Keith
"Spaghetti." Agad na sagot ko.
The next thing I knew, nagsasandok na siya ng spaghetti saka naglagay sa plato ko. Mukang balak pa nga niyang punuin ang plato ko sa dami ng sandok na inilagay niya, kaya bago pa siya ulit kumuha, hinawakan ko na ang braso niya para pigilan.
"Okay na. Konti lang dapat..." He kinda twitched and looked at my hand on his arms. Tinanggal ko rin ang kamay ko sa kanya.
"Okay, ano pa? Pizza, gusto mo?"
"H-hindi na." Sunod-sunod akong umiling. Hay nako, para ngang hindi ko mauubos ang nasa plato ko tapos balak niya pa dagdagan?
Magkaiba naman kasi ang tiyan ng mga lalaki at babae. ಥ‿ಥ I mean, malakas din naman ako kumain kapag gutom na gutom talaga, pero nakakalula ang mga nasa harap naming mga pagkain.
"Sige. Sabihin mo lang 'pag may ipapakuha ka." Then, I saw him glanced at Asta who's sitting on my lap, silently touching the edge of the table.
Pagkatapos no'n ay nagsimula na kaming kumain. Nakita ko pa ang pasimpleng papalit-palit na tingin ni Lenard sa 'min ng katabi ko pero hindi ko na pinansin.
Nahihirapan din ako sumubo ng kutsara dahil nasa pagitan namin ng lamesa si Asta. Medyo nagwo-worry pa 'ko dahil baka malaglagan siya ng carbonara sa ulo. (~_~メ)
After a couple of minutes, tapos na silang kumain. Nakita kong wala ng laman ang plato ng dalawa. Habang may konti pang natitira sa plato ko. And i'm telling you, napipilitan nalang akong ubusin ang nasa plato ko.
Si Asta ay tahimik pa rin sa lap ko. Nilalaro na nga ni Andrei ang kamay niya kaya paminsan-minsang tumatawa ang bata.
"Asta..." Andrei's voice changed into a soft one. Para rin siyang nagbe-baby talk.
"Ilang taon na siya?" Tanong ni Andrei ng hindi inaalis ang tingin kay Asta.
"One and a half year."
"Para na kayong magkapatid." Lenard said. Pertaining to Asta and me.
"Oo..." Sabi ko na lamang. Although, we are cousins but can be siblings too. Hehe
"Amina siya. Para maubos mo ang pagkain mo." Hindi na ako nakatanggi kay Andrei dahil hinawakan na niya sa magkabilang kili-kili si Asta saka binuhat.
Inayos ko pa ang nataas na dami ni Asta saka naisipang ituloy ang pag-ubos sa spaghetti. Pagkatapos, iniligpit ko na ang pinagkainan namin at hinugasan sa lababo. Nag-volunteer pa nga si Lenard na tumulong pero hindi ako pumayag. Hinayaan ko nalang silang dalawa na libangin si Asta.
"Nakatulog siya." Sabi ni Andrei nang makalapit ako. Nakapatong na ang ulo ni Asta sa balikat nito habang naka-alalay ang isa niyang kamay sa likod ng bata. He surely knows how to carry a kid.
Tulog mantika rin talaga ang batang 'to.
"Ah, dalhin nalang natin sa kwarto." Sabi ko. Nilingon ko si Lenard para sabihin sana na maiwan muna siya saglit sa lamesa. Tinanguan nalang niya kami saka yumuko sa cellphone nito. Mabuti naman at nawala na ang hiya niya.
Dahan-dahan ang ginawang pagtayo ni Andrei dahil baka magalaw at magising si Asta. Nakita ko pa ang paglingon ni Tita Nami sa direksyon namin at tila nagulat pa ng makitang natutulog na naman ang bata. Ngumiti na lang ito nang senyasan kong dadalhin namin siya sa kwarto.
Sa kwarto rito sa kusina kung saan din kami natulog kanina. Binuksan ko ang pinto at ilaw saka hinayaang pumasok si Andrei, karga si Asta.
Nakita ko pa ang paggalaw ni Asta nang mailapag, pero tuluyan ding bumalik sa pagtulog. Saka ako lumapit para palibutan siya ng mga unan para hindi magpa-gulong-gulong. Malawak naman ang kama pero mas maigi ng sure.
"Tara na." Pabulong kong sabi dahil nauna akong dumiretso sa may pintuan.
Bumalik ako sa dining table at naupo. Kaharap pa din si Lenard na busy na sa cellphone. Sumunod si Andrei na naupo ulit sa tabi ko.
"Pa-send nalang ng video kanina sa ig ko, p're."
"Oo, mamaya sa bahay 'pag nailipat ko na."
Binuksan ko na rin ang cellphone ko. Natahimik sa mesa namin at ang maririnig lang ay ang kwentuhan nila tita sa living area.
Nag-online ako at unang-una kong nakita ang pangalan ni Ragen sa chat box ko.
Oo nga pala! Gusto niyang makisabay sa amin na mag-video. 'Di ba, pinagagawa nalang siya ni ma'am ng character portrayal mula sa isang literature. Hala, hindi ko alam ang ire-reply ko.
Binuksan ko ang chat niya.
Ragen:
Nasa'n na kayo?HAHAHA tinatamad ako ngayon, e ang daming mga pinagagawa rito sa bahay. Natuloy ba kayo ni Andrei?
Medyo nakahinga ako ng maluwag. Akala ko, naghihintay siya sa tapat ng school— sa 7/11 dahil do'n ang usapan sana namin na meet-up.
Nireplyan ko ang kaibigan pero hindi ko na ibinigay pa ang ibang detalye tulad ng hindi inaasahang pagkikita namin ni Andrei rito sa bahay pa talaga nila tito.
I tilted my head with the thoughts. That's kinda weird.
Nang mai-send ko ang reply kay Ragen, saka ko binuksan ang message ni Tita Nami. I'm a little bit of confused with the message dahil nasa iisang lugar lang naman kami ngayon, but it turns out that it was our photos earlier.
The group photo with his parents and my family, too.
Tatlong kuha 'yon at isa-isa kong ivinew. I saved the last one, which I was there in the photo at syempre nasa litrato rin ang lalaking katabi ko.
Saka ko naisip na baka gusto niya ring kumuha ng kopya ng picture kanina. Nagtatalo pa kami ng isip ko kung isesend ko nalang ba sa kanya o tatanungin ko muna siya ngayon.
Ang ginawa ko nalang ay sinend ko ang picture sa kanya since nakita kong online naman siya at bago pa man mag-appear sa phone niya ang notification...
"Sinend ko sa 'yo yung picture kanina." Sabi ko sa katabi ko, kasabay ng pagtunog ng notification sound mula sa phone niya.
Nakita kong napa-angat ng tingin si si Lenard sa amin. He has this big question mark on his face. "Anong picture, drei?" Hindi na napigilan nitong tanong.
The man beside silently showed his phone to Lenard. The latter formed his lips into an 'O' saka tango-tangong pinanliitan kami ng mata. Hindi na 'yon nakita ni Andrei since nakatingin na ulit siya sa cellphone niya.
Naikunot ko nalang ang noo ko at napataas ang dalawang kilay sa lalaking kaharap. He's giving us a malicious grin saka umiling nalang nang makita akong nakatingin sa kanya at itinuon muli ang atensyon sa cellphone.
Around 6pm when we heard the adults bidding their goodbyes. Napalingon kaming tatlo rito sa dining kina tito at parents ni Andrei na nagsitayuan sa kani-kanilang inuupuan.
"Andrei, let's go. Lenard should go home, too. Baka dumating na rin ang parents mo." Tita Rennei said.
Napatayo nalang din kami saka lumapit sa pwesto nila.
"Osiya, sa susunod ulit. Ihahatid ko rin itong pamangkin ko pauwi sa kanila."
"Oo naman, salamat sa pag-imbita."
"Saan ba ang address ni Keith? Puwede naman namin siyang isabay nalang sa sasakyan." Halos manlaki ang mga mata ko sa suhestiyon ng mommy ni Andrei.
"Hindi na. Sa Nuevo Homes lang naman. Malapit lang." Sabi pa ni tito na nasa tabi ko.
"I know that subdivision. Sige na, isasabay nalang namin si Keith pauwi. Tulungan mo nalang si misis dito sa bahay kesa naman maiwan rito." Dagdag pa ng daddy naman ni Andrei.
Jusmiyo, ano na itong mga nangyayari sa paligid ko.
"Hindi ba't magkaiba ng direksyon ang uuwian ninyo?" Tanong pa ni tito. Oo nga. Kaya nga madalas na kasabay namin sila Andrei at mga kaibigan niya kapag pauwi na 'di ba?
Kami lang naman ni Reynalyn ang talagang napapasabay kasi 'yung pinaka-terminal nga ng jeep ay sabihin na nating nasa west, at ang daan papunta sa subdivision namin ay sa east.
"You don't have to worry. Hindi naman sayang 'yan sa gas." Natatawa nalang na sabi ni Tita Rennei.
"Right, hon. Keith will be okay there, 'di ba?" Saka lumingon sa akin si tita Nami saka ngumiti. Ano pa ba ang iba kong maisasagot kundi ang tango lang.
"Okay, that's settled then? Halika na, Lenard, Andrei."
Nauna ng lumabas ang mag-asawa at 'yung dalawang magkaibigan na inihatid pa ni tita Nami hanggang sa makalabas. Nagpahuli ako dahil 'yung bag ko nasa kwarto pa kaya agad akong nagtungo ro'n.
Si Tito Ben naman ay nasa pinto pa, parang inaantay ako kaya ng makalapit ako, sabay kaming lumabas hanggang sa may gate. Do'n ko nakita ang kulay gray na fortuner. Nasa loob na ng kotse sina Tito Andrius at Tita Rennei— parents ni Andrei.
Habang nasa labas pa ang dalawang magkaibigan.
"Mauna na po ako. Happy birthday at thank you po sa pakain." Nahihiyang ngumiti si Lenard kina tito at tita.
"No problem. Ingat pauwi." Nginitian siya ni Tita Nami saka naglakad palayo si Lenard.
Nakita kong binuksan ni Andrei ang pintuan sa backseat car.
"Sige na, Keith, kinuha mo na ba sa mesa 'yung paperbag? Wala ka na bang ibang nakalimutan?" Tanong ni tita sa akin. Nakaakbay na sa kanya si tito.
Itinaas ko ang hawak na paperbag kung saan nakalagay ang ilang tupperwear ng pagkain.
"Sige na, ingat kayo pauwi. Mag-chat ka nalang 'pag naka-uwi ka na." Binigyan ako ni tito ng isang tango kaya naglakad na 'ko palapit kay Andrei na nag-aantay saka pumasok sa loob ng sasakyan nila saka siya sumunod sa akin at isinara ang pinto ng kotse.