Chapter 24: WENDY PRIME NAKARAMDAM ako ng matinding pangangalay sa aking kanang braso kaya naman idinilat ko ang mga mata ko at nag- ayos ng higa. Ipipikit ko na ulit sana ang mga mata ko at itutuloy ang pagtulog nang maalala ko ang mga nangyari. Nanlalaki ang mga matang bumangon ako mula sa sofa na kinahihigaan ko saka hinanap ang mga taong napanaginipan ko. Kinapa ko ang leeg ko... so hindi ako namatay at naubusan ng oxygen sa baga dahil sa pananakal, huh? Buhay pa ako ngayon eh. “Gising ka na pala,” Nag- angat ako ng tingin sa nagsalita. Si Leo ‘yon at may hawak na tasa ng kape. Pagkaupo niya sa katapat na sofa ng kinauupuan ko ay iniabot niya sa ‘kin ang isa pang tasa na bitbit niya. “Kung hinahanap mo sila, wala na sila rito.” “Nasaan sila?” “Sumama sila ro’n sa apat na

