New start
I finished elementary like 1, 2 ,3.
Ang bilis ng mga pangyayari no'ng nga nakaraang taon. Well, wala naman akong paki. Mas gusto ko na nga makaalis sa elementary school na 'yon, tutal hindi naman ako nababagay do'n.
My tito helped me enroll into my new school. Syempre highschool na 'ko e, sana naman ay may maging kaibigan na ako rito, hindi naman talaga ako nage-expect pero parang gano'n na nga siguro.
Kinakabahan pa ako habang nakapila dahil may flag ceremony kami. Sabi ng napagtanungan ko, dito raw nakapila ang section ko. Nagulat pa ako ng slight kasi marami na ring estudyante ang nakapila sa unahan ko.
Inayos ko ang nakalugay kong buhok. Kinakabahan talaga ako sa kung anong magiging impression nila sa akin kaya nag-ayos ako kahit na hindi ko naman talaga gawain noon.
Nilugay ko ang buhok kong nangungulot sa dulo kahit na mas gusto kong nakatali. I wore my favorite headband. Manipis lang ito at may mga maliliit na tila perlas ang nakadikit rito. Naglagay din ako ng lip balm na nabili ko sa Watsons noong linggo.
Dahil grade 7 na ako, pang-umaga ang
pasok namin kasabay ng mga grade 10.
Buti nga ay nagising ako ng maaga kahit na napuyat ako kagabi kakaisip ng mga senaryo at mga gagawin ko ngayong first day. Isa na roon ang pakikipag-close sa mga kaklase ko.
Nanlulumo ako. Recess na namin at halos lahat ng mga kaklase ko ay lumabas ng room. Ang ilan ay dumiretso sa canteen habang ang iba ay naglibot.
Kanina ay walang-sawang self introduction ang nangyari. Natatandaan ko ang pangalan ng iilan sa mga kaklase ko. Lahat sila mukang mababait. Ang problema ko ay wala akong malapitan!
Nabanggit ko naman ng malakas ang pangalan ko kanina, bakit wala man lang nagtangkang lapitan ako or what? Dapat bang ako talaga ang magfirst-move?
Babae ang katabi ko sa kaliwa habang bintana ang nasa kanan ko. Sa likod kasi ako pumwesto. May isang row pa sa likuran namin kasi puro mga lalaki naman at ang iingay nila. Minsan nga ay hindi ko na nangugustuhan ang pinag-uusapan nila.
'Yung katabi kong babae, mabait siya kasi halos lahat kilala niya na talaga. Lumabas siya ng room kanina. Naalala kong nginitian niya ako kaso hindi kami nagkaroon ng pag-uusap.
Hinang-hina talaga ako ngayon. Gustuhin ko mang pumunta ng canteen pero hindi ko kayang tumagal sa maraming tao.
Nakatulala lang ako sa labas ng bintana habang nakapangalumbaba. Tanggap ko na ang magiging kapalaran ko buong taon. Okay, kaya ko namang mag-isa.
Napabuntong-hininga ako. Maya-maya pa ay may paparaan na grupo ng mga lalaki. Una kong nabigyan ng pansin ang
pinaka-matangkad sa kanila. Hanggang tenga niya lang ang mga kasamahan niya kaya agad na pumasok sa isip ko na siguro ay repeater siya.
Siguro nga kasi sobra naman yata ang tangkad niya para sa grade 7? Saka imposible naman sigurong grade 10 'yan kasi sa kabilang building pa ang room nila.
May canteen na rin naman doon sa kabilang building kaya sure akong same level lang kami ng lalaki. Saka infairness, ang dami niyang friends, partida first day palang ha.
Sanaol po kuya.
Buong klase ay nanahimik na lang ako at hindi na umasa pang may lalapit sa akin. Nalaman ko rin na ang iba sa kanila ay magkakaklase na mula pa noong elementary.
Hays, kung bakit ba kasi lumayo pa ako ng school, eh mayroon din naman doon malapit sa amin na maaring pasukan. Bahala na talaga.
Habang pababa ng building namin ay crowded halos ang bawat building. Ang dami ba namang estudyante e, kaya nakayuko lang ako habang naglalakad.
Nakahinga ako ng maluwag nang makababa sa grounds. Mas marami lang talagang tao sa building namin kasi tunatambay pa ang iba at nag-aantayan.
Napadako ang tingin ko sa malaking gate ng school namin at ang kaso 'yong maliit na nasa gilid lang ang binuksan ng guard kaya crowded din sa paglabas. I sighed.
I already feel worn out. Mamaya sa bahay ay matutulog agad ako.
Napagdesisyunan kong sumilong muna sa nag-iisang malaking puno na naririto sa grounds. Nasa gitna ito ng dalawang building. May mahabang upuan na
nakapalibot dito kaya do'n ako naupo. I hate crowds. Siguro ay hihintayin ko nalang na lumuwag-luwag sa may gate.
Iniunat ko ang mga binti ko nang
makaupo. Niyakap ko rin ang bag ko at piniling magmasid nalang muna sa mga kapwa ko estudyante.
Nangunot ang noo ko nang may mapansin sa 'di kalayuan. 'Yung matangkad na lalaki kanina no'ng recess....
Nakaharap ang katawan niya sa direksyon ko habang may kausap siya. Nakikita ko tuloy kung paanong pati ang mata niya ang ngumingiti rin kapag tumatawa o ngingiti. His eyesmile.
Mula rito sa pwesto ko ay malaya ko siyang napagmamasdan. Hindi rin naman niya 'ko makikita dahil maraming estudyante ang naglalakad-lakad pa rito sa campus.
Namamangha talaga ako sa tangkad niya saka 'di ko rin maitatangging may maipagmamalaki ito kung itsura naman ang pagba-basehan.
Infairness talaga, ang dami niyang kakilala. Kahit kasi may kausap siya ngayon ay may mga tumatawag pa din sa kanya.
Hindi ko lang marinig kung ano nga ba ang pangalan niya.
Tumayo na ako sa kinauupuan ko at tumingin sa gate. Okay. Clear na. Makakalabas na ako ng matiwasay.
KINABUKASAN daig ko pa ang lantang gukay habang naglalakad. Ayoko talaga ng nagigising ng maaga. No choice lang talaga ngayon kasi kailangang pumasok para sa attendace.
Nakatungo ako habang naglalakad papunta sa gate ng school. Naluluha kasi ang mga mata ko dala ng antok. Hanggang sa maya-maya'y bumangga ako sa likuran ng kung sino.
Tumingala ako para sana mag-sorry sa nabangga ko kaso tila naputulan ako ng dila nang makilala ang nasa harap.
Yung lalaki kahapon! Sure akong siya 'yung lalaking nakita ko no'ng recess at uwian. Nataranta ako nang lumingon ito sa 'kin. Umiwas din agad siya ng tingin dahil kinausap siya ng kasama niya.
Napatagal ng ilang segundo ang pagkakahinto ko. Tila nagising ang diwa ko at nawala ang antok.
Sa huli ay hindi na 'ko nakahingi ng paumanhin. Buti nalang hindi siya nagalit o naasar dahil nabangga ko siya.
Isa pa, pansin ko ring laging maaliwalas ang muka niya.
Sa loob ng ilang buwan ay madalas ko siyang nakikita. Nasanay na 'ko roon. Wala namang kaso sakin dahil normal lang na nakikita ko siya dahil iisang school lang ang pinapasukan namin.
Minsan ay kusa nalang hinahanap ng mga mata ko ang katangkaran niya sa matataong space. Nasanay na nga ata ako na lagi siyang natatanaw. I guess my eyes will never fail looking for him.
Naging pamilyar na rin ako sa mga kaibigan niyang madalas niyang nakakasama.
Nakakainggit lang kasi ang dami-dami niya talagang kakilala.
Samantalang ako sa room, casual lang ang pakikitungo sa akin ng mga kaklase ko, syempre gano'n din ako sa kanila.
Kapag may mga groupings ay medyo nahihirapan akong makipag-communicate pero sa huli, natatapos naman ang mga gawain. Naisip ko rin na maganda rin namang mapag-isa dahil walang magulo sa buhay.
Isang beses nga pala, recess no'n at nakita ko ang isa sa mga kaklase ko na napapalibutan ng iba pa namang kaklase babae. Ang mga lalaki ay hindi maiwasang magtanong ngunit tinataboy lang ng mga kaibigan ng babae.
Muse namin ang nasa gitna at nakayukod sa arm chair niya.
Hindi sinasadyang narinig ko sa isang kaklase na ang muse namin ay hiniwalayan na ng kanyang boyfriend. Hindi ko pa sigurado kung totoo ba 'yon dahil may narinig pa akong m.u lang daw 'yon.
Nagulat ako kasi sino ba naman ang hindi. Ni hindi ko nga ma-imagine ang sarili kong may karelasyon or what. haha
Saka grade 7 pa lang ako 'no.
Anyway, wala naman akong say sa mga ganyang bagay.
"You can always enjoy your highschool life, even without a boyfriend. Isa pa, being in highschool doesn't mean it's necessary to get a boyfriend. 'Di ba?"
'Yan ang paulit-ulit na sinasabi sa akin ng tito ko. Actually, marami pa. Nakakaasar din kasi tama naman siya.
Kinagabihan naman, tahimik akong nagb-browse sa sss account ko nang may biglang magpop-out na message galing sa messenger. Legit na nagtaka ako like superr.
Wala naman kasing nagc-chat sa akin unless ako ang unang mag-chat sa kanila.
Nangunot ang noo ko nang makita ang pangalan ng lalaki kong kaklase. Hindi ko siya close. Hindi ko rin matandaan kung nagkaroon na ba kami ng interaction sa room pero parang never nangyari 'yon.
Ang alam ko ay sa last row ito laging nakaupo.
I hate to say this kasi 'di ko pa naman kilala ang taong 'to but I really hate his aura and the way he acts. Kahit pa sa room.
Akala mo naman kung sinong pogi.
Nang buksan ko ang message niya ay nawindang ako sa nabasa.
"Hi pwede bang manligaw?"
What the hell? Baliw ba 'to?
Agad na pumasok sa isip ko na baka prank lang ito knowing boys and their minds. Hindi ko siya sineryoso pero nireplayan ko.
"Bawal. Kuya niya 'to."
I lied on the last part. I always dreamt of having an older brother doing things like this to his younger sister pero wala akong magagawa. Ako ang unang lumabas sa tiyan ng nanay ko.
Nagreply ang lalaki, tila namimilit pa nga pero tinatanggihan ko talaga. Ofcourse using my kuya's achuchuness.
Hindi ko nalang din siya nireplayan. Bahala siya diyan. Hindi ko na rin siya
papansinin sa room. Kapal ng muka niyang manligaw daw e sa pagkakarinig ko, kab-break lang nila ng gf daw niya.
Nailing nalang ako. Kahit wala akong close sa room na kaklase ko, aba, may tenga naman ako at hindi pahuhuli sa mga balita.
Ah hindi. Depende pa rin siguro.
Nagising ako kinabukasan dahil sa isang panaginip. Tulala pa ako at hindi bumabangon sa higaan ko. Ayaw kong maniwala sa napanaginipan ko kaso malinaw sa isip ko ang mga nangyari.
Kinausap kasi ako no'ng matangkad na lalaki tapos naging friends daw kami!
Hindi ko naman naiisip ang mga gano'ng bagay kahit pa gising na gising ako. Like, what is the meaning of that?
Napakamot nalang ako sa ulo bago naghanda para pumasok. Inialis ko na rin ang mga naiisip tungkol sa naging panaginip.
Malay mo ibang lalaki pala 'yon. Siguro kaya ko lang naisip na siya 'yon dahil sa lagi ko siyang nakikita sa school. Yes, tama. Konektado nga siguro ang mga nakikita ng ating mga mata sa nagiging panaginip natin.
KAYA KO naman palang mabuhay nang mag-isa sa school. Nakaabot ako ng grade nine nang walang nagiging ka-close man lang sa mga naging kaklase ko.
Im a bit proud of myself but lonely. Kanino ko naman ishe-share itong achievement ko...
Hindi naman na mahalaga 'yon. Nakalabas nga ako sa tiyan ng nanay ko mag-isa 'diba.
Ang hirap lang talaga kasi wala 'kong kadaldalan pero ayos lang talaga kasi mas nakakapag-focus ako sa pag-aaral.
Well, puro aral na lang talaga ang ginagawa ko nitong mga nakaraang buwan. My life seems to be boring pero wala naman akong magagawa kung gano'n nga. I can't control things.
Sana naman bigyan ako ng chance na tumalino sa math. Kahit 'yon lang talaga. Nakakapagod na ring maging bobo sa subject na 'yon. Niloloko ko lang ang sarili ko na may naiintindihan kapag nagle-lesson sa harap ang teacher namin.
Ito ngang sinasagutan ko na pagkadali-dali raw e, parang dinudugo na ang utak ko. Recess namin ngayon at sinusubukan kong sagutan ang assignment sa math na hindi ko natapos dahil hindi ko maintindihan kung pa'no isolve!
Tinatamad na akong sagutan ang papel na nasa harap. Tumunganga nalang ako habang nakatanaw na rin sa labas ng bintana ng room. Dito kasi ako naupo.
Come to think of it. Hindi ko na ulit nakita 'yong lalaki na matangkad. No'ng nakaraang taon ay dumalang ang beses na nakikita ko siya. Tapos ngayong taon naman ay pati anino ng lalaking 'yon ay hindj ko na matanaw.
Ang hirap mang aminin at mahirap paniwalaan pero ang presensya ng lalaking 'yon ang tumulong sa 'kin para naman ganahan ako pumasok.
Wala lang. Hindi ko naman 'yon crush o ano pero hays ang hirap talagang ipaliwanag. Siguro nga ay naiba na ang building ng room niya sa amin.
He became the reason of my perfect attendance eversince I stepped into highschool.
Ngayong dalawang taon nalang ang natitira, goodluck nalang.