Iilan lamang ang mga nanatiling kalmado sa kabila ng paglitaw ng haliwaw ng dagat. Kabilang na roon ang guild's master namin. Katulad ko ay hindi rin gaanong pinapahalata nina Law ang kaba. Kabaliktaran naman namin si Zeldrick na parang tanga at sigaw nang sigaw. "Tangina ang ingay mo!" Naiinis na sambit ni Lemon sa kasama. Hindi tumigil sa pagsigaw si Zeldrick kaya walang nagawa ang mga kasama ko kung hindi takpan na lamang ang mga tenga nila. Muling napunta ang atensyon ko sa field. Hindi maipagkakaila ang takot ngayon ng taga beast. Hindi maitatangging walang wala ang laki ng Megalodon sa Leviathan. Mas lalo na lamang nagpanic ang mga tao nang nagsimulang dumagundong ang halimaw ng dagat. Kahit ang walang paki na si Gin ay biglang naging seryoso ang ekspresyon. "Oi, oi. Seryoso b

