KEITH
I woke up earlier as usual. I did my routine at pumunta sa bahay nila Reynalyn para sunduin siya at para sabay kami pumasok. Nasanay na ata ako sa schedule niya na maaga pumapasok.
Sumalubong sa 'kin sina Claude at Kalix na nakatambay sa pintuan.
"Pasok ka, Keith. Nag-almusal kana?" Inakay ako ni Tita Rosell paupo sa sofa sa sala tulad ng palagi niyang ginagawa 'pag napapadaan ako rito.
Inilapag ko ang bag sa tabi ko at tumango kay tita.
"Opo, tapos na.."
"Buti naman, si Reynalyn nasa kwarto pa, nagbibihis. Kain ka muna pandesal diyan, kung gusto mo.. pakainin ko lang 'tong sila Claude." Tumango-tango lang ulit ako hanggang sa pumunta na sa kusina si Tita, kasunod ng mga alaga nilang pusa.
Si Claude at Kalix lang ang nakikilala ko dahil ang ilan ay mailap, o nakasiksik sa kung saan. Ang sabi ni Reynalyn ay pito raw ang pusa nila. No'ng una ay nagulat ako dabil mahilig pala talaga sila mag-alaga saka hindi talaga ako sanay sa pusa.
Pero ngayon, okay na. Close na kami ni Claude, dati kasi, ang ingay-ingay niya 'pag nakikita ako. Parang ayaw akong nandito sa bahay nila. It hurts kaya. It affects my well-being.
Anyways, naisipan kong mag-online sa sss ko kaya inilabas ko ang phone. Nakita kong may message sa groupchat namin pero 'di ko muna binuksan 'yon dahil napansin kong may notif sa friend request ko.
Nangunot ang noo ko nang makita kung sino.
Lenard Mingasca sent you a friend request.
Loura Mae, 3 others are your mutuals
Ini-stalk ko muna. Well, I see nothing but sharedposts. May pictures naman niya from his profile and cover photo and such pero kahit na. Hindi pa rin 'yon dahilan para i-accept ko ang request niya.
Hindi na rin ako magtataka kung pa'no niya nakita ang sss acc. ko dahil nga may mutual friends kami online.
Nakita kong lumabas ng kwarto ang lalaking kapatid ni Reynalyn, mas bata ito sa amin ng dalawang taon. Bagong gising ito at tatahi-tahimik pa.
Nang makita ako na nakapwesto sa sala nila ay agad siyang tumalikod at dumiretso sa kusina kung saan naro'n din ang kanilang banyo.
"Tara na, Keith." Nag-angat ako muli ng tingin at tumayo na sa kinauupuan nang lumabas na din si Reynalyn.
Basa pa ang buhok nito at may suklay na hawak sa kaliwang kamay.
"Nag-almusal ka?" Tanong niya sa malumanay na boses. Tumango ako.
"Ma, alis na kami!" Nasa kusina rin si Tita Rosell.
"Sige, ingat kayo!"
Lumabas na kami at naglakad papunta sa terminal ng tricycle. Sa tabi ko si Reynalyn na hawak-hawak pa rin ang suklay niyang itim.
"Lakarin nalang kaya natin papunta sa labasan?" Tanong bigla ng katabi ko.
Eh? Napaisip naman tuloy ako bigla. Kapag sumasakay kami ng tricycle ay inaabot ng sampung minuto bago makarating sa pinaka-kalsada.
"Sige. Try natin."
"Ayun, mero'n na 'kong pandagdag sa calamares mamaya." Napailing nalang ako. Pero sabagay, tipid nga rin sa pamasahe.
Saka maaga pa naman kung tutuusin.
Nang makarating sa school at makapasok sa room ay dinig namin anv bulungan ng ilang kaklase. Naupo na ako habang si Reynalyn ay hinahanap ang president.
"Uy Ragen! Anong mero'n?"
Kinuha ko ang panyo sa bulsa at pinunasan ang pawis sa noo. Mag-aalas-diyes na ng umaga pero napaka-init na.
"Baka i-announce mamaya 'yung tungkol sa camping natin. Sa ibang section kasi kahapon pa daw sinabi sa kanila."
My lips formed an 'O'.
Taon-taon may camping ang school pero mukang napaaga yata ngayon? Last year ay October sinabi. Eh anong buwan palang ngayon. August palang.
Napapalakpak si Reynalyn sa tuwa at sunod-sunod na ang tanong kay Ragen.
"Dalawang beses daw magca-camping ngayong taon. Pagkatapos ng exams ngayon buwan is para sa ating mga graduating lang. Tapos siguro sa February, ay kasama na lahat ng grade level."
"Talaga ba? Sa Rizal pa 'rin kaya? O ibang lugar naman?"
"Ayan ang hindi ko alam. Sasabihin naman 'yan ni ma'am mamaya, makinig ka nalang."
"Nubayan." Simangot na naupo si Reynalyn pero halata pa rin ang excitement sa muka nito. Humarap siya sa 'kin.
"Keith, sama ka ah? Tabi tayo sa bus."
Ngumiti nalang ako sa halip na sumagot.
"'Di totoo 'yon. Chismis lang 'yan." Biglang may nagsalita sa likuran ko kaya sabay-sabay kaming napalingon dito.
Naputol ang paghinga ko nang sunod-sunod na nagsipasukan sa room sila Cedrick at Ken, kasama 'yung dalawa nilang kaibigan na taga-Agoncillo.
Ano naman ang ginagawa nila dito sa Luna? Napapadalas ata ang paggala nila rito sa section namin.
"Ows? Di ka lang ata pwede sumama kaya ganyan ka." Sabat ni Reynalyn kay Cedrick. Napangisi lang ang lalaki saka naupo sa tabi ko.
"Sa Agoncillo ko nga nalaman." Natatawa pang sabi ni Ragen.
"Weh?" 'Di makapaniwalang sabi ni Cedrick. Hinarap niya ang dalawang kaibigan na Agoncillo ang section.
"May sinabi sa inyo, Dre?"
Ibinalik ko ang tingin sa harap at nanlaki ang mata ng may maalala. Oo nga pala! Kausap ko lang siya kahapon at tinanong pa ako kung pwedeng maging partner niya sa Waltz!
Nakatingin si Reynalyn sa nag-uusap na magkaibigan pero nang mapatingin ito sa 'kin ay malisyosang ngumiti ito. I maintained a straight face, at hindi pinahalata ang biglaang pagkailang.
"Pumayag kana?" Tanong niya. Hindi gaano malakas ang boses niya pagkasabi no'n pero naging malikot ang mga mata ko at tinignan kung may iba pa bang nakarinig.
"Ah oo, pagkatapos daw ng first quarter exam ta's 'pag may bagsak na score, syempre malabo kang makasama." Rinig ko ang boses niya sa likod ko.
Andrei or Dre? Ano ba magandang itawag sa kanya. Sabi ko nga, Dre nalang.
Nanlalamig ang dalawang kong kamay! Just why-why do I have to feel this way when he's around? Kinapa ko ang panyo sa bulsa ng palda ko pero hindi ko ito maramdaman. Wala sa bulsa ko, kaya tumalikod ako dahilan para magtagpo ang paningin namin ni Andrei—or Dre. Ewan, basta.
Agad akong nagbaba ng tingin sa bag ko at kinalkal ang gamit. Did I saw it right? I saw him smiled at me! Dang, wala rin sa bag ang panyo ko pero 'di ko naman matandaan na inilagay ko 'yon dito.
Umayos ako ng upo at pumangalumbaba. Salubong ang kilay. Saan ko na naman nailaglag ang panyong 'yon? Wala naman sa sahig.
Rinig kong tumunog na ang bell kaya agad na nagsipasukan ang mga kaklase kong nasa hallway pa.
"Tara na, Dre." Rinig kong sabi nung Lenard na ngayon ko lang napansin. Sa likod silang dalawa ng room dumaan at nakita ko mula sa bintana na hila-hila ni Lenard ang kaibigan.
"Uy Keith." Napatingin naman ako kay Ragen sa harap. I gave him a 'what?' look.
"Nagkausap na kayo?" Tanong nito.
"Nino?" Mukang alam ko na kung sino ang tinutukoy niya.
"Ni Andrei? Kailan ba kayo magpapractice?"
Hindi pa nga ako pumapayag!
"Hay nako, push mo na 'yan Keith. Minsan lang 'yan. Saka pogi pa makakasama mo." Dagdag pa ni Trisha na kararating lang. Naupo siya sa tabi ni Ragen.
Diyan na pala siya uupo mula ngayon. Kahapon lang siya pinalipat ni ma'am.
"Legit."
Agree naman ako sa sinabi ni Trisha pero— "'Di naman kasi ako marunong sumayaw. Kahiya kaya."
"Ano ka ba, Keith! Hindi naman main dancer ng kpop group o sinuman 'yang partner mo."
"Oo nga, kausapin mo mamaya ah? Pumayag kana, nako 'pag hindi ka sumige, habang-buhay ka mumultuhin niyan."
Mahina akong natawa. Naputol na rin ang pangungumbinsi nila sa 'kin dahil dumating na si Ma'am.
Katabi ko pa nga ang kaibigan ng pinag-uusapan namin. Pero muka namang walang pakialam sina Cedrick at Ken. Buti nalang.
Nasabi na rin ang tungkol sa camping at tuloy daw 'yon. May bayad para sa entrance ng place kung saan kami magca-camp pero affordable naman. Kasama na roon sa bayad ang transportation.
Pagkatapos daw ng two-days exam namin. Tapos syempre, kailangan ng permit ng magulang. Pati na rin ang tent, mga damit, or essentials ang dapat dalhin doon.
Sa twenty-seven at twenty-eight ang exam. Katapusan pa. Kasabay din nung submission ng danxe project ni Dre.
Break time na. Balak ko sanang kausapin si Dre tungkol do'n sa favor niya lalo pa't tingin ko ay gagala na naman 'yon dito sa section namin para puntahan ang kaibigan nila.
Maya't-maya rin kasi ang pangungulit nila Ragen sa 'kin kahit pa may nagle-lesson sa harap na teacher at nagsusulat ng notes.
Pero sa mga oras na 'to, nawalan ako ng ganang gawin 'yon. For the nnth time, napagsalitaan na naman ako ni ma'am Napoles—- ang subject teacher namin sa Mathematics.
Mula nang mag-umpisa ang klase ay palagi ako nitong minamata at alam din niya na mahina ako sa subject niya. And I swear, I am trying my best to understand her lesson kahit pa sinasabi niya na nasa pinakamadaling part ang tina-tackle namin.
I was like, "talaga?" Then, bakit naman mukang naiintindihan ko pero kapag nag-quiz na ay hindi ako makakuha ng maayos na score. That teacher... Im not the type of person who holds a grudge on someone but, when it comes to her...
It's just too much. Sobra na talaga, lalo na ang pagsasabi niya ng hindi magagandang salita sa akin.
Omygod, hindi pa ako nasanay.
Pansin ng mga kaibigan ko ang pananahimik ko kaya buti nalang ay 'di na nila ako pinansin muna. Nasa labas sila, iikot daw sa buong school kaya ako lang mag-isa sa row namin. Pati ang dalawang lalaki na katabi ko ay lumabas ng room. Perfect.
I need to reflect myself. Kung sino ba ang mali sa aming dalawa ni Ma'am Domina.
Nag-aaral naman ako. Nakikinig din ng maigi sa lesson niya. Porket ba nakukuha ng kalahati sa klase ang mga sinasabi niya, ibig sabihin gano'n din dapat ang lahat? Gano'n din ako?
Estudyante palang naman ako. I sighed. Well, then fine. Ako na ang bobo.
"Keith." Nag-angat ako ng tingin sa tabi ko. Si Kara pala. Oh, fyi, isa siya ang mga nakakasagot sa recitation ni ma'am Domina.
"Bakit?" Mahina kong sabi.
"'Don't take this seriously ah..." I bit the insides of my cheeks. Hindi nakasimangot ang muka nito habang nakatingin sa akin, pero hindi rin nakangiti. Hindi ako nagsalita at inantay ko ang sunod niyang sasabihin.
"Bakit hindi mo na-gets 'yung lesson kanina sa math? 'yung tanong sa 'yo ni ma'am kanina, ako dapat ang sasagot kasi yun ang pinakamadali pero 'di ka nakasagot. Sayang lang sa points."
Ewan ko ba. I hate to say this pero ngayon ay, sang-ayon na ako sa sinasabi nila na iba rin ang ugali nitong si Kara. Parang gusto kong tumawa sa sinabi niya.
You, why do people like you expect someone to be in the same road like you when everyone has different paths to go to?
People have different abilities, skills and kind of knowledge, hindi porket do'n ka magaling ay sa tingin mo gano'n din ang kaya ng iba.
Natamaan ako sa sinabi ni Kara. I felt my blood boiling. Pakiramdam ko rin ay sasabog ako anumang oras. Hindi tamang sabihin niya 'yon.
Pilit kong kinalma ang sarili.
Ngumiti nalang ako sa kanya. Kung ngiti ba ang maitatawag do'n. Please lang, umalis ka sa harap ko habang nakakapagtimpi pa ako.
Inalis ko nalang ang tingin sa kanya, buti nalang ay kusa siyang umalis at pinuntahan ang mga kaibigan sa ibang section na naghihintay sa pintuan ng room.
"Ano ka ba, hayaan mo na 'yon. Baka sa ibang subject lang siya magaling."
Rinig ko pang sabi ng isa sa kanila.
I am really hopeless.
Ipinatong ko nalang ulit ang baba sa palad ko at tumitig sa board. My mind is blank. I sighed. It's still my fault too. Im aware that Im kind of slow when it comes to understanding Math but still, Im not doing anything to be good at it.
I hate my mind when it always goes, ano pa nga ba ang silbi kung aaralin 'yon kung hindi ko rin naman maiintindihan at makakalimutan din kinabukasan.
Seriously, himala nalang na nakaabot ako ngayon sa year na 'to. Ni hindi ko na nga matandaan kung pa'no ko naipasa ang Math ko last year.
Nakaramdam ako ng presensya sa bandang likuran ko pero 'di ko na nilingon. Wala ako sa ayos para makipag-usap ng matino. Pinakiramdam ko ito pero nang matapos nalang ang ilang segundo ay hindi pa rin ito gumagalaw ay nag-umpisa na akong maasar.
It's making me uncomfortable!
Si Kara na naman ba ito? Napahinga nalang ako ng malalim.
"Ano na naman—" Handa na sana akong sigawan ito nang makita kung sino ang taong kanina ko pa pinakikiramdaman ay halos lumuwa ang mata ko. Si Andrei!
Medyo nanlaki ang mata nito dahil na rin siguro sa gulat nang bigla akong humarap. Napakamot nalang ako sa batok. Natanggal na rin ang inis sa katawan ko.
Kanina pa siya diyan?
Pasimple kong tinignan ang buong classrooom. Siya lang mag-isa at wala ang mga kaibigan niya.
"Ano... nahulog mo pala 'yung panyo mo kanina." Ipinatong niya sa ibabaw ng lamesa ko ang nawawala kong panyo. Napakurap-kurap nalang ako.
Pa'no naman napunta sa kanya 'to?
Tumingala ulit ako sa kanya. May ilang dangkal sa pagitan naming dalawa and I feel proud to myself for staying calm, although, my palms are now sweating.
"Yung sa sayaw— sana pumayag ka... wala kasi akong ibang mahanap na bagay— kung gusto mo tutulungan kita sa Math tuwing pagkatapos ng practice." Nakangiti nitong saad. Napakamot ito sa kilay at umiwas ng tingin.
Ah, there it is. His eye smile. Wala pa rin pala talaga siyang pinagbago. His smile still looks the same. I know it sounds cheesy for me but everytime he's smiling— It's like the world is brighter. Such a sunshine for me.
Okay. I lose. Para saan pa ba ang paghihigpit ko sa sarili ko? I built the wall for nothing. Hay.
"Okay, sige."