CHAPTER 21: WENDY PRIME “ANG sinasabi mo sa ‘min ngayon ay nobya mo ‘yung biktima na ang pangalan ay Mariana. ‘Yun ‘yung una nating pinuntahan, hindi ba?” ani Elixir saka itinanong sa isa sa mga tauhan sa tabi niya. Kasalukuyan kaming nakaupo at nagpupulong sa salas, sentro ng usapan sila Leo at ‘yong lalaki na dala ang anak niya. Nagpakilala ito kanina pa bilang Hernan, habang ang kaniyang anak ay ipinakilala niya bilang Shian. Still, wala pa rin sa sariling katinuan. Nakatulala lang ito sa kawalan, walang response sa tuwing tatanungin namin siya ng kung ano o kahit pa kausapin. Halata rin ‘yon sa mga mata niya, kahit titigan ko siya nang matagalan at kahit na titigan niya rin ako pabalik ay parang tumatagos lang ang tingin nito hanggang sa likuran ko. Kanina ko pa iniisip kung nas

