I’m sorry sa mga nag- ddm sa twitter hindi ko kayo mareplyan kaagad kasi hindi ko napapansin ‘yung notif tapos minsan lang ako mag- open, kapag mag- oopen lang ako to tweet something then close app na. Anw, tnx for your appreciation messages, xoxo! CHAPTER 25: WENDY PRIME NAPAIWAS ako ng tingin mula kay Leo nang tanungin niya ako kung paano ko naman nalaman ang lahat ng importanteng detalye patungkol sa magkakapatid na Miguel, Mira, Michael at ‘yong isa pang babae. Paano nga ba naman kasi kung hindi nila alam na may iba pa ‘kong mahika bukod sa espesyal na abilidad ng pamilya namin. Agh, pwede bang ipaliwanag ko na lang nang isahan sa lahat ang patungkol dito? Magsasalita na sana ulit ako para sagutin ang tanong ni Leo nang pigilan ako ng boses ni Samuel, ‘yong sinabi niya no’ng huli n

