Walang nakagawang makareact sa mga tao sa stadium sa nasaksihan. Hindi ko lubos maisipan ang nararamdaman ngayon ni August lalo na't nasa harapan niya lamang ang lalaking naging sentro ng atensyon ngayon. Hindi rin nagtagal ay tuluyan ng nawala ang malalaking lilang apoy at bumalik ang mga ito kay Helix. Pare-pareho naming hinanda ang mga sarili namin sa susunod na mangyayari. Bakas na sa mukha ni August na nawalan na ito ng lakas na muling lumaban pa. Hindi ko siya masisisi. Kung ako lang din ang makakita ng ganong gift ay manliliit ako sa sarili ko. Akmang magtataas na ng kamay si August upang sumuko nang unahan ito ni Helix. Tila napaawang ang mga bibig namin sa ginawa nito. Lalo na si August na literal na napanganga sa inakto ng kalaban. Nakangising nagtaas ng kamay si Helix. "Hay

