"SIGURADO ka ba talagang hindi ka sasama sa akin?" Nasa airport na sila ay ayaw pa rin siyang bitawan ni Sake. May three-day business conference kasi ito sa Japan at iyon ang unang beses na aalis ito simula noong maikasal sila.
"Mister, kapag 'di ka pa bumitaw, maiiwan ka na ng eroplano," natatawang sabi naman ni Jillian.
Four weeks into their marriage and everything was almost perfect between the two of them. Almost lang dahil kahit na gaano sila kasaya, kahit gaano ka-intimate, kahit gaano ka-sweet, hindi no'n mababago ang katotohanang sa kabila ng malaperpektong relasyon ay isang kasinunga-lingang sumusugat sa puso ni Jillian araw-araw.
Napakabuting asawa ni Sake. Kung sana siya talaga si Julia ay wala ng mahihiling pa si Jillian. Kung kaya't para makabawi man lang sa mga kasinungalingan niya, pinag-iigi niya ang pagganap sa papel niya bilang asawa nito.
Palagi ngang sinasabi ni Sake na napakaswerte nito sa kanya. At tuwing sinasabi nito iyon ay mas lalo siyang nagui-guilty. Kung alam lang nito that he have been living a lie since he came back from LA.
"They will wait," muli ay kinabig siya nito para halikan. "Ngayon pa lang ay excited na akong umuwi."
Natawa siya ro'n.
"Hindi ka pa nga nakakaalis... Sige na." Itinulak na niya ang asawa nang marinig ang huling tawag sa mga pasahero ng eroplanong sasakyan nito. "Take care... I love you."
"I will. Ikaw rin. I will call you. I love you, Julia."
Napipilitang naglakad ito palayo. Siya naman ay bumalik sa kotse kung saan naghihintay ang driver nila.
"Kuya Lex, dalawin natin si mama."
Regular siyang dumadalaw sa ina dahil iyon ang hiling ni Valeria bago ito pumayag na sumama siya kay Sake. She hasn't gotten better yet. Pero kapag nakikita siya nito bilang si Julia ay umaayos ang lagay nito.
Kaya importante ang palagi niyang pagbisita sa development ng kondisyon ng ina. Noong una ay napipilitan lang talaga siyang alagaan si Valeria. Pero habang lumalakad ang panahon, nagiging natural na sa kanya ang alalahanin ang kanyang ina.
Kahit paano ay natutuwa siya na kahit sa mga hiram na sandali ng kanyang pagpapanggap ay naranasan niya ulit ang mahalin siya ni Valeria. Mahal pa rin kasi niya ito sa kabila ng lahat.
Pagdating sa bahay nila ay nanibago si Jillian. Hindi kasi sumalubong si Valeria. Dati rati'y para itong batang naghihintay sa kanya sa b****a ng bahay.
"Ang mama?" tanong niya sa kasambahay na nagbukas ng pintuan para sa kanya.
"Nasa study po, ma'am... Kanina pa kayo hinihintay."
Napakunot noo siya. Nagpasabi nga siyang darating. But since falling ill, sabi ni Victoria ay hindi na nagagawi sa naturang silid ang kanyang ina.
"Si Tita?"
"Naroon din po."
"Sige, salamat," sabi na lang niya't dinala ang sarili sa study room.
Weird. Si Valeria ang nasa likod ng malaking mesa at si Victoria sa harapan niyon. Diretso lang ang pagkakaupo ng una at ni hindi ito nasiyahan na makita siya. The latter on the other hand looked at her like she was trying to tell her something pero ayaw nitong bigkasin iyon.
"Hi, 'ma." Lumapit siya sa ina para halikan dapat ito pero laking gulat niya nang bigla siya nitong sampalin. "'Ma!" Napasapo siya sa kaliwang pisngi. Maging si Victoria ay napatayo sa lakas ng pagkakasampal ni Valeria sa kanya.
"Ang kapal ng mukha mong tumuntong sa pamamahay ko, Jillian!" Galit na ani Valeria at totoong nagulat siya. Kilala siya ni Valeria? At galit ito. Magaling na ba ang kanyang ina? "Ang lakas ng loob mong lokohin ako! Ang lakas ng loob mong magpanggap na si Julia!!!"
"Ano?!" Hindi siya makapaniwala kaya naman binalingan niya si Victoria. "Tita, anong nangyayari?!"
"Jillian---"
"Alam ko na ang lahat! Pati ang ginawa mong pagpapakasal kay Sake!!!" sikmat ni Valeria na galit na galit. "Akala mo ba mapapalitan mo ang anak ko?!"
"Anak mo rin ako." Nasasaktang tinaas niya ang pader sa paligid ng puso niya. So, magaling na nga ito kaya hindi na siya nito kailangan. Kaya bumalik na naman ang galit nito para sa kanya.
"Hindi mo na ako maloloko ulit!"
"Hindi ko kagustuhan 'to! Tinulungan ko kayo, mama. Don't act as if ako pa ang nakikinabang sa kalokohang ito!"
"'Wag mo akong tawaging mama! Wala akong anak na kriminal!"
"Ate!" Tinangkang mamagitan ni Victoria. "Dahil kay Jillian kaya hindi pa nagsasara ang kompanya—”
"Shut up, Victoria! There are other ways to save the company, but you're such an incompetent person! Gagawa ka rin lang ng paraan, sumablay ka pa!" gigil na saway rito ni Valeria. Napayuko na lamang si Victoria. "At ikaw naman, umalis ka na! Hindi kita anak!"
"Well, wala kang choice. Anak mo pa rin ako kahit ga'no mo pa itanggi sa sarili mo!" sabi ni Jillian na sinisikap 'wag umiyak. Galit pa rin sa kanya ang ina. Hindi man lang nito na-appreciate ang ginawa niyang sakripisyo para sa pamilyang nagtakwil sa kanya.
"Wag ka ng babalik kay Sake!"
"What?" Hindi makapaniwalang aniya. "Alam mo ba 'yang hinihingi mo? Ako si Julia sa paningin ni Sake!"
"I don't care! Pag-aari siya ni Julia!"
"Ate, magagalit si Sake kapag nalaman niya 'to! Kapag nangyari iyon, babagsak tayo. Let us wait 'til Julia wakes up. Tapos aalis si Jillian!"
"Leave Sake now!" giit pa rin ni Valeria.
"No," mariing sagot niya. "You don't want me as your daughter? Fine. But do not ask me to leave my husband. Si Sake lang ang magpapaalis sa akin, which I doubt will happen until he believes that I am Julia. Until then, your only choice is to wait for your beloved daughter to wake up. Remember, you owe me." Binirahan niya iyon ng pagtalikod.
"I will tell Sake about your deceit!"
"Sorry, he's not in the country," sagot pa niya bago lumabas ng silid.
"Jillian!" Hinabol siya ni Victoria bago siya makalabas ng bahay.
"After all what I've done, Tita?!" Nasasaktan niyang tanong sa tiyahin. "Ganito pa ang sasabihin sa akin ni mama? I did not plan all of this! You should tell that to her!"
"I know, sinisikap kong ipaintindi iyan sa kanya."
"Puwes, hindi niya naiintindihan!" Hindi na niya napigilang mapaiyak pero agad niya ring pinunasan ang mga luha niya. "Alam kong maling ideya ang pagpayag ko sa kalokohan na 'to. Ako pa rin ang lalabas na masama sa huli."
"I will fix this." To her surprise, Victoria showed a real concern towards her.
"Do me a favor, Tita. I don't want Sake to know about me like this. Ayokong magalit din siya sa akin." Just thinking about it, para nang sinasaksak sa puso niya si Jillian. Kapag nakakuha siya kay Sake ng reaksyon gaya ng kay Valeria, baka hindi niya kayanin. Ayaw niyang kamuhian siya nito. "Please, don't let him find out that I am not Julia..." Mas gugustuhin niyang mag-exit sa buhay ni Sake nang tahimik gaya kung paanong hindi nito napansin na pinalitan niya si Julia.
"I promise." Niyakap siya ni Victoria, a first since having her aunt in her life again. "I'm sorry about your mother."
Napapikit siya. Kahit expected niyang magagalit si Valeria, masakit pa ring nagalit nga ito. Kahit paano umasam siya na matutunan siya nitong mahalin dahil totoong pag-aalaga ang ginawa niya rito --when she needed Julia by her side but her sister couldn't come for her.
-----
WALA pa ring development sa kondisyon ni Julia. Iyon ang ibinalita sa kanya ni Victoria a week after Valeria found out that her favorite daughter was still at the hospital.
"Sabi ng doktor niya ay hindi talaga nila masabi kung kailan siya magigising."
"Can you give me a heads up once she shows signs of waking up? Gusto kong ihanda ang sarili ko." Honest niyang wika sa tiyahin.
"Oo naman." Ginagap ni Victoria ang mga kamay niya. "I'm sorry for dragging you into this mess."
"'Andito na tayo. Wala na tayong magagawa."
It was a good thing na naantala ang pagbabalik ni Sake sa Pilipinas. Naging isang linggo na ang dapat ay three days lang na ilalagi nito sa Japan. Kahit nami-miss na niya ang presence nito sa bahay nila ay mas okay pa rin iyon.
At least hindi na nadadagdagan ang kasalanan niya rito at lalo na kay Julia.
Alam niya, hindi siya mapapatawad ng kakambal niya kapag nalaman nitong nagpakasal siya kay Sake. Mas kakamuhian siya ni Julia. Pero okay lang kasi hindi na bago iyon. Ang mahihirapan siyang tanggapin kung sakali ay kapag nagalit din sa kanya si Sake.
She have fallen for Sake Fortalejo. Inamin na niya iyon sa sarili niya bago niya ipagkaloob ng buong-buo ang sarili niya sa asawa niya.
"Thank you for agreeing to do this, Jillian."
"You're still my family even though none of you wants me."
"Hindi totoo iyan. I'm sorry kung ganyan ang pakiramdam mo. I care for you, Jillian. I love you. You are my niece."
"Talaga?" Namasa ng luha ang mga mata niya. "Kung gano'n bakit hindi mo ako tinanggap noon, Tita? Bakit hindi mo ako tinulungan? Alam mo ba kung ano ang pinagdaanan ko? Naging totoong kriminal ako. Tumira ako sa kalye. Nagnakaw ako. Nakipaghabulan sa pulis. Namatayan ng ina-inahan. Nakipaglaban sa buhay mag-isa..."
"I'm sorry. Wala akong nagawa dahil hindi gusto ng mama mong makialam ako."
"It's okay, I'm okay..." Tinuyo niya ang mga luha tapos ay nagpaalam na siya sa tiyahin.
Biglang sumama ang pakiramdam niya at ang gusto na lang niya ay umuwi at magpahinga.
-----
"I'M REALLY sorry my love, I need to stay for another day," Sake called her via skype.
"It's okay, Sake..." Pinilit niyang maging cheerful kahit na pigil na pigil niya ang nararamdamang pagkahilo.
"I miss you, Mrs. Fortalejo."
"I miss you too..." aniyang bahagya nang napangiwi, parang hinahalukay ang sikmura niya't may gustong lumabas "Got to go now-" agad niyang pinatay ang tawag nang 'di na niya mapigilan ang pagsuka. She ran to the bathroom at nagsuka sa may lababo. Kakagising lang niya't wala pa talagang laman ang tiyan niya kaya napakapait niyon.
Naririnig pa niya ang pagtawag ni Sake pero wala siyang lakas bumalik sa kama para sagutin ang video call nito. Ilang minuto pa siyang nagsuka kahit wala na siyang nilalabas. Hinang-hina ang pakiramdam niya but she managed to freshen up a little bago binalikan ang laptop.
"Julia, what happened?" Agad na bungad ng worried na si Sake. "You look pale... Are you alright, love?"
"I am." Nagpilit siya ng ngiti. Alam niyang puffy pa ang mga mata niya pero wala na siyang magagawa. Mas mag-aalala si Sake pag 'di siya humarap dito. "I just feel a little bit sick."
"I'm booking a flight now," sabi nito.
"Sake, I'm okay," giit niya.
"No you're not. Kailangan mong matingnan ng doktor."
"Okay, okay... I'll go see a doctor. Pero hindi mo kailangang umuwi ngayon na. I'm fine. I can take care of myself."
"Papapuntahin ko na lang diyan si Dr. Austria," tukoy nito sa family doctor nila. "Para hindi ka na mapagod. Kumain ka na ba ng breakfast?"
"Hindi pa. Kaya siguro masama ang pakiramdam ko. Bababa na ako, okay? Call me kapag natapos ang meeting mo. I love you."
"I love you too, so much, Julia."
She blew him a kiss bago tuluyang tinapos ang tawag. Pero hindi pa siya nakakababa ay muli siyang nakaramdam ng pangangailangang sumuka.
"Geez, may nakain ba akong nakakalason?" Tanong niya sa sarili.
Jillian decided to take a bath first para gumaan ang pakiramdam niya. Pagkatapos ay saka siya bumaba para alamin kung ano ang inihanda ng kasama nila sa bahay na si Yaya Pasing. Yaya ito ni Sake simula pa pagkabata nito at ngayon nga'y masayang-masaya pa ring alagaan ang asawa niya kasama na siya.
Bandang pa-tanghali naman dumating si Dr. Austria. Pinagmadali daw ito ni Sake kaya kaagad-agad itong nagpunta.
"Akala ko naman kung napa'no ka na, Julia." Natatawa na lang ang babaeng doktor. "Napaka-praning ng asawa mo."
"Pasensya ka na, doktora. I told Sake naman na okay lang ako."
"Hindi mo maaalis sa kanya ang mag-alala. 'Andoon siya sa malayo and the least he could do was call me to check on you," sabi nito. "Kumusta na ang pakiramdam mo?"
"Okay naman po ako. Nahilo lang ako at nagsuka kanina but I feel better now," sagot niya. "Upset stomach lang siguro. Mawawala naman agad ito, hindi ba, doktora?"
"Wala kang sakit, Julia Fortalejo," tiwalang deklara ni Dr. Austria kahit na wala pa itong ginagawang test sa kanya.