10. Present.

2421 Words
Present... HINDI malaman ni Jillian ang gagawin habang kabadong pinapanood ang paglalakad-lakad ni Sake sa harapan niya. What could he be thinking? Nasa pribadong opisina sila nito sa loob ng mall. Nakakatawa dahil linggo-linggo ay naroon silang mag-ina ni Shawn. Pero wala siyang kaide-ideya na doon niya muling makikita ang ama ng kanyang anak. It was not a new establishment at alam niyang hindi mall ang negosyo ng pamilya ni Sake. Kaya hindi niya maintindihan kung ano ang ginagawa nito roon. Lumayo na siya. Bakit muli pa silang nagkita? She just couldn't understand. Okay na siya. Okay na sila ni Shawn. Bakit kailangan pang mangyaring malaman nito ang katotohanang buhay siya at may anak sila? Gaya kung paano sila naghiwalay noon, hindi na naman siya handa sa muli nilang pagkikita ngayon. "I still couldn't believe this!" ani Sake sa paraang hindi nga makapaniwala. He looked stupefied. "So for almost five years that I mourned losing you and our child, you were here hiding from me?! Tell me Jillian, what exactly did I do wrong to you for you to betray me twice? Huh?" Napapikit si Jillian pero nagpakatatag siya. Ni hindi nagtanong si Sake kung anak nito si Shawn. Alam ni Jillian, inangkin na nito ang anak niya dahil hindi naman talaga maitatanggi ang malaking pagkakahawig ng mga ito. "Wala akong kailangang ipaliwanag sa 'yo. Nasa'n si Shawn? Uuwi na kami," sagot niya. Pina-alaga nito sa assistant nito si Shawn kanina para raw makapag-usap sila nang masinsinan. She refused pero wala rin siyang nagawa. "You owe me a lot, Jillian... At hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa paniningil sa 'yo". "I already said I'm sorry, hindi pa ba sapat iyon?" "Sorry?" Sarkastiko nitong ulit. "That would never be enough Jillian!" "Okay. Then I guess wala na tayong dapat pang pag-usapan." Tumayo na siya. Hindi na niya kayang manatili roon. "Marami kang kailangang ipaliwanag sa akin. Bakit hindi tayo mag-umpisa sa kasinungalingang namatay ang anak natin?" Hindi man lang nito itinago ang pagkasuklam sa mga mata nito. Even his voice was laced with hatred. For years, that hate in his eyes haunted her. She regretted hurting him. Sinisi niya ang sarili niya sa lahat ng nangyari sa buhay niya. It was never easy before she found the courage to forgive herself and move on- para kay Shawn. Para sa isa sa dalawa niyang anak na kumapit sa kanya para samahan siya sa kanyang pagluluksa. She didn't lie about losing their baby. She was carrying twins that time. At hindi pa niya alam iyon noon. "Huh, Jillian?" "Wala akong ipapaliwanag." Mariin niyang sagot. She asked him for that chance to explain pero hindi siya nito pinagbigyan. Hindi niya rin ito pagbibigyan ngayon. Besides, para saan pa? Malamang may mga anak na ito kay Julia... "Talaga?" Hamon nitong inisang hakbang ang pagitan nila. Sa isang iglap ay hawak na nito nang mahigpit ang braso niya. "Or maybe, this is another ploy of yours to get me." "Huh? Dahan-dahan ka sa panghuhusga mo Mr. Fortalejo. Kung may pinakatama akong ginawa sa buhay ko, 'yon ay noong lumayo kami ng anak ko!" She hissed at pilit binabawi ang braso sa pagkakahawak nito. He was hurting her at hindi niya maiwasang maalala noong araw na sinaktan siya nito nang gano'n. "Bitawan mo 'ko!" "I was blaming myself everyday for four years and six months for causing your death! Alam mo ba kung ano ang naramdaman ko noong malaman kong buntis ka at pareho kayong napahamak ng anak natin? At alam mo ba kung ga'no kahirap tanggaping kasalanan ko kung bakit kayo nawala?" Anito sa nahihirapang tinig. "Hindi mo alam! Kasi all the while, you were just here! Nagtatago! Letting me live yet another lie!" Sumbat nito. "I'm sorry, okay?!" Kapos sa sinseridad niyang saad. Imposible ang sinasabi nito. She waited one week at the hospital pero hindi ito dumating. He was with Julia habang mag-isa niyang pinagluluksa ang pagkawala ng isa sa mga anak nila. Kaya wala itong karapatang sumbatan siya. He left her first! He was nowhere when she needed him. Sa katunayan, sa tagal ng paghihintay niya ay nagawa siyang mapapayag ni Valeria na palabasin nilang namatay siya. Blood lost. Iyon ang ginawa nilang dahilan. But still, she had hoped that Sake would remember her. That he would show up at least. Kahit sumilip man lang. Kaso hanggang sa magawa nila ang plano ng kanyang ina ay hindi ito dumating. Hindi siya naalala ni Sake. Winalang halaga rin nito lahat ng kabutihan at pagmamahal na ibinigay niya dahil lang hindi siya si Julia! He was just like her mother, puro si Julia lang ang mahalaga. Si Julia lang ang kayang mahalin. "You're an awful person, Jillian," binitawan siya nito. "I know." nasaktan siya ngunit sinang-ayunan niya ito. He was right. Kaya nga walang nagmamahal sa kanya, 'di ba? Because she's terrible, a liar, a good for nothing person, unworthy of love. "Now let me and my son go home." "Don't think I'll let you go off that easily," lumabas ito ng silid. "What do you mean?" Kinabahan siya. "Sake! 'Asaan ang anak ko?!" Sinundan niya ito. "I'm taking him with me." Hindi lumilingong sagot nito. "What?!" Hindi makapaniwalang aniya habang pilit na umaagapay sa malalaki nitong hakbang. "Sake, hindi mo pwedeng gawin 'to!" Mangiyak-ngiyak niyang dagdag. How could she be so gullible? How could she be so trusting para hindi maisip na habang nag-uusap kuno sila ay inilalayo na nito si Shawn? "Bakit hindi?" Nang-uuyam nitong tanong. "You owe me four years, Jillian. Ipinagkait mo sa akin ng apat na taon ang anak ko!" "Wala kang karapatan sa kanya!" Galit niyang saad. "Shawn is mine!" Lakad takbo na ang ginagawa niya. Bakit ba ang bilis nitong maglakad? "Ours, Jillian. He's my child too!" "You were never a father to him!" "Because you hid him from me!" "You should've known about him if you cared to visit me at the hospital!!!" Hindi na niya napigilang sumbat "You never showed up Sake! You didn't care!" Umiiyak niyang saad. Ramdam niya ang muling pagbukas ng sugat sa puso niya. Ayaw na niyang masaktan. Pagod na pagod na siya. "Kaya wala kang karapatang basta na lang kunin ang anak ko!" Pero tuloy-tuloy lang si Sake. Mistula itong walang naririnig. But she didn't give up. Like she said, wala itong karapatan kay Shawn. "Sake!" Namalayan na lang niyang nasa itaas na sila ng gusali at patungo na ito sa isang naghihintay na helicopter. Wala roon si Shawn. Pero kapag pinabayaan niyang makaalis si Sake, hindi niya alam kung saan hahanapin ang anak niya. "Sake, don't do this to me!" Lakas loob niyang pinigilan ito sa braso. Pero sa halip na tumigil, ipinagpag lang nito ang kamay niya. "Sake! Please, ibalik mo si Shawn! 'Asaan ang anak ko?" Habang papalapit sila sa helicopter ay nilalamon na ng tunog niyon ang boses niya. He only stopped to talk to the person whom she thought was the pilot. Before she knew it, umakyat na ito sa naghihintay na sasakyang panghimpapawid. He wore the necessities as he positioned himself to fly the thing! Ito ang piloto?! "Sake!" Hindi na nag-iisip na sumampa rin siya sa helicopter. "Hindi ko hahayaang umalis ka nang gano'n na lang! Ibalik mo sa 'kin si Shawn!" Saglit itong tumingin sa kanya like asking her kung seryoso siyang sasama. She realized na hindi nito narinig ang mga litanya niya kanina. Nagkibit ito ng balikat. Mayamaya'y dumukwang ito sa kinaroroonan niya. Jillian held her breath. Pakiramdam niya ay nasa lalamunan niya ang puso niya sa pagkakalapit nilang iyon. Sake Fortalejo's eyes never left hers as he moved his hand past her, para kunin ang seatbelt at i-secure siya sa upuan niya gamit iyon. Pagkatapos ay sinuotan siya ng headset. Ginawa nito lahat iyon nang blangko ang mga mata nito. Seriously? He wouldn’t kick her out? Ilang saglit pa'y umangat na ang helicopter with only the two of them on board. During the short time that she spent with Sake years ago, she didn't see that side of him who could fly a helicopter. Sa mga kilos nito ay mukhang matagal na nitong ginagawa iyon. But it wasn't like she got the opportunity to learn everything about him then. Saglit lang silang nagkasama. Narinig niya kanina na sa Maynila ang destinasyon nila. It was her first time na makasakay sa gano'n pero walang puwang ang excitement sa puso niya. She was worrying about Shawn. 'Asaan ang anak niya? Humigit kumulang dalawang oras na silang magkahiwalay. Baka umiiyak na ito. ----- SA BAKURAN ng dati nilang bahay sila lumapag. She recognized the wide backyard na ni minsan ay hindi niya pinuntahan noon. Gusto niya sanang mag-garden sa bakanteng espasyo na 'yon pero nalaman kasi niyang may plano si Julia sa area kaya hindi na niya pinakialaman. "I thought you want to see our son?" Nilingon siya ni Sake mula sa ilang metro na nitong nalakad. Hindi kasi siya tumitinag. Hindi niya kaya. Masyadong madaming alaala ang bahay na iyon. Doon man naganap ang mga masasayang araw sa buhay niya ngunit doon din nangyari ang pinakamasakit na sandali. It was where she lost Sake and their other baby. Besides that, it was Sake and Julia's bridal house. Baka 'andoon ang kapatid niya. Hindi pa siya handa para sa isa na namang komprontasyon. "I-is he inside?" Mahina niyang tanong. Hindi niya alam kung paanong gano'n kabilis nitong naiuwi roon si Shawn. Did he use another helicopter for Shawn? "It's his house, Jillian. Of course, he's inside..." "I can wait outside," aniya na lalong nagpakunot ng noo ni Sake. "A-aalis kami ngayon din." "That is not happening, Jillian." Tinalikuran siya nito't hindi na nilingon pa. "Sake!" habol naman niya. Bakit hindi siya nito intindihin instead of always walking out on her? "Sake! You can't do this---" "I can," simple nitong tugon na di man lang siya tinapunan ng tingin. "Makinig ka naman. See, it's yours and - and Julia's house- I am not r-ready for another confrontation, Sake." Nagpapaintindi siya. "H-hindi ko kayang harapin si Julia ngayon." Nakahinga siya nang maluwag nang huminto ito at hinarap siya. "Naduduwag ka dahil alam mong malaki ang kasalanan mo sa kanya," mapang-uyam nitong tugon at wala siyang magawa kundi magyuko ng ulo. Hindi niya kayang makita ang pang-uusig sa mga mata ni Sake. "Ayoko nang dagdagan pa ang kasalanan ko sa kanya, Sake. Hindi ako aapak ulit sa bahay ninyo. Please, ibalik mo na ang anak ko. Nagmamakaawa ako sa 'yo." "Nag-aalala kang madagdagan ang kasalanan mo kay Julia pero sa akin hindi?" He asked, pain was evident in his voice. Gusto niyang pasinungalingan iyon. Hurting him was the least she wanted to do. Kung may nakasakit nang todo sa kanya sa lahat ng kasinungalingang ginawa niya, iyon ay noong sinaktan niya ito. Una pa lang biktima na si Sake dahil hindi ito dapat kasali sa pumalpak niyang plano na maghiganti. Pero tama rin si Sake, madadagdagan ang kasalanan niya rito dahil ang pangalawang bugso ng kasinungalingan niya ay para talaga dito. At iyon ay noong pinalabas nila na patay na siya. But still, hindi niya intensyong saktan ito. Ang gusto lang naman niya ay maibalik ang dati nitong buhay noong wala pa siya. Gusto niyang maging normal ang buhay nito kasama si Julia. Iyon ang dahilan kaya siya pumayag sa plano ng kanyang ina. "Don't worry Jillian, Julia is not around. Feel free to come inside. This is also your house." he added bago muli siyang iniwanan. Hindi siya agad nakahuma. What did he say? Bahay niya rin daw? Tama ba ang dinig niya? "What are you still doing there?" Sigaw na ni Sake dahil na-istatwa na siya. Sumunod siya rito. Pero sa loob niya ay hindi pa rin niya maipaliwanag ang nararamdaman dahil sa sinabi ni Sake. It's been almost four years. Ang makita pa lang sa labas ang bahay nila ni Sake noon ay nagdudulot na sa kanya ng bitter sweet memories. Paano pa kaya kapag naiapak na niya ang mga paa niya sa loob niyon? She was scared. Scared of feeling the same way towards Sake Fortalejo again. Sa kabilang banda, nasa loob ang kanyang anak. At higit sa ano pa man, ni maging sa sarili niyang damdamin, ay ang pangangailangang makita niya muli si Shawn. ----- NI HINDI man lang namahay ang kanyang anak. Nakakainis na nagawang makampante ni Shawn kahit wala siya dahil lang sa sangkatutak na laruang dinatnan nito sa bahay ni Sake. Kung noon ay kumbinsido si Jillian na kahit salat silang mag-ina sa maraming bagay, naibigay naman niya kay Shawn ang mga pangangailangan nito bilang isang lumalaking bata, ngayon ay pinagdududahan na niya iyon. Dahil kung oo ay 'di sana madaling nauto ang anak niyang sumama sa taong 'di nito kilala. Tapos ngayon nama'y nakatulog agad ito na 'di man lang namahay kahit kaunti. Gano'n ba kakomportable ang kama sa bahay ng ama nito? Jillian wanted to cry. She obviously failed in giving her son the comfort that only his father could give him. "Patawarin mo 'ko, anak!" She sobbed. Ano na ang gagawin niya ngayong naranasan na ni Shawn ang magkaroon ng ama? Nasisiguro niyang hindi na niya mailalayo ulit sa isa't isa ang mag-ama. And where would that leave her? Kapag nalaman nina Valeria at Julia na alam na ni Sake ang tungkol sa kanila ni Shawn, magagalit ang mga ito, panigurado iyon. Lalo na si Julia kapag nalaman nitong pinagamit ni Sake kay Shawn ang mga gamit marahil ng anak ng mga ito. "So, it's true!" Mula sa pintuan ng pambatang silid na inuukupa ni Shawn ay bulalas ni Lora. "You're alive!" Bago siya nakahuma ay nakalapit na ito at niyakap siya nang mahigpit. "Akala ko'y nagbibiro lang si Sake!" "Tita Lora!" anas niyang napaluha. "No, no. Don't change the way you call me, Jillian." Masuyong ginagap nito ang mga kamay niya. Ni wala siyang mabakas na galit dito sa kabila ng ginawa niya. "Mama," she sobbed "I'm so sorry!" "Ssshhh... I understand." Namasa rin ng luha ang mga mata ng ina ni Sake. "I don't want to hear any explanation... So, is this beautiful boy my grandson?" Ibinaling nito ang atensyon sa natutulog niyang anak. "Yes, 'ma... His name is Shawn," aniya. "Oh my, he looks so much like Sake when he was little!" Pinigilan nito ang sariling panggigigil. "Jillian, he's so adorable!" "Thanks, 'ma... Hindi mo alam kung gaano kaimportante sa akin na hindi ka galit." "I'm sure I'm not the only one." Lora smiled She was wrong though. Lahat galit sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD