CHAPTER 5: SAMUEL LINCOLN

1935 Words
CHAPTER 5: SAMUEL LINCOLN “Aray! Hinaan mo lang, pota naman!” sinamaan ko ng tingin si Walter habang nasa likuran ko ito, hawak- hawak ang mahabang kahoy na matibay, ‘yong kanina pa niya ginagamit para ihampas sa likuran ko. “’Yan na ang pinaka- mahina, buddy. Ginagawa ko lang ang trabaho ko, baka ako pa ang managot eh. Mahirap na.” aniya saka hinagupit pa ulit ako sa likod. Mariin na napa- pikit na la’ng ako ng mga mata sa sobrang sakit, mahapdi rin dahil wala akong suot na damit pang- itaas. Inis na hinawakan ko nang mahigpit ang mga kadenang humihila sa parehong kamay ko paitaas. Kanina ko pa pinagdadasal na matanggal ‘to nang kusa saka ako makakatakas mula rito eh. Kaso wala. Malas. “Babae lang kasi ang inassign sa ‘yo na assignment pero hindi mo pa natapos.” Rinig kong sabi ni Walter. “Sa susunod naman, buddy, pumili ka ng papalyahan mo na mission. ‘Wag ‘yung mahahalaga katulad noong paghuli sa batang Prime,” Naalala ko tuloy ang babaeng ‘yon. Kahapon kami nagkita sa bahay nila at kahit madilim na madilim ang buong paligid ay nagawa ko pa ring makita ang hitsura niya. Maamo ang mukha ng tinatawag nilang lahat na batang Prime na ‘yon, hindi rin totoo ang sinasabi nila na ‘bata’ pa ito na halos 8- anyos na bata, nakita kong halos kaedad ko lang siya eh. Mali marahil ang pag- aakala nila patungkol sa kanya. Hindi ko rin makalimutan kung paano mapuno ng takot ang mga mata niya. Hindi niya malaman ang gagawin, inosenteng- inosente sa lahat ng bagay... maging sa mga taong itataya ang lahat ng mayroon sila, mapatay lang siya at ang mga magulang niya. “Ano ang magagawa ko, hindi ko nakita sa buong bahay eh.” Bagot na tinignan ko la’ng si Walter nang magpunta ito sa harapan ko habang nakapatong ang kahoy sa balikat. “Baka nakatakas kaagad. O kaya, nakatunog ang mga magulang niya na pupuntahan namin sila sa gabing ‘yon kaya naman tinakas na kaagad ang anak nila.” Tumitig si Walter sa kisame saka parang nag- isip nang malalim. “Pero bali- balita na nakita raw ng spy ‘yung tatlong Prime na ‘yon na nasa loob ng bahay nila bago kayo dumating. Paanong wala roon ‘yung bata? Isa pa, maliit lang naman daw ang bahay, may pagtataguan pa ba siya roon?” Napatulala ako kay Walter na napaka- raming tanong saka nakaramdam na parang gusto ko siyang gulpihin sa mga oras na ‘to. Ayaw na lang tanggapin ang mga palusot ko! “Aba, ewan ko! Bakit ako ang tinatanong mo, malay ko ba roon kung nasaan ‘yon!” iritableng tugon ko. Napa- ungol ako sa sakit nang biglang may humampas sa tagiliran ko mula sa likuran kahit nasa harapan ko naman si Walter. “Tangina! Ang sakit!” napayuko ako at naramdaman na gusto nang bumagsak ng katawan ko sa sahig kung hindi lang napipigilan ng mga kadenang naka- gapos sa parehong pala- pulsuhan ko at nakatali sa itaas. “Talagang masasaktan ka, Samuel, kulang pa ‘yan.” Nag- angat ako ng tingin sa nagsalita. Siya ang tinatawag namin dito na ‘master’, siya ang pinaka- pinuno naming lahat sa pangkat. Kanang- kamay niya si papa kaya naman mataas din ang nakuhang ranggo ng tatay at nanay ko sa pangkat naming lahat. May espesyal na katayuan din ang pamilya namin kaysa sa iba dahil loyal kami kay master at kami ang pinaka- naaasahan niya. Sila lang pala. Kaya nga nandito rin ako ngayon eh, naatasan sa pinaka- mahalaga raw na misyon. Ako ang pinaka- tinitignan na mahina sa ‘ming magkakapatid kaya sa ‘kin binigay ang misyon, para mapatunayan ko raw na may ibubuga pa rin ako. Magaling ako sa pag- gamit ng espada at mga sandata kaya nagtiwala silang magagawa ko nang tagumpay na madakip ang batang Prime na ‘yon. Pero ano ang pakialam ko sa pagpapatunay na may maibubuga ako. Ha! Basta ang focus ko ngayon ay protektahan ang Prime na ‘yon, kahit ano man ang mangyari. Iniisip ko pa kung paano ako makakalapit sa kanya sa susunod, hindi ko na rin alam ang lokasyon kung nasaan na siya ngayon pero sigurado akong magtatago na siya para sa kaligtasan niya. Sila master na lang ang babantayan ko sa mga susunod nilang plano laban sa Prime na ‘yon. Alam kong tama ang desisyon ko ngayon, lalo na nang malaman ko pa na ang tunay na rason sa pagpatay sa lahat ng miyembro ng pamilyang Prime ay para isuko nila ang gemstone ng angkan nila sa pangkat na ‘to. Kung ano ang mayroon sa gemstone na ‘yon at kung ano ang tunay na pakay ni master doon? ‘Yon pa ang dapat kong alamin. “Samuel, kailan ka ba makikinig sa mga utos ko sa ‘yo?” Napunta ang atensyon ko kay papa, galit na galit siyang nakatingin sa ‘kin habang si mama at ang dalawang mga kuya ko naman ay nasa likuran nito, pare- parehong tinitignan ako nang may pagka- dismaya sa mga mata. Palagi naman, wala namang bago diyan. “Sinabi ko na sa inyo, hindi ko siya nakita. Ano ang magagawa ko?” “Pero sinabihan na rin kita na dapat mas sinigurado mong magagawa mo nang tama ang misyon mo, napaka- simple. Bata lang ang kailangan mong hanapin.” Nahanap ko naman talaga, napaka- simple. “Ikaw lang ang nagdadala ng kahihiyan sa pamilya natin, ano pa ba ang silbi mo.” “Wala ka nang ginawang tama. Wala ka bang pangarap para sa pamilyang ‘to?” Napahugot na lang ako ng malalim na paghinga nang sunud- sunod na marinig ang mga katagang ‘yon mula sa mga kapatid ko. Sanay na ako. “Parusahan ni’yo na lang ako hangga’t kailan niyo gusto,” kibit- balikat na sabi ko saka napa- ungol sa sakit nang makatanggap nga ng biglaang hagupit galing kay master. Putangina! Hindi uso ang warning- warning! LUMIPAS ang tatlong araw, tahimik ang lahat ng balita patungkol sa pamilya ng Prime. Bukod sa balitang napatay ni master ang mag- asawang Prime noong nakaraang gabi. “Inaaral mo ba ang cloning magic mo? Pupusta ako na hindi na,” ani Elixir. Siya ang pinaka- panganay sa ‘ming tatlong magkakapatid. Tinungga ko ang isang baso ng tubig na nakalagay sa mesa saka walang pakialam na binalingan ang pagkain sa hapag. “Magkano pusta mo?” pang- aasar na tugon ko sa kanya. Nanunuyang tumawa lang ito. “Pati sa sarili mong mahika ay wala kang ambag. Ano pa ang silbi na kasama ka sa pamilyang ‘to.” “Ikaw, ano ba ang silbi mo bukod sa bumuntot sa master at umasang ikaw ang susunod na lider ng pangkat na ‘to.” Saka ako natawa. Hinampas niya ang lamesa nang malakas dahil sa inis kaya naman naabala ang pagkain nila mama, papa at ng isa ko pang kapatid. “Pwede ba na huwag kayong magtalo rito sa hapag?” ani mama. “Tama naman si Elixir, walang planong magseryoso nang tuluyan si Samuel para sa dignidad ng pamilya natin, sa harapan ng buong pangkat at para sa sarili niyang mahika.” Segunda pa ni Daro, ang pangalawang nakatatandang kapatid ko. Tumango- tango na lang ako sa mga pinagsasabi nila saka kinain ang masarap na ulam namin ngayon. Paborito ko ang isdang ‘to e, walang makakapag- alis sa ‘yo ng atensyon ko, paboritong isda- “Kaya napagdesisyunan kong si Samuel pa rin ang ipadala sa mundo ng mga mortal para hanapin ang batang Prime na ‘yon at dalhin dito.” Nang marinig ang eksaktong mga salitang ‘yon galing kay papa ay walang sabi- sabing nabulunan ako mula sa kinakaing paboritong ulam. Aabutin ko na sana ang pitsel ng tubig nang ilayo ‘yon ni Elixir. Walang hiya. “Siya pa rin?! Hindi pa ba kayo nadadala sa unang misyon niya, palpak na siya roon. Gusto niyo pang maulit?” inis na ang ekspresyon ni Elixir habang kinakausap si papa. “Bakit hindi na lang ako?” “Si Samuel na ang nasabi ko kay master. Hindi rin siya pumayag noong una pero nagbago ang desisyon niya nang maisip ang kondisyon na ibibigay kay Samuel.” Pagbabalita pa ni papa sa ‘min habang kalmado ang tono. “Bakit hindi ako?!” bulyaw ni Elixir. “Bakit hindi si Daro?!” “Para turuan ng leksyon si Samuel.” Mariing tinitigan ako ni papa sa mga mata kaya nginisihan ko siya. Alam kong alam niya kaagad sa ngisi ko pa lang na hindi ko na seseryosohin ang misyon na ‘yan. “Hindi naman lingid sa kaalaman ko na sinadya niya talagang patakasin ang batang Prime na ‘yon,” Oh shoot. Unti- unting nawala ang ngisi na suot ko kanina saka nag- iwas ng tingin. “Sinabi ko na sa inyo, hindi ko talaga siya nahanap sa bahay na ‘yon,” mahinang dugtong ko sa usapan. “Patunayan mo.” Ani papa saka tumayo at dinuro ako. “Kapag hindi mo siya nahanap at nadala rito sa lugar natin... uubusin ko ang mga batang matagal mo nang kinukupkop.” Nagbalik ako kaagad ng tingin kay papa, namimilog ang mga mata at napaawang ang bibig dahil sa narinig. Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig! Mabilis na tumayo rin ako at nakipag- tagisan ng tingin kay papa. “Anong ibig niyong sabihin?” Paano niya nahanap ang mga batang ‘yon? “Papatayin ko silang lahat kapag hindi mo pa sinunod ang gusto kong mangyari sa pagkakataong ‘to.” “Anong sinasabi mo, papa? Ano ang mayroon sa mga batang binanggit mo?” nagtatakang tanong ni Daro. Hindi nila alam? Si papa lang? “Labing- apat na araw la’ng, Samuel. ‘Yun lang ang palugit ko sa ‘yo at malamig na bangkay na lang ang mga batang ‘yon na itatapon sa ilog.” Napalunok ako, nanginginig ang mga kamay sa sukdulang kasamaan ng sariling ama. Kinupkop ko ang mga batang ‘yon na palaboy- laboy na lang sa lansangan, wala na silang mga magulang at wala pang kakayahang kumita ng sariling pera para bumili ng pagkain sa araw- araw. Binigyan ko sila ng tirahan na maliit lang, sama- sama sila roon na dinadalhan ko ng pagkain araw- araw at malapit na silang lahat sa ‘kin. Hindi alam nila mama at papa ‘yon dahil hinuhuli talaga ang mga batang- ligaw para pagtrabahuhin sa pamilihan. Sa murang edad at maliit na pangangatawan. “Saan ko naman hahanapin ang Prime na ‘yon? Ang laki ng mundo ng mga mortal! Nababaliw na ba kayo!” naiiling na sigaw ko sa kanila. Totoo, hindi ko talaga alam kung saan hahanapin ang babaeng ‘yon. “Problema mo na ‘yan dahil hinayaan mo pa siyang makalusot sa mga palad mo,” Naikuyom ko ang mga kamao ko. Isa ‘to sa mga dahilan ko kung bakit hindi ko na gustong sundin pa ang mga bagay na gusto nilang gawin ko. Alam kong ang lahat ng ninanais nila sa mga oras na ‘to ay makasarili... hindi makatao. “Dadalhin ko rito ang Prime na ‘yon, huwag niyong sasaktan ang mga batang walang kamuwang- muwang,” Dire-diretso akong umalis sa harapan nila para abutin ang jacket ko na nakasampay sa sandalan ng sofa at lumabas ng bahay. Dadalhin ko siya rito gaya ng gusto ninyong lahat pero pagsisisihan niyong pinapunta niyo siya rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD