Spaghetti

2418 Words
Keith "Ano nang plano ninyo?" Nakapameywang na naman si Lenard. Hawak niya sa isang kamay ang cellphone niya. Nagpapatugtog kasi siya gamit yung dala-dala niya na mini speaker. "Teka saglit. Naghahanap ako ng steps sa youtube." Nakaupo ako sa mababang wall na nakapalibot sa gazebo. 'Di kalayuan sa 'kin nakapatong ang mini speaker ni Lenard na kpop ang tugtog. He's just playing some random songs pero ang una niyang pinatugtog kanina ay kanta raw ng Twice. Then, he asked me if I'm into kpop, and I said no. I know some groups and their songs but nah. Ang mga kaibigan ko, sila Trisha ang talagang mahilig. Ayon nga ang madalas nilang pinag-uusapan habang naglalakad pauwi. "Pwede niyo naman panoorin 'yung sa 'min ni Cheska." Lenard suggested. I see, nakapagpasa na pala siya. "Hindi pwede 'yon." "Ah, oo nga." "Pa-connect nga 'ko. Mamaya ka na magpatugtog ng kpop na 'yan." Tahimik ko lang na pinanonood ang dalawa. May kung anong ginagawa si Andrei sa phone niya habang si Lenard naman ay tila sumasayaw. It's just his hands that are moving pero ang katawan nito ay nakasandal lang. "Teka. Patapusin muna natin 'yung kanta." Sagot nung isa. Naibaba nalang ni Drei ang phone niya saka napahinga ng malalim. "Ano pala background music niyo?" Lenard asked. "Secret." "Parang ewan naman 'to. Nagtatanong ng maayos e." Tila asar na sabi pa ni Lenard saka biglang namatay ang tunog mula sa speaker. "Mag-practice na nga kayo diyan. Do'n lang muna 'ko" Sinundan ko ng tingin si Lenard na papunta sa park. Katapat lamang ng pwesto namin pero tatawid pa ng kalsada. Nag-away ba ang dalawa? Akala ko nga uuwi na si Lenard nang maglakad siya papalayo sa 'min. Bumalik ang tingin ko kay Andrei na kalmado paring nakatayo. "Hayaan mo siya." Lumapit siya at naupo sa tabi ko dahilan para maputol ang paghinga ko. "Gan'to muna 'yung gagawin natin sa simula. Isa-isahin natin hanggang sa makabisado." He showed me his phone at may naka-play do'n na video clip sample ng ball dance. Oh, okay. "Mukang madali." Mahinang sabi ko. Narinig niya 'yon dahil katabi ko lang siya at walang space sa pagitan namin. Yes, buhay pa naman ako. Nakita ko ang pagngisi niya saka tumayo at pumunta sa harap ko. "Sige nga." Naghahamon na sabi niya, then flashed his usual smile and offered his hand infront of me. Ang isang kamay niya ay nakahawak na sa dibdib. "Shall we dance?" I swear, my heart felt like it's going to pop-out. My ears are burning hot because of this guy! Seriously, this is bad. Maliit akong ngumiti saka inabot ang kamay niyang nakalahad. I felt his amrs around my waist habang ang isa naming kamay ay magkahawak sa ere. I can't believe that this day would come. He's so near! "Unahin mo ang kanang paa mo, step-forward." I just nodded silently. Yumuko ako para makita ang paggalaw ng mga paa namin. Saka, para na rin maitago ang hiyang nararamdaman. His hands are so warm. "One. Two. Three." He's counting our steps with his low voice. Paulit-ulit 'yon dahil gano'n lang naman ang pagsasayaw ng isang ball dance. I think. "Sorry." Agad kong sabi ng maapakan ko ang sapatos niya. I received no response. Patuloy pa rin siya sa mahinang pagbibilang. Since, nakayuko pa rin ako sa mga paa namin ay hindi ko makita ang reaksyon niya. Sa loob ng forty-minutes ay gano'n ang paulit-ulit naming ginawa. Hindi ko nga namalayan na inabot kami sa gano'ng oras. Ngayon, nasa gilid na ulit kami. Nagpapahinga. Kahit hindi naman ako tumakbo, nakakahingal pa rin. Pinunasan ko ang butil ng pawis sa noo ko gamit ang likod ng palad. Akala ko madali lang! Nagi-guilty tuloy ako dahil ilang beses ko ring naapakan ang sapatos ni Andrei. Buti nalang at kulay gray ang kulay na suot niya. Atleast, hindi masyadong halata ang dumi. I checked my phone. It's quarter to 2pm. "Tapos na kayo?" Sabi ni Lenard na nakapamuksa habang papalapit sa 'min. "Hindi pa. Ikaw, tapos ng magmukmok?" Bungad na tanong ni Andrei sa kaibigan. Mahina akong natawa. Lenard made some faces to his friend saka ito nginiwian. "Nakalimutan kong magdala ng pagkain." Lenard added while rubbing his stomach. "Wait lang. Last na practice na. I think we can pull it off today." Ngiting sabi ni Andrei. Soft boy. Nangunot naman ang noo ko ng mapagtanto ang huli niyang sinabi. Paano naman mangyayari 'yon e, pahinto-hinto kami dahil naaapakan ko ang paa niya. "Weh? Ang bilis niyo naman. Duga." "Fast-learner kasi si Keith." He then, faced me while smiling. Muli naman akong napaiwas ng tingin at itinago ang nararamdaman na konting kilig. Is it just me, the way he pronounce my name sounds different than my friends calling me. Heh, guni-guni ko lang 'yon. Yes. Senyales 'yan ng pagkahumaling mo sa matangkad na lalaking 'yan. Dre, I am doomed. "Edi ngayon na rin tayo magvivideo?" Tanong pa ni Lenard na nakapameywang na at nakasandal sa mababang pader kung saan ako nakaupo kanina. Nakatayo lang kasi ako ngayon. Kunwaring may tinitignan sa cellphone. "Hindi pa. Ni hindi pa nga kami naka-bihis." "Ah oo nga. Okay. Game na, gusto ko na kumain." Itinaas ni Lenard ang hawak nitong camera at inikot sa paligid. I see, he's our videographer. Pero sino naman kaya ang nag-video ng sayaw naman nila ng partner niya? Well, that's not my problem anymore. "Paano ba muna ang gagawin niyo sa simula?" Dama ko ang pagkainip sa boses ni Lenard. "Magkatabi muna ba kayo at magba-bow, tas sunod na 'yung sayaw?" He added. Napalingon ako kay Andrei. He's biting his lower lip while staring at the floor. Medyo salubong pa ang kilay nito. Right, he's thinking. But I wonder how our dance should start? Wala naman akong kaide-ideya sa mga ganitong bagay. I'm not even a fan of those cartoon princesses who danced with their prince's. Maya-maya, nakita kong ginulo ni Andrei ang sariling buhok. He seems kinda frustrated. "Unahin muna natin 'yung steps. Madali nalang naman idagdag 'yan sa simula." Hmm. Sabagay. "So, you two are gonna start holding each other's hands?" Tanong pa ni Lenard. I heard some english accent in his voice. Sabi na e, siguro may half ang lalaking 'to, o baka naman nanonood ng peppa pig? Eh, I choose the first one. Mas possible talaga. "Okay. Game na." Biglang napatingin sa direksyon ko si Lenard. Nanlaki naman ang mata ko sa gulat. It's like he's waiting for me to do something. What? Saglit lang ang tingin nito at iniangat na muli ang hawak na camera. I saw Andrei walking towards my direction pero hindi ako lumilingon. I know, magpa-practice na. Pero ba't ko naman siya sasalubungin ng tingin? Eh, sa nahihirapan akong tumingin sa kanya ng matagal. Nang huminto siya sa mismong harap ko, saka lang ako tumingin sa kanya. Napakurap-kurap pa 'ko dahil talagang sa muka ko lang siya nakatingin. His lips weren't smiling but his eyes are full of thoughts. Hindi ko naman alam ang gagawin. Pareho lang kaming nakatayo. Im starting to feel awkward again! "Parang nagkita na tayo dati..." Biglang sabi nito. "Ha?" Halos mapaatras ako pero 'di nagawang gumalaw ng dalawa kong paa. His forehead are furrowed, trying to remember something. But in the end, nagkibit-balikat na lamang ito. "Nevermind." Saka niya hinawakan ang kaliwang kamay ko at ipinatong sa braso niya, kasunod ng marahang paghawak niya sa bewang ko at pagsiklop ng mga daliri namin sa kabilang kamay. He's really tall and damn we're so close. Ka-level ng ulo ko ang dibdib niya. Hindi man lang ako umabot sa lagpas ng kanyang balikat ang tangkad ko. "Last na 'to ngayon." Mahina niyang sabi. "P're, ready na ba ang camera?" Habang nakalingon siya kay Lenard, his scent went through my nose. Napalabi ako at pinigilang singhutin ang kanyang amoy. Why, why, I wanna know his perfume. He smells really good, swear. I slightly shook my head to erase the thoughts coming in. "Okay, start." Alright. Time to focus. Hindi na nagbilang si Andrei tulad ng ginagawa niya kanina kaya tahimik akong nagbilang sa isip ko para hindi mawala sa ritmo ang bawat paggalaw ng paa ko. Nagsimula kaming ikutin ang pabilog na gazebo. He, sometimes sway our upper body sideways. May ilang part din ng sayaw kung saan ay iniikot niya ako. Nakakahilo pero hindi naman to the point na matutumba ako. Habang si Lenard na kumukuha ng video sa amin ay tila nakikisayaw din dahil kailangang nakasunod siya sa bawat galaw namin. Paminsan-minsan siyang lumilipat sa likod, harap o gilid man. He looks pretty serious with the video-taking. Andrei told me beforehand that there will be a change on our choreo as we continue practicing. For now, sabi niya ay sundan ko lang siya. Wala naman akong maitatanggi, dahil unang-una sa lahat, performance activity niya ito. And I will be only here because he asked me, and I wanted to help him. "Oh-kay." Huminto kami hanggang ng nakahawak pa rin sa isa't isa. Dahan-dahan akong bumitaw. Si Andrei ay lumapit kay Lenard para tignan ang video namin. Ako naman ay nagdadalawang isip pa na lumapit pero gano'n din ang ginawa. I wanna see how stupid I look. Pinagitnaan namin si Lenard. Tumingkayad ako para makita ng mas maayos ang nasa camera since you all know how tall these bestfriends are. Napangiwi ako habang pinapanood ang sarili. Also, I commend Lenard for a good videography. Full body namin ang nakikita sa video and like what I said, the angle is good. Hindi rin malikot ang pagkakakuha. So, we have no problem when it comes to videography. Tanging ang postura ko lang talaga. Swear. Alam kong pati ang dalawa kong katabi ay pansin 'yon. I'm too stiff for this. The video ended after a minute and seconds. "Da't hindi lang box-steps ang gawin ninyo para hindi masyadong ano..." Lenard seems to be suggesting something but he's out of words kaya napahinga nalang siya ng malalim. Andrei nodded, it's like he understood what he's friend trying to say. "Ayos lang 'yan. Sa susunod na practice nalang. Hindi ko masyado ma-imply ng maayos ang steps namin— wala pa nga 'yung kanta." Andrei. "Ha? 'Kala ko ba mayro'n na?" "Oo kaso nakalimutan ko 'yung title. Si mama nag-suggest nun 'e. Saka old song yata 'yon." "Tanungin mo nalang mamaya. Ano? Tara na, gutom na 'ko." Tahimik akong nakikinig sa kanila when I thought. "Sa bahay ka nalang kumain." I said. Wala rin namang problema 'yon kina tito at tita. "I mean, kina tito." Dagdag ko pa. "Weh?" Parang gusto ko mapairap. Everyone should take note that the most hated thing that I'd ever do is repeating what I just said. Tumango nalang ako and gave him an assuring look na ayos lang talaga na sumama siya pabalik. Tumahimik nalang siya saka isang beses na tumango bago kami nag-umpisang maglakad. "Ano bang mero'n sa kanila?" Rinig kong tanong ni Lenard kay Andrei. Nauuna sila ng dalawang hakbang sa paglalakad. Tahimik lang akong nakasunod. "Birthday." "Kaya naman pala. Madami ba bisita? Ano yun, bata ba ang may birthday?" "Dami mong tanong. Asawa ng kaibigan ni dad ang may birthday." "Ah, tita ni Keith?" Hanggang do'n nalang ang naintindihan kong pinag-uusapan nila dahil napunta na sa kung ano-ano kaya 'di na rin ako nakinig. Nang makarating sa tapat ng bahay ay pinauna ako nang dalawa na makapasok at agad na bumungad ang malakas na iyak ni Asta. Everyone in the living room is trying to calm him down. Hanggang sa mapunta ang tingin nila sa aming tatlo na nasa likod. "Shh. Look, Ate Keith is here..." Lumapit ako sa pwesto ni tita na karga si Asta. Iniwan ko na ang dalawang magkaibigan sa may pintuan. "Asta..." I smiled at the baby. Unti-unti namang humina ang iyak nito saka napalitan ng mahina niyang bungisngis. "Looks like he's fond of his sister." Rinig kong sabi ng mom ni Andrei. Binuhat ko si Asta dahil naging malikot ito sa braso ni tita na parang gustong kumawala. Saka ko lang nilingon ang dalawang lalaki na nasa may pintuan pa din. "Oh, mga iho?" Nakita ko ang biglang pagkataranta ni Lenard kaya siniko siya ni Andrei. Siniko lang siya ng kaibigan bago maglakad palapit sa pwesto ng parents niya. "He's your friend, too?" Nakaupo si tito kaya nakaangat ang tingin niya sa akin. "Opo. Malapit lang dito ang bahay niya." "Ah, mukhang do'n nga kayo galing." "Ay, halika dito. Pasok ka. 'Wag ka mahiya, dali." Nilapitan siya ni Tita Nami at hinila para tuluyang makapasok. Napakamot nalang sa likod ng ulo niya si Lenard. I saw him glaring at Andrei. Nang tignan ko naman ang reaksyon ng isa, pasimple lamang itong bumelat at umiwas ng tingin. "Kumain muna kayong tatlo." Nakita kong pinaupo na niya sa may dining si Lenard pagkatapos ay kumuha ng tatlong plato sa kusina at ipinatong sa mesa. Lumapit na din ako habang karga pa rin si Asta, para masamahan agad ang nahihiya pang si Lenard. Naupo ako sa harap niya. Six seater ang mesa at sa dulo kami ni Lenard nakaupo. Lumapit na din si Andrei at naupo sa kaliwa ko. Nakahain sa gitna ng table ang pasta, ice-cream cake, shanghai, siomai, mga prutas at softdrinks. May ulam din at walang kanin dahil hindi naman mahilig sa rice sila tito. May spaghetti at carbonara naman. Bumalik na si tita sa living area kaya tatlo—kasama si Asta, so apat kaming nasa dining table. Pinauna ko ang dalawa na kumuha ng pagkain. Nang matapos sila ay saka ako kumuha ng tatlong shanghai at grapes. Sinubuan ko din si Asta ng prutas. Nag-umpisa ng kumain si Lenard ng tahimik pero napansin ko ang maya't mayang paglingon ni Andrei sa direksyon ko. I noticed from my peripheral view. Nag-angat ako ng tingin sa kanya saka magsalubong ang tingin namin. Tila nagulat pa ito pero agad ding nangunot ang noo, parang may gustong sabihin. "'Yan lang ang kakainin mo?" He glanced at my plate. Wala naman akong ibang maisagot kundi ang tumango. Also, why would he ask? Saka, okay na 'ko sa shanghai. Hindi naman ako talagang nagugutom pa. Tila sumama ang muka ng katabi ko. "Sabi mo, kaninang umaga ka pa kumain. Hindi ka ba nagutom sa paglalakad?" Mahinahong sabi nito. "Hindi?" I'm not really sure. Nalulula ako sa dami ng pagkain na nasa harap ko kaya hindi ko mawari kung ano ba ang gusto ng tiyan ko. "Alin sa 'yo, carbonara o spaghetti?" He asked me and looks like he's not accepting a decline.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD