Chapter 06
Amelia POV
KUMATOK ako sa pinto ni Khail, mahina lang. Ilang segundo ang lumipas bago siya sumagot mula sa loob.
"Pasok."
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Pagkapasok ko, bumungad agad sa akin ang likod ni Khail habang inaayos ang uniform niya. White coat at stethoscope na lang ang kulang at mukha na talaga siyang totoong doktor. Sa gilid ng mesa, nakatambak ang mga libro niya, puro tungkol sa anatomy at pharmacology, at may mga naka-highlight pa na parang hindi siya napapagod sa kaka-review.
Napangiti ako nang bahagya. Gusto niya talagang tuparin itong pangarap niya. Kahit na alam ko, mahigpit itong tinutulan ni Dad.
"Ready to save lives, huh?" biro ko habang lumapit. Nilapitan ko siya at kusa kong inayos ang medyo nakabaluktot na kwelyo ng uniform niya.
Nag-angat siya ng tingin sa salamin at kita ko agad sa mukha niya—hindi pa rin siya nakaka-move on sa nangyari sa dining kanina. Akmang magsasalita ako ng maunahan niya ako.
"Ate, I wasn't being disrespectful kanina. I was just telling the truth," diretsong sabi niya.
Humugot ako ng malalim na hininga. "Khail, alam mo naman kung ano ang usapan, 'di ba? Na dito si Andrie every weekdays, and every weekend he'll go back to his family. That's how Dad wants it."
Pinisil ko ang ilong ni Khail, sabay umiling.
"Ikaw talaga, matigas ulo mo. Kung sumunod ka lang sa yapak ni Dad, wala sanang problema," biro ko, kahit may bigat pa rin sa loob ko.
Napasimangot siya, parang batang pinagalitan. “Ate naman, you know this has always been my dream. I want to be a doctor, not someone handling jewelry."
Napatawa ako nang malakas, halos hindi ko napigilan. "Hindi ka magiging taga-gawa ng alahas, Khail. You'll be the boss. The one giving orders, not the one making them."
"Still," sagot niya, nakangiwi. "Hindi ko nakikita ang sarili ko sa negosyo."
Napalapit ako sa kanya at kinurot ko siya sa tagiliran. "Tsk. Tigas talaga ng ulo."
Bigla siyang ngumiti, pero may halong tampo. "Ate, you're always busy na. Hindi mo na ako binubuhat papunta sa room ko dati. You don't even let me ride on your back anymore."
Napahalakhak ako. "Khail, damulag ka na. You're taller than me! Mas malaki pa ang katawan mo kaysa akin. Hindi na kita kayang buhatin, baka mabalian pa ako ng spine."
Umalingawngaw ang tawa ni Khail sa buong kwarto niya, he keep teasing me. "Ewan. Dati naman you still carried me kahit mabigat ako," sagot niya.
"Eh kasi dati, cute ka pa. Ngayon, look at you, one giant baby," sabay tawa ko ulit.
Humagalpak din siya, tapos marahang tumango. "I miss that, Ate. I miss...us."
Napahinto ako, at sandaling tumahimik ang paligid. Hinawakan ko braso niya, marahang pinisil. "Hey, I'm still here. I may not carry you on my back anymore, but I'll always have your back. Gets mo?"
Nag-angat siya ng tingin sa akin, at ko nakita na kahit gaano siya katigas sa harap ni Dad, sa akin—kapatid niya—soft pa rin siya.
Mahigpit akong yumakap ako kay Khail, halos ayaw ko nang bitiwan. Ramdam ko ang init ng katawan niya at bigla akong kinurot ng katotohanang, malapit na talaga akong umalis. Napapikit ako sandali, pinipigilan ang luha na gustong pumatak.
"Khail..." mahina kong bulong. "Labas tayo paguwi ko, ha? Baka sa graduation mo, wala na ako rito."
Nakita ko kung paano agad nagbago ang mukha niya—mula sa ngiti, naging lungkot. Napalunok ako, kaya agad kong dinadaan sa biro. "Pero please, promise me one thing. Wag ka munang mag-asawa habang wala ako."
Napailing siya, napangiti rin kahit pilit. "Ate naman..."
Tinukso ko pa, sabay taas ng kilay. "O siya, kumusta kayo ni Yanna? What's the score?"
Nagkibit-balikat siya. "We're best of friends. Don't forget Tessa."
Pagkabanggit niya ng pangalan na iyon, iba ang ningning ng mga mata niya. Hindi ko alam kung anong naramdaman ko—parang may kakaiba, pero pinili kong hindi bigyan ng pangalan.
"Ohhh," pinahaba ko pa ang tono, "so there's Yanna...and there's Tessa. Interesting."
Napakamot siya ng batok, halatang gusto niyang umiwas. Ngumisi na lang ako. "Okay, decision made. Labas tayo, kasama sila. Bonding time before I leave. Deal?"
Tumango siya, walang pag-aalinlangan. "Sure, Ate."
Ilang saglit pa, tumingin siya sa relo niya at nag-ayos ng gamit. "Pasok na muna ako. Baka malate ako."
Ngumiti ako, kahit may bahagyang kirot sa dibdib. "Go. Ingat ka lagi."
Naiwan akong nakatayo roon, nakasandal sa pinto matapos siyang umalis. Pinilit kong ngumiti, pero sa loob-loob ko, may kaba—hindi ko alam kung anong mga pagbabago ang dadatnan ko pagbalik ko mula Italy.
PAGKABABA ni Khail sa hagdanan, umalos na rin ako ng kwarto. Habang naglalakad, hindi ko maiwasang isipin si Khail, like sa ugali nitong pagiging agresibo at padalos-dalos sa mga desisyon niya. Sana lang, in time, magbago rin siya.
Pero naputol ang pag-iisip ko nang mapadaan ako sa tapat ng kwarto nina Mommy at Daddy. Bahagyang nakabukas ang pinto. Hindi ko alam kung anong masamang hangin ang nagtulak sa akin, pero lumapit ako.
Mula sa siwang, nakita ko si Daddy sa harap ng malaking full length mirror, inaayos ang necktie niya. Si Mommy naman nasa likod niya, nakapamewang, halatang galit.
"You're being unfair, Amery," mariing sabi ni Mommy. "Pinipilit mo si Amelia na gawin ang mga bagay na hindi niya gusto. Even Andrie—bakit kailangan mong makialam sa buhay ng batang 'yon? He has parents. You don't get to control everyone. Anong nangyayari sayo?" Nanggagalaiti na tanong ni Mommy kay Dad.
Halatang nagpipigil si Daddy pero bumuga rin siya ng malalim na hininga bago sumagot. "Nathalie, you don't understand. I need someone to continue what I built. If Khail only listened to me, siya sana ang susunod. Pero wala, matigas ang ulo ng anak mo. So tell me, kanino ko ipapasa ang legacy ng kumpanya?"
Umiling si Mommy, nanginginig ang boses. "Legacy? Is that all you care about? Hindi mo ba nakikita—your own children are hurting? Khail is right. He feels you're replacing him with Andrie. He's jealous, Ethan, can't you see that? Nagiging unfair ka sa mga anak mo."
Naramdaman kong kumirot ang dibdib ko sa mga salitang iyon. Totoo naman. Unfair ang Daddy, minsan.
Huminto si Daddy sa pagaayos ng necktie niya, humarap kay Mommy. Kita ko kung paano kumunot ang noo niya, kung gaano kabigat ang dinadala niya. "Your son is hard-headed, Nathalie. Kung sumunod lang siya, wala sanang problema. Pero hindi. Lagi siyang kumokontra sa akin."
Natahimik si Mommy, tapos bigla na lang siyang napaiyak. Agad siyang nilapitan ni Daddy, niyakap at hinalikan sa tuktok ng ulo.
"I'm just trying to do what's best for this family," mahina niyang sambit habang yakap ito.
Nanatili akong nakatayo sa gilid ng pinto, pakiramdam ko'y bigat na bigat ang dibdib. Ayokong marinig pa, pero hindi rin ako makagalaw.
Kaya ko ginagawa lahat ng ito, kaya ko binibigay lahat ng best ko—because I want Daddy to be proud of me too. Pero sa mata niya, si Adrian Bradley lang ang laging magaling. He's the golden son. He's the one who always delivers. Lahat ng business deal na hinahawakan niya, panalo. Every move he makes, parang perfect. Kaya proud na proud si Daddy Ethan kay Andrie.
Ako? I push myself hanggang mawalan ako ng oras para sa sarili. I run the hotels day and night just to keep everything on top, just to prove na kaya ko ring maging worthy. Na hindi lang si Amdrie ang puwedeng ipagmalaki ni Daddy. Kahit kapalit pa ang happiness ko, kahit ang nararamdaman ko para kay Andrie, kailangan kong itago. All of it—just to keep up.
Because Khail? Wala. You can't count on him.
Huminga ako nang malalim at tumalikod bago pa ako mapansin nina Mommy at Daddy. Pero bago pa ako makalayo, natigilan ako.
Nasa harap ko si Andrie...at si Camilla. Nakapulupot ang braso ng babae sa kanya na para bang siya lang ang may karapatang nasa tabi ni Andrie.
My chest tightened. Ang sakit. Kasi dati, ako ang nandiyan. Ako ang madalas nakakapit sa kanya, ako ang laging kasama niya. And now, I'm just someone who has to watch from a distance.
Worlds change. People change. And maybe, I have to accept that I'm not part of his world anymore.
"Lea..." Andrie' s voice trailed off, pero hindi ko na hinintay pa ang susunod niyang sasabihin.
Hinakbangan ko sila, diretso. Chin up, kahit ramdam ko ang bigat sa dibdib ko. Kung kaya ko ngang itago lahat para sa Daddy ko, kaya ko ring itago ito.
Kaya kong itago ang lahat. Kaya kong itago ang totoo kong nararamdaman para kay Andrie. If loving him means breaking myself just to see him happy with someone else, then I'll carry that pain quietly. Kahit ako lang ang nakakaalam, kahit ako lang ang nasasaktan.
Pagpasok ko sa kuwarto, agad kong isinara ang pinto. Sumandal ako roon, letting my body slide down slowly hanggang maramdaman ko ang sahig. Para bang lahat ng bigat ng mundo na nakapasan sa balikat ko, sabay-sabay bumagsak sa dibdib ko.
I pressed my hand against my mouth, trying to silence the sobs, pero wala akong nagawa. Tears kept falling, unstoppable.
"Why does it hurt this much?" bulong ko, halos pabulong sa sarili.
I tried to be strong. I tried to live like nothing's wrong. Pero kapag mag-isa na ako, kapag wala na akong kailangang ipakita sa iba, doon ko lang kayang aminin, na mahal ko pa rin siya. At masakit kasi alam kong hindi na ako ang pipiliin niya.
Hinayaan kong dumaloy ang luha, walang pakialam kung gaano ako ka-fragile tingnan. Maybe this is the only place where I can be honest, inside these four walls away from everyone's expectations, away from Adrian's eyes.