CHAPTER 33: UNKNOWN THIRD PERSON’S POINT OF VIEW NAGISING na lang si Wendy Prime nang makaramdam siya ng ilang tapik sa kaniyang balikat at mga pisngi. Sinaway pa ni Samuel si Elixir sa ginagawa nitong panggugulo sa wala pa ring malay na dalaga pero hindi siya pinansin ng huli. “Nagpapahinga pa si Wendy,” ani Samuel saka inaalis ang kamay ng kapatid. “Ano ka ba niya? Guardian? Magulang? Nurse?” ani Elixir sa naiinis na tono. “Nagsasayang tayo ng oras kung gaya sa ship ay hihintayin pa natin kung kailan siya magigising, naiintindihan mo ba? Ilang araw na lang ang bubunuin para mangyari ang Solar Eclipse at magiging huli na ang lahat.” Malakas na itinulak ni Elixir ang balikat ng kapatid saka mas nilakasan ang tapik sa dalaga. “Kung hindi pa siya magigising, wala akong ibang pagpipilian

