2. Huge Favor.

1741 Words
Five years earlier... "WOW ha!" Bulalas ni Jillian na napahampas pa sa mesa. Pakiramdam niya lahat ng dugo niya ay umakyat sa ulo niya. How could this old woman in front of her ask for such a huge favor? Na para bang hindi lumipas ang mahabang panahon na kinalimutan siya nito? "Pag-isipan mong mabuti," parang walang anuman na wika ni Victoria. "Gawin mo para sa kapatid mo." "Sa kapatid ko?" ulit niyang gustong matawa. "Sa pagkakatanda ko, wala akong kapatid! Wala nga rin akong pamilya, 'di ba?" "Jillian, hanggang ngayon ba naman? Kinailangan kang ipa-ampon dahil hindi namin kayo kayang buhayin ng kakambal mo. When will you accept that?" "Tama ka. And it really had to be me, right? Kasi si Julia may sakit. Kasi si Julia mas mahina!" Sumbat niya. "Naghirap ba kayo nang matagal? No. Did you come back for me? No! Did you help me when I have no place to stay? No!" Masama ang loob niya. Oo. Masama talaga ang loob niya. Pitong taon na sila ni Julia nang mamatay ang kanilang ama. Nagkaloko-loko ang negosyo ng pamilya hanggang sa ma-bankrupt sila nang tuluyan. Noon gumawa ng desisyon ang kanilang ina na ipa-ampon ang isa sa kanila ni Julia. At dahil sakitin daw ang kapatid niya at mas nangangailangan ito ng kalinga ng ina, siya ang pina-ampon. Iyon ay sa kabila ng pagmamakaawa niya sa ina na magpapakabuti siyang anak at tutulong siya sa pag-aalaga ng kakambal niya. But their mother never listened. Tinigasan nito ang puso sa kanya. And Julia never objected. Hindi nito iginiit na 'wag siyang ipaampon. And for the past eighteen years, Jillian believed that Julia never really cared about her. Patunay pa roon na wala itong tinugon sa kahit anong tangka niyang pakikipag-komunikasyon sa kakambal noong mga panahong nasa bahay ampunan siya. While Julia grew up to a fine living, Jillian was fostered from one family to another. May kukuha sa kanya sa ampunan pero ibabalik din siya dahil hopeless daw ang kasamaan ng kanyang ugali. Sinadya niyang maging bad girl para ibalik siya ng ampunan sa pamilya niya. Pero hindi iyon nangyari dahil pinapaampon lang din siya sa ibang pamilya. Jillian grew tired eventually sa paiba-ibang pamilya. Pero kung kelan siya sumuko at umasam ng isang masayang pamilya, saka naman siya minalas. She was fifteen when she moved into a new family. Malaki na siya pero hindi iyon naging hadlang para may gumusto pa ring bigyan siya ng kumpletong pamilya. Desidido na siya noon na magpapakatino. Pero after one month ay lumabas ang tunay na kulay ng foster father niya. Tinangka siya nitong gahasain at salamat na lang sa kanyang presence of mind dahil nakapanlaban siya. The middle aged man ended up getting stabbed by her in the stomach using a swiss knife she'd been keeping under her bed. Ngunit imbes na masimpat'yahan, napagbintangan pa siyang bayolente at mamamatay tao. Pinabulaanan niya iyon but with past history of being an ill-mannered kid to back the accusation, Jillian lost the case. Hindi na siya binalik sa ampunan but was surrendered for DSWD custody. She hated her life to the core. Hindi siya nagtagal do'n kasi tumakas siya. Her real family was her only hope then. But her merciless mother and twin sister didn't help her, saying they heard of the story of the frustrated murder she had been accused of and they didn't want anything to do with a criminal. She was forcibly thrown out of the house. The streets of the metro was the only place she could run to at that time. Ang mga sumunod na mga linggo ay imp'yerno para kay Jillian. Natuto siyang magnakaw para mabuhay. Naranasan niyang makipagpatintero sa lansangan habang hinahabol ng pulis. Hanggang sa may mabuting loob na kumupkop sa kanya. Hindi mayaman si Aling Greta. Sa katunayan ay sa ilalim ng tulay lang ito nakatira at pantawid gutom lang mula sa kinikita nito sa pagbebenta ng sigarilyo at kendi ang ikinabubuhay nito. But Greta had the heart of a mother. For the next three years, ito ang naging pamilya niya. They worked together to survive. But fate was cruel. Namatay ang ina-inahan niya sa sakit na pulmonya. She was eighteen then at kahit paano natuto na kung paano makipagsayaw sa buhay, lalo na sa malupit niyang kapalaran. "Hindi ko hihingiin ang desisyon mo ngayon," wika ni Victoria. "Babalik ako sa makalawa. I hope by then, you already have a decision. Remember Jillian, it's about your sister's happiness and our family's honor." Sarkastiko siyang natawa. Our Family. Nagpapatawa ba ang tiyahin niya? Hindi nga siya itinuring na pamilya, 'di ba? At twenty-five, mag-isang namumuhay si Jillian. Hindi na sa kalye, but she managed to get herself a tiny room to stay. Hindi siya nakapag-aral ng kolehiyo pero hindi siya bob*. Street smart si Jillian. At dahil matalinong bata naman siya noon, nadala pa rin naman niya iyon ngayon. In fact, sa trabaho niya ngayong singer sa club, isa siya sa mga kakaunting kayang makipag-usap ng Ingles sa mga dayuhang customers. Yes, entertainer siya. But she wasn't the kind who goes out with a customer. She was just a singer. Wala naman kasi siyang magagawa dahil wala siyang pagpipilian. Ito ang uri ng trabahong alam niya na mabilis siyang makakaipon. Jillian still dreams of going to college. Babalik siya sa pag-aaral. Itataguyod niya ang sarili niya at babalikan niya lahat ng umapi sa kanya. Partikular ang galit niya sa ina at kay Julia sa maningas na motivating factor niya para lumaban sa buhay. "Sandali," pigil niya kay Victoria. Maghiganti ang nais niya, hindi ba? This might be the chance she have been waiting for. "Pumapayag na ako." "Good. Kung gano'n ay sumama ka na sa akin." --- IMBES na maawa, nagawa pang magbunyi sa loob niya si Jillian pagkakita sa kakambal niyang mahimbing ang pagkakatulog sa piling ng mga life support machines. According to Victoria, nasangkot sa isang matinding aksidente si Julia at sa kasalukuyan ay isang buwan na itong comatose. Sa tindi ng pinsalang tinamo nito, hindi masabi ng mga doktor kung kelan ito magigising. So anong klaseng pabor ang hiningi sa kanya ng tiyahin? Kailangan lang naman niyang magpanggap bilang si Julia para sa dalawang kadahilanan. Una, para sa kanilang ina na si Valeria who was suffering from depression since Julia's accident. Kung sa mas brutal na paglalarawan, nabaliw ito at sa kasalukuyan ay walang nakikilala. Puro lang ito Julia, Julia, Julia. Victoria believes na kapag nakita siya nito bilang si Julia, her mother might get better. Kung si Jillian ang tatanungin, wala siyang pakialam kung gumaling man ito o hindi. For her, it must be Valeria's karma catching up with her. Pangalawa, para sa fiancé ng kapatid niyang walang kaide-ideya sa sinapit nito. Si Sake Fortalejo. Sa kasalukuyan ay nasa ibang bansa ito at pabalik na ng Pilipinas anytime dahil sa nalalapit na kasal nito at ni Julia. S'yempre paano nito pakakasalan si Julia sa kalagayan nito? Pero ang mas nagpapagana kay Jillian, their wealth was in the verge of bankruptcy again and Sake whose family was very rich was the solution to their problem. Kaya hindi p'wedeng hindi matuloy ang kasal sa petsang itinakda. And that's already in three months. Her job was to pretend as Julia para may datnang kasintahan ang lalaki at mawala rin na parang 'di siya nag-exist kapag kaya na ni Julia na i-resume ang buhay nito. But if her aunt was smart, hindi dapat siya ang unang taong pumasok sa isipan nito para tulungan silang malusutan ang problema. Because she was the least of all people who would give a d*mn if they would lose their business. Pero sa ginawa nitong pagpapahanap sa kanya, Victoria was clearly putting her faith in her niece whom she hadn't seen in so many years. Technically, hindi na siya nito kilala and she freaking have no idea what she was capable of doing to destroy her mother and her sister, isama na rin ito. Victoria made the wrong decision and she was yet to realize that. Before she does, it would be too late. Jillian had other things in her mind and it was far from helping Julia or Valeria, she was there for her revenge. "I want you to buy time for Julia but never postpone the wedding," sabi ni Victoria nang makalabas na sila sa hospital suite ni Julia. For the past one month, Victoria thanked her lucky stars na hindi mahilig tumawag o mag-video call si Sake para kumustahin si Julia. Busy raw ang lalaki sa Los Angeles at ang paraan nito ng pagiging boyfriend sa kakambal niya ay ang pagpapadala ng kung ano-anong regalo sa pamamagitan ng Executive Assistant nito. "Are you sure na hindi makakahalata si Sake?" Tanong niya though wala naman siyang pakialam kung mabuko siya agad. The sooner, the better. Mas masaya kung hindi matuloy ang kasal at bumagsak na naman nang tuluyan ang kabuhayan ng pamilya niyang tinalikuran siya noon. "I mean, I'm almost nothing similar to Julia." She had to admit that. While Julia was graceful and sophisticated, Jillian was the exact opposite. She grew up in the streets kaya taglay niya talaga ang kagaspangan ng kilos na nagtawid sa kanya sa araw-araw niyang buhay. "What are you saying? Identical twins kayo ni Julia at sa lahat ng kambal na nakita ko na, kayong dalawa ang halos walang pinagkaiba. Kailangan mo lang ng kaunting make over at training. Iyong iba, pwede na nating gawan ng palusot." Tumango-tango siya. Her aunt was wicked. Kung sino man si Sake, he was into the biggest lie of his life. "Okay," she answered. Victoria had a point. Kung sa panlabas na kaanyuan rin lang ang usapan, mahihirapan ang sino man na tukuyin ang sino sa sino sa kanila ni Julia. She was as beautiful as her sister. Also, based on her sister's picture when she was still well, hindi rin nagkakalayo ang hubog ng kanilang mga katawan. While Julia got her body being taken care of workout and yoga perhaps, si Jillian naman ay sa araw-araw na pakikipagbaka sa buhay. Doing odd jobs to raise money for her college fund. Sa height, matangkad ito sa kanya ng isang pulgada. Pero hindi na mapapansin iyon. "Halika na. Kailangan mo munang mag-ayos bago ka humarap sa mama mo." Pinaikot niya ang mga mata pero sumunod siya sa tiyahin. Kung gusto niyang maghiganti, kailangan niyang maging pasensyosa. Kapag nakilala na niya si Sake, sisiguraduhin niyang isusumpa nito si Julia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD