TEN YEARS ago, isang malupit na ina si Valeria Flores kay Jillian. Kung makataboy ito sa kanya para namang hindi siya nito sariling dugo't laman. Isinumpa ni Jillian ang tagpong iyon ng buhay niya at nangakong babangon siya't maghihiganti. Pero ngayon, gone was the fierce and strong woman she once knew. Isang balisa, bagsak ang katawan at mas matanda sa edad nito na babae ang nakita ni Jillian.
"Ate," marahang untag ni Victoria kay Valeria na tulalang nakatitig lang sa dingding. Bago sila pumasok sa silid ng kanyang ina ay binalaan siya ng tiyahin na baka magwala ito gaya ng lagi nitong ginagawa sa tuwing may magtatangkang kumausap dito. "Ate, 'andito na si Julia."
Pagkarinig sa pangalan ni Julia ay mabilis na lumingon si Valeria.
"Julia?"
"Lumapit ka," bulong sa kanya ng tiyahin.
"Julia!" nangilid ang luha ng kanyang ina.
Halos ayaw gumalaw ni Jillian mula sa kanyang kinatatayuan. Ramdam na ramdam niya ang paninikip ng dibdib niya sa matinding galit na nararamdaman. Gusto niyang ibalibag ang dalang tray ng pagkain tapos sugurin ang ina niya't saktan ito. Sumbatan ito.
Bakit? Bakit kahit sa ganoong sitwasyon ng kanyang ina ay si Julia pa rin ang hinahanap nito?
"Lumapit ka na," naiinis na ulit ni Victoria.
"Julia, anak," ibinuka ng kanyang ina ang mga braso nito. "Anak ko!"
"Give me that and go to your mother." Kinuha ng tiyahin niya ang hawak niya't itinulak siya palapit sa kanyang ina. Nagpilit siya ng ngiti bago lumapit kay Valeria. Hindi siya yumakap. Sa halip ay ginagap niya ang mga kamay nito.
"Mama," halos mapapikit siya. Never in so many years did she ever imagined calling her mother that way again.
"Julia!" yumakap pa rin si Valeria sa kanya. "Bumalik ka na!"
"Opo." Kinalas niya ang pagkakayakap nito dahil ayaw niyang makaramdam ng kahit anong emosyon para sa kanyang ina maliban sa galit. "May dala akong pagkain. Kumain ka muna," iniayos niya sa ibabaw ng kama ng ina ang dala nilang pagkain. "'Ma, paborito mo 'to," akma niya itong susubuan pero pagtingin niya ulit dito, Valeria was just looking at her face habang may malaking ngiti sa mga labi nito. "Ma?"
"Kung ‘andito si Jillian, sigurado ako na aalagaan niya rin ako," Valeria said and that caught her off guard. Binitawan niya ang kutsara at bigla siyang tumayo.
Hindi. Nagkamali lang siya ng dinig! Her mother couldn't be thinking about her! Ah, yes. In front of her wasn't her wicked mother.
"Julia!" Ani Victoria para ipaalala sa kanyang 'andoon siya bilang si Julia. "Gutom na ang mama mo."
Naikuyom niya ang magkabilang kamao na itinago niya sa likuran niya. Parang bata lang na nakatingin si Valeria sa kanya. Perhaps she didn't really mean to mention her name. Besides she was wrong, if she was there as Jillian, hinding-hindi niya ito aalagaan! She'd be applauding for the karma that she got.
"Ma, kain ka na." lumapit siya ulit at sinubuan ito.
"Ate, kumain ka nang marami. Simula ngayon, si Julia lagi ang magpapakain sa 'yo. Sigurado akong mapapabilis ang paggaling mo." sabi ni Victoria na ikinapatingin niya.
"Talaga, Julia?" Hopeful ang kanyang ina.
"Oo, mama," napipilitan niyang sang-ayon.
"Pero pagdating ni Sake, mababawasan ang oras ni Julia sa 'yo. Kaya dapat gumaling ka na bago dumating ang magiging manugang mo. Hindi mo naman gustong makita ka niyang ganyan ang kalagayan, hindi ba? Baka matakot iyon."
Nakangiting tumango si Valeria.
Pakiramdam ni Jillian ay kay tagal ng labinlimang minutong inilagi niya sa silid ng ina, that the moment she got out from there, she could barely breathe.
"Good work," bati ni Victoria sa kanya. "I haven't seen your mother behave that way in several weeks."
"Kapag gumaling siya agad, mabubuko niya ang plano mo," paalala niya habang parang pinapagpag ang mga invisible na marka ng mga hawak sa kanya ni Valeria.
"She would agree if she finds out," kibit balikat nito. "Let's go to Julia's room."
"Wait. Hindi ko gagamitin ang kwarto ni Julia!" mariin niyang tanggi.
"Look, kung magpapanggap kang ang kapatid mo, you must sleep in her room."
"This is too much already, tita!" Giit niya. "Bigyan mo ako ng sarili kong kwarto or hindi ako titira rito!"
"Alright," Victoria conceded. "But tonight, sleep in her room. I'll get another room cleaned up for you."
Pumayag na lang siya. One night must not hurt. Isa pa, pagod na siya sa lahat ng drama ng araw na iyon.
SA MGA portrait pa lang sa kwarto ni Julia, alam na agad kung sino ang may ari no'n. Hindi rin ito masyadong nagagandahan sa sarili nito eh. Punong-puno ng pagmumukha nito ang kabuuan ng silid. ‘Yong iba solong kuha, ‘yong iba may kasama itong lalaki. Needless to ask, batid niyang si Sake iyon.
Wala siyang comment sa itsura ng fiancé nito. Typical na gwapo. Expected niya iyon, kukuha ba ng pangit na boyfriend si Julia?
Pero sa itsura ng silid nito, may opinyon siya. Napaka-girly ng ayos no'n para sa kanyang panlasa, mula sa wall hanggang sa kaliit-liitang gamit ni Julia ay puro pink. Jillian was never a fan of the color, para sa kanya ay para iyon sa mga babaeng mahihina ang loob. At hindi siya mahina. She's a strong woman who doesn't need anyone in her life.
Nagkibit siya ng mga balikat at nahiga na sa kama ni Julia na ang kalahating espasyo ay okupado ng mga malalaki nitong stuff toys. Kahit noong mga bata pa sila, si Julia lang ang mahilig sa mga laruan.
Napatitig siya sa larawan ng kakambal sa dingding. Who would've thought that while she was looking at an exact portrait of herself, the woman staring back at her wasn't her?
Sigurado, kapag nalaman ni Julia na nasa kwarto siya nito, magwawala iyon. Baka gumising ito bigla. Sa kwarto pa lang iyon ha? Paano kung malaman nito na uuwi na si Sake at ang madadatnan nitong kasintahan ay ang deni-despise nitong kapatid na kriminal?
A wicked smile formed on Jillian's lips. Sa ganoon pa lang, naka-first base na siya sa paghihiganti sa kakambal niya.
MATAPOS pakainin at samahang maligo ang kanyang ina kinabukasan ay muli siyang nagpunta sa ospital. Ewan niya pero hindi na siya natutuwang makita ang kalunos-lunos na kalagayan ni Julia. Hindi niya nais maghiganti rito nang hindi nito nalalaman. She wanted her to be awake and feel the pain of her revenge. Mas satisfying iyon sa palagay niya.
"Julia," tawag niya sa pangalan nito "Kung plano mo pang magtagal d'yan, baka wala ka ng mabalikan. Malapit na ang kasal mo, sige ka, baka hindi matuloy iyon. Kawawa naman ang mama at tita mo, maghihirap kayo ulit." Napangisi siya sa sarili bago nagpasyang lumabas na.
May usapan sila ni Victoria na magkikita sa isang café para magplano. Hindi kasi nila pwedeng gawin iyon sa bahay at baka malaman ni Valeria at pati paggaling nito eh maantala.
Nasa lobby na siya ng ospital nang makita niya ang tiyahin na kakapasok lang at nagmamadali na parang may hinahabol.
Curious tuloy na napatingin siya sa unahan nito. A tall, handsome man was walking hastily before her aunt. Galit na may kahalong matinding pag-aalala ang nakalarawan sa mukha nito. Pero parang pamilyar ang lalaki sa kanya.
"Julia!" Narinig niya ang boses ni Victoria kaya awtomatikong bumalik ang atensyon niya sa tiyahin mula sa pangangapa sa memorya niya kung saan niya nakita ang lalaki. "Julia!" Ulit ni Victoria. "Sake! It's Julia! I told you, she's okay!"
Sake? Ang fiancé ni Julia? Bago niya mapagtanto ang nangyayari, nakita na siya ng lalaking tinukoy ni Victoria. And in few big steps of his, nakalapit ito sa kanya.
"Julia!" He said Julia’s name. Napalitan ng relief ang kaninang pag-aalala na nasa mukha nito. "You're okay!"
Gumuhit ang simpatikong ngiti ng pasasalamat sa mga labi nito bago siya hinila sa braso niya, mabilis ngunit mahigpit siyang niyakap at sa laking gulat ni Jillian, hinalikan siya nito sa mga labi!
Na para bang kailangan iyon para masiguro nitong okay si Julia!