tutor

1811 Words
Keith "So, hinatid ka nga niya?" Ilang ulit na tanong ng mga kaibigan ko. Kumpleto kaming lima at sakop namin ang isang lamesa rito sa 7/11. "Hindi nga... edi napalayo pa siya sa bahay nila." Napabuntong-hininga nalang ako. Hindi ko alam kung bakit parang hindi nila matanggap na hindi ako nagpahatid kay Andrei kahapon. Tama naman ako 'di ba? Saka kaya ko naman ang sarili ko. "Sus." Halos taasan ko na ng kilay si Trisha na kaharap ko. Katabi niya si Ragen na nagsusulat ng report para mamaya. "Dapat pinicturan mo rin 'yung dress mo, gusto ko makita." Reynalyn being a cloth-addict said. Ipinadala ko nalang muna kay Andrei sa kanilang bahay ang dress. "Teka saglit, binabago agad usapan eh, bakit naman ang hina ni Andrei? Dapat pinilit ka niyang ihatid ka." Napakamot nalang ako sa kilay ko dahil sa sinabi pa ni Loura. "Tama ka dyan. Moments niyo na sana.." Lalo akong naguluhan ng dumagdag pa si Ragen. "Bakit? Hindi naman niya ako responsibilidad..." Sabi ko at alam kong tama ako. "Ay teh, mahina ka rin pala eh." Ani Trisha. "Jusko, alam mo, Keith. Feeling ko crush ka no'n eh." Napaawang ang bibig ko sa sinabi ni Loura. Ba't parang nabaliktad? Ako ang may gusto kay Andrei, 'di ba. Tapos ngayon, ina-assume nila na ang lalaking 'yon ang may crush daw sa'kin. Grabe naman, ilang linggo palang naman kami talagang nag-uusap. At lahat 'yon ay patungkol lang sa performance task niya! Parang gusto kong tumawa. They guessed it wrong. Hais. Kaya ba nila ipinipilit na sana inihatid nalang ako ng lalaking 'yon? No way. Iniiling ko na lamang ang aking ulo. Mabuti nalang din ay naiba na ang usapan dito sa lamesa namin, pero sila na lang ang dumadaldal. Binigyan lang nila ako ng panibagong iisipin. Saka imposible naman 'yang mga pinagsasabi nila 'no. Ano namang magugustuhan sa 'kin ng lalaking 'yon. Psh. Hindi talaga pwede. BUONG umaga sa classroom ay naabutan ko nalang ang sarili kong nakatulala at iniisip ang mga salita nila Loura kanina. Sinasabi ko na nga ba. Masama talagang madikit sa lalaking 'yon. Pinagpapasalamat ko nalang din talaga na hindi na nila ako inaasar tungkol do'n kahit pa na madalas na nababanggit ang pangalan ni Drei. Ayaw ko sanang ipakitang affected ako sa lalaki dahil baka mabuking. Kaso naman, hindi ko talaga alam kung bakit pumasok sa isip ng mga kaibigan ko na may crush si Drei sa 'kin, at ang nakakaasar pa, may parte sa 'kin na umaasa na totoo ang sinabi ni Loura. Nagsiligpitan ang mga kaklase ko ng mga gamit nang mag-bell, ibig sabihin ay recess na. Posible ring pumunta siya rito sa room kasama 'yung kaibigan niya. Hais. Bakit ba kasi hindi man lang lumalabas ng ckassroom itong mga kaibigan niya na kaklase ko rin? Parang ayaw ko muna siyang makita ngayon dahil naaalala ko 'yung sinabi ni Loura kaya naisip ko na ako nalang ang lalabas ng room. Bibili ako sa canteen. Sana hindi siksikan. Sana hindi siksikan. Sana hindi siksikan..... Nanlumo ako dahil marami nga ang estudyante. Nakita ko pa si Reynalyn na malakas na isinisigaw yung mga bibilhin niya. Talagang isisigaw niya ang bibilhin niyang pagkain. Pa'no siya nakasiksik sa kumpulan na 'yan? Naasar ako. Hindi man lang ako makalapit sa tindera. Napansin ko ang iba na lumabas nalang ng canteen, narinig ko pa ang isa na babalik nalang daw mamaya kung kailan wala ng tao. Okay fine. I sighed saka umatras. Hindi na nga lang ako bibili, baka abutan lang ako ng bell dito. Nakakailang hakbang palang ako nang may mabangga ako. Hindi ko na tinignan kung sino ito, nag-sorry nalang ako saka agad na lumabas ng canteen. Grabe, mas malala pa pala ang canteen kesa sa room namin pagdating sa ingay. Ang liligalig ng mga lalaki. Muntik pa 'kong matulak. Sumilip muna ako sa room bago pumasok. Okay, clear. Wala sa room ang kaibigan nila Cedrick at Ken kaya nakahinga ako ng maluwag. Sumandal ako sa upuan ko- katabi ni Reynalyn. Ewan ko ba sa katabi niyang laging absent. Hindi naman ako pinagalitan ni ma'am kahit na hindi talaga ako rito nakaupo. Inilabas ko ang cellphone ko at nilibang ang sarili. Nakaramdam ako ng gutom na siyang ikinainis ko. Hindi na 'ko babalik sa canteen. Sayang lang sa oras. Mamayang uwian, baka bimili nalang ako ng calamares. Hindi pa rin ako makapaniwala sa lasa no'n. Masarap kasi lalo na 'pag sinawsaw sa suka. Well, hindi naman ako mahilig sa sawsawan pero pagdating sa calamares ay hindi puwedeng walang suka. Argh, lalo akong nagutom. Kinuha ko sa bag ang tumbler ko saka uminom dito. Tiis lang muna sa tubig. Maya-maya pa, habang tinatakpan ko ang tumbler ko ay sunod-sunod na mga kalalakihan ang nagsipasok sa room. Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Nandito na si Andrei kasama ang mga kaibigan niya. Umiwas ako ng tingin at nagkunwaring binabasa ang notebook kong nasa ibabaw pa ng desk ko. Hais, math notebook pa talaga ha. "Uy, si Keith oh." Boses 'yon ni Lenard. Papalapit na sila sa pwesto ko since sa likod ko nga nakaupo 'yung dalawa nilang kaibigan- na kaklase ko rin. Saglit akong nag-angat ng tingin dahil baka matawag pa akong snob pero nakangiting muka ni Drei ang nakita ko. I nodded at him and immediately looked away. Kunwaring may bigla akong nakita sa labas ng bintana ng room. haha nininerbyos ako! Bago pa man ako muling yumuko ay may naglapag na ng malaking tsitserya sa harap ko. "Sa'yo nalang, 'di kasi ako mahilig diyan." Nasa harap ko na siya kaya bahagya akong nakatingala sa tangkad nito. "Ah hehe, thanks..." What the ef! Ang awkward ko! "Walang graham si Ragen? Sayang, bibili sana ako." Inilibot pa nito ang tingin sa buong classroom. Wala sila. Naglibot ata sa kabilang building. May crush daw sila do'n kaya sisilay na rin. "Wala eh, tight daw sa budget. Tumaas pa 'yung price ng ingredients." I may looked like I'm talking normally but my fingers under my desk are shaking! Gusto ko iuntog ang sarili ko, bakit ba ako kinakabahan sa lalaking 'to. Eh, kahapon lang ay magkasama pa kami! "Hmm. Kaya pala. Kainin mo na 'yan huy! Baka biglang mag-bell. Sino pala next teacher niyo?" Grabe naman, pine-pressure nya ba ako. Baka mamaya may lason 'to eh. Kidding aside, buti nalang vcut itong binigay niya. Ayoko bumili ng ganito kasi ang mahal! 15 pesos tapos ilang subo ko lang? Err "Math na namin. Si ma'am Napoles ang teacher.." Sumasakit lang ang ulo ko 'pag naaalalang wala akong naiintindihan sa lessons niya. "Hala ka, terror pa naman 'yon." Nakatingala ako sa kanya, sumandal siya sa bakanteng upuan sa harap ko. Napansin ko agad ang inosenteng mata niya na naniningkit. Cute. Tanginang mata 'yan, kinikilig na agad ako. Pero alam ko naman na terror talaga si maam. Napangiwi na lamang ako at tahimik na napadasal. "Hoy ano 'yan... kayo ha, nagsosolo kayo diyan." Biglang sumingit si Ken mula sa likuran. "Oo pre, istorbo ka." Tumawa si Andrei. "Char. Bakit na naman ba?" Hala binawi! Kikiligin na sana ako. "Wala naman. Ano pinaguusapan niyo diyan?" Anito. "Chismoso ka ah, wala nga." Ngising umiling si Drei. Omygahd help. Nasa gitna nila ako oh? Utang na loob mahiya kayo... "Talaga ba-" "Si maam Napoles din pala math niyo?" Pinutol ni Drei ang ibang pa sanang sasabihin ni Ken. Napansin kong busy si Lenard at Cedrick sa mga cellphone nila. Siguro ay naglalaro na naman ng ml. "Ay oo nga pala. May assignment ba tayo do'n, Keith?" Biglang tanong sa'kin ni Ken na siyang kinailing ko agad. Kahit naman may assignment ay hindi ko pa rin 'yan masasagutan. Makikikopya nalang siguro ako kay Trisha.. "Nung nakaraan nga nagwala si ma'am dito. Naghahagis ng chalk tas natamaan pa 'yang si Keith." Bwisit ka, Ken. Ayaw ko na ngang maalala eh! "Bakit daw ba?" Kuryos na tanong ni Drei. Hay nako. Wala kasing sumasagot sa tanong ni maam, tapos syempre tahimik lang naman ako tapos bigla akong sinitsitan ni Carl na nanghihingi ng papel. 'Yung Carl na laging kasa-kasama ni Andy at Kara. Napabuntong hininga nalang ako. Alam kong wala naman na akong magagawa dahil nangyari na pero asar na asar na ako sa tatlong 'yon. In the end, kaiinisan ko rin pala ang pinagchichikahan ng mga kaibigan ko. Ngayon, alam ko na kung bakit. "Ah..." Tumango-tango si Drei matapos ikuwento ng kaibigan niya ang nangyari tapos bigla siyang nagbaba ng tingin sa 'kin kaya halos mahulog ako sa kinauupuan ko sa pagkabigla. "Oo nga pala, tuturuan kita sa math 'di ba?" Ah 'yon ba... actually, I almost forgot about that. Agad akong umiling sa kanya. I'm lost of words. Hindi naman niya ako obligado saka baka maubos lang ang pasensya niya sa 'kin. Baka maturn-off pa siya sa kabobohan ko. And why would I care about that?? "Sige na, ano na ba topic niyo?" Nag loading ang utak ko. Tamo, ni hindi ko matandaan yung topic ng huling lesson namin. Umiikot lang 'yung letters at numbers sa utak ko. Napatingin ako sa math notebook ko na kanina ko pa pala hawak. "Ay ayan pala, patingin nga ako." Hindi nalang ako nagsalita at iniabot sa kanya ang hinihiram. Kumpleto ako sa notes, pero wala ring silbi 'yon kung hindi ko nage-gets ang mga nakasulat. "Ganda ng sulat mo ah." Muli akong napaangat ng tingin sa kanya at hindi nakasagot. Ha... his face really screams innocence, specially his slanted eyes. Para siyang maamong tuta. "'Remainder theorem and factor theorem 'yung huli niyong lesson?" Bigla niyang ibinaba ang notebook ko saka tumingin sa 'kin. Huli na para umiwas ako ng titig! Mabilis akong tumango, hindi ininda ang pagkataranta. Nagulat ako sa ginawa niya dahilan para bumilis ang paggalaw ng puso ko. "Hmm. Sige mamaya turuan kita, sabay-sabay naman tayo uuwi 'di ba?" Dagdag pa niya tapos bigla ring tumunog ang school bell. Hudyat na para sa susunod na klase. Umayos siya ng tayo at inilapag ang notebook sa harap ko. Dang, 'pag nandiyan talaga siya, nawawala 'yung boses ko. Baka akalain niya ay ayaw ko siyang kausap! "Nasaan na si Lenard?" Tanong niya sa dalawang kaibigan niyang nasa likuran. "Bumalik na sa room niyo, gago." Si Cedrick ang sumagot. Sakto ring nagsipasukan na ang mga kaibigan ko na galing sa labas. Napatingin sa puwesto ko si Ragen na agad ngumisi nang makitang nandito pa si Drei. Si Laura naman ay tumaas ang kilay saka malisyosang nagpabalik-balik ng tingin sa lalaking nasa harap ko at sa akin. "Balik na 'ko sa room namin." Nakangiting paalam ni Drei saka lumabas na ng room. Mabuti nalang ay hindi nagtagal at pumasok na ang math teacher namin sa room dahilan para hindi na makapag-tanong pa ang mga kaibigan ko. Inilingan ko nalang sila. For the whole math period, kahit na sumisigaw-sigaw na si maam ay hindi ko maialis ang maliit na ngiti sa labi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD