Practice

2251 Words
Keith Bigla akong napabangon nang marinig ang paghikbi ni Asta na nakahiga sa tabi ko. Hindi ko napansin na nakatulog pala kaming dalawa. Tinignan ko ang maliit na orasan sa gilid. 1:13 p.m So halos dalawang oras pala kaming nakatulog. Inalis ko ang braso kong nakayakap sa kanya. Buti nalang ay hindi malikot at gaanong iyakin itong baby na 'to. "Shh." Kinarga ko siya at inihele pero nakadilat na siya at parang wala ng balak na matulog ulit. "Ayaw mo na matulog? Wanna go outside?" I poked his nose lightly dahilan para kumurap-kurap ang mata nito and then he made some baby noises. "Yay. So you wanna go out?" Natawa kaming pareho. Man, how I love babies. Habang karga si Asta ay binuksan ko ang pinto ng kwarto saka lumabas. Bumungad sa aming dalawa ang ingay sa sala. Napalakas din ang pagsara ko ng pinto kaya napalingon ang bisita nila tito sa pwesto namin. Una kong napansin si tito na nakatalikod sa pwesto namin at mukang kagagaling lang dito sa kusina para may kunin. Parang biglang tumili si Asta kaya napapikit ako lalo na't nasa may bandang leeg, malapit sa tenga ko pa ang muka niya. There. Lahat ng atensyon nila ay nasa amin na. "Oh ate. Gising na pala kayong dalawa." Inilapag ni tito ang bote ng alak sa table sa sala. Ako naman hindi alam bigla ang gagawin. May bisita sila tito at heto, pinaglalaruan na ni Asta sa kamay niya ang nagulo kong buhok mula sa pagkakahiga. "Gusto mo kumain? Nag-order ako ng pizza. Kuha ka nalang dito." Si tita? Nasaan si tita? Hindi mahanap ng mata ko si tita Nami. Wala siya sa sala, so baka nasa itaas. Hindi ko tinitignan ang mga bisita dahil nahihiya ako. Pero mula sa peripheral vision ko ay mukang mag-asawa ito. 'Yon palang ang napapansin ko dahil nakatagilid ang pwesto nila mula rito sa may kusina. "Nga pala, pre. Pamangkin ko. Keith." Muling lumingon sa direksyon ko si tito saka sinensyasan ako na lumapit. Nagdadalawang isip ako pero sino ba naman ako para tumanggi kaya habang karga si Asta ay agad akong lumapit sa tabi ni tito at naupo. Saktong pag-upo ay napako ang tingin ko sa 'di inaasahang tao. What the hell? Si Andrei! Anong ginagawa niya rito sa bahay nila tito? I can't believe this! "Keith, partner ko pala sa work. Kaklase ko rin 'yan no'ng college. He's an MEP engineer. I taught you about it, right? Mechanical, electrical, and plumbing engineer." Despite of being shocked, I managed to show a smile on the man that tito Ben introduced. Una kong napansin ang pares ng mata nito. I get it. This is Andrei's parents huh. This man's probably taller than tito. Anyway, he's wearing a black polo. Nakatupi ang sleeves nito hanggang sa siko. "Ben." Tumawa ang lalaking nasa harap. "T'was a long introduction." Tumingin ito sa 'kin. "You can just call me tito Andrius, iha." Ngumiti ito kaya gano'n din ang ginawa ko. "And the woman beside me is my wife, Rennei." Inakbayan niya ang ginang na nasa kaliwa nito nakaupo. Nginitian ako nito. Dang, no wonder Andrei is handsome. Just look at his parents. "Keith, right?" Nagulat pa 'ko nang tawagin ako ng mama niya. "Ang ganda mong bata. You can just call me tita." "Thank you po." Nahihiya pa 'kong natawa. Later on, their conversation continued. Nanatili kaming nakaupo ni Asta sa tabi ng kanyang daddy. Ah, this is so awkward. Asta, baby, where's your mom... Tita Nami save me here. Sana biglang sumulpot si tita. Buti nalang din at hindi sa tapat ko nakaupo si Dre dahil talagang hindi ako makakahinga ng maayos. Pasimple ko siyang tinignan and I saw him with his phone. He's wearing a gray t-shirt and shorts. Napalabi ako. Itinuon ko na lamang muna kay Asta ang atensyon dahil baka mapansin ng magulang niya ang pagtingin ko sa anak nila. They seem so nice tho. Saka kahit walang magsabi, halata namang nagmana si Andrei sa daddy niya. Naramdaman ko ang init ng magkabila kong tenga nang maisip na tito at tita ang tawag ko sa magulang niya. Oh why? Seconds later, nasa amin na naman ni Asta ang atensyon nila. Kinuha ni tito Ben si Asta mula sa akin at siya na ang kumarga. Saka ko lang naayos ang naka-bun kong buhok at tshirt ko na nagusot na. "Napakagandang bata, Ben. Aakalain kong anak mo rin si Keith." Natatawang sabi ng mommy ni Andrei. Tita Rennei. "Ah yes, oo. Parang anak ko na rin 'to. Haha! You know what? She could be an architect like me someday! Tinuruan ko magdesign, then after a couple of weeks, parang proffessional na." Tito Ben proudly said. Napaawang ang labi ko sa exageratedness ni tito Ben. Grabe? Hindi ba pwedeng sabihin na marunong lang? I awkwardly smiled at the couple infront of me. Pasensya na po kayo sa tito ko. "That's good! Pero 'wag mo namang madaliin ang bata." He paused for a bit and came out a manly laugh. "Itong si Andrei, I also wanted him to be a engineer in the future but I don't know about the decision of this man, still undecided." Napatingin ako kay Andrei na nakangiti. Sakto ring nagtama ang mata namin. Ofcourse, ako ang unang umiwas. "I might take engineering in college." Kibit-balikat na sagot nito. Napalabi ako dahil sa kakaibang hatid ng kanyang boses sa kalamnan ko. I wish he could speak english everytime! Natawa naman ang matatanda."See? Mukang wala na akong dapat ikabahala." Dagdag naman ng daddy niya. "Iha? Where are you currently studying?" Napaigtad ako nang agawin ni tita Rennei ang aking atensyon. Nakita ko pa ang pagharap ni Andrei sa direksyon ko. "Sa ASA po.." Sa sinagot ko ay tila mas lalong lumiwanag ang muka ng ginang. "Same pala kayo ni Andrei." "Yes, she's my friend ma." Halos manlaki ang mata ko sa sinabi ni Andrei. Naramdaman ko naman ang paglingon sa 'kin ni tito kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. "You never told me you have friends." Bulong nito, hindi ko alam kung nang-aasar ang tingin ni tito sa akin or what. Napayuko na lamang ako sa hiya at pinaglaruan ang daliri sa kamay. "Nice to hear that." Ngingiting sabi ni tita Rennei saka nagpabalik-balik ang tingin sa aming dalawa ng anak niya. Feeling ko parang natatae na ang muka ko rito. Naalala kong mamaya pa ang plano naming magkita sa school kasama si Ragen para sana maumpisahan na ang pagpractice namin ng sayaw, pero parang napaaga naman ata dahil nasa harap ko na si Dre ngayon. "Alrighty, sorry for making you wait." Napalingon ako sa likuran, kung nasaan ang hagdan paakyat at nakita si tita Nami na nakapula ng dress. Well, it's her birthday afterall. "It's okay, Nami. You look good, anyways." Narinig kong sabi ni tita Rennei. "Hon, you don't age at all." Ngiting sabi naman ni tito Ben na inalalayan sa pagbaba si tita habang karga sa isang kamay si baby Asta. What a perfect family. "Ang exagerrated mo talaga!" Nakita kong pabirong hinampas ni tita si tito Ben kaya natawa kaming narito sa sala. "Let's take a picture! Gising na pala kayo. " Nakatingin sa 'kin si tita Nami ngayon kaya nginitian ko nalang ito. Siguradong pakakainin na naman ako nito. Tita's wearing a simple red dress and I noticed the light make-up on her heart-shaped face. Pretty! Lumilitaw talaga ang pagiing haponesa ni tita even though she's half blooded. "Keith, kumain ka! Madami tayong pagkain, tayo lang din naman ang uubos." Birong sabi pa ni tita. "Busog pa 'ko, tita." I said and slightly laughed. "Oh okay. Sige, basta mamaya ha. Kuha ka lang sa mesa." Tumango na lamang ulit ako. Hindi sinasadyang mapadako ang tingin ko kay Andrei. Nang mapansing nakatingin ako ay nginitian niya 'ko. Oh, the awkwardness lessen a bit. Pwede pala 'yon? I just crunched my noce and smiled at him, too. "Anyways, take a picture first. Remembrance." Tito Ben said while preparing the camera on his phone. "Sure, sure." Nakangiti pa rin ang mommy ni Andrei, si tita Rennei. Nasa tabi pa rin niya ang asawa na nagmamasid lang pero may maliit na ngiti sa labi. And as for Andrei na nakasandal lang sa sofa habang hawak ang cellphone sa isang kamay, hindi ko alam kong nabuburyo ba siya or what. "Ako na mag-pic, tito." I volunteered then he handed me his samsung- i don't know the model or what- it just shows in here that it's samsung. Same brand as my phone pero alam kong bago pa ito kesa sa akin na luma na. Well, it doesn't matter anymore. Umatras ako hanggang sa may T.V dahil pa letter 'n' ang pwesto ng sofa. Sila tito at ang bisita-kasama si Dre ay nag-compress kahit na hindi naman na kailangan dahil sa ganda nga ng camera nitong cellphone. So ayon, after a few shots ay ibinalik ko na ang phone kay tito. "Ah sht. Nakalimutan ko! May tripod pala tayo, ano?" Muling napalo ni tita Nami si tito dahil sa unang sinabi. "Hindi nasama sa picture si Keith, hon." Naiwan akong nakatayo sa tabi ng sofa nila tito at gusto sanang magprotesta but my mouth can't even pull out some words. "Oh, oo nga. Isandal nalang natin sa bottle 'yang phone, then i-set ang timer." "Okay, okay." And then, there. "Halika rito, ate. Sama kana sa picture." Tita Nami patted the vacant seat beside her kaya wala akong nagawa kundi maupo at ngumiti sa camera. Wah. Ngayon ay napansin kong magkatapat kami ni Dre ng pwesto! On August 15, I had a first picture with my crush. Or should I say, group photo? Nang matapos sa pagkuha ng mga litrato ay naiwan na naman akong nakaupo at halos yumuko na dahil dapat palang sana ay nagpaalam na akong babalik ng kwarto! I left my phone in that room kaya wala akong pagdidiskitahan. Buti pa si Dre, kahit naman halatang bored ay dala ang kanyang phone kaya may malilibangan. "Keith." Napalingon ako kay tita Nami nang tawagin ako bigla. Mahina lang ang pagkakatawag niya kaya ang usapan ni tito Ben at nang bisita ay tuloy pa rin. "I heard you're friends with that young man." Napakurap ako at hindi alam ang isasagot, saglit pa akong napatingin kay Andrei. Mukang matalas ang pakiramdam niya dahil agad din siyang nag-angat ng tingin. Ibinalik ko kay tita-or kay Asta na karga ni tita ang paningin ko. "Opo.." Hindi ko siguradong sabi. Andrei claimed that we're friends but, I don't want to have some any relationship woth him dahil pagkatapos ng sayaw at practice na ito? I should cut my ties with him. Nakita ko pa ang kakaibang ngiti ni tita saka sinabing. "He looks bored. Igala mo muna siya rito sa subdivision." Magkahalong gulat at pagtutol ang nararamdaman ko sa ngayon. No way. "Sige na. Kahit saglit lang." Parang inginuso pa ni tita ang kaharap ko at binigyan ako ng tinging namimilit. Napalabi ako saka gumalaw sa kinauupuan ko habang nag-iisip kung paano ko ba aayaing lumabas ng bahay si Dre na nakita kong nagtataka na rin. "Hon." "Yes, what?" "Lalabas muna sila Keith." And then tita Nami faced the couple infront of us. " Igagala sana itong si Andrei sa labas? Para naman makapag ikot-ikot muna." "Okay lang sa'min." Agad na sagot ng mom ni Andrei saka ngumiti sa akin. "What?" Tila may sasabihin pa sana si tito but tita Nami shush-ed him. "Hayaan mo na muna ang mga bata. Wala naman silang gagawin dito. Saglit lang 'yan sila." Tito Ben gave me his strict-look saka tinapunan ng tingin si Andrei na nanatili pa ring nakaupo sa harap ko. "Dalhin mo ang phone mo. Tatawag ako." Tumango na lamang ako saka saglit na nag-bow sa magulang ni Andrei para mag-excuse at dumiretso sa kwarto sa kusina. Binitbit ko na ang maliit kong bag. Phone at wallet lang naman ang laman no'n. Pagkatapos ay lumabas na saka sinenyasan si Andrei na lumabas na ng bahay. Tahimik naman siyang tumayo sa sofa at parang may binulong sa dad niya saka tahimik na sumunod sa akin. Bago 'yon ay napansin ko pang sinundan kami ng tingin nila tito. Nakahinga ako ng maluwag nang makalabas sa gate nila. Tito Ben will be a strict dad for sure. Goodluck, Asta. But I can sense that he's just concern. "So, parents mo sila?" Habang naglalakad papunta sa hindi ko rin alam ay biglang nagsalita si Dre. He's walking beside me but maintained a little distance between us. "Tito, at tita. Kapatid ni mama si Tito Ben." Sagot ko na lang kahit na sa pagkakatanda ko ay pinakilala na ako ni tito kanina bilang pamangkin niya. Muling namayani ang katahimikan sa pagitan namin but I don't think there's an awkward feeling anymore. Tahimik akong napahikab sa tabi niya. Mag aalas-dos na ngayon. Buti nalang at hindi maaraw. Marami din kasing punong madadaanan dito tapos tahimik pa kaya masarap sa pakiramdam na maglakad-lakad. "Small world, 'no?" Bigla ulit siyang nagsalita. "Ha?" Automatic na naisagot ko. "Small world." Napatingin ito sa akin saka mahinang natawa. Inilagay nito ang kaliwang kamay sa bulsa ng shorts saka muling ibinalik sa dinadaanan ang tingin. "Oo nga e." Nasabi ko na lang. Nagulat talaga ako nang makita siya kanina. Who would've thought that his father and my tito— were friends. "Alam mo ba kung saan tayo pupunta?" Maya-maya pa'y tanong ulit niya dahilan kaya parang gusto kong huminto sa paglalakad. Hindi ko kabisado ang subdivision na 'to... .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD