PAKIRAMDAM ni Sake ay parang sasabog ang dibdib niya habang pinagmamasdan ang kanyang mag-ina. Pinapakain ni Jillian si Shawn at ilang beses na nitong binantaan ang bata na kukunin ang laruang eroplanong hawak nito kung hindi ito kakain nang maayos.
Apat na taon ang nawalang panahon sa kanya para maging ama sa kanyang anak. At kahit na anong pangungumbinse ang gawin niya sa sarili niya, the pain just won't stop hurting.
"Shawn is your carbon copy, Sake." Narinig niyang banayad na wika ng kanyang inang nakalapit nang di niya namamalayan.
Sa kawalan ng matinong maisip, tinawagan niya si Lora upang ipaalam dito ang kanyang natuklasan. And he was glad that his mother came as fast as she could for his support. Hindi pa niya alam kung ano ang gagawin niya kay Jillian, pero kay Shawn, sigurado na siyang ayaw na niya itong mawala sa piling niya.
Ni sa hinagap ay hindi na niya naisip na makikita pa ang anak niyang inakala niyang namatay na. Walang kasing sakit para sa isang magiging magulang pa lang noon na kagaya niya ang mabalitaang nalaglag ang anak niya. Ngunit mas masakit tanggaping siya ang dahilan ng pagkawala, hindi lang ng kanyang anak kundi maging ng asawa niya.
Ilang taon na ba niyang sinisisi ang sarili niya? Mag-aapat na taon na. Ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay sariwa pa rin ang sakit sa puso niya...
He wasn't beside Jillian when she supposedly passed away. Hindi niya itatanggi na nagalit siya nang husto sa babae. Bakit hindi? Niloko siya nito. Pinaniwalang ito ang kanyang mahal. He even married her. He loved her with all his heart. He gave her his everything. Para ano? Para malaman sa bandang huli na hindi ito si Julia? Na ang totoong mahal niya ay kakagising lang mula sa tatlong buwang pagkaka-comatose!
Nagalit siya dahil tinago sa kanya ang katotohanan. Kung hindi sana ay naalagaan niya si Julia. Sana ay naparamdam niya sa kasintahan na kahit na anong kalagayan nito ay hindi magbabago ang pagmamahal niya. Ni hindi kailangang palitan ito ng kung sinong kamukha nito.
His heart broke upon seeing the real Julia. Nasa ospital pala ito at siya ang una nitong naisip at hinanap nang magising ito. Humingi siya ng tawad at hindi ito nagawang iwan sa loob ng mahigit isang linggong ipinanatili pa nito sa ospital for series of tests...
He never once gave a thought about the other Julia in his house.
When he finally decided to confront Jillian, it was too late. He could still clearly remember his conversation with Yaya Pasing.
"Hindi mo alam?" Nagtataka ang tinig ng mahal niyang yaya nang hanapin niya rito ang kakambal ni Julia. "Dinugo ang asawa mo, isinugod ko siya sa ospital. Pero pagkatapos noo'y hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa kanya. Ang buong akala ko'y inaalagaan mo siya kaya hindi ka rin umuuwi."
"Dinugo?" Wala sa loob niyang tanong, he came home para palayasin ito kung sakaling sa kakapalan ng mukha nito ay hindi pa rin ito umaalis. Kaso siya ang nagulat sa sunod na sinabi ng matanda.
"Nakita ko siyang nakasalampak sa sahig ng k'warto ninyo na dinudugo. Sabi ko tatawagan kita pero ayaw niya. Teka nga, kung hindi mo siya kasama, nasaan ka? Buntis ang asawa mong bata ka! Hindi mo man lang pinuntahan?!"
"Buntis?" Para siyang tinakasan ng lakas. "Yaya, saang ospital mo siya dinala? Sabihin mo sa 'kin!"
Halos liparin niya ang ospital na tinukoy ni Yaya Pasing. Para lang pagdating niya roo'y lalo lamang siyang manlumo.
His wife died along with their baby. Marami ang nawalang dugo at hindi ito naagapan agad dahil sa kakulangan ng pasilidad ng ospital na pinagtakbuhan dito. Iyon ang sabi ng naging doktor mismo ni Julia. Para siyang tinarakan ng punyal sa dibdib sa nalaman niya.
Wala na roon ang katawan nito at napag-alaman din niyang nagdesisyon ang pamilya nitong ipalibing ito kaagad.
He was too late. Ni hindi man lang niya ito nakita. Ni hindi sinabi sa kanya ni Valeria o ni Victoria ang nangyari gayong araw-araw na kasama niya ang mga ito sa pagbabantay sa totoong Julia.
While all of them were busy with the real Julia, the twin sister suffered alone. She died alone.
Victoria though was kind enough para dalhin siya sa puntod ng babae. And from that time on, Sake would frequently find himself visiting her grave, paulit-ulit siyang humihingi ng tawad. Paulit ulit siyang nagsisisi for acting too harsh on Jillian, for hurting her and their baby that morning.
Hindi siya kailanman pinatahimik ng huling salitang nanulas sa bibig nito bago niya ito tinalikuran noon.
'Sake, help,' were her last words to him, na hindi niya pinakinggan because he thought that she was lying again. If only he hearkened, sana nakaligtas ito. Hindi na ito umulit na humingi ng tulong pagkatapos no'n dahil ayaw siya nitong patawagan sa yaya niya.
Dahil walang available na sasakyan kaya hindi ito agad naitakbo sa ospital. To make the agony worse, nakita niya sa sahig ng kwarto nila ang surprise dapat ni Jillian sa kanya noon.
She was about to tell him about their baby. Dinelay-delay pa kasi niya, naunahan tuloy ito ng paggising ni Julia.
Ever since that day, Jillian's crying face haunted his nights. Hindi lang iyon. Bawat sulok ng bahay niya ay nagpapaalala sa kanya sa babae. Pero gayunpaman ay hindi niya maatim na galawin ang bahay. Maging ang baby nila ay parati niyang napapanaginipan. As if he was alive and wanting to play. Kaya siya nagpagawa ng kiddie room.
Bagamat ilang beses niyang nahiling na sana buhay ang mag-ina niya, hindi niya inasahang isang araw ay bigla ngang nagkatotoo ang hiling niyang iyon.
"Look at him, Jillian did a good job raising my grandson."
"Why didn't you tell me you knew that she wasn't Julia?" Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maintindihan kung bakit sumali ang kanyang ina sa pagsisinungaling sa kanya noon, ang masama, hindi pa ito nagpapaliwanag kung bakit.
"Can you blame a mother for wanting a good wife for her son?"
"She's a liar, 'ma." Hindi siya makapaniwala. "She will never make a good wife."
"Liar? Kung gano'n bakit mo siya dinala rito?" Nananantiyang tanong ng kanyang ina.
He didn't know either.
"Dahil hahanapin siya ni Shawn," he offered.
"You can show Julia to him and tell him she's his mother."
"No... I don't want my child to live a lie like what all of you did to me."
Imbes na sumagot pa ay nginitian lang siya ni Lora. Tapos ay tinapik siya sa balikat bago lumapit kina Jillian at Shawn.
Watching the three of them makes his heart happy. Ipinilig niya ang ulo. Definitely not. He still loathe Jillian for what she did.
And just now, he realized, hindi pa rin pala niya napapatawad ang babae. He was just guilty kaya lagi niya itong naiisip noon. Pero ngayong nalaman niyang walang dapat ika-guilty, galit na siya ulit.
Nagpasya siyang lumapit. He wanted time with his son.
-----
"G-GOOD morning, Sake." Alanganing bati ni Jillian sa bagong dating. "Pasensya ka na kung pinakialamanan ko na ang kusina, uhmn, ayokong malipasan ng gutom si Shawn."
"It's fine." Walang gaanong emosyong tugon nito. "Ako na ang magpapakain sa kanya."
"Daddy!" Natutuwa namang yumakap si Shawn kay Sake like kilala nito ang ama nito dati pa. She wanted to get mad at her son. Bakit ito gano'n? Hindi ba siya sapat sa anak niya?
"Sure," mahinang aniya. "Papanoorin ko na lang kayo."
"No. Leave us," Sake answered.
Gusto pa sana niyang kumontra pero niyakag na siya ni Lora palayo.
"Let them be," wika nito.
"What's he trying to do, mama? Win my child's heart at ilayo sa akin?" Hindi niya napigilang maglabas ng sama ng loob.
"Hindi sa gano'n... Naniniwala akong gusto lang niyang maging ama kay Shawn. You are his mother, I believe that Sake would respect that."
"Sana nga... Hindi ko kakayanin kapag nilayo niya sa akin si Shawn, 'ma. Ang anak ko lang ang meron ako. Mamamatay ako kapag nawala siya."
"Naiintindihan ko, Jillian. I suggest na mag-usap kayo ni Sake nang maayos. Pero pinapauna ko na sa 'yo, hindi siya papayag na hindi niya makasama ang anak ninyo."
Gusto niyang umiyak. Hindi siya pwedeng manatili roon. Batid niyang hindi papayag sina Sake at Julia. Pero hindi niya rin pwedeng iwan si Shawn.
"Anong gagawin ko?" She asked.
"Make an arrangement with my son." Lora suggested.
-----
FOR SOME reason, hindi pa niya nakikita si Julia. Bagamat ipinagpapasalamat niya iyon ay hindi niya rin maiwasang matakot na isang sandali ay bigla na lang niya itong makasalubong sa loob ng bahay at susumbatan siya nito.
Kailangang maayos niya ang lahat bago ito dumating. At alam niyang kay Sake siya dapat mag-umpisa.
Nasa playroom ang mag-ama at walang sawang naglalaro. Labag man sa loob niyang pagbigyan si Sake dala ng takot na baka hindi na sumama si Shawn sa kanya ay nanahimik pa rin siya. Humihiling na sana piliin ng anak niya ang mommy nitong naging mommy at daddy nito nang sabay mula isilang ito.
"Sake," s'werte siya dahil tulog na si Shawn nang magpasya siyang kausapin na si Sake. "Can we talk, please?" Lakas loob niyang dagdag.
Tumango ito at sabay silang lumabas ng silid ng anak nila.
"Kailangan na naming bumalik sa Cagayan." Umpisa niya agad pagkasarang-pagkasara pa lamang nito ng pinto. "Andoon ang buhay namin at ando'n ang trabaho ko."
"You can go anytime you want. Pero iwanan mo si Shawn," tugon nitong ipinagkibit lang ng balikat ang sinabi niya.
"Hindi mo naiintindihan. Hindi ko pwedeng iwanan ang anak ko."
"Bakit hindi? 'Andito ako Jillian! I am his father. I will take care of him."
"Alam ko at hindi ko ipagkakait sa 'yo na maging ama kay Shawn. Pangako 'yan. Hayaan mo lang na bumalik kami sa dati naming buhay."
"My son can start a new life here with me."
Napapikit siya. Hindi niya maiwasang masaktan sa pambabalewala ni Sake sa maaari niyang maramdaman sa mga sinasabi nito. Ina siya ni Shawn!
"Are you this heartless?!" Hindi na niya napigilang manumbat. "Binuhay kong mag-isa si Shawn. Hindi ako nanghingi ng kahit na ano mula sa 'yo o sa pamilya mo--"
"Hindi mo kailangang manghingi dahil kusa akong magbibigay kung alam ko lang ang tungkol sa kanya! He's my son, Jillian. I will give him everything I can give!" Ganti nito.
"Then what do you want me to do?!" Frustrated niyang tanong. "Iwan ko ang anak ko?!"
"I would deeply appreciate it if you would do that."
"You're impossible!" Naiiyak niyang bulalas. "Hindi ko pwedeng iwan si Shawn. Please, understand me, Sake. You already have everything. May pamilya ka. You have Julia, you have kids. Ibigay mo na sa akin si Shawn. He's all I got. Parang awa mo na!"
Sake smirked at gano'n na lang ang inis na naramdaman ni Jillian. Hindi ba siya seseryosohin ng kausap?
"Sake, please," lakas-loob niya itong hinawakan sa braso. "Kalimutan mo ng nakita mo si Shawn."
"You don't tell me what to do, Jillian." Kinalas nito ang pagkakahawak niya sa paraang tila ayaw nitong nadidikit ang balat niya sa balat nito. "If you want to leave, leave alone!"
"Kung ayaw mong isama ko ang anak ko, then I'm not leaving either!" Tinatagan niya ang tinig para maipabatid ditong hindi niya iiwanan si Shawn sa poder nito. "You made your choice, Sake Fortalejo. I will stay here hanggang sa malaman ni Julia na narito kami ng anak ko sa bahay ninyo. I will ruin your relationship again. I will ruin your family. I will ruin you!"
"Suit yourself, my love." He smirked again bago siya tinalikuran.
She ignored the endearment. Hello? She was threatening him! Hindi ba ito natatakot na gawin niya nga ang banta niya?
'Come on, Jillian... Maybe you aren’t really a threat to begin with. Sino ka ba?' Her mind told her habang pinapanood ang pagbaba ni Sake ng hagdan.
She heaved a sigh. Kailangan niyang ihanda ang sarili sa magiging pagtutuos nila ni Julia.
-----
"HINDI ko intensyong saktan ka sa sasabihin kong ito, Jillian, but I think, deserved ng mag-ama mo na magkasama."
Pinapanood nilang turuan ni Sake ng paglangoy si Shawn sa swimming pool sa bahay ni Lora. Naglambing kasi ang lola na pumunta sila roon.
Naiinis siyang aminin pero tama si Lora. Nakikita niya kung gaano kasaya si Shawn at iniisip pa lang niyang ilayo ulit ito kay Sake ay parang nakikinita na niyang masasaktan nang sobra ang anak niya. Kaya ba niyang saktan si Shawn?
"Aaminin ko, mama. Pero hindi ko pwedeng iwan si Shawn kay Sake. Patawarin ninyo ako pero hindi kami pwedeng magtagal dito."
"Bakit hindi?"
"Masyadong komplikado. Ayokong guluhin ulit sina Julia at Sake. Masaya na sila at--"
"Hindi pa sila kasal hanggang sa ngayon Jillian." Nakangiting sansala ni Lora sa sasabihin pa sana niya.
"B-bakit hindi pa?" Nagulat niyang tanong.
Napakahabang panahon na ang lumipas. Kung gano'n ay mali siya nang sabihin niya kay Sake na may mga anak na ito kay Julia kaya ipaubaya na nito si Shawn sa kanya. Bakit hindi siya nito itinama?
"Hindi ko alam ang dahilan. Kung gusto mong malaman ay tanungin mo si Sake."
S'yempre hindi niya gagawin iyon. It was none of her business anyway. Kung hindi pa kasal ang dalawa ay wala siyang pakialam.
'Talaga ba, Jillian?' Her heart teased.
She began to unlove Sake Fortalejo when he refused to help her and their baby. But the moment she officially stopped loving him was when he never came to visit her at the hospital.
Mula noon isinumpa niya sa sarili niyang kakalimutan na niya ang lalaki.
"It's not my concern to ask, mama."
"But maybe you should ask... You have the right to know. After all, he fathers your son. Wouldn't you want to know his plans for Shawn?"
Napatingin siya sa ina ni Sake. May punto ito. Pero sigurado siyang hindi siya magkakaroon ng lakas ng loob na magtanong.
"Excuse me madame, nasa labas po si Ms. Julia."
Sabay silang napalingon sa sumingit na kasambahay. Nakaramdam ng panlalamig si Jillian.
"Let her wait in the living room." Narinig niyang tugon dito ni Lora. Hinawakan nito ang kamay niya pagkatapos. "If it would help you, Sake's mother is on your side." Nginitian siya nito.