CHAPTER 18: WENDY PRIME NAGPAKILALA ang lalaki sa tanggapan sa pangalan na Leo, siya raw ang pinagkatiwalaan ni Veronica ng balita na rito muna kami magtatagal sa bayan nila nang ilang linggo hanggang sa maresolba ang problema ng mga krimen. Dinala niya kami sa lugar kung saan kami tutuloy sa buong pagtatagal namin sa bayan nila. Malawak na bahay, bakante kaya naman saktong- sakto para sa ‘min. Sinipat ko ang suot kong relo at nakitang pasado alas- siyete na ng gabi. Kanina pa ako distracted sa aura na nakikita ko sa paligid niya, kulay puti pa rin at hindi nawawala. Hindi kagaya ng mayroon kay Daro, kulay itim ang madalas na nakikita ko na nakabalot sa paligid niya pero sa mga oras na ‘to ay wala akong nakikitang ganoong aura sa kaniya. “May tatlong kwarto dito pero malawak naman ang

