CHAPTER 32: WENDY PRIME SA harap ko nagkaroon ng abutan sa pagitan noong Master at si Veronica. Kitang- kita ko kung gaano kaganda ang ancient map na tinutukoy nila galing kay Veronica, lalo na nang buksan nito ang mapa sa harap pa ng lahat ng mga tao na nandito sa silid. Kumalma na ang lahat pagkatapos ng ilan pang pamimilit ng pinuno pero halata pa rin naman ang pagka- dismaya. Habang ako naman ay nag- eenjoy lang sa nakikita... alam ko na binibilog lang ng mga taong ‘to ang ulo ko at ia pa... hindi mahusay na actor ang tinatawag nilang Master. Siguro dapat ay mag- enroll muna siya ng acting workshop bago niya ako mapaniwala. Pero kahit ganoon pa man, patuloy pa rin akong hindi iimik at pagmumukhain na nauuto sa mga pakulo nila. Ganito nila gusto mangyari ang laro... okay, then. “Ang

