CHAPTER 4
“Kailangan na natin umalis kaagad, kung hindi pa tayo kikilos ay tiyak na mahahanap na tayo ng mga Keeper.”
“Pero wala pa tayong ilang buwan sa tinitirahan natin, isa pa hindi pa tapos ang pag- aaral ni Wendy sa eskwelahan nila. Isang semestre pa ang kulang, Christmas vacation pa lang-“
“Wala na tayong oras.”
ABALA sa pag- uusap ang mga magulang ko nang magising ako mula sa pagkakatulog. Nasa byahe pa rin kami ngunit mukhang malayo na nang bahagya sa lugar ni tita.
Agad akong umayos ng upo nang mapansin na yakap- yakap ko pa rin ang paperbag na binigay sa ‘kin ni tita, kukuha sana ako ng chocolate at mga snack na nandoon nang maalala ko ang box na binilin sa ‘kin ni tita roon.
Hindi ko pa rin madigest hanggang ngayon kung ano ang sinasabi ni tita sa ‘kin patungkol sa kakaibang kapangyarihan na ‘yon na pamilya lang namin ang may kayang gumawa, siguro talaga ay dala lang ng kalungkutan at pag- iisa sa bahay nila kaya ganoon siya mag- isip.
Hay, next vacation nga ay sasabihin ko sa parents ko na dalasan ang dalaw roon.
Pinagmasdan ko muna ang mga magulang ko, mukhang seryoso pa rin naman ang pinag- uusapan nila kaya naman pasimpleng binuksan ko mula sa loob ng paperbag ang box. Kahit na sinabi sa ‘kin ni tita na sa kaarawan ko na buksan at tignan ang laman niyon ay hindi ko na ‘yon sinunod.
Curious.
Napakunot ang noo ko nang pindutin ko ang munting lock nito, nagliwanang nang bahagya ang magkakabilang sulok ng box, na para bang may lighting na kaunti sa loob ng kahon. Nang buksan ko ‘yon ay tama nga si tita, puro polaroid pictures ang naroon. Ang unang picture na bumungad sa ‘kin ay ang litrato ng pamilya namin, mukhang luma na pero nakilala ko pa rin ang mga lola ko roon na magkakatabi habang sila tita naman ay nasa bandang ibaba nila at nakaupo.
Hahawakan at kukuhanin ko na sana ang mga nasa loob ng kahon nang malakas na mapasubsob ako sa likuran ng upuan ng aking papa, malakas ang naging preno ng sinasakyan naming kotse at napatili pa si mama kanina.
“Wendy! Okay ka lang ba diyan? Nagseatbelt ka ba?!” nag- aalala ang tono nila mama at papa sa ‘kin habang sinisilip ako.
“Opo, okay po ako rito, ano po ang nangyari?” kinakabahang tanong ko saka sinilip ang harapan ng sasakyan namin. Nalukot ang noo ko nang makitang wala naman kami sa busy at mataong daanan para magkamali ng pagdrive si papa.
Pero may lalaking nakasuot ng suit sa harapan namin ngayon. Nakatayo lang ito at nakatingin na para bang galit na galit siya sa mga taong nasa loob ng kotse namin ngayon.
“Sino po siya?”
Nilingon kaagad ako ni mama at dali- daling umiling. “Anak, yumuko ka, magtago ka! Bilis! Huwag mo siyang pansinin, matulog ka ulit!”
Sa inakto ni mama ay lalo akong nagtaka. “Bakit po? Ano po ba ang nangyayari?”
“Wendy! Makinig ka sa ‘kin! Magtago ka sabi at huwag mo siyang tignan!” this time ay nakasigaw na si mama habang kinakausap ako, na minsan niya lang gawin sa ‘kin kahit na maraming beses ko na siyang iniinis sa araw- araw.
“O- okay po,” kahit na wirdong- wirdo sa dahilan ay sinunod ko si mama.
Narinig kong bumukas ang pinto ng kotse sa gilid ni papa saka ito lumabas, bago pa niya isara ang pinto ay tinawag pa siya ni mama na para bang alalang- alala sa pwedeng mangyari kapag lumabas ito.
“Bumalik ka rito, Lando! Umalis na tayo!” halos maghysterical na utos ni mama kay papa.
“Sandali lang, kakausapin ko lang ang Keeper na ito. Kilala ko ang tatay niya, papalusutin tayo nito,”
Keeper? Papalusutin?
Bakit? May atraso ba sila mama at papa sa lalaking ‘yon at kailangan naming magtago at lumusot?
Ang lahat ng katanungan ko ay hindi na nasagot pa sa araw na ‘yon nang makalipas ang ilang minuto, pumasok si papa sa kotse saka mabilisang binuhay ang makina ng sasakyan at pinaharurot paalis sa lugar kung saan kami tumigil. Pagkatapos no’n ay tahimik lamang sila mama at papa sa buong byahe, sinubukan kong magtanong ng mga question na nabubuo sa isipan ko pero hindi nila ako sinasagot at pinapatigil sa pagtatanong patungkol sa lalaking nakita namin kanina.
“Mama, Papa! Puro na lang po tayo ganito, kailan ba ako magkakaroon ng normal na buhay?” pabagsak na inilapag ko sa plato ang kutsara at tinidor ko. Nawalan na ako ng gana kumain ng hapunan.
“Pwede ba, Wendy? Makinig ka muna sa ‘min ng tatay mo? Huwag mo rin kaming pagdabugan kaagad!”
Hindi ko pinansin ang sinasabi ni mama saka tumayo na ng upuan para kumuha ng plato mula sa lagayan nito saka itinakip sa mga pagkaing hindi ko na naubos.
“Huli na ‘to, Wendy, hindi mo nauunawaan ang totoong dahilan pero para rin ‘to sa ikabubuti mo. Sa safety mo.” Si papa naman ang nagpaliwanag pero kahit na gaano pa kami kalapit sa isa’t- isa ay hindi ko na piniling pakinggan pa ang mga paliwanag nila.
“Kahit ano naman pong tanong ko ay hindi niyo rin naman sinasabi sa ‘kin ang totoong dahilan. Halos wala na akong mga kaibigan magmula pa noong bata pa lang ako, wala tayong permanenteng tirahan at daig pa natin ang kriminal sa pagtatago.” Humugot ako ng malalim na paghinga saka tinignan silang dalawa sa mga mata. “Ang dami niyong sikreto na tinatago mula sa ‘kin. Anak niyo po ako at may karapatan din akong malaman kung ano ang nangyayari sa pamilya natin.”
“Wendy-“
Itinaas ko ang kamay ko para patigilin saglit si mama. Buong buhay ko ay hindi naman ako nagreklamo, ngayon lang... kasi sobra na.
“Ma, malapit na ako mag- 22 years old. Siguro naman po ay sapat na ‘yon para hindi niyo na ako ituring na paslit, pag- usapan at solusyunan na po natin ang kung ano man ‘yang tinatakbuhan natin.”
Pagkatapos no’n ay nagmartsa na ako palabas ng dining area. Maingay ang mga tsinelas at yapak na inakyat ko ang hagdan papunta sa kwarto ko saka inilock ang pinto nang makapasok sa loob.
Gusto nila mama at papa na lumipat ulit kami sa ibang lugar. Sa ibang parte ng bansa para roon tumira. Napapagod na ako at ayaw ko na kasi nahihirapan na ako mag- adjust, nag aaral pa rin naman ako bilang college student at walang mga kaibigan dahil sa ginagawa naming palagi na lang na pagpapalipat- lipat ng lugar.
Madalas kong marinig sila mama at papa na parang may tinatakbuhan, may ayaw na makakita sa ‘min at tinatawag nila ‘yon na Keepers, pero kapag tinatanong ko naman kung ano o sino ‘yon ay hindi naman pinapaliwanag sa ‘kin.
Ayos lang naman sa ‘kin, ‘yon nga lang ay nakakapagod na. Gusto ko naman na maranasang mamuhay ng normal, gusto ko rin malaman kung mga kriminal ba ang mga magulang ko at tumakas lang mula sa bilangguan kaya tago nang tago?
Habang tumatanda ako ay gusto ko nang malaman ang problema. Anak ako eh, ang problema ng mga magulang ko ay alam kong dapat na pinoproblema ko rin. Pamilya kami at may karapatan akong malaman kung ano ang nangyayari.
Pabagsak na humiga na lamang ako sa kama saka pinatay ang lamp shade. Matutulog na lang ako nang mawala na ang bigat sa dibdib ko ngayon na dulot ng pag- sagot ko sa mga magulang ko kanina.
GULAT ang naging dahilan kung bakit mabilis na iminulat ko ang mga mata ko sa kalagitnaan ng gabi. Inabot ko ang cellphone ko mula sa ilalim ng aking unan saka binuksan ‘yon, 2: 37 AM pa lang pala.
Ipipikit ko na sana ulit ang aking mga mata para magpatuloy sa pagtulog nang makarinig ako ng malakas na kalabog mula sa labas ng kwarto ko. Mas lalo pa akong naalarma nang makarinig ako ng sigawan, boses ‘yon ni mama at papa kaya naman bumangon kaagad ako mula sa kama at lumabas ng kwarto.
Nagkakarera na ang t***k ng puso ko sa mga oras na ‘to, tumambad sa ‘kin ang sobrang dilim na paligid ng aming buong bahay, na alam kong unusual dahil nagagalit si mama kapag nagpapatay ako ng ilaw sa bahay. Ayaw na ayaw niya ‘yon.
“Ma?! Pa?!” pagtawag ko sa kanila habang nakadungaw mula sa second floor. Wala akong maaninag sa salas kaya naman dahan- dahan akong lumapit sa kwarto nila para hanapin sila roon. Lalo akong natakot at kinabahan nang wala akong marinig na tugon mula sa nanay at tatay ko.
Hinawakan ko ang door knob ng kwarto nila para buksan ‘yon pero hindi ko pa pinipihit ang door knob nang kusa na ‘yong pumihit! May bumukas ng pinto mula sa loob ng kwarto, akala ko si mama o papa ang bubungad pagkabukas ng pinto pero hindi!
Madilim ang loob ng kwarto pero naaninag ko ang bulto ng lalaki. Napasinghap ako at napaatras ng hakbang!
“Sino-“ hindi na natuloy ang pagsigaw ko nang humakbang ito palapit sa ‘kin saka tinakpan ang bibig ko nang mahigpit at hinatak ako mula sa beywang papasok sa kwarto nila mama at papa. Sinara niya ang pinto pero bago pa niya ‘yon tuluyang mailock ay nakarinig pa ako ng ilang sigaw.
Sure ako... boses ‘yon nila mama at papa na parang nahihirapan!
Nagpumiglas ako mula sa pagkakahawak sa ‘kin ng kung sino man, sinubukan ko pang sipain ito sa tuhod at private area niya pero mabilis ang reflexes niya at isinandal ako sa malapit na pader.
Gusto ko nang maiyak sa mga oras na ‘to! Sino ba ‘to?! May mga nakapasok na magnanakaw ba sa bahay namin?!
Pinilit kong mag- ingay kahit sa ilalim ng palad niya, pinilit ko rin na makawala sa pagkakahawak niya pero mas diniin niya lang ako roon sa pader.
“Ssh!” aniya saka nilingon ang aparador ni mama sa gilid ko. Binuksan niya ang pinto no’n at malakas na ipinasok ako sa loob! Sumunod siya sa ‘kin saka isinara ang malaking pinto ng aparador. Tinangka ko pang makawala pero hinawakan na nito ang mga binti ko. “Wag kang makulit! Kapag lumabas ka rito makikita ka nila, mamamatay ka,” mariin niyang bulong.
Hindi ako nakinig saka nagtangka ulit makawala sa pagkakahawak niya at lumabas ng aparador pero hinawakan niya ulit ako at siniksik na sa sulok ng aparador saka naglabas ng kutsilyong maliit. Doon na ako natigilan.
“Ako na lang ang papatay sa ‘yo kapag hindi ka pa nakinig sa ‘kin, naiintindihan mo?”
Tumutulo ang pawis sa noo ko sa sobrang takot, maging ang luha sa mga pisngi ko. Halo-halo na ang nararamdaman ko sa mga oras na ‘to at mas nangingibabaw ang pag- aalala para sa mga magulang ko. Sino ba ang mga taong ‘to?
Nakarinig kami ng malakas na tunog mula sa pintuan kaya naman napasinghap ako sa gulat, nilingon ako ng lalaking kasama ko rito sa loob ng aparador saka sinenyasan akong huwag gagawa ng ingay.
Sinilip niya ang maliit na butas sa aparador habang hawak pa rin ang bibig ko.
“Nasaan na si Samuel? Nakita niya na ba ‘yung anak?” rinig kong malalim na boses ng lalaki saka bumukas ang ilaw ng buong kwarto. Madilim pa rin dito sa loob ng aparador pero may kaunting sinag ng ilaw ang pumapasok mula sa mga butas ng aparador.
Sapat na para kaunting makita ko ang hitsura ng taong nasa harapan ko ngayon.
Mukhang hindi nalalayo ang edad ko sa kanya, o mas matanda siya ng ilang taon, itim ang buhok nito at may peklat sa kaliwang pisngi mula sa mata.
“Hindi pa po namin nakikita, baka hinahanap pa niya, master.”
“Hinahanap pa rin?! Ang tagal ko nang kausap sa baba ‘yung mag- asawang Prime ha! Napatay ko na’t lahat si Lando at Mariel, wala pa rin akong nakikitang Samuel na may bitbit na pakay natin!”
“Baka nasa kabilang mga kwarto po si Samuel.”
Maya- maya pa ay nakarinig kami ng pinto na isinara, mukhang nakaalis na yata sila rito.
Namilog ang mga mata ko. Prime ang surname namin ng mga magulang ko at... kung hindi ako nagkakamali... diyos ko.
Nanginig ang mga kamay ko sa takot kaya naman sinulyapan ako ng lalaking nasa tabi ko mula sa pagsipat ng nanginginig na mga kamay ko. “Narinig mo? Plano nilang patayin kayo pero niligtas kita, huwag kang lalabas dito. Ligtas ka na rito.”
Unti- unti niyang binitiwan ang bibig ko, pinigilan ko nang makagawa ng ingay at ako na mismo ang nagtakip ng bibig ko mula sa paghikbi. Patay na ba ang mama at papa ko?
“Magpasalamat ka na lang at mahal ka pa ng diyos, nabuhay ka pa at may tyansang bigyan ng hustisya ang pagkamatay nila.” Aniya saka inayos ang asul na panyong nakatali sa noo. “Binuhay kita dahil ito ang utos ng papa mo at may mapapala ako rito. Ikaw si Wendy, tama?”
Hindi ako umimik, basta ay nanlabo lang ang mga mata ko ng mga luhang kanina pa nag- uunahan tumulo.
Lumabas ito ng aparador saka iniwan ako sa madilim at malamig na kwarto ng mga magulang ko, na ngayon ay parehong patay na.
Sino ang mga taong ‘yon?
TO BE CONTINUED...