Chapter 05
Amelia POV
AKMANG lalakad na ako palayo nang biglang hawakan ni Andrie ang braso ko, mahigpit, parang ayaw niya akong paalisin.
Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa braso ko.
"What?" mataray kong tanong, halos kumawala ang inis at kirot sa dibdib ko.
Matalim akong sumulyap kay Camilla na nakaupo pa rin sa kandungan niya, may pilyang ngiti na para bang siya ang nanalo sa laban na hindi ko naman hiniling. Nakakasuya.
Marahan pero mariin kong hinila ang braso ko mula sa hawak niya. Ayokong magmukhang mahina. Ayokong makita nilang nasasaktan ako.
"May gagawin pa ako," matigas kong sabi, pilit na pinapakalma ang boses ko. "Kung gusto n'yong kumain, the table is ready. At pwede ba, kung gusto n'yo pang maglampungan...doon na lang kayo sa kwarto mo."
Diretso, walang paligoy kong sabi. Masakit sabihin pero mas masakit na nakikita silang dalawa sa harapan ko.
Hindi ko inaasahan ang kasunod—mapaklang ngumiti si Andrie parang may halong panunukso. At bago ko pa siya masermunan, naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa balikat ni Camilla, as if to prove a point.
Napairap ako, rolling my eyes upward, pero sa loob-loob ko, halos mabiyak ang puso ko. Pinapaselos ba niya ako? Gusto ba niyang saktan ako hanggang sa hindi ko na kayanin?
He thinks bibigay ako? No way. Kahit pira-piraso na ang dibdib ko ngayon, I won't let him win.
Akmang lalabas na sana ako sa kusina para umiwas na lang, pero dumating ang mga magulang ko, kasunod ang nurse na tulak-tulak ang wheelchair ni Lola Adelaida. Kasama rin si Khail—magulo pa ang buhok, halatang bagong gising, at parang wala sa mood.
Saglit akong natigilan. At kalmadong umalis si Camilla sa pagkakandong kay Andrie, hindi talaga marunong mahiya. Ako naman, deadma na lang. Wala akong balak magpahalata ng kahit ano, kaya agad akong nag-excuse at tatalikod na sana para tuluyang umalis.
"Amelia," tawag ni Daddy, calm pero may halong authority sa boses. "Sabay-sabay na tayong mag-breakfast."
Napapikit ako sandali, pilit nilulunok ang kirot. Wala na akong choice. Kahit nakakairita ang presensiya ni Camilla na parang sobra na kung makapaka-close sa lahat, wala akong magagawa kundi umupo at makisabay.
Ngumiti si Lola Adelaida nang makita ako. "Apo, dito ka sa tabi ko." Hinawakan niya ang kamay ko, gaya ng dati. Kahit papaano, doon ako humugot ng konting lakas.
Pero habang nakikita kong at home na at home si Camilla—nakikipagkwentuhan kay Mommy, sumisingit sa usapan ni Daddy, at laging nasa peripheral vision ni Andrie, hindi ko maiwasang masaktan. Para bang unti-unti akong naaalis sa puwesto ko.
Kahit nakaupo ako sa tabi ni Lola, ramdam ko ang bigat sa dibdib. Pilit kong pinanatili ang tuwid na likod at maayos na ngiti. Hindi ako magpapakita ng kahinaan, kahit na parang nilalamon ako ng sakit sa loob.
"Camilla?" Malamig ang tinig ni Lola Adelaida habang nakatingin sa kanya mula sa kabilang dulo ng mesa. Kita ko ang bahagyang pagkunot ng noo niya. "Bakit nandito ka pa sa ganitong oras, hija? Hindi ka ba umuwi? Saan ka natulog kagabi?" Umiling siya, at naaninag ang bigat sa boses niya. "Hindi maganda sa isang babae na matulog sa bahay ng lalaki."
Para bang natigilan si Camilla, bahagya siyang napayuko, halatang napahiya.
Bago pa siya makasagot, si Daddy na ang sumabat. "It's okay, Lola," ani Daddy Ethan, kalmado pero matigas ang tono. "Camilla stayed here, yes, but they're getting married soon anyway. Wala namang masama kung dito siya tumuloy."
Umiling si Lola, hindi kumbinsido. "Hindi pa sila kasal, Ethan. Ang soon ay hindi ibig sabihin na ngayon. Respeto muna bago ang lahat. Hindi ako sang-ayon na ganyan ang nakikita ng mga tao sa apo ko."
Ramdam ko ang bigat ng sinabi ni Lola Adelaida, parang tumagos din sa akin. Hindi ko alam kung dahil tama siya o dahil masakit lang na makita kung gaano ka–protective ang Lola ko sa prinsipyo habang ako, parang walang boses sa eksenang ito.
Biglang nagsalita si Khail, nakakunot ang noo, halatang inis. "May sarili ka namang bahay, Andrie. Nandoon ang totoong mga magulang mo. Bakit hindi ka na lang doon tumira? Para makapagdala ka ng babae kahit sino ang gusto mo."
"Khail," madiing saway ni Daddy. "Andrie is your Kuya. Give him some respect."
Napangisi si Khail, mapait ang tunog ng tawa. "Kuya? He's not my Kuya, Dad. Let's stop pretending. He's not even your child. Kami lang ni Ate Amelia ang anak mo. Not this goddamn bastard you're trying to treat as family."
Nanlamig ang dibdib ko. Parang may humigop ng hangin sa buong komedor. Lahat kami natahimik—maliban kay Daddy.
"Khail!" sigaw ni Daddy, halos umuga ang mesa sa bigat ng boses niya. "That's enough! Don't you ever say that again!"
Pero hindi nagpasindak si Khail. Tumayo siya, matalim ang tingin. "I just said the truth, Dad."
"Khail!" tawag ni Mommy, halos nakikiusap ang tono niya. Pero hindi na lumingon ang kapatid ko. Tuluy-tuloy siyang lumakad palabas ng komedor, mabigat ang bawat yabag.
Pagkaalis niya, naiwan ang katahimikan. Ramdam ko ang tensiyon na parang usok na kumakapit sa balat. Saglit akong napatingin kay Andrie, mahigpit ang pagkakakuyom ng kamao niya, nakayuko, para bang pilit nilulunok ang lahat ng sakit na narinig niya. Alam kong nagtitimpi lang ito siya kay Khail.
At ako naman ay pilit pinipigilan ang luhang gustong kumawala.
"Dad, stop." Mahina pero buo ang boses ni Andrie habang nakatingin kay Daddy Ethan. "Okay lang... sanay na ako kay Khail."
Saglit akong napatigil. Sanay na? Parang ang gaan niyang sinabi, pero ramdam kong bawat salita ay parang tinik na pilit niyang nilulunok.
Dahan-dahan siyang tumayo mula sa kinauupuan. "Camilla, let's go. I'll drive you home," sabi niya, diretsong nakatingin kay Camilla.
Agad itong tumayo, mabilis na lumapit at kumapit sa braso niya, tila ba sabik na sabik sa atensiyon. "I'm sorry po, Lola," aniya, pilit na paawa ang tono. "Patawarin n'yo po ako kung nakatulog ako dito. Wala naman po akong masamang intensiyon."
Napataas ang kilay ko sa huling sinabi niya. Tahimik lang si Lola Adelaida, nakakunot ang noo, halatang hindi kumbinsido. Pero si Daddy—nakita kong tumango, parang naniwala.
"Don't worry, Camilla," ani Daddy Ethan, pinilit gawing magaan ang sitwasyon. "It's okay. Next time, be more careful lang."
Bahagyang yumuko si Camilla, parang inosente, saka muling ngumiti nang maramdaman ang hapit ng braso ni Andrie sa kanya. Sabay silang tumalikod, at sa bawat hakbang nila papalayo, parang lalo namang umiigting ang bigat sa dibdib ko.
Naiwan akong nakaupo, hawak ang kubyertos na hindi ko na nagalaw. Ramdam ko ang pag-igting ng panga ko habang pinagmamasdan ang likod nila—si Camilla nakadikit, si Andrie tahimik lang na parang walang nararamdaman.
Pagkapasok nila sa hallway, saka lang ako huminga nang malalim. Tumayo ako, marahang inayos ang pagkakapatong ng plato ko at pinilit na ngumiti sa mga magulang ko.
"Dad, Mom, Lola...mauna na po ako. Pupunta lang ako sa manggahan," mahina kong sabi. “Maybe next day na lang po ulit ako uuwi dito. Magsu–surprise visit din ako sa hotel natin doon."
Ramdam ko ang mga mata nila, lalo na ang kay Mommy na parang gustong pigilan ako, pero hindi ko na hinintay ang sagot. Kailangan ko lang makalayo... kahit sandali lang.