CHAPTER 27: WENDY PRIME ANG kapaligiran sa tuwing tumatanaw ako ng nakaraang memorya ng ibang tao ay may pagka- blurred sa paningin ko, ang kulay rin ay hindi ganoon ka- lapit sa reality dahil mas marami ang kulay na gray. Malabo rin ang ibang detalye ng paligid at lilinaw lang nang kaunti kung lalapitan ko mismo at sisipatin nang mas mabuti, idagdag pa ang physical movements ko rito na mas mabagal nang bahagya kaysa sa realidad. Kaya naman kung sakaling nawawala na ako sa realidad at pisikal na katawan ko para silipin ang memorya ng nahawakan kong ibang tao ay alam na alam ko na kaagad, napapansin ko kaagad ang mga bagay na nabanggit ko kanina pa. Pero nang aksidenteng mapigilan ko ang nakaraan at ang gagawin sana ng matandang babae sa harapan ko, lahat sa paligid ko ay nagbago. Tila

