12 YEARS OLD LEMON'S POV Palihim akong nakasilip sa bintana at pinapanood ang mga batang kasing edad ko na naglalaro. Hindi ko mapigilang mainggit sa kanila. "Hays, kawawa naman ang nag-iisang anak ng pamilyang charlotte noh? Sa kabila ng yaman nila ay walang doktor na nagawang magpagaling sa anak nila." Rinig kong sambit ng katulong sa labas ng kwarto ko. "Hoy! Tigilan mo nga yan! Magagalit sayo si madam kapag narinig ka! Halika na't ipagpatuloy na lang natin ang trabaho." Suway rito ng isa pang katulong. Napasinghap ako sa narinig ko. Nakaramdam nanaman ako ng lungkot at napatingin sa sarili ko sa salamin. Pinanganak akong may malubhang sakit sa balat. Hindi ko magawang lumabas ng bahay dahil sa oras na tumama ang sikat ng araw sa balat ko ay maaring ikamatay ko. Kaya lahat ng bint

