Chapter 04
Amelia POV
MADILIM pa lang ay gising na ako. Sanay na akong ganito araw–araw, maagang bumabangon para magluto ng almusal. Isa ito sa mga bagay na nagpapagaan ng pakiramdam ko. Cooking makes me feel at home, lalo na kapag nakikita kong nasasarapan ang mga mahal ko sa buhay. Bukod sa baking, talagang mahilig din akong magluto.
Habang hinihiwa ko ang ampalaya para sa ginisang ampalaya with egg, sabay sa adobo at tinolang manok na niluluto ko na, naisip ko ang mamayang hapon. Uuwi ako sa manggahan. Kagabi ko pa kinausap si Nanay Eva—siya ang nag-alaga sa mommy kong si Nathalie, at naging parang pangalawang lola ko na rin. Sabi ko, maghanda siya ng hapunan para sabay-sabay kaming kumain kasama ang mga tauhan sa manggahan. Excited na akong makita ulit ang lugar kung saan ako lumaki at nagkaisip. Bibisitahin ko rin ang unang hotel namin roon.
"Señyorita, eto pa 'yong hiniwa kong sibuyas at bawang," sabay abot ni Aling Wanda.
"Salamat po, Ate Wanda," ngiti ko, sabay lagay sa kawali.
Maya-maya, matapos kong ayusin ang tatlong putahe, naisipan kong magtimpla ng kapeng barako. Mas gusto ko kasi ang tapang ng lasa nito. Gumawa ako ng dalawa, para sa akin at kay Aling Wanda.
Just as I was about to take my first sip, ramdam ko agad ang presensiya ng isang tao sa likod ko. Dahan-dahan akong napalingon, at muntik akong mapabitaw sa hawak kong tasa.
Si Andrie.
Off shirt at naka–jogging pants lang.
At sa bawat patak ng pawis na dumadaloy mula sa matikas niyang dibdib, pababa sa tiyan at naglalaho sa ilalim ng garter ng suot niyang pantalon, para akong natigilan sa kinatatayuan ko. His chest was still heaving—kakagaling niya sigurong mag-exercise sa gym dito sa mansiyon.
"Good morning," bati niya, simple pero diretso.
Parang nahuli akong nagnanakaw ng tingin, kaya dali-dali kong ibinalik ang sarili ko sa ayos. "G-good morning," sagot ko, pinilit kong gawing normal ang boses ko.
Naglakad siya papunta sa ref. Binuksan iyon at kinuha ang isang bottled water na malamig, binuksan ang bote at ininom ang lama na tubig. Pagkatapos muling humarap sa akin, nakakunot ang noo niya na para bang may naaamoy.
"Barako ba 'yon?" tanong niya, parang curious at medyo impressed.
Tumango agad ako, "Oo, gusto mo? I'll make one for you."
Hindi na siya nag-atubili. "Sure," sagot niya at umupo sa isang stool sa bar counter, relaxed na relaxed habang ako naman halos mabaliw sa kaba.
Agad akong nagtimpla ng panibagong tasa ng barako para sa kanya. Pero habang hinahalo ko ang mainit na kape, hindi ko mapigilan ang mga mata ko na dahan-dahang bumalik sa kanya. Sa matikas niyang braso, sa linya ng abs niya, sa paraan ng bawat paghinga niya.
At napansin ko, na para bang nahuli niya akong nakatitig.
Nagtagpo ang mga mata namin. Walang salita, pero ramdam ko ang bigat ng titig niya, parang sinusuri niya kung ano ang nasa isip ko. Agad kong iniwas ang tingin, kunwari busy sa kape.
"Here," inalok ko, sabay abot sa kanya ng tasa.
Ngumiti siya, tipid pero totoo. "Thanks, Lea."
Tumango ako at mahinang ngumiti. Ngayon ko lang siya ukit narinig na tawagin akong "Lea" palayaw na binigay niya sa akin. At nang inabot niya iyon, bahagyang dumampi ang mga daliri niya sa kamay ko. Mabilis lang, pero sapat para magpawala ng lahat ng hangin sa dibdib ko para akong nakuryente.
Agad akong tumalikod para hindi niya mahalata ang reaction ko. Natahimik ang paligid, tanging lagaslas ng tubig sa gripo at mahina kong kilos ang naririnig. I tried to focus on cleaning the counter, pero ramdam ko ang bigat ng mga mata niya sa likod ko.
"Masarap pala ang gawa mong kape?" he finally said, his voice low and calm. "Pero baka hindi ito ang pinaka-strong na kaya mong gawin."
Napakurap ako, hindi sigurado kung anong ibig niyang sabihin. "Kape lang naman 'yan, Andrie," sagot ko, pilit na tumatawa. "Barako kasi, kaya natural na strong."
He leaned on the counter, elbows resting habang nakatitig sa akin. "Hmm. But I think... you can handle stronger things than this. Don't you, Lea?"
Parang tumigil ang oras. The way he said it, parang simple lang, pero ramdam ko ang ibang ibig ipahiwatig. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko, kaya mabilis kong iniwas ang tingin at kunwari'y busy sa pag-ayos ng plato.
"I-I don't know what you mean," bulong ko, hoping he'd drop it.
Pero hindi. Mas lalo siyang ngumisi, the kind of smile na parang alam niyang naiilang ako. "Alam mo, matagal na kitang kilala. You've always been composed, always in control. Pero minsan iniisip ko...paano ka kaya kapag nawalan ka ng control?"
My heart skipped. Napalunok ako, pilit pinipigil ang kaba. "Andrie..."
He sipped his coffee slowly, hindi inaalis ang tingin sa akin. "Relax, Lea. Casual conversation lang. Unless... ikaw ang nag-iisip ng iba."
Parang gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung paano tatakpan ang pamumula ng mukha ko. "Ikaw kasi," I mumbled, "ang hilig mong magbitaw ng salita na, nakaka-misinterpret."
Andrie chuckled, mababa at parang nanunukso. "Maybe. Or maybe...I just like seeing you flustered."
Napahinto ako sa paggalaw. Hindi ko magawang tumingin sa kanya. Pero mula sa gilid ng mata ko, nakita ko ang ngisi niya, relaxed pero may laman, parang sinasadya niyang ilagay ako sa ganitong sitwasyon.
At sa kabila ng kaba... hindi ko maitago ang totoo. Kinakabahan ako, pero ang hindi ko inasahan ang sunod niyang sinabi.
"Amelia, kaya mo bang ipaglaban ang lalaking mahal mo? O hanggang kailan mo balak itago ang totoong nararamdaman mo? Importante ba talaga sa'yo kung ano ang sasabihin ng ibang tao?"
Parang may humigpit na bigat sa dibdib ko. Hindi ko alam kung tanong ba talaga iyon o isang pahayag na may hinihintay siyang sagot. Ang tono niya kasi, may halong paghihintay, may hinanakit na parang gusto niyang marinig ang isang bagay mula sa akin.
Pakiramdam ko. Nanuyo ang lalamunan ko. My hands froze on the spoon I was holding. I wanted to ask him what he really meant, kung sino ba ang tinutukoy niya. Pero natakot ako. Baka kung ano pa ang masabi ko, baka mabuko ang damdaming matagal ko nang pinipilit itago.
"I...I don't know, Andrie," mahina kong sagot, halos pabulong. Ramdam ko ang kaba sa sarili kong boses.
Tumingin siya diretso sa akin, parang hinihiwa ang kaluluwa ko. His eyes were searching—almost pleading. At sa sobrang hindi ko na kaya ang tensiyon, mabilis kong iniba ang usapan.
"Uhm, by the way," pilit kong ngumiti kahit ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko, "mamaya mga three pm, uuwi na muna ako sa manggahan. I already told Nanay Eva to prepare dinner para sabay-sabay kaming kakain ng mga tauhan. Magpapahatid na lang ako sa chopper." Pagiiba ko sa usapan namin.
Nakita ko kung paano nag-iba ang ekspresyon ni Andrie. The small light in his eyes dimmed, parang nadismaya siya sa narinig. He leaned back, took another sip of his coffee, pero ramdam ko na hindi iyon ang gusto niyang marinig mula sa akin.
"Right," maikli niyang tugon. "Kung 'yon ang gusto mo."
At mas lalo kong naramdaman ang bigat sa dibdib ko, dahil alam kong may bagay akong pinili na muling takasan.
Andrie pouted his lips before he spoke, casual ang tono pero parang may bigat na bumagsak sa puso ko.
"Lea, what's the hotline number ng flower farm ni Lola Adelaida? Nabura ko yata ang copy ko. I just want to order fresh flowers, para kay Camilla. Birthday niya next week. Hopefully, makapunta ka rin sa birthday niya."
Parang may kumurot sa loob ng puso ko. Yeah, I remember. How could I forget? Same ang birthday namin ni Camilla. Noon, hindi kailanman nakakalimot si Andrie sa birthday ko, lagi siyang may pa surprise sa akin, laging may pabulaklak. Lagi kaming magkasama. Pero ngayon? Mas nauna pa niyang isipin ang birthday ni Camilla kaysa sa akin.
Akmang bubuksan ko ang bibig ko para ipaalala sa kanya, na birthday ko rin. Pero mas pinili kong pigilan ang sarili ko. What for? Para lang makaramdam siya ng guilt? Para lang mapilit ko siyang maalala ako? No. I swallowed hard, forcing a small smile.
"Mamaya ko na lang ibigay, nasa room ko kasi 'yung phone. Or, if you want, you can also talk to Mom later about the flowers you want for her."
Tumango-tango si Andrie, then he stood up. Parang wala lang. At sa bawat kilos niya, parang mas lalo akong lumiliit sa sarili ko.
Biglang bumukas ang pinto ng kusina at pumasok si Camilla. Diretso siyang yumakap kay Andrie, walang pakialam kung may ibang tao sa kusina. Agad kong napansin ang suot niya nighties, may manipis na cover-up pero halos wala ring naitago.
My stomach twisted. What was she doing here this early? Hindi ba siya umuwi kagabi?
"Why did you leave me so early?" malanding tanong ni Camilla, her voice soft but loud enough for me to hear. "I woke up and you weren't beside me."
Napakunot ang noo ko. Beside her? They slept together? Sa kwarto ni Andrie? Naninikip ang dibdib ko sa sakit.
Casual lang ang naging sagot ni Andrie, parang walang big deal. "I went to the gym early."
Mas lalo akong hindi makatingin. I busied myself arranging the plates kahit hindi naman kailangan. I forced myself not to react, not to show the storm inside me. Pero lalo lang akong nasaktan nang makita kong kumandong si Camilla kay Andrie right in front of me, like she owned him.
Ramdam ko rin ang pagkailang ni Aling Wanda, na mabilis na nagpaalam at lumabas na lang ng kusina. Maging ang dalawang katulong na papasok sana, biglang umatras, ayaw na ring makisaksi sa eksenang iyon.
Ako na lang ang naiwan, tahimik, hawak ang kutsara na nanginginig sa kamay ko. Sa loob-loob ko, gusto kong sumigaw. Pero sa labas, I forced myself to stay calm, kahit unti-unti na akong nadudurog sa nakikita ko.
Napansin din pala ako ni Camilla. Nakangiti pa, parang walang nangyaring nakakairita.
"Good morning? Amelia," bati niya, sweet na sweet, parang wala siyang ginawang mali.
Napapikit ako saglit. I didn't want to answer. Ayaw ko siyang pansinin. Pero bago ko mapigilan ang sarili ko, lumabas ang tanong na kanina ko pa gustong isigaw.
"Why are you here, Camilla?" malamig kong tanong, pinilit kong gawing steady ang boses ko kahit ramdam kong nanginginig na ako.
Walang kaabog-abog, walang kahit anong pag-aalinlangan, diretso siyang sumagot. "I slept in Andrie's room last night. Wala naman akong nakikitang masama ro'n. He let me stay."
Parang may sumabog na bomba sa dibdib ko. Nanlamig ang mga palad ko, at parang biglang nawala ang lakas ng tuhod ko. Hindi ako makagalaw, hindi ako makahinga.
Dahan-dahan akong napalingon kay Andrie hoping, begging na sana magsinungaling siya, sana kontrahin niya si Camilla. Kahit kaunting pag-asa na hindi totoo.
Pero hindi. His eyes, walang itinatago. Tahimik niyang pinatunayan ang sinabi ni Camilla.
"Yeah. I let her."
Ramdam ko agad ang bigat na kumabig sa puso ko, parang hinihila pababa ang buong pagkatao ko. Para akong binuhusan ng isang baldeng malamig na tubig na punong–puno ng ice, habang nasusunog ang loob ko. Ang sakit. Hindi lang basta sakit, matinding sakit na halos hindi ko na kayang itago.
Wala akong nasabi. I just stood there, forcing myself not to cry in front of them. Pero sa loob ko, pakiramdam ko wasak na wasak ako.