mall

2013 Words
Keith Hindi ko alam ang sasabihin ko pabalik sa kanya. Nagtipa ako ng ire-reply pero agad ding binura. How to ask someone properly without kinda offendng them? Hindi ko alam na napahinto na rin ako sa paglalakad. Gumilid ako sa may railings dito sa loob ng mall para hindi ako masagi ng mga nakakasalubong ko. Baka sabihin pang nakaharang ako. Muli na naman akong napaisip. He can see me? I mean, what. Baka naman binibiro lang ako nitong si Andrei at masyado kong sineryoso. I crunched my nose. Ibinalik ko ang tingin sa cellphone. I guess he won't mind receiving a sticker as a reply. "Hey." "Ay palaka!" Nanlalaki ang mata kong nilingon ang biglang nagsalita sa likuran ko. Muntik ko pang mabitawan ang mga hawak kong pagkain pati cellphone ko sa biglang gulat. Maaasar na sana ako. I was about to hiss but when I saw Andrei chuckling, wala na. Biglang natunaw ang inis ko. "Hindi mo pa pala ako napansin dito. I thought you already did.'" Now I get it. Ito pala sinasabi niya sa chat. Pero bakit naman parang kasalanan ko pang hindi agad siya napansin? Siya na nga 'tong nanggulat? But, anyways, he's wearing a white hoodie with a mini animal design on it and then a cargo shorts. Ang buhok naman niya ay tila nakapush-back ngayon. Unlike yesterday, I'm not familliar with mens hairstyle but seeing his forehead hits different. Sa school kasi ay natatakpan 'yon ng kanyang buhok. Kahit ano pang ayos niya, he still look cute for me. "Nag-lunch kana?" Biglang tanong niya. Napatingin pa siya sa hawak kong french fries bago nag-angat ng tingin sa 'kin. I glanced away saka tumango. "Oo." "'Kala ko hindi pa. Tara, samahan mo nalang ako." "Wala ka bang ibang kasama?" Napatanong nalang din ako kasi baka mamaya, kasama pala niya 'yung parents niya. Well, sunday ngayon and as far as I know, it's also a famday. "Wala, kaya samahan mo 'kong kumain." Hindi ako gumalaw sa kinatayuan ko. Wala na 'kong dalang pera at tanging pamasahe pauwi nalang natitira sa wallet ko ngayon. Naisip kong tumanggi but my mind automatically says sayang lalo pa at minsan lang mangyari ang ganitong pagkakataon. "Tara na." Hindi na ako nakapag-react dahil hinawakan nalang niya bigla ang kamay ko saka hinila. Teka, ililibre ba niya ako? Hindi naman pwedeng panonoorin ko lang siyang kumain 'di ba? "Saan ba masarap kumain?" Tanong niya habang hila-hila ako. Bahagya pa itong nakalingon sa akin at inaantay ang sagot ko. But then, I realized that ny hand are being held by his, I could die. Ramdam ko ang pag-hirap sa paghinga yet I maintained a straight face. Im so good at this anyway. Ba't naman ako ang tinatanong niya tungkol sa bagay na 'yan kung siya naman ang kakain? "Huy." He snapped his fingers infront of my face saka lang ako napatingin sa kanya kaso agad ding nag-iwas kasi hindi ko kinakaya 'yung mga tingin niya. "Depende sa 'yo." Simpleng saad ko saka pasimpleng tinapunan siya ng tingin and I saw him frowning. Medyo nagkakapantay na ang lakad namin dahil bahagya siyang bumagal. "Ililibre kita, ayaw mo? Kaya tinanong kita, baka kasi may gusto kang kainin ngayon." Malumanay niyang sabi. "Wala akong maisip." Kasi nga kauubos ko lang din ng french fries ko. "Are you sure? baka nahihiya ka lang magsabi? Halos mapanganga ako sa sinabi niya. Ngayon niya lang ba na-realize 'yan? Feeling ko nga masyado na kaming close sa isa't-isa. "Nahihiya ka?" Tanong pa niya ulit. "Hindi naman." Oo nga, malamang mahihiya ako. "Bakit ka nahihiya? Ako lang 'to." Dagdag pa niya saka tumawa. Hindi ko rin napigilang ngumiti. I often hear that phrase from my friends. "Tara na nga. Gusto mo sa Bonchon?" Yup, favorite ko 'yung chicken nila. I like my food sweet. I love sweets. "Hindi ka na naman sumasagot." His voice changed into a kind of a sad tone? I don't know but when I turned my face to him, he's frowning again. "Ha?" "Okay lang ba na sa Bonchon tayo kako?" "Oo naman." I said and his face brightened up. Napataas saglit ang kilay ko. Ang saya naman niya, well sabagay, sino ba naman ang hindi matutuwa kapag kakain na tapos manok sa Bonchon ang ulam. Sabay kaming pumasok sa restaurant at naghanap ng mauupuan. Sa pinakagilid ang napili namin na katabi ng glasswall. Oo nga pala, bigla kong naalala na mahal din ang mga pagkain dito. Nakakahiya rin kasi, ililibre pa niya raw ako. Tila nabasa niya ang nasa isip ko dahil bigla siyang nagsalita sa harap ko. "Anong sa 'yo? Order ka lang, ako naman ang magbabayad. Saka 'wag ka mahiya pagkain naman 'to." Sinabi niya iyon nang hindi nakatingin sa akin. Nakayuko siya habang ang isang braso ay nakapatong sa mesa at ang isa namang kamay ay nakahawak sa menu. "Hindi naman ako nahihiya." Mahinang sabi ko pero narinig parin niya. "Hindi raw." I saw him smirked. "E, ba't halos hindi ka na magsalita riyan?" Anong gusto niyang gawin ko? Ikwento bigla sa kanya ang talambuhay ko o kantahan siya ng nursery rhymes? Kahit naman noong nagpa-practice kami ng sayaw niya ay hindi naman ako madaldal! Mas pinili ko nalang ang hindi sumagot dahil nauubos ang pasensya ko. Kasi naman, parang nang-aasar lang siya. Although, i'd love to see him smirk again. Despite loving the chicken in this restaurant, sa totoo lang ay hindi ko alam ang tawag sa mga dishes nila dito. Isang beses pa lang kasi akong nakakain dito and it's because of tito Ben and tIta Nami. Isinama nila ako sa galaan nila tapos naisipang kumain dito. That's when I fell inlove with the best chicken for me. "Gusto mo ng chicken at japchae?" Biglang tanong niya. Napatingin din tuloy ako at hinanap agad sa menu na hawak ko ang sinasabi niya. "Sige." Simpleng saad ko. Chicken lang naman ang gusto ko actually. Haha. But ofcourse, kung ano ang nandiyan ay 'yon nalang din. Maya-maya ay sinabi niya rin ang kanyang order sa waiter. Saka kami naiwang dalawa rito na magkaharap. Nakatingin ako sa labas ng glasswall nang may makita akong aso. I think it's a mix breed kasi maliit din unlike shi tzu. Unang tingin pa lang, halatang babae ito dahil sa kulay ng harness, leash at ribbon sa maliit nitong ulo. Nakaupo ito sa sahig habang ang amo siguro nito ay may kausap. My eyes glistened with joy and adore. Naalala ko na naman tuloy ang plano kong mag-adopt ng maraming aso sa future kapag may sarili na 'kong bahay. "Cute." Saglit kong tinapunan ng tingin si Dre na nakatingin din pala sa aso. "Kaso mas gusto ko pa rin sa mga pusa. Maingay kasi yung aso, minsan." Dagdag pa niya na agad kong ikinasimagot. "Mas maingay 'yung pusa." I retorted. Totoo naman 'di ba. 'Yung kapit-bahay namin ay may tatlo atang pusa. Hindi ko alam kung ilan basta sa tuwing gabi ay ang iingay! Tapos maya-maya sa may gilid, may mga tae na sobrang baho. Hindi ko alam kung inaalagaan ba nila 'yon, o ano kasi hinahayaan lang naman sa labas. "Gano'n din naman sa aso." Nang tignan ko ulit si Dre ay nakapatong na ang kanyang baba sa isa kamay. Nakasandal siya sa ibabaw ng mesa habang nakataas ang isang kilay sa akin. What's that behavior? Gusto niya ba talagang makipag-debate? Dogs are smart! "Unlike cats na hindi marunong sumunod sa amo." "Hindi ko naman kailangang utusan ang mga pusa." "Whatever." Iniwas ko nalang ulit ang tingin sa kanya. Hindi ko dapat siya inaaway dahil nilibre niya ko ng pagkain ngayon. Kaso, napikon talaga ako sa mga sinabi niya. Siya rin naman nag-umpisa. Narinig ko siyang tumawa kaya pasimple ko siyang tinapunan ng tingin. Nakasandal na ulit siya sa upuan. Nakita ko na naman tuloy ang naniningkit niyang mga mata. "May aso ka 'no?" Tanong niya. Sadly, "Wala, kasi wala rin namang magbabantay saka magpapakain kapag wala ako sa bahay." Sa future talaga. Sisiguraduhin kong magmumukang dog place ang bahay ko. "But you love dogs." He stated as a matter of fact. "Ikaw? May alagang pusa ka?" Tanong ko pabalik. Sunod-sunod siyang tumango. "Yup, kaso isa lang." Nakangiting saad niya. Ba't parang hindi pa siya kuntento sa isa? "May aso si Lenard. Hindi mo lang siguro nakita no'ng pumunta tayo sa kanila kasi nasa kwarto niya." Sayang. "Talaga?" "Oo, may breed din 'yon e. Maltese ata, basta 'yung full white yung coat." Halos mapanga-nga ako sa sinabi niya. "Ang mahal din ng maltese. Kapag dito sa bansa natin binili, siguro nasa 50k-100k ang presyo. Tapos kapag galing sa ibang bansa, 100k-500k naman." Nakatingin pa rin ako sa labas. Nagtaka ako nang hindi agad nakasagot si Dre. Was I being talkative? I faced him again and when our eyes met, I see some amusement in his eyes. I c****d my head when I saw his reaction. Nag-baba siya ng tingin matapos ang ilang segundo. Im sure namalikmata lang ako kaya ipinagsawalang bahala ko na lamang ang nakita. Matapon no'n ay nanahimik na sa pwesto namin hanggang sa dumating ang ini-order na pagkain. Tahimik lang din namin iyong tinapos. "Tara na?" Sabi niya matapos ang ilang minutong pamamahinga. Tapos na rin niyang bayaran ang kinain namin. Tumango na lang ako saka kami sabay na tumayo. "May iba ka pa bang pupuntahan?" "Wala naman na. Ikaw ba?" Sabi ko. Kaso parang ayaw ko pang umuwi. Nasa bahay kasi si mama at mainit ang ulo sa 'kin no'n panigurado. Alas-dos na rin ng hapon. Ayos lang naman kung uuwi na itong si Dre. "Hindi ka pa ba hinahanap sa inyo?" Tanong niya pa ulot na tila naninigurado. "Heh. Never gonna happen." Huli na para bawiin ko ang nasabi. Gusto ko tuloy iuntog saglit ang ulo ko. Ngunit wala namang ibang reaksyon si Andrei kaya kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag. Baka kasi kung anong isipin niya. "Tara." Walang ano-anong hinili niya ang kamay ko. Muli ay nablangko ang isip ko at napatitig nalang sa malapad niyang kamay na nakahawak sa akin. It's warm. Hindi ko tuloy maiwasang mag-imagine ng mga senaryo kasama siya! So he's the type of guy na mahilig manghila? Teka, ayas ba niya sa palad ko na mismo humawak? Biglang uminit ang magkabilang tenga ko! Okay lang naman sigurong humarot ng slight. Ako lang naman ang makakaalam. Saka ngayon lang 'to 'no! Kapag natapos namin ang performance task niya, i'm sure babalik na kami sa normal, like schoolmates 'di ba. Ang alam ko lumabas kami ng mall, ngayo ay bigla namang kaming huminto. Nang mag-angat ako ng tingin ay nasa waiting shed na kami. Teka, saan niya 'ko balak isama? Magtatanong na sana ako nang bigla siyang pumara ng jeep. Hindi ko nakita ang nakasulat sa karatula kaya hindi ko alam kung saan ba kami tutungo. Bigla na naman niya kasi akong hinila at pinaunang sumakay sa jeep. Hay. Buti nalang hindi puno. Ang cute din kasi may maliit na pintuan itong jeep. Safe siya sa may mga batang kasama. Sa bungad lang din ako naupo at sa harap ko naman si Dre. Nang magtama ang tingin namin ay sabay kaming umiwas. "Saan tayo?" Tanong ko na muntik ko pang kalimutan. Gusto pala niya gumala, tapos kasama pa ako? Okay lang. Aminado naman akong gusto ko rin kaso kinakabahan ako ng slight. "Sa Rosetta." Nangunot ang noo ko. Sa'n yun? "Bayad ho, makikisuyo." Nag-abot siya ng bayad. "Saan 'to?" "Shakey's po, dalawa." Lalo akong nagtaka. Wala akong ideya sa mga lugar na binanggit niya. Ano namang gagawin namin sa shakey's? Saka kung may bibilhin siya ro'n, ba't naman lalayo pa kami e, mayro'ng shakey's sa loob ng mall kanina? Nangangati na 'kong magtanong kaso naisip kong antayin nalang na makababa kami or what. Hindi rin kasi nagsasabi ng buong details itong si Andrei. Bahala na. Hindi naman siguro ako nito liligawin pero kung liligawan niya ako, baka pwede kong pag-isipan. Gusto kong sampalin ang sarili sa mga naiisip. Gan'to na ba ang epekto ng lalaking 'to sa akin? Malala na ba ako? Ilang araw palang no'ng una kaming nag-usap ha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD