i see u

2277 Words
Keith "Okay na ba kayong dalawa diyan?" Nilingon kami ni tita Rennei dito sa likuran. Umaandar na ang sasakyan at palabas na ng subdivision. "Yes." Maiksing sagot ni Andrei. Nakatingin lang siya sa bintana na nasa gilid niya. At ang tanging maririnig lang dito sa sasakyan ay ang mahinang tugtog mula sa radyo at paminsan-minsang pag-uusap ng mag-asawa sa harap. "Keith iha, ikaw ba 'tong sinasabi 'Drei na partner niya sa waltz performance niya?" Maya-maya'y tanong ni Tita Rennei. Napatingin bigla sa harapan si Andrei. Pareho naming hindi inaasahan ang tanong ng mom niya. Napatingin pa 'ko sa katabi ko dahil hindi ko alam ang isasagot, kahit na totoo naman ang hinala ng ginang. "Siya 'yon ma. Bakit?" "Wala lang. Just asking." "Ma-" Nakita ko ang pagsimangot ni Andrei nang putulin ni tita ang iba pa niyang sasabihin. "Anyway, may kapatid ka ba, Keith?" Mahinhin lang ang boses nito at malumanay kapag nakikipag-usap. "Mero'n po. 11 years old." "Oh, is he a boy?" "Opo." Nakita ko ang pagtango ng ginang. "How about your parents? Nasa bahay ba ngayon ang mom mo?" "May trabaho po..." "And your dad?" Sunod na tanong niya. I was taken back with the question. I was never prepared to answer this kind of question although, I'm always asked the same. "Hindi ko po alam..." Napalabi ako. Okay lang naman sa akin na tanungin tungkol sa gano'ng bagay, ang kaso lang ay, hindi ko alam ang tamang isasagot. "Hiwalay po sila ni mama 'e." Nasabi ko nalang. "Oh... so, kapatid mo lang ang nasa bahay niyo ngayon?" Napansin ko ang biglang pagbago ng boses ni tita. Tila nag-iba rin ang mood sa loob ng sasakyan pero hindi ko na pinansin. Palagi namang ganito kapag napag-uusapan ang pamilya namin. "Opo..." "Hmmkay. So kayo ni Andrei ba, is classmates, or you two are in a different classes?" "Magka-iba kami ng section, ma." Si Andrei na ang sumagot. Para ngang naririndi na siya. Probably because of his mom asking questions. Ayos lang naman, Tita Rennei's keeping the atmosphere inside the car a little lively. Kesa naman sa sobrang tahimik lang dito. It's not like Andrei and I, will have a conversation, 'di ba? Saka, naiilang at nahihiya pa rin talaga ako sa kanya 'no. "Well, I know na hindi pa kayo nakakapag-film ng video" Tita Rennei said, still looking on the road. "Andrei, you told me na ikaw na ang bahala sa editing and such related to the video... Paano naman ang gown and suit ninyo?" She added. Hindi ko maiwasang mapatingin sa katabi ko. Sa pagkakatanda ko, rerenta kami sa parehong botique na hiniraman nila Lenard ng costumes. "What, gown? Dress lang ang attire para sa babae, ma. Gano'n lahat ang suot ng mga babae kong kaklase." "Bakit naman? Hindi ba't ball dance ang performance ninyo?" "Yes, pero masyadong engrande ang gown. Hindi naman kami aattend ng isang malaking event." "And so? Mas engrande, mas maganda! Ay nako, anak. Kasama sa criteria 'yan." "Kaya nga. Kami nalang ni Keith ang pipili ng susuotin namin do'n." "Okay, kailan ba? Sasama ako." "Tuwing weekend lang kami free dahil may pasok sa weekdays. Kami na ngang bahala, ma." Habang nag-uusap si Andrei at ang mommy niya ay tahimik lang akong nakikinig habang sa bintana nakatingin. Gano'n din si tito Andrius na tahimik lang na nagda-drive. "Hindi puwede. Pa'no kapag hindi terno ang