Ismid na lamang ang sinagot ni Law kay Zeldrick. Matapos nilang magtalo ay sa dulo ay nanatili pa rin kaming nanood kay August. Naiintindihan ko ang gustong iparating ni Law. Kung ako rin naman ang tatanungin ay halata ng nahihirapan na si August. Pero hindi ko rin siya kayang pahintuin. Kagaya ng sabi ni Zeldrick ay ginagawa niya ang makakaya niya para sa guild. Sana lang ay matapos na kaagad ang laban na ito at huwag ng tumagal pa. The same as August, halata na ring napapagod na ang taga spiders. Hindi biro ang lakas na ginagamit niya para isummon ang napakalaking familiar niya. "I think its about time to end this, shall we?" Nakangising sambit ng myembro ng Spiders. Napaismid si Zeldrick nang marinig ang sinabi nito at biglang itong sumugod. Mabuti na lang at napigilan siya ni Elr

