CHAPTER 23: WENDY PRIME HUMAHANGOS na tinakbo namin ang daan pabalik sa tinutuluyan naming bahay. Nang marating namin ang lugar ay wala na ang matandang babae sa harap ng pintuan gaya no’ng iniwan namin siya kanina. Buong akala ko talaga ay susunod siya sa ‘min no’ng tumakbo na kami paalis at papunta sa pamilihan na sinasabi niya. At nag- hinala na ako no’ng nakita ko siyang nakatayo lang at nakayuko pa sa sulok na parang robot. “Ang tatanga niyo! Bakit lahat tayo nagpunta sa lugar na ‘yon! Wala man lang nagpa- iwan!” bulyaw ni Elixir saka nauna nang pumasok sa loob. Agh, nagawa pang manisi. Sumunod ako sa kaniya sa loob, saka sila Daro at Samuel sa likuran ko. Diniretso agad namin ang takbo sa silid kung saan huli naming pinapunta si Mr. Hernan at Shian. Wala nang Shian ang naroon

