bc

Sweetest Dream

book_age0+
932
FOLLOW
3.3K
READ
submissive
maid
comedy
sweet
like
intro-logo
Blurb

Matagal ng pangarap ni Arianna na makita ng malapitan ang iniidolo niyang si Lucas Madrigal. Sa TV at sa mga posters lang kasi niya ito nakikita. Kaya just imagine kung gaano siya kasaya ng mabigyan siya ng pagkakataon na di lang makita ito ng malapitan, titira pa siya kasama nito sa iisang bubong!!!

This indeed was her Sweetest Dream.

chap-preview
Free preview
Chapter One - Hibang
Arianna “Arianna… mahal huwag mo akong iwan.” Umiiyak ako habang tumakbo palayo. May tinig na nagsusumamo sa likuran ko na nagsasabi na huwag akong umalis. Pero kahit labag sa aking kalooban, kailangan naming maghiwalay. Pinipigilan ko ang sarili ko na huwag lingunin ang may-ari ng tinig. Naabutan niya ako at naramdaman ko ang kamay niya sa may balikat ko. “Arianna…” “Lucas…” Unti-unting ipinaling ko ang aking mukha paharap sa kanya. “Anong Lucas?” Iritableng tanong ng taong nakahawak sa balikat ko. Pagdilat ko, mukha ni Maddie ang nakita ko. Roommate ko siya sa boarding house na tinitirhan namin. Tinakpan ko ng unan ang mukha ko. Gusto kong pang matulog uli. “Nananaginip ka na naman noh?” Napalitan ng mapang-inis na tono ang iritasyon sa tinig ni Maddie. “Iyan na nga ang sinasabi ko sa iyo. Walang maidudulot na maganda ang paglalagay mo ng poster ni Lucas sa kisame at sa ibabaw pa mismo ng kama mo. Ayan, gabi-gabi mo tuloy siya napapanaginipan.” Kainis! Si Maddie na lang palagi ang dahilan ng pagkaudlot ng mga panaginip ko. Siya ang number one kontrabida sa love story namin ni Lucas. Talaga namang natataon na kapag ginigising niya ako napuputol ang pagmamahalan namin ni Lucas. “Gumising ka na diyan, hinihintay ka na ni Aling Mameng sa ibaba.” Hinatak niya ang unan na nakatakip sa mukha ko. Tinatamad na tumayo ako at kinuha ko ang tuwalyang nakasabit sa harap ng aking aparador. Bago ako lumabas ng kwarto, tiningala ko muna ang larawan ni Lucas. “Maiwan muna kita mahal ha.” Sabi ko sabay palipad ng flying kiss. “Baliw! Pati poster kinakausap mo.” Tatawa tawang sabi ni Maddie. Inirapan ko lang siya bago ako tuluyang lumabas. Nilakasan ko din ang pagsasara ng pinto para iparamdam sa kanya na hindi ako natuwa sa biro niya. Mainit pa ang ulo ko sa ginawa niyang paggising sa akin. Hindi ba niya alam na sa dinami-dami ng panaginip ko, iyong kanina ang pinaka-espesyal. Ngayon lang nangyari na hinabol ako ni Lucas, binanggit pa ang pangalan ko at nagsumamo pa siya na huwag ko siyang iwan. Kung medyo nahuli lang ng gising sa akin si Maddie, baka sakali na nahalikan ko muna ang mapupulang labi ni Lucas. Haaayyy…. Napasandal ako sa pintuan ng aming kwarto habang nakangiting yakap-yakap ko ang twalyang hawak. Ano kaya ang pakiramdam ng makulong sa bisig ng lalaking pinakamamahal? Siguradong abot hanggang langit ang kaligayahan ko. Pero malabo iyong mangyari dahil imposibleng mag-krus ang landas naming dalawa. Inilibot ko ang tingin sa realidad ko. Nakita ko ang mga nagmamadaling mga estudyante. Ang ilan ay papasok na sa unibersidad na pinapasukan nila samantalang ang ilan ay katulad kong may hawak pang tuwalya. “Ariang, ano pang itinatayo mo riya. Nanaginip ka na naman ba?” Pukaw sa akin ng tinig ni Tiya Mameng. “Ayan na po, maghihilamos lang.” Malungkot kong sagot. Di tulad ng mga kasama kong naninirahan sa boarding house, hindi ako estudyante kundi katulong ng malayo kong kamag-anak na si Tita Mameng. Tumutulong ako sa pag-aasikaso sa labing anim na estudyanteng boarders. Kaya papaanong magiging totoo ang panaginip ko? Mangyayari bang magustuhan ng isang sikat na artista ang isang katulong na kagaya ko?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

One Night with the Bachelor

read
7.1M
bc

Abducted (R-18) (Erotic Island Series #1)

read
553.4K
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
3.0M
bc

The Ex-wife

read
237.2K
bc

Just Another Bitch in Love

read
41.3K
bc

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)

read
590.2K
bc

The Billionaire's Last Heir (Tagalog)

read
333.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook