saturday

3012 Words
KEITH Recess na. Nagsilabasan ang mga kaibigan ko sa classroom para mag-ikot at bumili ng pagkain nila habang ako ay piniling manatili rito sa room. My arms are crossed, my legs too. Nakatingila ako habang nakapatong sa muka ko ang math notebook namin. Magre-review sana ako dahil baka mamaya pag nag-Let's Recall recitation si Ma'am Napoles na math teacher namin ay ako na naman ang pag-initan. I really hate her. Hindi ko pa natatapos ang isang page pero ang mga mata ko ay mahapdi na kaya umidlip nalang ako. Gusto ko sana talagang matulog because my eyelids feels so very heavy, and watery dahil nga sa antok pero hays. Nang sinubukan kong idilat ang mata ko ay nagmuka akong lumuluha kahit 'di ko tignan ang sarili sa salamin. Bumalik ako sa pag-idlip. Hay nako, math subject na naman! "Jusko, project na naman. Feel ko na ang papalapit na exams." Frustrated na sabi ni Trisha habang naglalakad sa tabi ko. Tahimik lang akong nakikinig sa kanya— sa kanila. Sira na naman ang araw ko. Paano, napag-initan nga ako kanina sa math period. Hindi ko alam kung saan ako magagalit, sa sarili ko ba dahil napaka-slow kong umintindi ng lesson niya o sa mismong subject teacher dahil mas inuuna ang inis kesa sa paglilinaw ng lesson. "Oo nga, wala pa nga 'kong nauumpisahan sa mga binigay nila. Nubayan!" Dagdag pa ni Reynalyn. Inaantay namin dito sa labas ng school sina Ragen at Loura. Ewan ko kung bakit nagpahuli ang dalawang 'yon. Nilibang ko nalang ang sarili ko sa pagtitingin-tingin sa mga estudyante na tumatawid. Naalala ko lang 'yung nangyari kahapon. Kung sino man ang driver ng motor na 'yon ay makonsensya siya. Alam niyang school road ito dito. Bibihira lang ang dumadaan na malalaking sasakyan. "'Yan na sila." Napalingon ako sa school gate nang marinig ang sinabi ni Trisha. Nakasimangot ako. Ang tagal kasi nila, e paubos na nga ang mga estudyante at nagsiuwian na. Nakita kong katabi na ni Loura ang kanyang boyfriend. Napalunok nalang ako nang makita kung sino ang kausap ni Ragen. Infairness, close talaga sila ni Andrei. Sa likod nila ay sila Ken, Cedrick at 'yung kaklase ni Andrei na sa pagkakatanda ko ay Lenard ang pangalan. Yea, right. In-add pala ako no'n sa sss. Ba't naman mukang napapadalas ang pagsabay-sabay namin? Err. Napatingin ako kay Andrei habang papalapit sila sa amin. Nakangiti pati ang mga mata nito habang kausap si Ragen. I tilted my head before looking away dahil baka mapansin pa niya akong nakatingin sa kanya. "Ba't natagalan kayo?" "Sensya na, napag-utusan pa nung isang teacher do'n." "Bagal niyo rin maglakad. Kanina pa naiinip 'tong si Keith." Bigla akong napalingon sa kanila nang marinig ko ang pangalan ko. Inaano? "Ha? Hindi ah..." Sabi ko nalang kahit na totoo ang sinabi ni Trisha. "Depressed 'yan kaya tahimik." Natatawa pang sabi ni Reynalyn. Sinimangutan ko nalang siya saka ibinalik ang tingin sa pedestrian. Hindi naman sa depressed ako! Siguro ay disappointed, frustrated, devastated... ano ba pa? Halo-halo talaga. "Bakit naman?" Nag-umpisa na kaming maglakad. Nasa unahan namin si Ragen hababg nakakapit naman sa braso ko si Reynalyn, as usual. Nasa likuran naman ang iba. Ayaw ko nalang lingunin. "'Diba nga? Sa math kanina." "Ah, kainis 'yun si ma'am eh. Napaka-ano." "Hay nako, Keith. 'Wag mo ng isipin 'yon. Kanina nga habang nagsasagot sa board, sobrang kabado ako eh nanginginig pa mga kamay ko." Sabi naman ni Trisha pagkatapos ay malakas na tumawa. Thank God, I wasn't in your position. Baka mas gusto ko nalang himatayin kesa mangyari 'yon. Mamatay ako dahil sa humiliation. Idagdag mo pa ang hindi magandang tingin sa akin ni Kara sa tuwing natatawag ako ni ma'am pero 'di ko nasasagutan ng tama. Hindi na kami nag-abalang tumawid pa. Wala naman sa amin ang may gustong bilhin sa 7/11. Well, that's the only reason why we bother crossing the roads. Natahimik kami pero ang mga kalalakihan naman sa likod ang maingay. I don't hear his voice. Nasaan ba siya banda? Pinakiramdaman ko na lamang dahil ayaw ko talagang lumingon. Kanina, katabi lang niya si Ragen. Nasa'n na ang lalaking 'yon at bakit ko hinahanap? "Huy, oo nga pala." Halos mapatalon ako nang biglang tumigil sa paglalakad si Ragen saka humarap sa amin. Pati tuloy kami ay napahinto. "May kulang daw ako sa English pero 'di ko na kailangang magpasa sabi ni Sir." Tumabi siya sa kaliwa ko kaya nahiwalay si Reynalyn sa pagkakahawak sa braso ko. 'Di naman pupwedeng sa kanan ko siya sumiksik dahil baka masagi lang siya ng motor o sasakyan. "Ano ba pinapagawa do'n?" He's asking me pero 'di agad ako nakasagot dahil nakalimutan ko ang task na 'yon. Matagal na akong nakapagpasa kaya medyo nakalimutan ko na talaga. ''Yung poster and slogan saka short story ba?" "Oo, ayon ata?" Tumango-tango na lang ako. Bilang president ng klase at member ng Design Club sa school, I can say that he really is a busy person. Ewan ko ba rito. Masyadong active na student. Mas gugustuhin ko pang manatili sa room. "So ayon, magvideo nalang daw ako. Pipili ng character galing sa literature tapos ire-recite yung lines, with costume pa!" Tila hindi natutuwa nitong sabi. "Nevermind that. Sabay nalang ako sa inyo ni Andrei— asan na ba 'yon?" Lumingon siya sa likuran namin. Hindi ko bigla alam ang gagawin. Parang gusto kong maunang maglakad! Pero no, I should be calm. Binigyan niya ako ng Moby kaninang umaga, baka 'pag umiwas ako ay mapansin niya at sabihing ayaw ko siyang makita which is the total opposite. Oemji ang landi ko na. "Sa'n kayo magpa-practice ng sayaw tas magvivid?" "Oo nga pala..." There. Narinig ko ang boses niya sa likod ko. And, don't tell me wala pa siyang planong umpisahang gawin ang waltz dance namin? Gusto ko na kasi matapos agad. Parang dumagdag pa nga sa iisipin ko 'yang sayaw na 'yan kahit hindi ko naman performance task. "Dito ka oh..." Nagbigay ng space si Ragen sa gitna namin saka ko napansin ang paghila niya kay Andrei. Jusmiyo. I simply gave Ragen a death glare pero umiwas nalang din ako ng tingin. Dang. "Tangkad mo talaga." Natatawa pang sabi ni Ragen. I agree with him. Hanggang baba lang ng balikat ang abot ko kay Andrei. Ano ba height nito? "Medyo?" I can hear his chuckles. "5'9 'yung height ko nung huli kong chineck." "Edi matangkad nga!— pero kailan niyo nga balak na magvideo?" Nakatingin lang ako sa nilalakaran namin at medyo nakayuko. Medyo nagbubungguan ang balikat namin! Pero kapag umusog ako pa-kanan, baka masagi ako kapag may dumaan na sasakyan! Tatlo na kasi kaming nasa sidewalk. "Hmm. Kailan ba? Sa sabado? I mean— bukas?" "Aba ewan ko tanungin mo 'yang partner mo." Nag-angat ako ng tingin sa kanila. Sabado na pala bukas? "Puwede naman... sa hapon ako free." "Nice. Pero syempre magpa-practice pa tayo ng konti, kaya hindi muna tayo agad makakapagrecord." Dang that voice of him. Bakit naman lahat ng bagay sa kanya ay pogi pakinggan. His smiling eyes, laugh, face... everything about him is handsome! Nako po. "May napili na kayong kanta?" "Wala pa. Halos lahat ng kaklase namin Thousand Years ang kanta. Siguro mamaya, maghahanap nalang ako ng iba." "Eh? Buti okay lang na magkapare-pareho ng tugtog?" "Wala namang sinabi sa amin.. siguro pwede naman kasi mahirap-hirap din daw talagang humanap ng babagay na tugtog." KINAGABIHAN, tahimik ang buong bahay. Siguro ay nasa kwarto na niya si Klaus. May lutong pakbet din sa lamesa. Hula ko'y nag-iwan si mama ng pera sa kanya pambili ng ulam ngayong gabi. Pagkatapos magligpit at maligo ay nahiga na ako sa kwarto. Tatayo na sana ako para kunin ang bag kong nasa lapag ng maalalang friday pala ngayon at walang pasok bukas. Buti naman at makakapag-pahinga ako ngayon ng mahaba. Nag-online ako sa account ko pero hindi nagbukas ng mga messages. Ibinabad ko ang sarili ko sa pagii-scroll sa newsfeed hanggang sa maisipang matulog. Kinabukasan ay alas-nuebe na ako nagising. Nga pala, napag-usapan namin ni Andrei kahapon na mga alas-dos na ng hapon magkita sa school tapos diretso kami sa may subdivision daw nila kasi may space do'n na pwedeng pag-practice-san. Ewan ko kung kasama si Ragen. Magch-chat naman 'yon kung tutuloy siya pero sana nga ay makasama siya. Parang hindi ako mapapalagay kapag kami lang ni Andrei mamaya. Pero honestly, I'm looking forward.. Naligo na ako at nagbihis. I wore a maroon t-shirt for my top, and paired it with a leggings and white sneakers. Ilang beses ko pang sinipat ang sarili sa salamin bago kinuha ang bag kung nasaan ang phone at wallet ko. Pagkatapos ay umalis na ng bahay. Habang naglalakad ay inaayos ko naman ang buhok ko. Should I put it in a bun, or a ponytail? Hais. Humaharang kasi ang mga baby hair ko sa muka ko! Saka ko lang naalalang hindi ko naisuot ang nag-iisang headband ko. In the end, I decided to put up a ponytail. Today is august 15. Hindi espesyal ang araw na 'to sa akin pero birthday kasi ni tita Nami. Wala naman akong balak na umalis ng bahay kapag walang pasok pero inimbitahan ako ni tito Ben, asawa niya. Si tito Ben at si mama ay magkapatid, ang pinakamatanda ay si mama. "O, Greenhills! Greenhills! Paalis na oh." Lumapit ako sa jeep papuntang greenhills, subdivision din kung saan nakatira sila tito. Sa may b****a ako naupo para mabilis na makababa mamaya. Nang-maiabot ang saktong bayad ay napasandal ako sa upuan. Nandito palang ako sa jeep pero napapagod na 'ko. Napapunas ako sa noo dahil sa init. Maya-maya pa ay umandar na ang jeep. Buti naman at hindi na pinuno pa ang mga pasahero. Saka hindi naman aabot ng 30 minutes ang byahe. Naisip ko tuloy kung sino ba ang mga bisita nila ro'n ngayon. May iba pa kayang dadalong kamag-anak? Siguro sa side ni tita, mayro'n. Pero sa side namin? Si tito Ben lang ang kilala ko, which is kapatid nga ni mama. Bukod do'n ay hindi ko na kilala ang iba pang mga kadugo namin. Nakita kong napadaan ang sinasakyan naming jeep sa road papuntang school. Napahinga nalang ako ng malalim. Today will be a long day for sure. Siguro kapag mga ala-una na, magpapaalam nalang ako kina tito at tita at sabihing may gagawin na project. Saka last night, I watched some clips of a balldance. Feeling ko, kaya ko namang gawin. Sana. Dahil kung hindi, hindi ko alam. Baka magpakain nalang ako sa lupa. Nang makarating ako sa gate ng subdivision nila ay 'di na ako nahirapan pang pumasok dahil kilala na naman na ako ng guard. Buti nalang ay si kuya Edong ang naka-duty dito ngayon. "Ang tagal kitang 'di nakita, iha ah?" Ngumiti ako sa gwardya. He has the average size body of a man but his tummy's kinda big. Well, malaking tao na rin 'to si kuya. I guess he's more than 6ft. tall and his age is around 50+, i think. "Busy na po sa school." Sabi ko na lamang dahil hindi ako 'yong tipo na pala-chika sa ibang tao. "Nakakatuwa namang marinig 'yan. Saka mukhang tumangkad ka rin, iha." Alanganin nalang akong natawa. I don't even know how to respond. "Siguro nga po... sige kuya, una na po ako." Natawa nalang siya saka tumango-tango. No'ng mga nakaraang taon talaga ay halos sa bahay nila tito na ako tumira. No'ng mga panahong 'yon ay nanganak si tita Nami at dahil wala silang katulong na magbantay kay baby Asta, madalas akong pinapapunta ni tito Ben para saglit na magbantay. May trabaho kasi si tito Ben, isang architect at palaging nasa opisina. Gabi pa siya umuuwi galing trabaho kaya buong umaga ay si tita Nami at Asta lang ang nasa bahay. Hindi naman mahirap bantayan si Asta dahil hindi siya malikot at iyakin. Maliban nalang siguro kapag kailangan niya ng milk o nagpoop siya. Pero hindi naman ako nagpapalit ng diaper niya, si tita syempre haha. Siguro kapag magluluto, maglalaba or gagamit ng banyo si tita ay do'n lang dapat bantayan si Asta. Mahirap na, baka gumulong sa kama. Huminto ako sa nilalakaran nang makarating sa ikatlong block. Tinignan ko ang signage kung saan nakalagay ang pangalan ng street nito. London St. Alright. Buti nalang talaga ay hindi sa pinakadulo ang bahay nila tito dahil paniguradong maliligaw ako. Saka nakakatuwa rin ang mga pangalan ng street sa subdivision na 'to. Lumiko na 'ko sa kanan at dumiretso pa ulit ng lakad. Binilisan ko na rin ng konti dahil mainit na sa balat ang sikat ng araw. Lumilinga-linga pa ako sa paligid dahil baka malampasan ko ang bahay nila tito. Natatandaan ko pa naman ang itsura pero baka malay mo, binaliktad na pala ang bahay nila. Maya-maya pa ay natanaw ko ang nakatalikod na pigura ni tito Ben na nakasuot ng helmet at may kung anong sinisipat sa motor niya. Nangunot tuloy ang noo ko. 'Kala ko ba ay pinagbawalan ni tita Nami itong si tito na magmotor kesyo napaka-delikado raw? Nang makalapit sa tapat ng bahay nila ay nakahinga na ako ng maluwag. Buti nalang. Walking alone in a street is quite dangerous kahit pa sa isang subdivision. Nakakatakot maligaw. "Tito." Sinusbukan kong tawagin si tito nang makalapit pero mukang 'di nito narinig ako boses ko kaya tumikhim ako saka muli siyang tinawag. "Tito Ben." Mula sa pagkakayuko sa kanyang motor na sa pagkakatanda ko ay Yamaha Tracer 900 GT ang model. So ayon, napaatras ako dahil mukang 'di pa rin niya talaga ako napapansin hanggang sa siya na mismo ang humarap sa direksyon ko. Sa isip ko ay napabuntung hininga na lang ako. Basta talaga pagdating sa motor ni tito ay focus na focus siya. Anyway, pansin kong nakapang-alis si tito at mukang may pupuntahan. "Keith. Nandiyan ka na pala. Wala kayong pasok?" Tanong pa nito habang pinupunasan ang kamay. Ako naman ay napahawak nalang sa batok. "Saturday po ngayon." Nangunot naman ang noo nito saka sunod na napatango. "Oo nga pala. Kumain ka na?" Umiling lang ako. "Sakto lang. Tapos na yata magluto ang tita mo. Pasok ka na sa loob." Tumango nalang ulit ako kay tito saka binuksan ang gate nila at pumasok sa loob. Isang two story house ang style ng bahay nila tito. Mula sa pintuan, pagpasok mo ay makikita ang sala. Kapag lumingon ka naman sa kaliwa, mula sa kinatatayuan mo, ay makikita ang hagdan paakyat sa second floor nila. "Hi Asta." My smile immediately came out when I saw Asta, sitting in his high-stool chair. The two-year old baby faced into my direction and gave me his heartily laugh. Aww. Na-miss ko ang batang ito. Hinunad ko ang sapatos at inilagay sa shoe rack sa gilid ng pintuan. Saka ako lumapit kay tita na nakangiti sa akin at nagmano. "Tuwang-tuwa si Asta ha." Mahina akong natawa dahil mukang napansin din niya ang patawa-tawa na baby. Dahil napunta ako sa kusina ay naamoy ko ang niluluto ni tita. Hmm. Caldereta! "Happy birthday po tita." "Salamat... Kamusta naman, ate? Minsan ka nalang mapunta rito." Naupo ako sa sofa katabi ng inuupuan ni Asta. Nilaro-laro ko ang kamay niya. Nasanay na rin akong tawaging "ate" ni tita Nami. Ewan. Siguro dahil nga ate ako ni Asta? "Na-busy po sa school e." Maiksing sagot ko. Kahit kapatid ni mama si tito Ben ay nahihiya pa rin ako sa kanila. Actually, they're giving me an allowance for school every month na ilang beses kong tinatanggihan. No'ng una, sabi ni tito ay pagagawan daw niya ako ng credit card para madaling makapag-ipon at makapagtago ng pera. That time, I was like, wala pa nga akong trabaho at pinagkakakitaan, anong ilalagay ko sa bangko? And then, tito Ben insisted at sinabing siya na ang bahala. Kumpleto naman ako sa documents ko kaya ibingay ko kay tito ang mga kinakailangan and then there, after a couple of weeks, he gave me the card. Dang. I realized that I owe them a lot. Nakakasama man ng loob pero masasabi kong mas marami ang nagawa ni tito Ben para sa akin, kaysa kay mama na kung wala man sa bahay ay palaging nasa kwarto at 'pag nakikita man ako ay naninigaw. Even though tito Ben has alot of project on his hands, despite of being busy— he never failed to teach me a lot of things. Nagawa nga niya akong turuan gumawa ng floor plan, interior design at 3D design ng bahay gamit lamang ang computer niya rito sa bahay nila. I smiled at the thought. Para ko na rin siyang tatay kaya kahit wala akong kinalakihang tunay na ama, hindi ako naghanap. "Halika na rito, ate. Kain na tayo. Ako na bahala kay Asta dahil tapos na rin naman siyang kumain." Tumayo ako sa sofa saka pumunta sa kusina para maghugas ng kamay at naupo sa harap ng dining table. "Si tito po pala?" Tanong ko. "Nakasalubong mo ba? Dadaan 'yon sa grocery. Bibili ata ng alak kasi may bisita raw siyang darating maya-maya." Tumango-tango na lang ako saka nagsandok. Mukang mapapadami ang kain ko rito. Hays. Hayaan na at minsan lang naman makapag-Caldereta. "Si Klaus? Hindi sumama?" Biglang tanong ni tita kaya alanganin akong ngumiti. "Kinatok ko siya sa kwarto kanina pero parang natutulog pa. Alam niyo naman po 'yon, mahilig rin sa games kaya siguro napuyat kagabi." Nakatingin lang ako kay Asta na nilipat ni tita sa tabi niya. Hindi ko alam kung aware si tita Nami sa sitwasyon namin sa bahay. Pero si tito, mukhang alam. Matapos kumain ay pinarito muna ako ni tita sa kwarto sa may kusina para makapag-pahinga daw. Tatlo ang kwarto nila sa bahay. Dalawa sa second floor at isa rito sa baba. Guestroom daw 'to pero parang naging kwarto ko na kasi ito ang pinapagamit sa 'kin lalo na nung dito na ako halos tumira dahil sa pagtulong magbantay kay Asta. Si tita ay mag-aayos daw muna saglit sa sala dahil baka biglang dumating ang inaasahan nilang bisita kaya kasama ko ngayon si Asta. Malapad ang kama rito kaya malaya din siyang nakakapaglaro. Kailangan pa rin bantayan syempre, baka tumambling e.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD