CHAPTER 22: WENDY PRIME “MAY isa ka pang espesyal na abilidad bukod sa kayang gawin ng mga Prime,” tumatango- tango na sambit ni Daro habang dahan- dahan na lumalapit sa dining table saka sumandal doon. “Mali ka ng narinig,” mariin na sagot ko sa kaniya. Tinitigan niya ako saglit saka natawa. Inirapan ko siya at kinagat ang sariling labi, kahit ako gusto kong sabunutan ang sarili ko sa naging palusot kong ‘yon. Narinig niya na ang lahat ng kailangan niyang marinig para makumpirma na may isa pa nga akong espesyal na abilidad, kaya balewala na lahat ng sasabihin ko ngayon. No way out. “Siguro nga mali ako ng rinig, baka ganoon karami ang tutuli sa mga tainga ko para mamali ng rinig. Tingin mo?” natatawang aniya na halatang sarkastiko. “Daro, makipag- cooperate ka na lang. Ginagamit ko

