what was that

2072 Words
KEITH "Naks naman. So ano? Napag-usapan niyo na ba kung saan ninyo balak mag practice or what?" Pangungulit ni Reynalyn. Nasa magkabilang gilid ko sila ni Trisha at pinagigitnaan nila ako. Vacant na naman namin. Ewan ko ba kung matutuwa pa ako sa ganito e, malapit na ang exam! "Uy Keith, ano na?" Si Trisha naman ang nagsalita ngayon. Malalim akong napabuntong-hininga. Sa totoo lang ay parang gusto kong bawiin ang pagpayag ko sa lalaki kanina! Hindi ako magaling sumayaw. Paano kung dahil sa akin ay mababa ang makuha niyang performance grade? Nasa higher section pa man din siya at alam kong mataas ang expectations ng ilang teachers sa mga estudyante roon. "H'wag nalang kaya akong pumayag? Sabihin ko nalang na may biglang pinagawang project sa atin tapos mahirap tapusin?" Nakasimangot na ako. Hindi ko talaga ma-imagine ang sarili ko na may kasayaw. Bakit ba nadala ako kanina? Ang sarap tuloy iuntog ng ulo ko. "Anong hindi pumayag? Naka-oo ka na nga eh! Ano ka ba Keith, wala ka namang dapat ikakaba do'n." Ewan ko kung ako lang ba ang nakapansin pero tumataas na ang boses ni Trisha kaya lalo akong napasimangot. "Oo nga saka gwapo naman si ano— Andrei ba 'yon? Oo ayun, wag ka na ma-stress diyan." Dagdag pa ni Reynalyn saka siya tumawa. Omg. Sumakit ata ulo ko. Nagpatong-patong na ang mga problema ko. Patapos na ako sa mga projects at ang sayaw kuno nalang ang problema ko kasama ang Andrei na 'yon. Mas malaking problema ang performance video na 'yon! "Masyado kang nate-tense e. Magpa-practice naman kayo niyan saka magvivideo lang." "Alam ko naman 'yon." Mahina kong sabi. "Yun naman pala e. Ano pang pino-problema mo diyan? Crush mo ba 'yon?" Matagal bago ako nakasagot. Walang reaksyon na lumabas mula sa akin. Again, I sighed. Hindi nila pwedeng malaman ang tungkol sa bagay na 'yon at iyan ang mission ko this year. "Hay nako, hindi naman." Mahinahon lang ang pagkakasabi ko no'n. Nang tignan ko ang reaksyon ng dalawa ay muka namang naniwala sila. Sa isip-isip ko ay gustong ko nalang mapangiti. Nice. Im getting better at lying ah. "Pag-usapan niyo muna 'yung mga gagawin tapos 'yung schedule." "Tamang-tama. Diba halos magkasabay lang naman tayo maglakad mamaya pauwi? Pansin ko minsan yung barkada nila sa likuran natin eh." Dang. These two. Naiisip ko palang ngayon ang posibleng mangyari mamaya katulad ng sinabi ni Trisha ay kinakain na ako ng kahihiyan. I hate my decision but I don't feel any regret. Why is that? Actually, one of my reason is I am really socially awkward! I swear. Bakit kasi pumayag ako! Dang. Napasubsob nalang ako sa lamesa ko. Letting my thoughts drown me. Ah yes, makakalimutan din nila Trisha 'yan. Ayan ang paulit-ulit kong sinabi sa sarili. Because knowing them, baka ipagtulakan pa nila ako at 'yan ang ikamamatay ko. I'm not overreacting. Uwian na. Mula kanina hanggang ngayong palabas kami ng building namin ay nanahimik na 'ko. Nagdadasal lang naman ako. Sana po biglang may mahanap na partner ang lalaking yon dahil kahit gaano ko pa siya kagustong kausapin ay never ko pong hiniling na mapalapit sa kanya. I mean, no'ng first year ay hanggang tingin nga lang ako sa kanya tapos saka kami paglalapitin kung kailan— basta. Please po dinggin niyo ang aking munting panalangin. "Keith." May narinig akong tumawag sa pangalan ko. Nasa grounds na kami papunta sa gate ng school. Hindi na rin gaano karami ang estudyante dahil nagsilabasan na kanina pa. Pero imposibleng may tumawag sa 'kin, lalo pa't wala naman akong naging ka-close na kaklase noon. Katabi ko si Reynalyn tapos nasa gilid niya sila Ragen at Trisha. Sila Laura ay nauna na sa mini stop. Diretso lang ang tingin ko sa harap pero dahil ang likot ni Reynalyn na nakaangkla na naman sa braso ko, ay napalingon ako sa pwesto nila sa kaliwa. Hindi ko alam ang pinag-uusapan nila. Hindi ako nakikinig kasi sa ibang bagay nakatuon ang isip ko. Napahawak nalang ako sa tenga ko habang nag-iisip saka binaling muli ang tingin sa harap. Pero bago 'yon ay napansin ko ang bagong presensya sa kanan ko, sobrang lapit! Nag-angat ako rito ng tingin at halos mapatalon sa gulat nang makitang si Andrei 'yon. Nakahawak ang kanan nitong kamay sa strap ng kanyang bag at nang mapansin ang tingin ko ay nagbaba siya ng tingin sa'kin. "Hi Keith. Pasabay ako ah? Nauna ng lumabas sila Ken ta's Cedrick eh." Nag-iwas agad ako ng tingin but before that, I saw his smile. May sa tingin kong dalawang dangkal sa pagitan namin pero sapat na 'yon para kabahan ako. Parang akong tumakbo ng ilang metro at halos lumabas na ang puso ko sa sobrang bilis ng t***k. "Nandiyan pala si Andrei e." Mukang ngayon lang din napansin nila Ragen na may iba kaming kasabay. "Pasabay ako. Iniwan ako nung tatlo." Pasimple kong sinisiko si Reynalyn na nakikipag-chikahan kay Trisha pero mukang wala itong pakialam sa paligid dahil 'di man lang nararamdaman ang pagsenyas ko na bagalan ang lakad namin nang mauna sila sa paglalakad kasi ngayon palang, ang awkward na para sa akin ng sitwasyon. Maya-maya pa ay pumagitna sa amin ni Reynalyn si Ragen. Hindi na agad ako nakapag-react. "Oo, nauna na silang lumabas kanina. Tumakas pa nga sa paglilinis yung isa. Sarap tuloy ihambalos." Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Andrei. Dang. Sa ganitong sitwasyon, kahit pa naiilang ako sa pagkapit ni Reynalyn sa braso ko ay mas gugustuhin ko pang 'yon ang mangyari dahil literal na naiipit ako ngayon! Gusto kong umalis sa gitna nila pero baka isipin na ayaw ko silang katabi or what. Pero kasi naman, anong pumasok sa utak ni Ragen at hindi nalang mismo tumabi sa lalaking nasa kanan ko . Parang tuloy akong maiiyak. Siguro ay hindi na maipinta ang muka ko. Gusto ko lang naman maglakad ng payapa. Hindi ko naman hiniling na malagay sa ganitong sitwasyon. I have no intention of getting close to someone, kahit pa crush ko 'yan ng very-very light. "Uy nagpasa na si Kimiena ng sayaw ah? Ang bilis talaga gumawa ng babaeng 'yon. Kaya laging top 1 eh." Wala akong ibang choice kundi ang manahimik sa gitna nila. Narinig ko ang binaggit ni Ragen na pangalan pero hindi ko 'yon kilala, sa tingin ko ay kaklase siya ni Andrei dahil nabanggit ang tungkol sa sayaw. Nakalabas na kami ng gate at hinihintay na makadaan ang mga sasakyan bago tumawid. Natatanaw ko pa nga si Loura. May hawak na ice cream. Nang makita kung anong flavor ang available ngayon ay nawala sa isip ko ang dalawang katabi. "Ah, oo. Madami na ring nagpasa ng maaga." Okay clear na ang kalsada pero bakit naman kasabay ko pa rin ang dalawang nasa gilid ko pati sa pagtawid? "Kailan niyo balak gumawa nitong si Keith? May place na ba kung saan kayo magvivid?" Pinigilan kong mapataas ang isang kilay nang marinig ang pinag-uusapan nila ngayon. Bakit naman pinaalala pa. Wait, teka, parang mali. Hays. Hindi ko na talaga alam. Bigla na namang nataranta ang dibdib ko at sa kagustuhang makabili agad ng ice cream ay naguna-una akong tumawid. Nakita ko pa ang pagkaway ni Loura sa kabilang kalsada. "Hoy Keith." Narinig ko 'yung sigaw ni Reynalyn sa likuran pero 'di na 'ko lumingon dahil konting hakbang nalang ay makakatawid na rin ako subalit hindi ko napansin ang parating na motor mula sa kanan. Narinig ko na lamang ang malakas na busina nito ilang metro ang layo mula sa akin. Napatigil ako sa paglalakad at parang tangang tinignan pa ang driver na tila hindi rin alam ang gagawin dahil mabilis ang pagpapatakbo nito. Ilang segundo lamang ay naramdaman ko na may yumakap sa may likuran ko at hinila ako paatras dahilan para mapaupo ako sa gitna ng kalsada. "Gago ka, Keith!" Nasa harapan ko sila Ragen, Trisha at Reynalyn. "Papakamatay ka, 'te?" Bakas sa muka nila ang halo-halong emosyon pero mas nangingibabaw ang pag-aalala. Napakurap-kurap ako at napatingin sa gilid ko para tignan kung sino ang humila sa akin. Si Andrei. Nakahiga sa gilid ko at nakapikit. Bigla akong natauhan at hindi alam ang gagawin. Mukang napansin din ni Ragen 'yon kaya agad niya itong nilapitan habang ang tanging nagawa ko lang ay tumingin. "Andrei?" Habang nakahiga ay itinaas nito ang kaliwang kamay at habang nakapikit pa rin ay dahan-dahan itong napaupo at yumuko. Maya-maya pa ay bigla itong huminga ng malalim. Kaming nasa paligid niya ay tahimik na nag-aantay. Hindi ko alam ang gagawin pero aaminin kong nawala ang tinik sa dibdib ko ng makitang walang galos sa katawan niya at nagawa pang makaupo. Mas lalong hindi ko alam ang magagawa ko sa sarili ko kung mangyari ang isa sa mga 'yon. Napaigtad ako nang bigla itong mag-angat ng tingin at humarap sa akin. Hindi ko siya mabasa. Walang emosyon ang muka nito habang nakatingin sa akin. "Ayos ka lang ba?" Hindi ko pinansin ang tanong nito. Pati ang kanyang boses ay biglang lumamig. Habang kausap niya si Ragen kanina ay hindi ganyan ang tono niya. "O-Oo. Salamat." Sabi ko saka iniwas ang tingin. Hindi ko alam pero imbis na matuwa dahil sa ginawa niya ay parang sumama pa ang loob ko. "Tayo ka diyan, Keith." Inilahad ni Reynalyn ang kamay sa harap ko na agad ko namang tinanggap. Muntik pa akong mapaupo ulit dahil sa panlalambot ng parehong binti pero pinilit ko. Inaya na ako ng dalawa na tumawid pero bago 'yon ay nakita kong nakatayo na rin si Andrei habang nagpapagpag ng pants nito. Nang tuluyang makatawid ay paulit-ulit nila akong sinabihan na ulitin ko pa daw sa susunod ang ginawa ko, I know it's just sarcasm pero gusto kong mag-sorry sa kanila na 'di ko magawa, I caused them trouble. Lalong-lalo na sa kanya. Ayos lang naman ako at walang nararamdaman maliban sa panginginig ng kamay. Err. Aminado akong kinabahan ako sa nangyari. Sa kabila no'n ay nag-aya pa rin sila Ragen na pumasok sa loob ng 7/11. Walang namang bibilhin si Reynalyn kaya sa counter ako dumiretso para bumili ng ice cream nila. Dark Chocolate ang nakita kong flavor ngayon. Walang tao sa pila kaya na-assist kami agad. Habang umu-order ay narinig ko ang boses ni Ragen sa likod namin. May kausap siya. "Tatlo po." Sabi ko sa cashier. "Eh? Ba't tatlo?" Tanong ng katabi ko. "Tig-isa tayo. Tapos mamaya, iabot mo dun kay Andrei 'yung isa." "Ay wow." Binigyan niya 'ko ng nang-aasar na tingin. I sighed. I don't think you'll understand. "Bigay mo mamaya ah?" Ulit ko pang sabi. Iniabot sa akin ng cashier ang isang ice cream. So, yung isa nalang ang inaantay dahil hawak na ni Reynalyn ang kanya. "Hintayin kita sa labas. Bayad naman na 'yan." Hindi ko na siya inantay pang makapagsalita pero narinig ko pang isinigaw nito ang pangalan ko. Habang nag-aantay at kumakain ng ice cream, pinanonood ko ang iilang mga sasakyan na dumadaan. Hindi naman siguro tatanggihan ng lalaking 'yon ang ice cream 'di ba. Saka gets naman siguro niya kung ba't ko siya bibigyan. Mabuti nalang ay kumalma na kahit papa'no ang kalamnan ko. "Uy Keith!" Napaigtad ako sa gulat at napahawak sa dibdib. Nagsalubong ang kilay ko. Ang bilis na naman ng kabog ng puso ko! "Reynalyn." Huminga ako ng malalim. Hay nako. "Nabigay ko na." Tumango ako. Sakto naman nakita kong palabas sila Ragen kasama siya kaya hinatak ko na si Reynalyn para lumakad. I saw him looking at me with the ice cream. Pero kumpara kanina na para siyang nagye-yelo dahil sa biglang mood nito, mabuti naman ay mukang maayos na ang awra nito ngayon. "Anong sabi?" Mabibilis ang hakbang ko. Okay. Alam ko sa sarili ko na iniiwasan ko siya at 'di ko rin alam ang eksaktong dahilan. Siguro dahil, nahihiya ako? "Wala naman. Hindi muna niya agad tinanggap kaso sabi ko minsan ka lang manlibre, kaya ayan. Napilit ko rin siya." "Ba't ayaw mo lumapit sa kanya? Di niyo pa tuloy napag-uusapan 'yung tungkol sa ball dance ninyo." Hindi ako sumagot. Ewan ko. Mas maigi pa nga talaga na humanap nalang si Andrei ng ibang partner niya. Sa bilis ng lakad namin Reynalyn. Wala na akong maramdamang mga presensya sa likuran namin. Mabagal kasi maglakad ang mga 'yon. Kinuha ko ang phone ko at nag-chat sa groupchat namin dahil baka magtaka ang mga 'yon. Me Mauna na kami ni Reynalyn. Sumakit ulo ko. ㅠㅠ sent. Nakita kong nagseen agad si Trisha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD