KEITH
"Katapat kasi ng shakey's 'yung botique na hihiraman natin ng damit. Malapit-lapit lang din 'yon sa 'min." Simpleng paliwanag ni Drei.
Akala ko naman may bibilhin sya sa resto na 'yon.
Sana naman ay may matino kaming mapili na gown or what. Hais. Grabe naman kasing performance project 'yan. Akala mo last quarter na ng school year kung makapag-bigay ang teacher nila.
Pero okay lang, unti-unti ko nang
natatanggap ang sitwasyon ko ngayon. Life is too short to miss a chances like this. Promise talaga, 'pag matapos lahat ng 'to iiwasan ko na ulit siya. Back to normal na ang peg ko.
Ay saka sana naman hindi revealing ang dress na maisuot ko kung sakali. Medyo conservative ang mami niyo.
"Sa tabi lang ho." Nagulat ako nang biglang pumara si Drei kaya natataranta akong bumaba. Sumunod din siya sa'kin syempre.
Pasalamat nalang ako at hindi niya napansin ang pagkalutang ko.
Bumaba nga kami sa shakey's kaya automatic akong napatingin sa kabilang kalsada since nabanggit ng katabi ko na katapat daw ng resto ang botique.
Wala akong makita. May mga maliliit namang building pero hindi naman mukang clothing store o botique ang mga ito.
"Tara na." Tatawid na sana ako kaso bigla niya rin akong hinila pabalik sa tabi niya. Ibig sabihin hinawakan niya 'yong isang kamay ko.
Omg... ang init ng palad niya. Grabe naman po itong mga chances na ibinibigay niyo sa'kin. Para akong aatakihin sa puso.
My heart is beating too fast!
"'Wag kang basta-bastang tumatawid." Nag-angat ako ng tingin sa kanya dahil medyo naiba ang kanyang boses. Nakakunot ang makapal niyang kilay habang kaliwa't kanan na tumitingin sa kalsada.
"Nakalimutan mo na ba nangyari sa'yo nung nakaraan?" Napaawang ang bibig ko. Ramdam ko rin na humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Gusto kong mag-sorry kasi mukha talaga siyang naiinis o nagagalit pero walang lumabas na salita mula sa'kin.
I think I just saw a different side of him.
I pursed my lips and said really nothing. Itinuon ko nalang din sa kalsada ang paningin. Okay fine, nagi-guilty na tuloy ako.
Maya-maya ay muli na naman niya akong hinila. This time ay patawid na talaga kami. Nauuna siya ng konti sa 'kin habang hindi ko maiwasang mapatingin sa kamay namin na magkadikit.
Aaminin ko, kinikilig ako. Slight!
Napansin kong binuksan niya ang isang glass door. Hindi ko na nakita ang labas ng building na pinasukan namin pero dito sa loob ay sobrang lamig.
"Good day sir/maam. Ano pong hanap niyo?" Lumapit sa amin ang isang babae. Ngingiti siyang nakaharap sa amin.
"Hello. Pwedeng patingin ng mga gown or dresses niyo?" Si Drei na ang nagsalita. Sumilip ako mula sa likod niya.
"Para sa girlfriend niyo po ba sir?" Nanlaki ang mata ko.
"Ah yes."
Hindi ko man lang nagawang tumanggi dahil naging mabilis din ang usapan nila. Umalis bigla ang babae kaya dali-dali kong kinuha sa bag ko ang phone ko.
Okay, kunwari ay wala akong narinig.
Binuksan ko ang messenger ko at pumunta sa group chat namin nila Ragen. My fingers are scrolling through the phone but I can't understand any thing in it. Nawawala ang focus ko!
Pansin kong pumaharap sa'kin si Drei pero hindi ako nag-angat ng tingin. 'Wag mo muna 'ko kausapin pls. Baka lumabas ng ang aking heart sa sobrang kaba.
"Gusto mong maupo?" Saglit akong nag-angat ng tingin nang bigla siyang nagtanong.
"Ah hindi na." Ibinalik ko rin sa cellphone ko ang tingin dahil bumalik na naman ang kaba ko.
I bit my inside cheeks. I am really in a bad situation right now, I guess. No one will know the truth but me. Pero sana mali ang mga hinala ko kasi delikado talaga ako 'pag totoo 'yon!
"Sir naka-ready na po 'yung mga outfits. Sunod nalang po kayo sa 'kin." Sumulpot na naman ang babae at gaya ng sinabi niya ay sumunod kami ni Drei sa kanya papasok sa isang pinto.
Napataas ang dalawa kong kilay nang makapasok kami. Para kaming nasa VIP area. Sakto lang ang kwarto para sa isang mahabang upuan, malaking salamin at fitting space.
Napansin ko rin sa gilid ang isang clothing rack. Nalula ako dahil mukhang 'yon ang mga susukatin ko.
"Para saang occasion po ba ang paggagamitan ng gown, sir?"
Naupo na si Andrei sa upuan habang naiwan ako rito sa may nakasara ng pinto.
"Ayan lang ba 'yung mga available designs niyo ngayon? Pwedeng masukat muna, then pipili nalang ako."
Napaawang ang bibig ko. Parang kinulang pa si Drei sa mga nakasabit na 'yan ha? Hindi ba niya alam kung gaano kahirap magsuot ng mga ganyang damit? Haha pwedeng oa bang mag back-out?
"Dito po tayo, ma'am..." Binuksan ni ate yung kurtina sa kabilang gilid saka hinila 'yung mga isusukat ko. Napahinga nalang ako ng malalim bago lumapit sa kanya.
"Ay iwan niyo nalang po 'yung bag niyo sa tabi ni sir." Bigla naman akong napahinto. Saktong nasa gilid ko lang din si Drei na nakatingala na ngayon sa 'kin.
I can't stand his stares kaya ako na rin ang unang umiwas ng tingin. Nilapag ko sa tabi niya ang sling bag ko sa agad ding pumasok do'n sa kurtina.
"Alin dito ang gusto niyong unahin? Maganda po itong black." May pinakita siyang mermaid gown.
Okay, agree naman akong maganda 'yon kaso parang masikip siya sa 'kin. But the feminine urge to wear this kind of dresses for once is just so- okay sukat ko na 'to.
Tutal si Andrei naman ang bibigyan ng grades. Bahala siya kapag nabawasan 'yon dahil sa misconcept ng mga suot namin.
Although hindi naman mukang ou-of-style ang lalaking 'yon dahil malakas din siyang pumorma.
Nakakaiyak.
"Sige po, try ko..." Inantay kong makaalis si ate at maisara ang kurtina bago nag-umpisang magsukat.
Too bad. Walang salamin dito. Kailangan talaga i-open muna ang kurtina hais.
Ako na rin mismo ang nagbukas ng kurtina. Tinignan ko agad ang sarili sa salamin. Hindi nga ako nagkamali dahil fit talaga ito sa katawan ko.
May curves pala ako?
Tumingin ako kay Drei kahit na alam kong hindi naman ako makakagalaw nito ng maayos 'pag sumayaw na kami.
Nangunot ang noo ko nang hindi magsalita ang lalaki. Nakatingin lang siya sa 'kin- sa suot ko.
"Try mo 'yung iba pa." Maya-maya'y sabi niya.
Gusto ko sana picturan sarili ko. Kahit isang selfie man lang kada dress na susuotin ko. Souvenir sana kasi hindi naman talaga ako nagsusuot ng dress.
Gaya nga ng sabi ng kasama ko, sinubukan kong sukatin ang iba pa.
May nasuot akong off-shoulder at umabot ng sahig ang haba. Maganda sana kaso hindi ako kumportable na nakikita ang balikat ko kaya umayaw ako.
Meron din namang kitang-kita ang likod ko. Most of the gowns were kind of exposing kaya naasar ako dahil ilang damit na ata ang nasukat ko pero wala pa rin kaming mapili.
Eto rin siguro talaga ang dahilan kung bakit hindi ako pala-suot ng mga ganitong damit.
'Yung nauna sana na black gown is okay kaso hindi naman babagay sa sasayawin namin.
Commonly used for parties kasi
ang mga gano'ng gown eh.
"Wala ba kayong iba? May ball dance po kasi kami kaya mas okay kung magaan at comfortable 'yung isusuot." Sabi ni Drei.
"Ah okay po Kunin ko pa 'yung iba, sir." Lumabas si ate.
Napatingin ako kay Andrei na nakaupo. Kanina pa niya hawak ang phone niya. Siguro nabo-bored na. Well, ako rin naman. Nakakapagod kaya magpapalit-palit ng mga damit.
Dito mo talaga mararanasan kung ga'no kahirap maging babae lalo na 'pag marami kang ayaw at mapili ka.
"Eto, ma'am try niyo po." Iniabot niya sa akin ang isang royal blue na maxi dress.
Mukhang maganda siya kaya agad ko na ring sinukat. Pwede ko namang lagyan nalang sa ilalim ng white blouse gaya ng mga nakikita ko sa iba.
Muli kong binuksan ang kurtina. Okay goods naman pala. Tumingin ako kay Drei.
"Ano, eto nalang?" Pinasadahan niya ng tingin ang buong suot ko.
"Okay na ba sa'yo 'yan? Baka gusto mo pa mag-try ng iba." Tanong niya pabalik sa 'kin. Nako, hindi na 'no.
Nagkibit-balikat ako saka muling tumingin sa salamin.
"Pwede namang magsuot nalang ako ng white blouse sa ilalim, 'di ba?" Ibinalik ko ang tingin sa kanya. Tumango-tango siya.
I noticed his fingers playing with his lower lip.
Agad na tumalikod ako para magbihis na. Napailing nalang din ako. Pero sa wakas, natapos din ang fitting session.
"Eto na po ba 'yung kunin niyo sir?" Hawak na ni ate ang pinakahuli-hulihan kong naisukat. Yes naman.
Tumayo na rin si Drei sa kinauupuan niya at saglit na nag-unat.
"Sir, pasulat nalang po ng full name and contact number niyo rito."
So, andito na kami sa front desk. May iniabot si ate na log book. Habang nagsusulat si Drei ay nagpalinga-linga ako. Hindi ko rin maiwasang mapahikab.
May dalawa pa palang katabi na kwarto ang pinasukan namin kanina. Infairness ha. Muka lang siyang maliit na botique pero bongga naman ang mga damit nila.
"Sir, may ich-check lang po ako saglit wait po."
"Okay na?" Hindi ko mapigilang tanong. Nilingon ako ni Drei dito sa likod niya saka siya tumagilid ng konti paharap sakin.
"Hindi pa." Sabi niya saka saglit na sinilip ang kanyang phone. "Hinahanap ka na ba sa inyo?" Umiling lang ako.
Kinapa ko ang phone ko sa bulsa kaso wala akong makapa. Naalala kong nilagay ko pala 'yon sa bag ko pero wala sa 'kin ngayon ang bag ko.
Bigla akong kinabahan. Nawala ang kaunting antok ko. Naalala kong nilapag ko 'yon sa tabi ni Drei kanina sa may fitting room.
Sinilip ko ang pinto na pinasukan namin kanina. Pwede pa kayang pumasok ro'n? Teka baka naman nakuha ko naman pala 'yon pero nalaglag lang sa dinaanan namin.
Pasimple akong umalis sa tabi ni Drei saka tumingin sa sahig kung saan kami dumaan.
"Anong hanap mo?" Bigla akong napaangat ng tingin.
"'Naiwan ko yata 'yung bag ko-" Napahinto ako nang makita kung ano ang nasa balikat ni Drei ngayon.
Nasa kanya pala 'yung bag ko!
I crunched my nose. I don't know what to say. Kinabahan ako ng wala sa oras no'n.
"Nasa 'yo pala. Akin na..." Mahina kong sabi.
Buti nalang. Akala ko maiiwan ko na naman ang bag ko. Isang beses na kasing nangyari na naiwan ko sa mall 'yung bag ko.
"Okay lang. Ako na muna ang magbitbit nito. Hindi naman mabigat. May kukunin ka ba rito?" Iniiwas niya ito nang akma kong kukunin mula sa kanya.
Umiiling ako. "Wala naman..." Hay nako. Hayaan na nga.
"Sir. May naka-reserba na po palang damit para kay ma'am. Paid na rin po siya. Kukunin niyo nalang po." Muling sumulpot si ate na may bitbit na box.
Flat lang ito at hindi kalakihan. Pero napaangat ang isa kong kilay nang marinig ang sinabi ni ate.
"Mother niyo po si Mrs. Renneisme? Siya po kasi ang pumili nito."
My lips formed an 'o'. Kung gano'n ay wala rin palang silbi ang pagsusukat ko kanina kasi may nakuha na pala ang mommy nitong si Drei?
I think, i'm gonna cry.
"Pwedeng patingin?" Kinuha ni Drei ang box saka kinuha ang laman. Isang puting dress ang hawak niya.
Ibinuklat niya 'yon saka siya humarap sa 'kin at ipinantay sa katawan ko ang hawak niyang dress.
He let out a sigh before looking at me.
"May nakuha na pala si mama. Ano, 'yung isa pa rin ba, o eto nalang?"
"Ahm... sir, may note rin po pala rito para sa inyo." Nakota kong may itinaas na maliit na papel si ate.
Si Drei lang ang bumasa.
Sa huli ay napailing si Andrei. Mukhang planado talaga ni tita Renne ang mga ito. Oh well, maganda rin naman itong galing sa kanya. Wrapped style ito at lagpas ng kaunti sa tuhod. Sakto lang.
Tumango-tango ako. Mas perfect 'to. Lagpas siko kasi yung sleeve niya saka sa bewang nga lang medyo fit.
"Sige na. Kunin na natin 'yan."
Ibinalik ko na kay ate saka niya inilagay sa paper bag ang damit na naka-box pa.
"Thank you, sir/ma'am."
Sabay kaming lumabas ni Drei at nagsimula nang maglakad. Palagay ko ay alas kwatro na ng hapon. Hindi na rin kasi mainit sa kalsada.
"Anong jeep ang sinasakyan mo pauwi sa inyo?" Biglang tanong ni Drei.
'Yung bag ko nasa kanya pa rin. Baka naman puwedeng iabot na niya sa 'kin?
"Pa-nuevo homes..." Mahina kong sabi. Medyo nakaramdam na 'ko ng pagod.
"Okay. Hatid na kita sa inyo."