3.5

246 Words
Memories from the Past: Masayang nagtatatakbo ako sa parke nang dalhin ako rito nila Lola Detta at iba ko pang tiyahin nang bisitahin nila kami sa bahay. Hindi namin inasahan at masaya ako dahil minsan lang silang magpakita sa 'min ngunit gulat at pagkabalisa naman ang idinulot kay mama at papa. "Bakit ho hindi kayo nagsasabi na pupuntahan niyo kami rito?" Ani mama na naulinigan ko habang naglalaro kami ni Tita sa salas, naroon sila sa kusina kanina noong mga oras na iyon. "Oo nga ho, baka nasundan kayo... iniingatan lang namin ang anak namin. Ang kapakanan niya ang pinaka pinahahalagahan namin noon pa." Ani pa ni Papa. "May mga ritwal naman kaming ibinalot sa sarili namin bago nagtungo rito, kami pa ba?" "Namimiss lang din namin ang apo namin, siya ang itinakda... she must be special?" Magmula noong pagkakataon na iyon ay hindi na nawala sa isipan ko ang pinag-usapan nila. Mahilig ako sa fantasy genre movies at ang mga ganoong uri ng litanya ay siyang ugat bago magbago ang lahat sa takbo ng buhay noong bida. Pero hindi naman ito fantasy movie o story hindi ba? Or so I thought. Biglang dumilim ang paligid kahit hindi pabagsak ang ulan kung kaya't masayang hihilahin ko sana ang tita sa gitna ng parke nang makita ko itong nabalisa at itinago ako sa gitna nilang lahat. Saka tuluyang nagdilim ang aking paningin, nawalan ako ng malay at naging isang malaking panaginip na lang ang lahat pagkagising ko...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD