9. Betrayed.

2128 Words
"IT'S positive. You're pregnant, Julia. Congratulations!" Isang araw na ang nakalipas pero hindi pa rin nabubura ang ngiti sa mga labi ni Jillian. Daig pa niya ang tumama sa super lotto nang malaman niyang buntis siya. Ngayon pa lang ay andami na niyang plano sa magiging anak niya. Sa wakas, magkakaroon na siya ng pamilyang kanya talaga. Pakamamahalin niya ang anak niya at sisiguraduhin niyang mamahalin din siya nito't hindi siya iiwanan. "Sigurado, kapag nalaman ni Sake ang magandang balita, matutuwa iyon. Magiging tatay na ang alaga ko! Nakakatuwa!" Masayang masayang ani Yaya Pasing. Nabura naman ang ngiti ni Jillian. Tama ang matanda. Matutuwa si Sake. At gugustuhin niyang makita ang magiging reaksyon nito kapag nalaman nitong buntis siya. She would love to share the beautiful news to her husband. On second thought, natatakot siya. Baka kapag nalaman nitong hindi siya si Julia ay kunin nito ang anak niya. At siguradong ikamamatay niya iyon. "Y-yaya," aniya. "'Wag muna natin sabihin kay Sake. Hahanap ako ng pagkakataon. I wanted to surprise him..." she lied. "Sige anak... Excited na akong makita ang anak ninyo. Siguradong napaka-cute niyang bata." She smiled. Oo naman. And her child will be loved. Hinding-hindi nito mararanasan ang dinanas niya. "Anong gusto mong kainin? May pinaglilihian ka na ba?" Excited pa rin si Yaya Pasing. "Wala pa 'ya. Baka sa mga susunod na mga araw po." Then it hit her. Eventually ay lalaki ang tiyan niya at hindi niya iyon maitatago kay Sake. Would she just let him know and pretend that everything's going to be fine? Besides, who knows, makapanganak pa siya bago magising si Julia. But then making an exit at that point will be very difficult for her. Kasi hindi niya maisasama ang anak niya. 'That's thinking too far, Jillian!' Saway ng isip niya. On the other hand, kapag nagising si Julia habang buntis pa siya, that would be easier. Because she could vanish together with their baby. Or, she would tell Sake about her true identity and they will be a happy family without Julia. 'Imposible iyon,' her mind said. Naipilig niya ang ulo. Bahala na. Mahal niya si Sake. Kaya napagpasyahan niyang susubukan niyang gawing normal ang pagsasama nila. Tonight, when Sake arrives, she would tell him that he's going to be a daddy. Kahit paano ay na-excite siya. For once, hahayaan niya ang sariling magpantasya ng isang totoong pamilya. Baka hindi na maulit ang ganoong pagkakataon. ----- "I MISSED you so d*mn much, Julia!" Mahigpit na yakap ang agad na ibinigay ni Sake sa kanya pagdating nito ng bahay. Hindi na ito nagpasundo sa airport at baka raw mapagod siya. "I missed you too, Sake!" Buong puso niyang tinugon ang maalab nitong halik kasunod ng yakap nitong makadurog-buto. She missed him. She was so happy to see Sake again. Ang isang linggong wala ito bagamat ipinagpa-pasalamat niya ay mistula namang torture sa puso niyang nagmamahal sa lalaking hindi kanya. "You should rest first," aniya nang pansamantala nitong iwan ang labi niya. "I'm already well rested, my love," bulong nito na walang pasabing pinangko siya. Jillian giggled. Kumapit siya sa batok ng asawa at pinagsawa ang mata sa pagtingin sa gwapo nitong mukha. Habang lumalaki siya ay hindi siya nagkaroon ng pagkakataong humanga sa isang lalaki. Masyado siyang naging busy sa pag-iisip kung paano siya kakain ng at least dalawang beses isang araw. Ang struggle niya noon ay paano kikita para mabuhay. Hindi niya naranasang mamroblema ng tungkol sa pag-ibig maliban sa pamamalimos sa pagmamahal ng pamilya niyang itinakwil siya. Si Sake ang unang lalaki sa buhay niya. Ang saktan ito ang una niyang agenda but as the days went by, siya na ang nasasaktan nito nang 'di nito nalalaman. Nasasaktan siya sa tuwing tatawagin siya nitong Julia. Tuwing sasabihin ni Sake kung gaano siya nito kamahal, everytime he kisses her, everytime they make love at pangalan ni Julia ang sinasambit nito. Pero sa kabila no'n ay hindi niya napigilan ang puso niyang mahalin si Sake. She loves him so much she was willing to forget her own happiness just to be with him. "I love you, Sake!" Kusa niyang isinara ang pagitan ng mga labi pagkababa nito sa kanya sa kama. Kakalimutan muna niya ang lahat. Lahat ng kasinungalingan, lahat ng pagpapanggap. Gusto niyang ipadama sa asawa niya kung paano ito mahalin ni Jillian. She will make him so happy he would forget to call Julia's name. ---- AFTER expressing how much they missed each other through an intense love making, Jillian decided she would break the news to her husband. "May sorpresa ako sa 'yo," she said when he rolled to her side. "What is it?" Itinukod ni Sake ang ulo sa isang braso nito and looked at her adoringly. "Let me go get it." Akma siyang babangon pero pinigilan siya nito. "Later, my love... I'm not done with you yet..." Muli nitong inangkin ang mga labi niya at wala na siyang nagawa kundi mapangiti na lang at magpatangay sa sensasyong hindi pa nga humuhupa ay nag-uumpisa na naman. "I'll never go out of the country without you again," he said. "If I would be granted just one wish, I'd wish for a life time with you, Sake..." sagot niyang nakahawak sa mga pisngi ng asawa niya. She looked straight into his bluish-gray orbs, hoping na sana makita rin nito sa mga mata niya kung gaano katindi ang pag-ibig niya rito. "Gusto kong makasama ka habambuhay..." Naramdaman niyang namasa ng luha ang mga mata niya. "I love you so much, Sake Fortalejo..." "Wish granted..." He smiled down at her bago siya hinalikan ulit. "I love you too, Juls..." 'If you only knew,' Jillian thought, because in reality, Sake couldn't grant her wish. Sa pangalawang pagkakataon sa gabing iyon ay ibinuhos ni Jillian ang buong puso niya sa pagniniig nila ng kanyang asawa. Gusto niyang siguraduhin na mararamdaman ni Sake ang pagmamahal niya. At kapag maaalala nito ang gabing iyon, he would be reminded of her love, one that was true, selfless and unending. Nakatulog si Sake pagkatapos kaya hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na ipakita rito ang pregnancy test kit na inilagay niya sa munting kahon. "In the morning, Sake, my love." Hinalikan niya ito sa labi bago siya sumiksik sa katawan nito para matulog na rin. ----- "HEY..." nagising siya sa paghalik ni Sake sa talukap ng kanyang mga mata. "Good morning, Mrs. Fortalejo." Nakangiti nitong bati. "Good morning," ngumiti rin siya. Na-miss niya ang magising na mukha nito ang una niyang nakikita. "Why woke up so early?" She certainly loves the way Sake makes her feel like she was the most beautiful woman alive kahit na sigurado siyang mukha pang pugad ng ibon ang buhok niya. "It's not early." Sake chuckled. "It's nine in the morning, my love." "Huh?" Saka niya lang napansin ang liwanag ng araw na pumapasok mula sa nakabukas na blinds. Disente na rin ang asawa niya sa suot nitong abuhing tshirt at maong na shorts. "I'm so sorry, may pupuntahan ka ba dapat?" Akma siyang babangon na ngunit napagtanto niyang hindi pa siya nakakabihis. "It's okay. I intended to spend the whole day with you... Para makabawi." He teased pero inabot naman sa kanya ang roba niya. "But I need to feed you first para may lakas ka," patuloy nitong tukso. "Pilyo," aniya pero nakangiti naman. "So, ano 'yong surprise mo sa akin? I think I'm ready for it," paalala nito sa sorpresa niyang 'di na naipakita rito kagabi. "Oh..." Na-excite siya bigla. "I'm gonna go get it." Isinuot niya ang robe niya at nagpunta sa CR para kunin ang PT kit. Ano kayang magiging reaksyon ni Sake? For sure he would be happy like any father to be would. Pero gusto pa rin niyang masaksihan how he would react. A priceless moment, that's what it's going to be. Papalabas na siya ulit nang makaramdam ng pagkahilo. Kasunod ay ang pagsusuka na naman. Ibinukas niya ang gripo para hindi siya marinig ni Sake. Pinatay niya lang iyon ng guminhawa na ang pakiramdam niya. "Julia, is this your surprise? Video call habang nasa banyo ka?" Narinig niyang tanong nito na sinundan nito ng amused na tawa. Napakunot noo siya. Hindi niya dala ang phone niya para gawin ang sinasabi nito. "Of course not. Hold on a bit. I'm coming," sagot niya pero naghilamos muna siya't nagsuklay bago kinuha ang sadya niya sa banyo. Inihanda niya ang matamis na ngiti bago lumabas. "Sake—” para lang matigilan dahil totoo ngang may kausap ito. And from where she stood, nakita niya kung gaano katindi ang galit na nasa mga mata ni Sake nang lingunin siya nito. "N-no," napaatras siya at agad na nagluha ang kanyang mga mata. She wasn't ready for it. Bakit ngayon pa? Because on his laptop screen was the face of the real Julia... Of the woman he really loves. Her twin sister was awake and she just called Sake! Pinatay nito iyon bago siya binalingan. "Who the hell are you?!" Ang tindi ng sakit at galit sa mga mata nito, bahagyang namamasa ang mga iyon. He looked pained and betrayed. "Who are you!" Sigaw nito at gano'n na lang katindi ang takot na naramdaman ni Jillian. "S-sake... I'm s-sorry!" She cried. "L-let me—” "Explain?!" Sarkastiko nitong tanong. "Yes, sure! Explain! Sino ka?!" "Sake, I'm—” napasigaw siya nang hawakan siya nito nang mahigpit sa magkabilang balikat at yugyugin. Nabitawan na rin niya ang hawak na kahon. "Nasasaktan ako!" "Tell me who you are! Bakit mo 'to ginawa?! Bakit ka nagpanggap na si Julia?!! Bakit? Bakit?!" Umiiyak na ang mga mata nitong hindi na niya kayang tignan. He was so hurt and devastated. "Niloko mo ako!" "Ji-jillian, ako si Jillian," aniya. "S-sake!" Napalakas ang iyak niya nang marahas siya nitong bitawan. Muntik na siyang matumba kung hindi siya tumama sa saradong pintuan ng banyo. But it still hurt her. "I'm sorry! I'm really sorry!" "What did you get for doing this?! Huh?! You've let me believe that you are Julia!!! You betrayed me!!! Para ano?! Para saan?!" "H-hindi ko sinasadya! Sake, please... Hayaan mo akong magpaliwanag!" Akma niya itong hahawakan sa kamay pero itinulak siya nito, dahilan para matumba siya't mapaupo sa sahig. Namilipit siya sa sakit. "Don't you dare touch me, woman! I will make sure that you're going to pay for what you've done!!!" "Sake," mahina lang na tawag niya sa pangalan nito. Namimilipit na siya sa sakit at hindi na siya makatayo. Pero wala siyang nakitang compassion sa mga mata ni Sake. "Sake, h-help---" "You cannot fool me again!" Tinalikuran siya nito't pabalibag na isinara ang pintuan pagkalabas nito ng silid. She cried hard. It already happened. Ang tagpong kinatatakutan niya. "I'm sorry, Sake!" Anas niyang umiiyak nang marinig ang papalayong sasakyan nito. Jillian was about to help herself stand up nang maramdaman niya ang pagdaloy ng mainit na likido sa kanyang mga hita. At gano'n na lang ang takot na naramdaman niya nang makitang dugo iyon. "Hindi..." She cried. "Ang baby ko... Ang baby ko..." Nagpapanic niyang sambit. Hindi pwede. Hindi pwedeng mawala ang anak niya! "Yaya Pasing!!!!" Inubos niya ang lakas sa pagsigaw. "Yaya! Tulong!!!" It took a while bago siya narinig ng tinawag niya. Marahil ay nasa labas ito. "Julia!!!" Natatarantang bulalas nito. "Yaya, tulungan mo ang anak ko..." sa nanghihina ng tinig ay pakiusap niya. "Teka, tatawagan ko ang asawa mo!" Hindi nito malaman ang gagawin. "Hindi... 'Wag, yaya, please... 'Wag mong sabihin sa kanya." "Bakit hindi?! Wala si Lex! Walang sasakyan at hindi kita kayang—” "Si Tita Victoria, tawagan mo siya... Ambulance, yaya... 'wag si Sake..." She could feel her consciousness leaving her. "'Wag si Sake..." Ayaw niyang pumikit pero nawalan din siya ng malay. Next thing she knew, nasa ospital na siya at nasa tabi niya si Victoria. "Ang baby ko?!" Iyon agad ang nanulas sa bibig niya. Wala siyang nakuhang sagot, bagkus ay malungkot na umiling ang tiyahin niya. "Ang baby ko?!" Ulit niyang itinatanggi sa sarili ang posibilidad nawala ang anak niya. "Ang baby ko, Tita?!" Sigaw niyang napaiyak na. "Anong nangyari sa baby ko?!!!" "You lost the baby, Jillian." Malungkot na sagot ni Victoria. "But don't worry---" "Nooooo!!!!" Naghysterical siya. "Noooo!!! Hindi pwede! Ang baby ko!!!" Hindi niya matanggap. Hindi pwede! Nawala na sa kanya si Sake. Pati ba naman ang anak niya?! How could life be so cruel to her? Her baby was her only hope! Bakit pati ito binawi sa kanya?! "Jillian, take a rest." Sa kabila ng pagwawala niya at pagsugod ng doktor sa kwarto niya ay muling nakaramdam ng pagkaantok si Jillian. Darkness swallowed her once more. Pero nahiling niya na sana, hindi na siya magising pa. Her life already lost its meaning. Wala ng dahilan para mabuhay pa siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD