CHAPTER 31: WENDY PRIME

2154 Words

CHAPTER 31: WENDY PRIME HALOS mapatalon ako sa gulat nang bumungad sa ‘kin si Samuel pagkabukas ko ng pinto. Maaga na at mataas na rin ang sikat ng araw sa labas ng bintana na sinilip ko, masaya naman akong gumising dahil nasunod ang gusto ko mula pa kagabi. Hindi natuloy ang iniuutos ni Armando at ng nakakabwisit niyang anak na si Elixir na ro’n sa selda ako patulugin sa buong magdamag na para bang isa pa rin akong alipin o bihag. Dahil simula ngayon ay hindi na ako alipin o bihag. Matapos ang ginawang pakikipag- usap sa ‘kin noong tinatawag nilang Master ay nakuha ko na ang lahat ng gustuhin ko. Sinusunod na nila ang lahat ng i- demand ko kahit pa masasarap na pagkain. “Nakatulog ka ba nang maayos?” Nagpatuloy kami sa paglalakad matapos kong isara ang pinto saka ngumisi sa kaniya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD