Chapter 11

3216 Words
NAKANGITI at tahimik na pinapanood ni Marie ang reconciliation ni Noah at ng daddy nito.  Habang nasa biyahe sila kanina, ikuwento sa kanya ng boyfriend niya kung bakit bigla nitong ginustong makipagbati sa ama. Noong gabing ipinaalam daw ni Noah sa mama nito ang tungkol sa kanya at sa business proposal ni Jared, nagkaroon daw ng pagkakataon ang mag-inang pag-usapan si Mr. Lafferty. Nalaman dawn i Noah na hindi naman pala ito tuluyang pinabayaan ni Mr. Lafferty noong ipinadala ang boyfriend sa Pilipinas. Ang akala ni Noah, tumigil sa pagsustento si Mr. Lafferty at ang mama nito ang mag-isang nagtaguyod dito at kay Natalie. Iyon pala, tumigil lang sa pagsustento si Mr. Lafferty noong pinagbawalan ito ng mama ni Noah dahil naka-graduate na ang huli. Si Mr. Lafferty rind aw ang bumili ng bahay ng mag-iina. At noong matagal na naospital si Natalie, tumulong din si Mr. Lafferty.  Pagkatapos humingi ng tawad sa isa’t-isa ang mag-ama, pormal na ipinakilala ni Noah si Marie sa daddy nito bilang girlfriend. At mainit namang tinanggap ni Mr. Lafferty si Marie.  Nagsalo sila sa masagana at masayang hapunan pagkatapos.  Nagkakape na sila sa sala nang isang tseke ang iniabot ni Mr. Lafferty kay Noah. Tulong daw nito para sa negosyong bubuksan ni Noah at ni Jared.  “Tanggapin mo na, Kuya. Tinulungan din naman ako ni Daddy noong buksan ko ang Submarine,” panghihikayat ni Martin nang magdalawang–isip si Noah. Tinanggap na lang ni Noah ang tseke.  Umalis din ng gabing iyon si Martin para magpunta sa New York. Habang sina Marie at Noah ay doon na nagpalipas ng gabi. Kinabukasan, isinama naman ni Marie si Noah sa bahay ng parents niya. Tulad ni Mr. Lafferty, mainit din ang pagtanggap ng mga ito kay Noah.  “I thought my daughter was a tomboy,” biro pa ni Mr. Hautesserres.  “Daddy naman, eh,” maktol ni Marie at yumakap sa baywang nito. Pero nagulat siya sa sunod na sinabi ni Noah. “With due respect, Sir, Ma’am, I would like to marry your daughter when the right time comes,” buong tapang nitong sabi.   Nagulat din parents ni Marie. Pero ngumiti ang mga ito at ibinigay ang basbas kay Noah.  Buong araw na nanatili sa LA sina Marie at Noah. Namasyal sila kasama ng parents ni Marie. At pagsapit ng gabi, bumiyahe na sila pabalik sa Portland.  Sa pagkadismaya ni Marie, inilipat ni Noah ang mga gamit nito sa bahay ni Martin. Tinanggap pala nito ang alok ni Martin na tumira sa bahay ng kapatid.  Naibigay na ni Martin ang susi kay Noah bago nagpunta sa New York.  The following days were smooth sailing. Walang araw na hindi sila masaya at halos palagi silang magkasama ni Noah. Pero pagkalipas ng isang buwan, umalis uli  si Noah at iniwan si Marie. Nakatanggap kasi ang lalaki ng long-distance call mula sa mama nito. Nasa ospital daw si Natalie at malubha ang kalagayan.   AWANG-AWANG hinaplos ni Noah ang pisngi ni Natalie. His sister looked pale in her sleep. Hindi maganda ang kondisyon ng kapatid niya. According to her doctor, she needed a heart surgery.  Ang kuwento ng mama nila, tila nagrebelde si Natalie dahil sa pag-alis niya. Ilang concert at matataong lugar ang palihim nitong pinuntahan. Nalaman lang iyon ng mama nila nang ikuwento ng kaklase ni Natalie. Ang nasabing kaklase ang kasama ni Natalie nang mag-collapse ang kapatid niya sa isang mall habang nanonood ng mall show ng paborito nitong artista.  Hindi niya maiwasang ma-guilty ni Noah dahil sa ginawang pag-iwan sa kapatid niya.  Mayamaya, dumilat si Natalie. Agad namasa ang mga mata nito nang makita siya. “Kuya, I’m sorry, hindi ako nakinig sa utos mo,” sabi nito sa mahinang tinig.  “Hey, huwag ka nang umiyak. Maakakasama ‘yan sa ‘yo.” Pinahid niya ang mga luha nito. “Be strong, okay? Nandito kami ni Mama para sa ‘yo.” Tumango si Natalie. Tinitigan siya nito. “Mukha ka nang monster, Kuya.”  Napahawak si Noah sab albas. “Hindi ba bagay sa akin? Ang sabi ni Marie, guwapo pa rin naman daw ako, ah.” Nanlaki ang mga mata ng kapatid niya. “Ang sabi ni Mama, close na raw kayo ni Marie. Totoo ba ‘yon, Kuya?”  “That’s true. In fact, she’s my girlfriend.” “Weh?” “I’m not joking.” Inilabas ni Noah ang cell phone para ipinakita sa kapatid niya para ipakita ang mga video at pictures nila ni Marie.  Ngumiti si Natalie nang maluwang nang makimpirmang totoo ang sinasabi niya. Bigla itong sumigla at sunod-sunod na ang pagtatanong tungkol sa kanila ni Marie. NATUWA si Marie nang dalawin siya ng  parents niya kasama si Mario. Masaya silang namasyal sa mga tourist attraction sa downtown Portland. Pero magiging lubos sana ang kaligayahan niya kung naroon din si Noah. Naintindihan naman niya ang sitwasyon ng boyfriend niya. Dalangin niya ay gumaling na si Natalie at nang mawala na rin ang pag-aalala niya.  “I got a call from Kuya Ferdie last night,” sabi ng mama niya habang kumakain sila ng lunch sa loob ng isang food tent sa Saturday Market. Buong araw na mananatili sa Portland ang pamilya niya, pagkatapos ay magpupunta na ang mga ito sa North Carolina para bisitahin ang isang matalik na kaibigan ng daddy niya.  “Kung makakauwi raw tayo sa Manila, iniimbitahan nila tayong um-attend ng kasal ni Bethany,” sabi ng mama niya. Agad na nakuha ang interes ni Marie. Nagtaas siya ng tingin mula sa cell phone. Hinihintay niyang mag-message sa kanya si Noah. Nag-aalala na siya dahil kahapon pa sila huling nakapag-usap.  “Mag-aasawa na pala si Bethany. Kailan daw ang kasal, ‘Ma?” tanong ni Mario. “Next month. Buntis ang pinsan n’yo kaya magiging madalian ang kasal.”  Hindi maintindihan ni Marie kung bakit siya kinabahan. Ewan niya ngunit bigla siyang kinabahan. “Sino raw ang mapapang-asawa niya, ‘Ma?”  “Hindi ko na maalala ang pangalan, basta computer animator daw ‘yong lalaki at miyembro ng isang banda sa Pilipinas.” Lalong lumakas ang kaba sa dibdib ni Marie. “Ilang months na bang buntis si Bethany, ‘Ma?” kaswal niyang tanong.  “Two months.  I’m not sure.”  Si Noah ba ang tinutukoy ng mama niya? Pero imposible dahil hiwalay na Noah at si Bethany. At nabanggit ni Noah na pinormahan ng kaibigan nitong si Walter si Bethany. Hindi lang malinaw sa kanya kung nagkaroon ba o may relasyon na ang dalawa.   Pero two months ago umuwi si Noah sa Pilipinas. Hindi kaya nagkita ito at si Bethany, nag-usap at posibleng nagkaroon pa ng break up s*x? O posible kayang may relasyon pa rin si Noah sa pinsan niya? Ipinilig ni Marie ang ulo sa huling naisip. Ramdam niya ang pagmamahal sa kanya ni Noah. Hindi tamang husgahan agad niya ang lalaki at mag-isip ng hindi maganda. Dapat muna silang mag-usap.   “Hindi ka ba talaga puwedeng sumama sa amin sa Wilmington, Marie?” pag-iiba ng mama niya sa topic. Umiling si Marie. “May mga gig pa po ako sa Seattle sa mga susunod na araw."   “Okay. We’re not gonna force you. Just finish your food so we can continue  touring around,” sabi ng daddy niya.  Pilit na inubos ni Marie ang pagkain sa plato niya kahit nawalan na siya ng gana. Hindi kasi niya ugaling mag-aksaya ng pagkain, lalo na at dumaan sila sa hirap. Pilit na lang niyang itinuon ang atensiyon sa kanyang pamilya habang namamasyal sila. Pero nang sumapit ang gabi, nang nakahinga na siya sa kama, muli siyang binagabag ng sitwasyon ni Bethany na posible nilang maging problema ni Noah. Dumagdag pa sa alalahanin niya na hindi niya ma-contact sa cell phone si Noah. Offline din ito sa mga social media accounts.  Madaling- araw na nang  nakatulog siya sa wakas. NAGISING si Marie sa pag-iingay ng cell phone. Dali-dali niyang inabot iyon sa bedside table nang ma-realize na ringing tone iyon na in-assigned niya kay Noah. “Hello?”  “Hi, hon. ‘Morning,” Halatang pilit lang na pinasigla ni Noah ang tinig. “I’m sorry ngayon lang ako nakatawag. Naging busy kasi kami ni Mama sa pag-aasikaso kay Natalie. At kagabi naman, alam kong tulog ka na kaya hindi na kita inistorbo,” paliwanag nito. “It’s okay. How are you? How’s Natalie?” Sumandal siya sa sa headboard ng kama. Alas-diyes na ng umaga, ayon sa digital clock sa ibabaw ng bedside table.  Bumuntong-hininga si Noah. “Kapapasok lang sa kanyang sa OR.” Nagkuwento ito sa kalagayan ng kapatid at ng mga consequences sa posibleng magiging resulta ng operasyon.  Ramdam ni Marie sa boses ng boyfriend ang bigat na dinadala nito sa dibdib. Ikinurap-kurap niya ang mga mata upang hindi mapaiyak. Apektado na rin siya sa pinagdaraanan nito.  “Wish you were here.”   Napaderetso ng upo si Marie sa kama. “Do you want me to?” Iyon talaga ang gustong-gusto niyang gawin mula nang umalis ang lalaki.   “Yes. But would you?”  “Yes,” walang gatol niyang sagot kahit alam niyang may mga masasagasaan siyang trabaho at commitments kung aalis siya. But being with someone she loved was more important than any other things anyway.  “Yes, please…” Biglang sumigla ang boses ni Noah.  Pagkatapos niyang mag-usap, agad na nag-empake si Marie. Habang ginagawa iyon, tinawagan niya ang kanyang agent para ipakansela ang trabahong natanguan na nito. Nagalit ito sa umpisa pero sa huli ay naintindihan din siya.    Nang matapos mag-emapake, mabilis na naligo at nag-ayos si Marie. Ilang sandali pa ay palabas na siya ng bahay, hila ang traveling bag. Pero pagbukas ng pinto, napamaang siya sa pagkagulat nang makita ang isang babae na anyong kakatok pa lang sa pinto.  “Hi, you still remember me?” nakangiting tanong ni Sabrina. Nakatayo sa likuran nito si Martin.  Sabrina had changed a lot. Lalo itong gumanda. Hindi pahuhuli ang babae sa naggagandahang modelo at Hollywood actress. Pero ganoon pa rin ang ngiti nito. Ito pa rin si Sabrina na dati niyang best friend.  Naramdaman ni Marie ang pag-iinit ng mga mata. “Of course,” hindi pa ring makapaniwala niyang usal.   Tinawid ni Sabrina ang distansiya sa pagitan nila. Nagyakap sila habang umiiyak. Paulit-ulit na nagso-sorry ang kaibigan sa kanya. Yumakap din si Marie dito nang mahigpit. “Let’s just forget what happened.” Noon niya na-realize kung gaano niya ito na-miss ang kaibigan. Napatingin siya kay Martin na nakangiting nakamasid sa kanilang dalawa. Kung magkasama si Sabrina at si Martin, ang ibig sabihin … Kumalas siya kay Sabrina. “Okay na kayo? Nagkabalikan na kayo?” pagkumpirma niya habang nagpalipat-lipat ng tingin sa dalawa.  “Yes.”  “Yes,” halos magkasabay na sagot nina Martin at Sabrina.  “Oh, congratulations!” Muli niyang niyakap si Sabrina, pagkatapos ay si Martin naman.   “May pupuntahan ka ba?” tanong ni Martin nang makita ang traveling bag niya.  “Nasaan si Kuya?”  Saka lang naalala ni Marie na nagmamadali nga pala siyang makapunta sa Pilipinas. Mabilis niyang ikinuwento ang sitwasyon ni Noah at ni Natalie. Nag-offer si Martin na ihahatid siya sa airport na kinatuwa niya. BUONG pagmamahal na sinuklay-suklay ni Marie ang buhok ni Noah gamit ang kamay habang mahimbing itong natutulog sa kandungan niya.  Nasa loob sila ng hospital room ni Natalie. Base sa malakas na paghilik ng lalaki, halatang ilang araw na itong hindi nakakatulong nang maayos.  Successful ang ginawang heart surgery kay Natalie. Stable na ang kondisyon nito at mahimbing na natutulog sa hospital bed. Hindi pa nga lang sila nakakapag-usap dahil nang magkamalay si Natalie, umuwi muna sila ni Noah sa bahay ng mga ito.  Nakilala na rin ni Marie ang mabait na ina ng magkapatid at nagkasundo kaagad sila. Nang tawagin niyang “Tita” ang mama ni Noah, inutusan siya ng ginang na tawagin itong “Mama” o “Mama Pam”.  Pinauwi na ni Noah ang mama nito pagkatapos mag-rounds ng mga doktor. Gusto sana siyang isama ni Mama Pam para makapagpahinga pa pero tumanggi siya. She wanted to stay with Noah and Natalie.  “Marie?”  Napatingin si Marie ya kay Natalie nang marinig ang boses nito. “Ikaw nga!” gulat na gulat nitong sabi. Nginitian niya si Natalie. “Hi!” Maingat niyang ibinaba ang ulo ni Noah sa sofa at nilapitan ito. “How do you feel?” “I feel better.”  “Good. May gusto ka bang inumin o kainin? I am not sure kung ano’ng puwede sa ‘yo.” “Don’t bother. I’m good. I thought I was dreaming when kuya told me that you’re here in the Philippines and he’s your boyfriend?”  Napangiti si Marie. “It’s true.” “Oh, my God!” Amused na lalo siyang napangiti.  “I can’t believe you’re going to fall as someone as my stubborn kuya.” “Mabait naman ang kuya mo, ah,” pagtatanggol niya sa boyfriend.   “Yes, he’s the best,” sabi ni Natalie. Sabay pa nilang sinulyapan si Noah na noon ay mahimbing pa ring natutulog sa sofa, pagkatapos ay nagkangitian sila. Hinawakan ni Marie ang kamay ni Natalie. “Magpagaling ka, Natalie. Sobrang nag-alala ang kuya at ang mama mo sa ‘yo.”  Tumango ito. “I assume ikaw na rin kasi nandito ka. Can I call you ‘Ate’?”  “Sure. I would love that.”  “Thanks for being here, Ate Marie. Alam mo, marami akong gustong itanong sa ‘yo.” “Gaya ng ano?” “What happened to Slinggirls?”  Kunwari ay nasamid si Marie sa tanong. Pero nagkuwento pa rin siya. NAALIMPUTAN si Marie sa mga boses na nag-uusap. Ilang sandal siyang nadis-orient, bahagyang nagtaka kung nasaan siya. Agad siyang napaupo sa sofa nang makitang may mga tao sa hospital room ni Natalie. Nakapalibot sa kama ang mga kaibigan ni Noah.  “Ang iingay n’yo, nagising tuloy si Marie,” sita ng pinakamatangkad na lalaki na direktang nakaharap sa kanya dahilan upang mapatingin ang lahat sa kanya. She quickly acknowledged the guy, si Mico na keyboardist ng Osmosis at kilalang pinakamakulit sa grupo.  Nagulat si Marie nang makitang naroon din si Bethany. At isa pang babae na natatandaan niyang ‘Nikki’ ang pangalan na girlfriend ni Seth. Nalaman niya ang tungkol doon dahil sa kuwento ni Noah tungkol sa mga kaibigan nito. Mabilis na nakalapit sa tabi niya si Noah. Tinanggal ng lalaki ang jacket na ikinumot nito sa kanya at tinulungan siyang tumayo. “I didn’t know you’re here in the Philippines. Walang nabanggit si Daddy,” sabi ni Bethany nang lumalapit sa kanya. Napatingin si Marie sa tiyan nito at nakumpirmang buntis nga ang pinsan niya. “He didn’t know.”  “Ah,” sabi ni Bethany at bumeso sa kanya.  Inakbayan siya ni Noah at inalalayan palapit sa kama. “Hon, mga friends ko.” Isa-isa siyang ipinakilala ni Noah sa mga ito.  Nakipag-shake hands si Marie sa mga lalaki at nagbeso naman sila ni Nikki.Pagkatapos ay nagpaalam siya at nagpunta sa banyo. Nahiya siya nang makita ang sarili sa salamin. Wala naman siyang panis na laway at hindi rin oily ang mukha. Pero sobrang gulo ng buhok niya.  Naghilamos siya at nag-ayos. Pero parang ayaw na niyang lumabas ng banyo. Biglang sumama ang pakiramdam niya. Gusto niyang mapaiyak nang maalala ang kondisyon ni Bethany.  Napapitlag si Marie nang may kumatok.  “Hon, are you okay in there?” tanong ni Noah sa labas ng pinto. It was the second time he called her “hon.” At nasisiguro niyang narinig iyon ni Bethany at ng mga kaibigan nito.  Patunay lamang na wala siyang dapat ipag-alala. “Hon?” muli nitong tawag habang kumakatok.  “Yes. Lalabas na ako.” Lumabas na siya ng banyo. “Are you okay?” nakakunot - noong tanong ni Noah.  Pilit siyang ngumiti. “Yes, I’m okay.”  “You’ve slept for five hours. You must be hungry.” “Five hours?” nagulat niyang sambit.  “Yes. Gutom na rin ako. May alam akong masarap na restaurant na malapit lang dito.”  PINIGILAN ni Marie si Noah nang pipihitin na nito ang ignation ng kotse. Nagtatakang tumingin ito sa kanya. “Noah…” Ayaw na niyang mag-isip o mag-conclude ng kung ano-ano. Gusto niyang malinawan ang lahat tungkol sa ipinagbubuntis ni Bethany at kung anong patutunguhan ng relasyon nila. “A-anong ginagawa ni Bethany sa ospital? Ang sabi mo, hindi naman sila naging close ni Natalie noong kayo pa.”  “It happened kasi na magkasama sila ni Walter noong tumawag si Seth at magyayang dumalaw kay Natalie kaya sumama na rin si Bethany. Ibinigay na rin nila sa akin ang wedding invitation para sa kasal nila. Huwag muna tayong bumalik sa Portland, ha? Um-attend muna tayo ng kasal nila next month.” Wedding invitation? Kasal? “Wait, ikakasal sina Walter at Bethany? As in, sila na?” naguguluhan niyang tanong.  “Yes. ‘Di ba nga, inaway ko pa si Walter dahil ang akala ko, tinraidor  niya ako. Buntis si Bethany kaya mapapadali ang kasal nila.” “And you’re not the father?”  “Of course not.” Relieved na napabuntong-hininga si Marie.    “What was that for?” tanong ni Noah, natigilan. “Wait a minute. Don’t tell me you were thinking that I am the father of Bethany’s child.”  Nahihiya siyang tumango.   “Ahh. Marie, hindi ako ang ama ng ipinagbubuntis niya.” “Yes, I believe you,” nagi-guity niyang sabi.  “Do you think I’d cheat on you?”  Naitakip ni Marie ang mga kamay sa mukha sa pagkapahiya. Natatawang hinila siya ni Noah palapit dito at niyakap. Hinalikan nito ang ulo niya.  “I’m sorry,” sabi niya at ipinulupot ang mga braso sa baywang nito. “You’re forgiven,” sabi ni Noah at matagal siyang hinalikan sa mga labi. Pagkatapos ay seryoso siyang tinitigan ng lalaki. “What?” Nababasa niya ang mukha ni Noah na may gusto itong sabihin pero nag-alangan lang. “W-will you marry me?”  Hindi nakapagsalita si Marie sa pagkabigla. Kumalas si Noah sa kanya at may dinukot sa bulsa ng suot na jacket. Isang kahita. Binuksan nito ang kahita at tumambad sa kanya ang isang singsing. “Will you say ‘yes’ to me this time? I promise, hindi tayo mauuwi sa divorce. We are going to make our marriage work no matter what happens.”  Pagkatapos niyang halos mapraning sa kakaisip sa puwede itong mawala sa kanya, magagawa pa ba niyang tumanggi?  “Yes!” naiiyak niyang sagot.  Parang nakahinga nang maluwag si Noah. Agad nitong isinuot sa daliri niya ang singsing.  Ipinulupot ni Marie ang mga braso sa leeg nito.  And they sealed their engagement with a kiss.                                                                                                                                     *** Wakas ***                                                                                                                            PEACH SEVILLA
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD