moby

2825 Words
KEITH Pagdating sa bahay, nakita kong may tirang pritong isda sa lamesa. Nanonood ng T.V ang kapatid kong lalaki, si Klaus. Samantalang hindi ko makita si mama. Either nasa kwarto siya, o may pinuntahan. Sa pagkakaalam ko, isang call center si mama. Yun lang. Hindi siya nagsasabi. Hindi rin ako nagtatanong dahil magagalit lang 'yon. Hiwalay ang mga magulang ko. Si Klaus ay adopted child. Two years old siya ng inampon ni mama samantalang seven-years old naman ako no'ng mga panahong 'yon. I don't know the exact details about his adoption. Limang taon ang agwat namin. Grade 10 na ako ngayon, at siya naman ay grade 6. And as you can see, we're not a complete family. May sari-sarili kaming mga buhay kahit nasa iisang bahay. Hindi kami close. Pagkatapos ligpitin ang pinagkainan ay pumasok na 'ko sa kwarto ko at agad na ini-open ang laptop. Dumiretso ako sa sss at tinignan ang chatbox. Ang dami na agad nilang conversation! Trisha: Taray ni Keith, nanlibre ng ice cream kanina Reynalyn: HAHAHAHAHA kay Andrei lang daw Ragen: Jusko, 'di pa pala sila nag-uusap ng maayos 'no? tungkol do'n sa sayaw nila Reynalyn: HAHAHAHHAHAHA nahihiya si Keith Loura: Ayan nag-seen HAHAHAHA Naupo ako sa upuan katapat ng study table ko. 'Di ko maiwasang matawa sa conversation nila. 'di ko rin maintindihan kung bakit mas worked-up sila tungkol sa topic na 'yon! Eh ayaw ko ngang mapalapit sa lalaking 'yon. Trisha: Sino ba namang hindi mahihiya e niligtas siya kanina HAHAHAHAHHA yiiieee Reynalyn: Oo nga e para tuloy siyang prinsesa kanina HAhaSHAsHAHAHHA niligtas ng prinsipe Loura: Diba HAHAHAHAH kala ko ako lang nakapansin... ang bilis ng pangyayari Ragen: 'Di na nagreply yung isa, ano kinikilig ka na ba diyan actually—sa totoo lang bagay kayo be Napakurap-kurap nalang ako habang nakatingin sa screen. Hindi pwede! Do'n na papunta 'yon e baka mamaya mapaamin ako! Hindi pupwede! Huminga ako ng malalim at nag-isip ng ita-type na pwedeng pag-iiba ng usapan. Me Kinain niya ba 'yung ice cream? hshsdhs Okay fine. Gusto ko rin naman malaman 'yung reaction niya. Curious lang, kasi naman diba baka mamaya 'di ako makatulog sa sobrang guilty.. Trisha: Yun oh HAHAHAHAHHA iniisip mo na siya nako ha iba na 'yan Loura: Sa'yo pala galing yon HAHAHAHA Me Pathank-u ko lang yun hshahahaha Inaantay kong magreply si Ragen dahil parang sila 'yung nagkaka-usap kanina pero biglang nawala. Loura: Pero HAHAHAHAHA mabait 'yon. Kaklase ko 'yun no'ng elem. tapos matalino pa Trisha: Naks naman plus points nalang 'yung looks! sa'n ka pa Keith Reynalyn: Sa'n ka pa— ligawan mo na HAHAHAHA Napataas ang isa kong kilay sa reply ni Reynalyn. Hay nako. 'Di ko talaga alam tumatakbo sa utak nito minsan. Saka no way sa ligaw-ligaw na 'yan. Ragen: Pero dapat talaga gawin niyo na yung ball dance kasi si ma'am Terado pala 'yung teacher nila do'n. Grabe pa naman 'yon magbigay ng grades kahit kumpleto mga pinapasa mo. Reynalyn: Kilala ko yun HAHAHAHAH mabait yun e Loura: I-chat mo na @Keith HAHAHAHAHA Trisha: Edi dapat talaga pag-usapan niyo na 'yan Ragen: onga sayang grades :coming from me pa talaga HAHAHAHA go na Keith Loura: Gora naaa Okay. I don't know what to do. Nagtatalo pa kami ng sarili ko kung icha-chat ko ba o ano. Ni-Return ko sa homepage ang sss at itinype ang pangalan niya sa search bar. Andrei Suarez Matagal ko ng alam dahil minsan ko ng ini-stalk ang profile niya. Minsan lang naman, as in konting silip. At ang masasabi ko lang ay medyo private siyang tao dahil wala akong napapala maliban na lamang sa birthday niya na sa January 21 pa. Next year. Habang nagii-scroll sa timeline niya ay may biglang nag pop-up na message request. Binuksan ko agad 'yon kahit pa na sobrang nagtataka dahil sino naman ang magtatangkang i-chat ako. Like, it's very rare talaga. Andrei Suarez wants to send you a message. Hi I saw you looking fine earlier but, are you sure you're good? Ang sabi ng kaibigan mo kanina ay sumakit daw ang ulo mo. Oh my fcking gosh. Napaupo ako mula sa pagkadapa sa kama at matagal na tinitigan ang screen ng laptop ko. What the hell? I was just browsing his social media account and then, suddenly? Seryoso ba.. Hindi ko muna ini-accept ang message niya dahil 'di ko rin naman alam ang sasabihin. I mean— oo at hindi lang naman ang sagot sa tanong but I have this feeling na I should ask my friends the right reply I must sent to him. Bigla tuloy akong hindi mapakali! What the hell, ganito na ba kalaki ang epekto ng lalaking 'yon sa 'kin? Me Ni-pm niya ako...... There. Bumalik ako sa gc namin. Nagulat pa 'ko ng sabay-sabay mag-seen ang apat. Well, mahilig sa chika. Also, 'di ko naman na siguro kailangan pang magbanggit ng pangalan 'di ba? Trisha: hala ka HAHAHAHAHAHA Loura: ano sabii Reynalyn: yiiEee HAHAHAHAHAHA Ragen: Anong sabi omaigad I took a screenshot of his message saka isinend sa gc. I was biting my nails while doing so. Me Ano irereply ko? Stupid me. Gusto kong iuntog ang sarili sa kaartehan. Alam ko naman ang irereply pero bakit nakakapag-dalawang isip? I sighed. Before my friends could even reply, bumalik ako sa conversation box namin ni Andrei. Me Hi, im all good Pasensya na talaga kanina saka salamat٩(^ᴗ^)۶ Napangiwi pa ako bago ko isend ang reply ko. My favorite emoticon looks creepy today. Agad itong nagseen. Wala ba siyang ginagawa? Andrei: Busy ka? My forehead creased with his question. Ba't naman niya natanong? Nagreply naman ako, at sinabing wala akong ginagawa. Well, ofcourse kausap siya. Andrei: Is it okay to call? I mean, mas okay kung pag-usapan na natin 'yung tungkol sa ball dance Oh my gosh. Call? As in tawag talaga? Habang nag-iisip ako ng irereply ay muli itong nag-message. Andrei: Okay lang naman kahit bukas nalang sa school. Instead of agreeing with his request, I sent him a different reply. Kailan nga ulit ang submission niyan? (⊙o⊙)? Andrei: The day before exam pa naman. He replied. I sighed. Iba talaga kapag higher section. Buti nalang ay 'di na kami pinagawa ng ganyan. Andrei: Anyway, thank you pala sa icecream:) Binasa ko ang panibago niyang message. Di ko tuloy maiwasang mapangiti! Saka 'yung emoticon! Nai-imagine ko ang muka niyang nakangiti. Dang, this is bad. Kahit na halo-halong emosyon ang nararamdam ko sa mga oras na 'to ay nagawa ko pa ring magreply sa kanya. Hindi ko na alam kung gaano kahaba ang conversatiom namin na napupunta nalang kung saan-saan pero hindi lumalabas ang topic na tungkol lamang sa academics. I know it's no good for me but I am enjoying every second of it. I am afraid of something— it's something that stopping me from continuing this. But, I should enjoy this for the meantime. Siguro pagkatapos ko siyang tulungan sa project niya ay saka na 'ko iiwas. Maaga kaming pumasok ni Reynalyn kinabukasan. Isang oras pa ang mayro'n bago kami pagbuksan ng gate sa school kaya tumambay muna kami sa 7/11. "Omg ka! Parang ang tagal niyo ng magkakilala ah!" May panunukso ang tingin ni Trisha sa akin na katabi ko sa upuan. Wala pa si Loura dahil ang pasok no'n ay saktong pagbukas na ang gate kaya kami palang nina, Trisha, Reynalyn, at Ragen. "Para kamo silang mag-bff since birth! hahahaha" Nailing nalang ako sa sinabi ni Ragen. Kinuwento ko kasi sa kanila ang napag-usapan namin sa chat ni Andrei since tanong sila ng tanong. Okay kami sa chat. He's too friendly! That's what I like about him— but I promised myself that I won't never ever fall inlove with a man. Kahit pa gaano kalalim ang pagkagusto ko rito. And what I like about my attitude and character is— walang nakakahalata na may pagtingin ako sa lalaki. Ah, Im really proud of myself. May paninindigan naman ako, 'pag sinabi ko ay gano'n ang gagawin ko. When I said that I'll set a boundary between us, then so be it. For now, I'll help him with his project, at saka ko nalang ulit iisipin ang sunod na gagawin para hindi ako mapalapit sa kanya ng tuluyan. "So, pa'no 'yan? Magiging Cinderella ang peg mo." I crunched my nose with what Trisha said. Hmm. Ganun na nga ang mangyayari. Alanganin akong tumango. "Siya na rin daw ang bahala sa costume." Yes, kasama 'yon sa napag-usapan namin kagabi at ang lugar kung saan kami magpa-practice and such ay pag-iisipan pa raw niya kung saan ba maganda. "Naks naman, ako pa tuloy ang nae-excite!" Natawa nalang ako sa sinabi ni Trisha. Natahimik ang lamesa namin pagkatapos no'n. Si Reynalyn na nasa harap ko ay busy sa cellphone niya at mukhang may ka-chat. Malay ko kung sino. Sa pagkakatanda ko ay nagbanggit ito sa akin— sa amin ng pangalan ng crush niya. Klein yata 'yon at same grade level lang din tulad namin pero iba ang section. Madalas kong marinig ang pangalan na 'yon 'pag pinag-uusapan 'yon ng ilan naming kaklase na puros mga kababaihan din. Pogi raw kasi at cute ang lalaki kaya marami talaga ang nagkaka-gusto, kasama na ro'n ang babaeng nasa harap ko. Para daw kasing kpop idol. Uh, 'di ko rin naman masabi dahil hindi ko pa naman nakikita. Pero sabi ni Reynalyn ay minsan na raw 'yong napadpad sa room namin kasama ang mga barkada nito. Pumangalumbaba na lamang ako sa lamesa habang nakamasid sa glass wall sa gilid ko. Bukod kay Reynalyn na abala sa cellphone, ang dalawa ko pang kasama ay busy naman sa pagsusulat. May inuulit si Trisha na written activity na ipapasa mamaya, samantalang si Ragen ay ginagawa ang output namin sa TLE na hindi naipasa kahapon dahil kinulang sa oras. Narinig ko ang pagtunog ng bell sa glass door senyales na may pumasok rito sa loob ng 7/11. Nakatalikod ang pwesto ko mula sa double door pero 'di na ako nag-abala pang lingunin ito. Hindi ko tuloy maiwasang mapahikab. Kahit na antok na antok ako sa umaga ay 'di naman ako makakatulog kahit pa may free time katulad ngayon. Sa gabi naman, gano'n din. My body clock is messed-up just like my life is. "Ang aga niyo ah?" Biglang may nagsalita sa gilid ng table namin kaya napa-angat ako ng tingin sa kanan. Si Cedrick, hindi na 'ko nagtaka pa ng makita si Andrei sa likod nito. Hindi siya nakaharap sa direksyon namin pero sure akong aware ito na nandito kami. Para siyang may tinitignan sa mga lagayan ng pagkain. Maya-maya pa ay umalis ito at tumungo sa food section. May bibilhin ata. "Kayo rin naman." Si Ragen na ang sumagot kay Cedrick. "Napansin niyo si Ken na dumating?" Tanong ulit nito habang nakapamulsa. Ang kaliwang kamay naman niya ay nakahawak sa strap ng bag nito. Unlike Andrei na may kaputian, itong si Cedrick naman ay moreno. Matangos din ang ilong nito at hindi gaanong makapal ang kilay. Ang buhok naman niya ay maihahalintulad ko kay Miguel Tan Felix na childhood celebrity crush ko. "Si Ken? Hindi namin napansin. I-chat niyo nalang." Well, inshort, may hitsura rin itong si Cedrick, but not exactly my type. The one I like is currently at the counter. I bit the insides of my cheeks dahil sa biglang lumabas sa utak ko. So, I finally admitted that I like him. Hindi na crush. Dang. Ibinalik ko nalang ang tingin sa labas thru the glass wall. "Anong nangyari sa 'yo, Keith?" Agad akong napaharap kay Reynalyn nang bigla itong magsalita. "Ha?" "Namumula kasi tenga mo." Para tuloy akong tinanggalan ng hangin sa katawan. Tinakpan ko ang magkabilang tenga at umiwas nalang ng tingin sa nagtatakang si Reynalyn. Good thing Trisha, and Ragen were too focused on writing. Alaskador pa man din ang dalawang ito. "Anong binili mo, Dre?" Rinig kong tanong ni Cedrick. Tapos na yata siyang magbayad sa counter. Habang nakatingin pa rin sa labas ay pasimple akong nakikinig sa usapan nila. "Wala, eto lang." "Tagal nila Ken, tss." Bakit naman kasi naghihintayan sila? "Yun! Tapos na 'ko." Gumalaw ang katabi kong si Trisha. Mukang nagliligpit na ng gamit. "Reynalyn, samahan mo nga 'ko do'n sa labas para magpa-xerox." Dagdag pa ni Trisha. Hindi ko napigilang mapatingin sa kanila. "Anong ipapa-xerox mo?" Taka namang sabi ni Reynalyn. Oo nga. Wala naman akong naaalala na dapat ipacopy. "Ano, nagpasuyo si Bellatrix! Nakalimot na naman kasi sa assignment nila." Magtatanong pa sana ako kaso bigla nalang tumayo si Trisha dala ang kanyang bag kaya wala ng choice si Reynalyn kundi ang sumunod. Sinundan ko na lamang sila ng tingin hanggang sa makalabas ng 7/11. "Ano, usog ka nga do'n." Sabi ni Cedrick kay Ragen kaya siya na ang nakaupo sa harap ko ngayon na busy pa rin sa pagsusulat. What—teka. 'Wag mo sabihing uupo si Andrei sa tabi ko? Hindi naman sa nag-iilusyon ako pero gano'n na nga ang nangyari. I feel uneasy na tuloy! Nang magtama ang tingin naming dalawa ay nginitian pa ako nito. Ako naman ay napakurap-kurap nalang saka nag-iwas ng tingin at ibinaling sa sinusulat ng kaharap ko. Nakita ko mula sa peripheral vision ko ang paglapag ni Andrei— na katabi ko ng isang white plastic sa ibabaw ng mesa namin. "Anong subject 'yan?" Nakita kong ibinaba ni Cedrick ang phone niya saka pinanood si Ragen na nagdo-drawing. "TLE." Jusmiyo. Parang walang hangin na pumapalibot sa akin ngayon! Ako lang ata ang parang naiilang sa sitwasyon namin. Anong oras na ba? Baka mamaya ay pwede na palang pumasok sa school. It's okay. Ano pa bang ikinahihiya ko e, nag-usap naman na kami kagabi? Baka lalo kang mapaghalataan! 'Yan ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko hanggang sa napansin ko ang paglapag ng isang malaking Moby sa harap ko. Nilingon ko ang katabi ko— si Andrei since siya ang naglapag. Ito ba yung binili niya kanina? "Sa'yo 'yan, Keith." Sabi niya nang hindi tumitingin sa 'kin dahil may inilalabas pa itong ibang chips na inabot niya sa dalawang nasa harap namin. Tahimik ko lang siyang pinagmamasdan hanggang sa mailabas niya ang pinakahuling laman ng plastic na dala. Chocolate flovored na Moby. "Ay wow, salamat." Binuksan na ni Ragen ang chips niya habang ako naman ay napatingin nalang sa Caramel Flavored Moby sa harap ko. This is my very-super favorite kaya lang ay nahihiya talaga ako. Hindi pa ako nakapagpa-salamat! "Ano mas prefer mo, chocolate o 'yang caramel?" Tanong niya ulit at this time ay nakatingin na ito sa akin. "I-itong caramel na... salamat." Mahina ang boses kong sabi. Hindi pa nakawala sa paningin ko ang paglaki ng ngiti nito. Binuksan ko na ang ibinigay niya sa akin at tahimik na kumain. Ibinalik ko na ang tingin sa labas, akmang dadampot na ako sa Moby ko nang iba ang mahawakan ko. Napatingin ako sa harap nang makitang kaliwang kamay ni Andrei ang nahawakan ko! Muli, naramdaman ko ang pag-iinit ng dalawa kong tenga! What the hell, kinikilig ba ako? "Ah, sorry, sorry... akala ko 'yung sa 'kin ang dinadamputan ko." Agad naman nitong sabi pero may iba sa boses nito na parang hindi naman sincere sa paghingi ng sorry. I shrugged it off at agad na ibinaba ang kamay ko na napahawak sa kanya at itinago sa mesa. "Uy ha, baka mamaya may ma-develop." Nginiwian ko si Ragen na pinagmamasdan pala kami. Pansin ko rin ang pagngisi ni Cedrick na nakatutok sa phone niya. Natawa lang ang katabi ko at walang ibang sinabi. Hindi nagtagal ang oras at dumating din si Ken na kanina pa nila inaantay. Naunang tumayo si Cedrick sa kinauupuan, kasabay no'n ang kunwaring pagkakalkal ko sa bag. "Mauna na kami." Narinig ko pang sabi ni Andrei bago ko narinig ang bell ng glass door. "Ang tagal nila Trisha ah." Tila ay nakahinga ako ng maluwag. Bigla ko ring naalala yung dalawa na lumabas para magpa-xerox. "Pwede na yatang pumasok. Tara na. Buti natapos ko agad." Ngayon ko lang napansin na nakaligpit na pala ang mga gamit niya. Hindi ko pa nauubos ang Moby ko kaya bitbit ko ito hanggang sa makapasok ng gate ng school. Sigurado akong nauna na sa room ang dalawa. Habang paakyat ng hagdan ay natanaw namin si Loura na paakyat din. Nauna lang ng ilang hakbang. "Kanina pa kayo?" Tanong nito sa malumanay na boses. Nagpahuli ako ng lakad at hinayaan sila na mauna. "Oo, sa 7/11 lang tumambay. Tinapos ko 'yung output ko sa TLE. Hindi ko nagawa kagabi, bwisit. Daming abala eh." "Atleast natapos." Pagpasok namin ng room ay dumiretso kami sa kanya-kanyang upuan. Ang bag ni Reynalyn ay nasa upuan na niya pero wala siya rito sa room. Si Trisha naman ay nakita kong may kausap na isa pa naming kaklase. Ang katabi kong si Cedrick ay wala pa, pati si Ken. May iba pa bang hinihintay ang magkakaibigan na 'yon? Napapikit na lamang ako at ipinatong ang baba sa kamay. Ba't ko ba iniisip 'yon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD