6. Refused.

2044 Words
"JILLIAN!" galit na tawag ni Victoria sa kanya pagkaalis na pagkaalis pa lang ni Sake. Hinatid sila ng binata mula sa dinner nila sa bahay ng mga ito. "Don't you dare turn your back on me! Mag-usap tayo!" Asar na tumigil siya sa pag-akyat sa hagdan at sumunod sa tiyahin papunta sa study room. Kaunting-kaunti na lang kakawala na ang pagtitimpi niya. "Now, explain to me why you refused the wedding?!" galit na galit pa rin ito. "Are you kidding me?" inis na aniya. "Hindi kasama sa usapan natin na magpapakasal ako kay Sake! Ang sabi mo, hihintayin nating magising si Julia!" The reason Lora invited them for dinner was to request Sake and Julia to get married asap. Nagulat din si Sake dahil nakatakda na naman talaga ang kasal nila sa susunod na dalawang buwan at kalahati. In fact, tuloy-tuloy naman ang preparations para ro'n. Pero mas nagulat si Jillian. Hindi niya nai-kondisyon ang sarili niya na kailangan niyang magpakasal sa binata. She was hoping that Julia would be awake before her wedding. "Hindi kita binigyan ng karapatang tumanggi!" "What?" hindi siya makapaniwala. "Are you hearing yourself, Tita? I am not Julia! You know what marrying Sake would mean!" "We need the Fortalejos to save the family's business Jillian!" giit nito. "Sa tingin mo, matapos ng pagtanggi mo kay Lora, gugustuhin ka pa niya para kay Sake?" "Matagal nang hindi gusto ni Tita Lora si Julia but Sake would still marry her. So, wala kang dapat na ikinagagalit. Besides, I didn't exactly refuse the wedding, right? Ang sinabi ko lang naman, hintayin na lang ang itinakdang araw ng kasal. There's no need to rush the wedding, Tita!" "Lora was disappointed with you Jillian. And didn't you see, pati si Sake dinisappoint mo!" Aminado siya ro'n. Hindi itinago ni Lora ang disappointment nito sa kanya. Nagulat daw ito dahil noon lang ito nag-express ng suporta sa relasyon nila ng anak nito so she had hoped that she would agree when she suggested that they move the wedding to a sooner date. But in the end, sinabi nitong sila ni Sake ang masusunod. At kahit sinuportahan ni Sake ang desisyon niya, alam niyang nadisappoint din ito. Ngunit naiintindihan umano nito at willing itong hintayin siya hangga't maging ready siya. Nasaktan niya ang binata, alam niya iyon. Pero uunahin pa ba niyang isipin ang damdamin nito o ni Lora o ni Victoria? No! Kailangan niyang isipin ang sarili niya, ang damdamin niya! Like why was she pretending anyway? Hindi ba para guluhin sila? Sa katunayan, nagtagumpay siyang masaktan ni Julia si Sake. Iyon naman talaga ang goal niya,'di ba? Pero bakit gano'n? Bakit parang apektado siya na naging malungkot ang binata dahil sa pagtanggi niyang pakasalan ito sa lalong madaling panahon? "You are stupid!" galit pa rin si Victoria. "Sa tingin mo, kung si Julia ang nasa lugar mo ngayon, tatanggi siya?!" "I don't care." pinatatag niya ang boses. "Ikaw ang humihingi ng pabor sa akin, Tita, do not pressure me!" Tinalikuran niya ito't di na nilingon kahit na tinatawag siya nito. HINDI nakatulog si Jillian. Laman ng utak niya ang nakitang pahapyaw na pagdaan ng kalungkutan sa mga mata ni Sake nang marinig nito ang sagot niya sa alok ni Lora. Bagamat mabilis na nakabawi ang binata at sinabi na lang nitong tama siya, hindi na iyon nakalimutan ng dalaga. At kung bakit naman hindi siya pinatulog no'n. Nag-aalala siyang nasaktan niya talaga ito. Maaga siyang nagising kinabukasan at nagpasyang puntahan sa ospital ang kapatid niya. Mabigat ang loob niya. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya. When she arrived just over two weeks ago, napakadeterminado niyang maghiganti. Iyon lang ang motivating factor niya sa pagpayag na palitan pansamantala si Julia sa mata ng mga taong nagmamahal dito--- kina Valeria at Sake. She planned to hurt them. Make them feel how it was to be rejected and unloved. Kaso ang ilang taong galit na inalagaan niya sa puso niya ay napakadaling nabuwal. Hindi siya masamang tao. All she wanted was to be loved. Naranasan na niya iyon ngayon but not as Jillian. At masakit iyon sa dalaga. On her way to the hospital, Jillian found herself crying. Hindi na niya kayang magpatuloy sa ginagawa niya. Guilt is slowly eating her up. May sakit ang kanyang ina, hindi biro na mayroon itong mental health problem. Ang kailangan ni Valeria ay totoong pag-aalaga, pag-iintindi at pagmamahal. And yet, she was lying to her. Ano na lang ang mararamdaman nito kapag nalaman nitong ang mahal nitong si Julia ay comatose pa rin at ang kasama nito ay ang kinamumuhian nitong anak? Tapos si Julia, ain't she cruel para agawin ang buhay nito? Mahal na mahal nito si Sake at hindi niya ito ginagawan ng pabor by pretending to be her. Pa'no pa kaya kapag pumayag siyang magpakasal sa kasintahan nito? That would be too painful for Julia. And then there was Sake Fortalejo who was a sincere and a loving man from the beginning. All he did was love and understand the amnesiac Julia. Wala itong kamalay-malay na ibang babae ang inaakala nitong kasintahan. Sigurado si Jillian, kapag nalaman nito ang totoo, he will not forgive her. Sa lahat ng ginagawang kasinungalingan ni Jillian ngayon, sigurado siya, no one will appreciate what she was doing. Valeria, Julia and Sake will hate her forever. "Julia, gumising ka na!" Aniya nang makarating sa kapatid. "Pini-pressure ako ni Tita Victoria na pakasalan si Sake! Hindi mo gugustuhin iyon,'di ba? Kailangan mo ng gumising. Andami mo ng pahinga. Wake up and live the life you left before it's too late!" Ilang minutong nakatingin lang siya kay Julia. Sabi nila p'wede namang kausapin ang mga pasyenteng comatose. Nakakarinig daw ang mga ito. "I'm sorry," mayamaya ay sabi niya, umiiyak na ginagap niya ang isang kamay ni Julia. "I'm sorry if I'm lying to the people you love. Sabi ni Tita Victoria, para rin sa 'yo to. Para kay mama, para sa kabuhayan ninyo... Alam kong hindi ako dapat pumayag. But it's too late to quit now. What am I supposed to do?" Umiyak lang siya habang nakasubsob sa gilid ng kama ni Julia.Inaamin na niya, hindi na niya kayang ituloy pa ang balak niya. ----- "BAKIT mo ko dinala rito?" Tanong ni Jillian kay Victoria. "Para makita mo kung gaano karaming empleyado ang mawawalan ng trabaho kapag hindi mo pinakasalan si Sake," tugon ng tiyahin niya. Dinala siya nito sa pabrika ng sapatos na pagmamay-ari raw ng pamilya nila. Hindi na niya alam iyon dahil iba ang kabuhayan nila noong buhay pa ang kanyang ama. "Tuloy ang kasal. Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na walang nagbago sa dating plano?" Naiinis na naman na sabi niya. Dinala ba siya ro'n ni Victoria para konsensyahin? "Hindi na makapaghihintay ang JSF, Jillian." Totoo ang lungkot na rumehistro sa mukha ni Victoria. "I already did everything I could, pero napakalaki na ng utang natin sa bangko. We're bankrupt. Two years na. I don't think kaya pang mag-operate ng business for another half a year." "The brand is not known in the market, Tita," komento niya dahil never pa niyang na-encounter ang mga sapatos nila sa pamilihan. "Baka kailangan ng rebranding." Nagkibit ng balikat si Victoria. "Well I guess, wala na akong choice kundi isara ito." Napaisip siya kahit papaano. Maraming empleyado ang pabrika. If one person has a family to feed, maraming magugutom kapag nagsara ang kompanya. And she wasn't a heartless person para hayaang mangyari iyon. Baka may ibang paraan pa bukod sa madaliin ang kasal ni Julia kay Sake. "Please Jillian, kahit hindi para sa pamilya natin. Do it for the sake of these people." ----- "TITA Lora!" Nagulat si Jillian nang madatnan nila sa bahay nila ang ina ni Sake na kausap si Valeria. "Napasyal po kayo." "Mrs. Fortalejo, this is a surprise," sabi naman ni Victoria. "Well, I came to visit my future daughter-in-law." Tumayo ito at humalik sa pisngi niya. "How are you, hija?" "O-okay naman po. Sana po nagpasabi kayo, Tita para hindi po kami umalis." "It's okay. Your mother entertained me well. Right, balae?" Baling nito kay Valeria na nakangiti lang. "'Ma, ako na ang bahala kay Tita Lora. Magpahinga ka na. Tita Victoria, please pakisamahan na ang mama sa kwarto niya... I'm sorry, Tita Lora, mom is not really well. I hope na---" "I told you it's okay. Valeria looks fine. Don't worry, nabanggit na sa akin ni Sake ang kalagayan ng mama mo. I don't see anything wrong with her. You did a good job taking care of your mother," sagot ni Lora na kapareho niya'y nakatingin sa magkapatid na papanhik ng hagdan. "Salamat po. Uhmn, would you like anything, Tita? A drink? Juice? Water? Coffee?" "Coffee would be fine," nakangiti pa rin si Lora. Tumawag naman siya ng maid para ihanda ang kape nito. Tapos lumipat sila sa garden dahil gusto raw siya nitong makausap nang masinsinan. Bahagyang kinabahan si Jillian. "Tita, kung tungkol sa kasal—” nakayukong aniya pero pinutol siya ni Lora. "Naiintindihan ko na kung bakit ayaw mo, Jillian." Gulat na napatingin siya sa kausap. Lora called her Jillian! Not Julia! "You're not Julia," sa labis na pagtataka ng dalaga, hindi galit ang ina ni Sake. "Alam ko na ang totoo." "H-hindi ka galit, Tita?" Alanganin niyang tanong na hindi na rin pinasinungalingan ang nadiskubre nito. "Hindi ko alam sa anak ko pero ako nahalata ko kaagad na hindi ka si Julia. Maybe because Sake believed that you have amnesia. Clever. I must say na maganda ang naisip ninyong palusot. Pero hindi ako madaling maloko, Jillian. Alam kong comatose si Julia kaya hindi ako naniwalang bigla siyang naging okay. Isa pa, magaan ang loob ko sa 'yo noong makita kita. And when you sang for me, lalong tumibay ang hinala ko na ibang tao ka. Well, your sister cannot sing. Walang talent ang kapatid mo maliban sa pagpapaganda. Pero hinala ko lang ang mga iyon until today. May sakit si Valeria but a mother does not forget that she has two daughters." "Kung gano'n, kaya kayo 'andito dahil?" "I like you for my son," walang paligoy-ligoy na sagot ni Lora. "Pero hindi ako si Julia," naguguluhan niyang tugon. "Exactly why I like you, Jillian. Because you are not Julia. Marry Sake. And I promise you, I will help you in saving JSF Shoes," sabi pa nito na para bang alam na alam nito ang kailangan ng pamilya niya. "But why? I mean, sasali kayo sa panloloko sa sarili ninyong anak?!" "Sake will thank me later on." "Paano kapag nagising si Julia?" "Saka na natin isipin iyon. I just want you to marry Sake as soon as possible. Habang hindi pa gising si Julia." "I don't understand." "Hindi mo kailangang intindihin lahat ngayon. Isa pang bagay, Jillian, 'wag mong sasabihin kay Victoria na alam ko na kung sino ka. It's our secret. Our deal." Hanggang sa magpaalam si Lora ay hindi pa rin makapaniwala si Jillian. Bakit? Dahil lang ayaw nito kay Julia kaya gusto nitong pumayag siyang magpakasal sa nag-iisa nitong anak? Pero paano niya tatanggihan ang alok nitong tulong na isalba ang kompanya nila? ----- "HEY, my love, you called?" Bungad ni Sake mula sa kabilang linya. Two days na niyang hindi nakikita ang binata mula noong nagdinner sila sa bahay ng mga ito. Bagamat nagsabi naman ito na magiging busy ito sa opisina ay hindi pa rin mapigilan ni Jillian ang mag-alala na baka galit sa kanya si Sake. "I'm wondering if I can see you tonight," aniyang nilakasan ang loob. "Magluluto ako ng dinner, dito sa bahay namin. Ask Tita Lora to come too." "Wait, did you say you will cook?" Parang natatawang tanong ni Sake. "Yeah...?" sagot niya. "Gusto kong bumawi, sa inasal ko noong nakaraan." "Julia, it's okay. I told you, tama ka. Hindi tayo nagmamadali. See you tonight. Make sure edible ang dinner." Bahagya itong tumawa. "Oo naman!" Hello, magaling kaya siyang magluto. "And don't burn the house down," dagdag panunukso pa ng binata. "Bye, Juls." Natawa na lang din siya, siguro ay hindi marunong magluto si Julia. "Bye, S--" she was about to end the call nang may marinig siyang boses babae na tumawag sa pangalan nito. "Sake." Kasunod noon ay ang pagkaputol ng tawag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD