telephone.
Ang sungit! Nakakairita.
Pumili ako ng masasarap na sea foods saka ito sinabi sa kaniya. Madami akong kumain kaya alam kong mauubos ko iyon.
Halos isang oras bago dumating ang mga pagkain at inilagay ito nung Edwin. Nakangiti siya habang nilalagay ang mga pagkain.
"Masasarap po ito, fresh na fresh, hehe." Aniya.
Nang tiningnan ko si Jonas, nakatingin lang siyang masama sa'kin. I mouthed 'what?!" pero tinaas niya lang ang isang kilay niya.
"Thank you, King." Sabi ko after niyang ilagay lahat ng pagkain.
"Enjoy po kayo ng boyfriend niyo Ma'am. Eat well!" ang kilay niya pa ay nagtaas baba saka nagbigay ng malisyosong ngiti.
"Hindi ko siya-"
"We will, definitely. Thanks, man." Si Jonas ay tumabi sa'kin at inakbayan ako. Nilapit niya pa ako sa sarili niya kaya hindi ako nakapagsalita kaagad.
"No problem po!" aniya saka umalis na.
Naiwan akong nakatayo pa rin habang si Jonas ay umupo na sa hapag kainan. Ano daw? Boyfriend?
"A-anong boyfriend, ha?" tanong ko agad kay Jonas nang mahimasmasan ako.
"Lalaking kaibigan." He winked at me.
"A-ano? Sa tingin mo gets niya 'yon? For your-"
"He likes you, Anna. If I didn't confirm what he said, puporma 'yon. Trust me."
Natawa ako sa sinabi niya.
"He doesn't like me. He's a bellboy, Jonas. Malamang ganoon talaga iyon. Nakangiti at polite! Saka, ano naman sa'yo ngayon? Then what if he'll make a move? Alam ko naman na maganda ako, you don't have to protect me." I said out of irritation, at siya naman ay tumawa.
Bubuksan niya pa sana ang bibig niya dahil may sasabihin pero umiling na lang siya. Look at this man! Nakakainis talaga. Kung alam ko lang na iinisin niya ako sa bakasyon ko, hindi ko na siya sinama.
"Why? Do you like him?" he said with a little bit of annoyance.
"W-What? No!" I disagreed.
"Let's eat then, masama ang pinaghihintay ang pagkain."
Somebody tell him that he's freaking moody, please.
"Hindi talaga kita gets, Jonas." Umiling na lang ako.
He chuckled without humor. Nilagyan niya na ako ng java rice sa plato ko at naglagay na rin siya ng white rice sa kaniya. Hiwalay ang iba't-ibang putahe ng pagkain kaya feeling ko maraming-marami ito, pero alam ko namang mauubos ko ito.
"What's that?" tanong niya, nginuso ang kabibe.
"Kabibe. Pati eto ba allergic ka? Wait, kumakain ka ba ng balut o isaw? Dugo?" tanong ko sa kaniya habang busy rin akong kumain, nakakamay lang.
"Balut? What's that? Isaw? The orange thing? Sa barbecue. Dugo? Why the hell will you eat blood?" ngumiwi ako dahil sa mga sinabi niya.
"Nako. Dapat makatikim ka ng mga 'yan. Anak mayaman ka nga pala kasi kaya hindi mo 'yan alam. Masasarap 'yon. Kapag nakakain ka, makakalimutan mo ang pangalan mo." Nagtaas baba ang kilay ko.
Umiling siya sa sinabi ko.
"I can eat isaw. I tried that, siguro 'nung high school. Pero nakalimutan ko na ang lasa." Tumango ako sa sinabi niya.
"Ah, hindi ka naman pala maarte sa pagkain."
"Yeah. Well, except sa mga pagkaing mayroong awkward smell." Ngumiti ako sa sinabi niya. Not a ngiti. More like, evil smirk.
Pakakainin ko siya ng mangga'ng mayroong balaw. Ang sarap 'non! Ngayon pa lang ay naglalaway na ako. Maraming mangga sa compound namin, tapos yung tama lang akong pagkahinog. Gusto ko nga, iyong hindi dahil maasim pa. Mas masarap isawsaw sa balaw.
"May ipapatikim ako sa'yo, Jonas."
He laughed, "No."
"Masarap 'yun, promise." Ani ko. "Wala ka rin namang magagawa dahil pipilitin talaga kita."
"Hindi mo ako mapipilit, Anna." Umiling-iling pa siya.
Ngumuso naman ako. Bahala siya. Basta ako, pipilitin ko pa rin siya sa ayaw at sa gusto niya. Ang sarap kaya 'non. Hindi mo pa nga natitikman, arte arte mo pa dyan.
"Well, let's see." Sabi ko na lang.
Nakarinig kami ng malakas na pagkatok sa pintuan. Kumunot ang noo ko saka tiningnan si Jonas. Siya rin ay nakakunot ang noo at pumunta sa malapit sa pintuan. Dahan-dahan niya itong binuksan. Kinabahan ako dahil nagulat siya sa nakita.
Nanlaki na rin ang mata ko nang makita ko si Papa na nakatingin nang masama kay Jonas.
Pano niya nalaman na nandito ako? Sinong nagsabi sa kaniya? May spy ba siya dito? Anong gagawin niya kay Jonas? Shocks!
"P-Papa, hehe," nagwaive pa ako ng kamay.
"Jusko." Aniya. "Halika na. Mag-uusap tayo sa bahay."
Napalunok ako sa tumingin kay Jonas na nakatingin kay Papa.
"M-Magandang araw po."
Tiningnan lang siya ni Papa mula ulo hanggang paa at napayuko naman si Jonas.
"Anong ginagawa mo rito? Bakit kasama mo ang anak ko?" tanong ni Papa sa kaniya.
"Ah, Papa kasi—"
"I'm Jonas po. Kaya po ako nandito para pormal na makipagmeet po sainyo, Sir." Sabi ni Jonas kaya nanlaki ang mata ko.
"Sumunod ka sa'min." Sabi ni Papa kay Jonas.
Mas lalong nanlaki ang mata ko. Bakit pinapasunod niya sa'min si Jonas? Anong nasa isip ni Papa? Napabuntong hininga na lang ako.
"P-Pa, susunod po kami. Maghuhugas lang ako ng kamay hehe, saka toothbrush." I smiled.
Tiningnan ulit ako ng masama ni Papa saka tumalikod at umalis na.
Kumawala ang hangin sa bibig ko nang makaalis si Papa.
"Go, I'll wait for you." Sabi ni Jonas.
Tumango ako saka pumunta na sa C.R. para magtoothbrush. Tumingin ako sa salamin saka ngumiwi. Patay kang bata ka. May gana kang magcheck in dito pero di ka muna bumisita sa Mama mo? Lagot ka talaga. Sigurado akong masama ang loob sa'kin ni Papa dahil hindi ako nagpakita kay Mama pagkauwi na pagkauwi ko.
Although nasa hospital siya at nakahiga doon, nakapikit at walang kasiguraduhan kung magigising pa siya, mahal na mahal siya ni Papa. Ganon din kaming mga anak niya. We love our parents so much. Pero, iba yung kay Papa. Parang, hindi niya alam kung kaya niya pang mabuhay kung mawawala si Mama. It's different kind of love. Minsan nga, I envy Mama. Sana magkaron din akong asawa katulad ni Papa. He's one of a kind.
"Tara na." Yaya ko kay Jonas na nakaharap din sa salamin habang inaayos ang buhok niya saka nagspray sanitizer sa kamay.
Malinis talaga siya sa katawan niya. Iyon talaga ang kapansin-pansin sa kaniya. Ang bango bangk niyang tingnan. Clean cut, maputi, walang bigote at balbas, at clear skin. He's really an ideal oppa of a koreanovela.
He looked at the reflection of me in the mirror. Tumango siya.
"Let's go."
May last na nilagay pa siya sa mukha niya. I think it's sunscreen. Ganito ba talaga siya? Goals talaga ang skincare niya. Sabagay his Mom is a Korean. Ganito talaga ata ang mga Koreans. At para sa'kin, mas okay 'yung sobrang maalaga kesa sa walang pakealam sa katawan nila.
Sumakay kami doon sa hiniram niyang kotse sa kakilala niya dito.
"Ang gara naman ng kotse na 'to. Close friend mo ba 'yun para pahiramin ka ng ganito?" amazed kong sinabi.
"Hmm," sabi lang niya, mukhang hindi pa naintindihan ang tinanong ko.
Ayos lang ba siya? Mukang tensed siya.
"D'yan. I-park mo na lang." Sabi ko nang makarating kami sa harap ng gate namin. "Are you nervous?" natatawa kong sinabi.
Tiningnan niya ako nang na-park na ang kotse sa harap ng gate namin.
Lumapit ang mukha niya sa'kin kaya nabigla ako. Hindi ko dapat siya tinanong ng ganon. Edi ako ang kinakabahan ngayon dahil sa paglapit niya? Ang hilig niya talagang mang-tease ng emotions ko.
Napalunok ako dahil sa titig niya. Inalis niya ang seatbelt sa'kin, at lumapit ang bibig sa tenga ko.
"I'm not. You are." Then he imitated the sound of my heartbeat.