CHAPTER 17: WENDY PRIME “Dito ang huling lugar kung saan nakita ang mga gamit niya, nagkalat diyan ang mga panyo na palagi niyang bitbit para ibenta,” Dinala niya kami sa tabi ng isang bakante at abandonadong bahay na gawa sa bato, sa totoo lang ay mukhang lahat nga ng mga bahay rito ay abandonado at walang katao- tao. Madilim ang paligid kahit na umaga pa naman at sobrang tahimik. No wonder mga mangkukulam ang may- ari ng bayan na ‘to. “Name?” tanong ni Samuel habang pinanonood namin sila Elixir, Daro at ang apat na tauhan nila na magmasid- masid sa paligid at mag- imbestiga. “M- Mariana, nagtitinda siya ng mga panyo at tela sa pamilihan, bigla siyang nawala gaya ng iba pang biktima nitong nakaraang mga linggo.” “Nasabi ninyong krimen ang bagay na ‘to dahil nawawala sila at hindi