suot ninyong dalawa? Aba, hindi bagay 'yon." Tita Rennei just sounded like nagging. Nakita ko mula sa gilid ko ang pagpatong ni Andrei ng kanyang braso sa bintanang nasa gilid saka napahilot na lamang sa sentido. "Waltz dance 'yun ma. Hindi namin kailangan ng mahaba at mabigat na suot." "I know." Maiksing sagot ni tita. I glanced at Dre who let out a sigh. Madilim na sa labas at sa dinaraanan namin. Napalabi ako. Ngayon ko lang na-realize na nasa iisang space kami ni Andrei at nang parents niya. While listening to their conversation, they seemed to be very close. Lalo na silang dalawa ng mommy niya. Although, si Andrei is mukang nakukulitan sa mom niya, pero kapag kausap naman niya ito ay malumanay ang boses. Hindi pasigaw. Saka, mukang namana niya mula sa mommy niya ang maputlang balat. Ngayon ko lang din nasabi na, ang mga mata niya-na agaw atensyon lalo na sa t'wing ngingiti ito, ay sa mom niya rin namana. Si tito Andrius kasi, katamtaman lang ang kulay ng balat pero sa kanya nga nakuha ni Andrei ang katangkaran, and oh, those broad shoulders. 'Pag nag-mature pa siguro itong si Andrei, malapad din ang likuran. I bit the inside of my cheeks to keep me from smiling. Ewan ko ba. Hindi ko na rin talaga alam ang nangyayari sa'kin. Nakita ko ang pagpasok ng sasakyan sa subdivision kaya tinuro ko kay Tito Andrius ang kanto paliko sa bahay namin. Nang makaparada sa gilid at tapat ng aming bahay ay saka ako bumaba ng sasakyan. Andrei opened the door for me, nahiya pa nga ako. Samantala, ang parents niya ay nakasilip lang sa bintana. "Salamat po sa paghatid." "Wala 'yon, iha. Sige na, pumasok ka na sa inyo." Tita Rennei gave me her warm smile. Kay Andrei naman ako humarap na nanatili sa tabi ng sasakyan. Nginitian nalang din niya ako at itinaas ang cellphone na hawak bago pumasok sa loob ng kotse nila. Tinanaw ko hanggang sa mawala sa paningin ko ang kanilang sasakyan saka binuksan ang gate namin. Napansin ko ang nakasiksik ng envelope sa gilid kaya kinuha ko ito at dinala papasok ng bahay. Bills pala. Nadatnan ko si Klaus sa lumang sofa namin na nanonood ng TV. Nakita kong dumapo ang tingin nito sa akin pero walang ibang sinabi at itinuloy lang ang panonood. Yes, it's not unusual for me. Dumiretso ako sa kwarto para magbihis saka dumiretso sa maliit naming kusina para kumuha ng pagkain. Akala ko nga walang ulam kasi wala namang nakapatong sa lamesa. 'Yun pala, nasa loob lang din ng kaldero ang mangkok na pinaglagyan ng pritong talong. Lutong bahay pero sa labas binili. Tahimik akong naupo sa tapat ng mesa saka nag-umpisang kumain. Nakatalikod sa direksyon ko si Klaus. He's watching some documentaries. Kumain naman ako sa bahay nila Tito Ben pero nagutom yata ako sa byahe pauwi. "Klaus." I said casually. Sa totoo lang hindi ko alam kung nagkaroon ba kami ng usapan like what other siblings do. We grew up like this, parang hindi na mababago 'yon. He turned his body to look into my direction and he's giving me a mixed what?-and-blank look on his face. Itinaas ko ang tupperware na pinadala ni tita Nami na may laman na mga pagkain. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa hawak ko at sa akin. Saka siya dahan-dahang tumango at binalik ang tingin sa TV na nasa harap. Akala ko ay wala siyang balak kumain or hinihintay lang na umalis ako rito, but after a few minutes, he stood up and walked to the kitchen na nasa likuran ko lamang. Narinig kong bumukas ang gripo, sunod ay ang tunog ng plato at kutsara. The next thing I knew, he's sitting in the same table with me. Pa-square ang mesa at sa kanan siya pumwesto. Not exactly beside me pero sa kanan. We silently finished our food. Nauna akong natapos pero hindi ako umalis sa upuan ko. Ako na sana ang maghuhigas ng pinagkainan namin kaso... "Ako nalang ang maghuhugas ng plato." He said without looking at me. Ilang segundo akong hindi nakagalaw, I was also watching his moves pero sa TV at sa plato niya lang siya tumitingin. Tahimik akong tumayo saka pumasok na lamang sa kwarto ko. Humilata agad ako sa kama, naramdaman ko pa ang pagsakit ng likuran ko. Man, I'm so tired. Kinuha ko ang cellphone ko sa paanan ng kama ko. Naisipan kong mag-browse sa social media accounts ko. Naalala kong pinapa-chat pala ako ni tito Ben kapag nakauwi na. Me: Tito, nandito na po 'ko sa bahay. Ngayon lang nakapag-chat I tapped the send button after adding some emoticons and emoji to that message. Hindi ko na rin inantay pang magreply siya. Hindi rin naman kasi online, siguro nagliligpit na 'yon sa bahay nila. Also, I'm dying to chat my friends. Gusto kong ikuwento sa groupchat namin ang nangyari sa araw ko ngayon but, that'll be a long-long conversation. Gusto ko, pero wala akong energy na dumaldal kahit pa sa chat lang. Kapag sa monday naman, paano ko maikukwento, e lagi na ata naming kasabay ang magkakaibigan na sila Andrei at ilan naming kaklase na kaibigan din niya, saka paniguradong aasarin ako ng mga 'yon. Napahikab ako. Pero teka, ba't naman nila ako aasarin? They don't know about my still-developing feelings on Andrei, sa madaling salita, hindi naman nila alam na medyo crush ko ang lalaking 'yon. Ah, bahala na. Depende nalang siguro sa mood ko sa lunes. Sunday bukas. Paniguradong buong araw lang akong nakahiga dito sa kwarto ko. Tho, it's okay, mahaba-habang pahinga rin 'yon. KINABUKASAN ng magising ako, pakiramdam ko ay pagod ako kahit na mahaba naman ang tulog ko. Alas tres na ata ng madaling araw ako nakatulog kanina. Tapos ngayon, pasado alas dose na ng tanghali. Ramdam ko na rin ang gutom kaya lumabas ako ng kwarto. Naabutan ko pa si mama na papasok ng kanyang kwarto pero hindi na niya ako napansin. Siguro katatapos niya lang din kumain. Nakita ko ang adobo na nasa tupperwear, isa 'yon sa mga pinadala ni tita Nami kahapon. Hindi na ako magtataka kung bakit hindi pa 'to ubos. E, ang dami ngang luto na handa roon sa kanila diba, saka tatatlo lang naman kami rito sa bahay. Since iisang laman nalang naman ang nasa lagayan, ito na rin ang ginawa kong plato para hindi na dagdag pa sa hugasin. Habang ngumunguya, iniisip ko ang mga gagawin ko ngayong araw. Tapos naman na ang mga assignment ko, at hindi naman makalat ang kwarto ko para linisin pa. Naisip ko ang librong binabasa ko na hindi ko pa natatapos. I sighed. I don't feel like reading today. "SAAN ka pupunta?" Natigil ako sa ginagawa kong pagsusuot ng sapatos. Nasa likuran ko si mama, salubong ang kilay na nakatingin sa 'kin. "Saglit lang 'ma. May bibilhin lang." I'm wearing my usual black leggings at Tshirt. Naisipan ko kasing mag-mall. Wala naman akong importanteng bibilhin. Ayoko lang talaga dito sa bahay. "Saan?" Mariin na tanong nito. "Sa SM." Maiksing sabi ko. Tapos na akong mag-ayos ng sapatos ko, aalis na sana kaso si mama. My lips formed a thin line. "Aalis ka ng bahay? 'yung mga kalat rito hindi manlang mabawas-bawasan tapos puro ka lakwatsa?!" Mariin akong napapikit. Nakayuko ako kaya hindi 'yon nakita ni mama. Katatapos ko lang maglinis no'ng nakaraan. Ako naman lagi ang gumagawa ng mga bagay pagdating sa paglilinis ng bahay. Pero ngayon, hindi ko alam, pero parang binibigyan niya lang ako ng dahilan para hindi makaalis. One of the reason why I don't like being here kapag ganitong walang pasok at walang ginagawa. "Kalilinis ko lang no'ng huling sabado, ma." Mahinahong sabi ko. Salubong pa rin ang kilay nitong tila hinihintay ang sunod kong gagawin. "Aba, kailan pa 'yon? Hindi naman nawawala ang mga kalat! Baka naman may kikitain kang kung sino diyan sa labas? May boypren ka na ba, ha?" Mahabang litanya niya. Napahinga ako ng malalim. Ayoko namang makipag-taasan ng boses kay mama. Pero naubusan na 'ko ng isasagot. Pa'no naman pumasok sa isip niya na may boyfriend ako? Saglit na nangunot ang noo ko. I can't believe this. "May bibilhin lang akong gamit sa school." Hindi na ako nag-antay na makapag-salita pa si mama at dali-daling lumabas ng bahay. Hindi naman sa pagiging bastos at walang respeto, pero hahaba lang ang usapan hanggang sa lumakas ang boses niya habang kausap ako. Gano'n naman lagi. Nakakahiya na nga sa kapit-bahay namin. Kahit hindi ko napapansin o nakikita, alam kong napagchi-chismisan na rin kami. Ano pa nga ba ang magagawa ko. I can't control people's mind. Nang makarating sa mall, nagtake-out ako ng dalawang large na french fries saka ko kinain habang nag-iikot sa loob. Hindi nalang ako dadaan sa book store. Naibili ko na ng pagkain ang kalahati ng dala kong pera. I decided to browse my messenger while still walking. Mabagal naman ako maglakad saka wala naman sigurong bubunggo sa akin lalo pa't nasa gilid na 'ko. Nakita ko pang online rin si Andrei. Magkausap lang din kami kagabi. We were okay kapag sa phone nag-uusap. Casual lang pero kapag personal ay hindi ko maiwasang mailang sa kanya. Or was it just me? Tahimik ang groupchat naming magkakaibigan. Probably because it's sunday and rest day. Paniguradong mamayang gabi pa mag-iingay ang mga 'to. Napatigil ako sa pag-nguya. Nagpop-up ang pangalan ni Andrei sa itaas ng screen kaya agad ko itong binuksan. Ano naman kaya ang pakay nito? Andrei sent you a sticker My mouth unconsiously formed a smile. He sent me a frog sticker. A frog saying 'hi'. Parang gusto kong matawa. I don't know but I find it cute. Gandang bungad ha. Bilang reply, nag-send din ako ng Dog sticker. A dog wagging its tail. Kagigising mo lang? Nangunot ang noo ko. What makes him think that? Ala-una na kaya! Well, sabagay, alas-dose na rin ako nagising kanina. Hindi. Nasa mall ako. Agad kong sinend sa kanya ang reply ko na agad din naman niyang sineen. Wow. Hindi siya busy. I see. I see you. Lalong nangunot ang noo ko. Ano daw? Nakikita niya ako? I tilted my head when I remembered something. Totoo kaya 'yung sinasabi nilang may nakamasid sa 'yo using the camera of your phone? Don't tell me hacker itong si Andrei...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD